You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Laguna

ICT LITERACY TRAINING FOR TEACHERS

BANGHAY ARALIN SA PAGPAPAKITANG TURO NG FILIPINO 5

I. LAYUNIN
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
kasalungat.

II. A. PAKSANG – ARALIN


Pagbibigay kahulugan sa mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
kasalungat.

B. SANGGUNIAN
K 12 CGF5PT-Ih-i-1.5

C. KAGAMITAN
Laptop at projector

III. PAMAMARAAN
1. Balik – aral
Pagwawasto ng takdang –aralin.
2. Pagsasanay
Ayusin ang jumbled letter sa pamamagitan ng kahulugan ng mga
sumusunod na salita.
I P I L
-Pinagmulan ng lahi

I K G N I K -Kulot ang buhok

A G U L A B

-Isang uri ng lahi

3. Mga Gawain
A. Paggaganyak
Sino sa inyo dito ang nanirahan sa malayong lugar? Nasubukan
nyo na bang ikumpara ang inyong sarili sa iba? Sa paanong paraan?

B. Paglalahad
Basahin natin ng tahimik ang kwentong “Ang Unang Tao”.

Bago pa dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan


sinasabing may naninirahan nang iba’t ibang lipi ng mga katutubo rito. Ito
ay ang mga Ita, Baluga, Negrito at ang mga Dumagat. Maiitim, kingki ang
buhok, sarat ang ilong, makapal ang labi at pandak. Karaniwan sa kanila
ay sa kagubatang malapit sa dagat at ilog naninirahan. Wala silang
palagiang tirahan. Nagpapauli-uli lamang sila sa paghahanap ng pagkain
Ngayon, sila ay naninirahan sa isang pamayanan. Nakadamit na
sila. Ang mga babae ay nakapalda at blusa at ang mga lalaki ay mga
nakasuot ng dyaket. May naninirahan sa kanila sa Quezon, Rizal,
Laguna, Bulacan, Tarlac, Bataan at Zambales.

C. Pagtatalakay
Itanong: Sino ang unang tao? Ano ang kanilang mga katangian?
Saan sila naninirahahan? Paano sila kumakain? Saan sila
naninirahan sa ngayon? Kabilang ka ba sa kanila? Bakit? Paano mo
ipapakita ang pagmamahal sa iyong sarili?

D. Pagpapayamang Gawain
Sabihin: Piliin ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
1. Mga unang tao ang mga Negrito.
a. huling c. isang
b. limang d. ninuno

2. Watak - watak ang katutubong tribo.


a. Sabay sabay c. Hiwa-hiwalay
b. Sama-sama d. Bigkis-bigkis

3. Pandak ang mga ito.


a. Maliit c. Matangkad
b. Mataba d. Mabilog

4. Malapit sa dagat at ilog ang tirahan.


a. Malayo c. Malalim
b. Mataas d. Di-kalayuan

5. Nagpapauli-uli sa paligid-ligid ang mga kawal.


a. Nagpipirmi c. Nagpapalapit
b. Nagpapalayo d. Nagpapabalik-balik

E. Paglalahat
Itanong: Ano ang kahulugan ng kasalungat na salita? Ano ang
maitutulong nito sa atin?

Inaasahang sagot: Ang kasalungat na salita ay nangangahulugang naiiba


o kabaligtaran ang kahulugan ng salita. Ito ay isang paraan ng
pagpapaunlad ng talasalitaan.

F. Paglalapat
Sabihin: Punan ng wastong kasalungat at kasingkahulugan ang
talahanayang ito.

Mga salita Kasalungat Kahulugan


1. mahirap
2. mataas
3. malinis
4. maalinsangan
5. maligaya

IV. PAGTATAYA
Sabihin: Isagawa ang Isulat Mo.

V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng 5 salitang magkasalungat at ibigay ang kahulugan nito.

Prepared by:

SHIELA T. DE LUMBAN
Teacher I – Concepcion ES
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Laguna

BANGHAY ARALIN
SA PAGPAPAKITANG TURO
NG FILIPINO 5

ICT LITERACY
TRAINING FOR TEACHERS
(DEMO TEACHING)

May 30 – June 1, 2016


Asia blooms Hotel
Sta. Cruz, Laguna

Prepared by:

SHIELA T. DE LUMBAN
Teacher I
Concepcion ES
Lumban - Kalayaan District

You might also like