You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO
SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED SCHOOL
SAN JOSE, CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA

PANIMULA AT PANGWAKAS NA PAGTATAYA SA FILIPINO 10 2022-2023


Pangalan: ______________________________________________________ Marka: __________________________
Baitang at Seksyon: ______________________________________________ Petsa: ___________________________

Patakakot pa rin ang maraming Pilipino sa kabila nang mayroong bakunang naibibigay ay patuloy pa rin ang pagtaas ng
bangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng pinakamalapit na sagot sa sagutang
papel.

________1. Ang Paro-paro kapag umaaligid-ligid ay pinaniniwalaan ng mga matatanda na dumalaw ang isang mahal
sa buhay na yumao na. Anong kayarian ng salita ang nakasalungguhit?
A. Payak B.Maylapi C.Inuulit D. Tambalan

________2. Nilang ng mga kaso ng Covid. Anong gamit ng pandiwa ang natakakot?
A. Aksyon B. Karanasan C. Pangyayari D. Pawata

________3. Ang butil ng kape ng ito’y mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ang
karagdagang sangkap na nakapagpatingkad dito. Piliin ang pinakamahusay na kahulugan nito.
A. Ang kape ay maitim at mapait pero pweding sumarap kapag may asukal at krema.
B. Parang ang tao, ang mga kabutihang nagagawa sa iba ay nakakapagpapasaya talaga.
C. Ang butil ng kape ay mahirap na tunawin sa hindi kumukulong tubig, dapat ito ay mainit.
D. Ang katumbas ng kape ay ang kabutihan at ang tubig ang kasamaan, kaya dapat mapamaraan tayo.

_______4. Sa nangyayari sa kasalukuyan, mainam na maging mapagmasid, magkaroon ng disiplina sa sarili,


sumusunod sa Protocol, umiwas sa maraming tao. Ito ang panawagang ginagawa ng pamahalaan para sa
kaligtasan ng lahat.Alin sa mga salita ang magkasingkahulugan?
A. mainam- disiplina B.protocol – umiwas
C. magmasid- pagmasdan D. pamahalaan- kaligtasan

______5. Napagtagumpayan lahat ni Psyche ang mga mahihirap na pagsubok na ibinigay ni Venus. Hiniling ni Cupid
kay Jupiter na pormal ng ikasal ang dalawa. Anong elemento ng teksto ang mga nakasalungguhit?
A. Kaisipan B. Pangyayari C. Tagpuan D. Tauhan

______6. “O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kwintas sa iyo ay imitasyon lamang, puwit ng
baso” Mula sa pahayag, ano ang kaisipang nakapaloob dito?
A. May panlalait sa nagsasalita dahi imitasyon lamang ang kwintas.
B. Naawa ang nagsasalita dahil ang ipinahiram ay peke lamang at pinalitan ng totoo.
C. May halong awa at inis dahil sa panghihiram ng kwintas, kaya isang peke lamang ang ibinigay.
D. May kayabangan ang nagsasalita dahil sa mahirap lang ang kaibigan kaya imitasyon lamang ang ipinahiram.

_____7. Sinundan ni Psyche ang asawa, bago tuluyang lumipad ay winika nito na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig
kung walang tiwala”. Ano ang ibig ipakahulugan nito?
A. Maaring umibig muna at saka na isunod ang tiwala
B. Magtiwala muna at doon mo mararamdaman ang pag-ibig
C. Kaakibat ng pag-ibig ang tiwala sa taong iyong minamahal.
D. Lagi mong sabihing nagtitiwala ka para maniwalang tapat ang pag-ibig mo.

_____8. Sa pahayag ni Pysche na siya ay “isang hamak lamang at hindi tumupad sa kanyang pangako”. Anong
personal na karanasan ang nakikita ninyo sa sitwasyon?
A. Hindi naging matapat sa Diyos
B. Hindi naging matapat sa pamilya
C. Hindi naging matapat sa biyenan.
D. Hindi naging matapat sa asawa.

Page 1 of 6
______9. “Walang aliping maaring maglingkod ng sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kamumuhian niya ang
isa at ibibigin ang pangalawa, paglilingkuran ng tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa” (Luke 16:13) Ano ang
mahusay na interpretasyon o paliwanag sa berso?
A. Maging tapat sa trabaho at sa amo
B. Iisa ang itatanging Diyos at wala ng iba.
C. Maging matapat sa isang amo lamang at iwasan ang dalawa sila.
D. Kahit dalawa ang maging panginoon, maging tapat ng sabay sa kanila.

_______11. Pagsunod-sunorin batay sa tindi o antas ng kahulugan, tukuyin ang pinakatamang sagot.
A. hapis- lumbay-lungkot-pighati B. pighati-lungkot-lumbay – hapis
C. lumbay- lungkot- hapis- pighati D. lungkot – lumbay- pighati- hapis

_______12. Nabakunahan na ang maraming bilang ng mga Pilipino subalit marami pa rin naman ang hindi. Nasa
anong pokus ng pandiwa ang nabakunahan?
A. Tagaganap B. Layon C. Tagatanggap D. Ganapan

_______13. Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La
Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani paniwalang katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng
dalaga. (Ang Kuba ng Notre Dame) Ano ang katotohanan ukol kay Quasimodo sa likod nang nakita?
A. Ang wagas na pag-ibig ni Quasimodo kay La Esmeralda hanggang kamatayan.
B. Mahusay na sepulturero ang tagapaghukay ng mga libingan dahil natuklasan niya ito.
C. Ang ilibing ng buhay ang sarili na kayakap at sabay na mamatay sa malalim na hukay.
D. Sa matagal na panahon, ang mga labi ay wala nang matitira kundi mga buto o kalansay nalang.

______14. Sa New Normal na tinatawag, wala sa loob ng silid-aralan ang guro at mga mag-aaral. May Messenger,
Google Meet, Zoom, MS Teams at iba pa na naging kapalit sa birtwal na pagtatalakayan. Ano ang pangkalahatang
tawag dito?
A. Laptop B. Cellphone C. Platform D. Computer

______15. Sa pagbuo ng isang salita o collocation sa salitang “Pagsasalin at Karanasan”, alin ang pinaka akmang
gamitin?
A. Salinranas B. Salinkaranasan C. Ranasalin D. DanasSalin
_______16. Sa kabila ng pandemya, ang mga guro ay nakikiisa para sa Brigada Pagbasa_____naghahanda ang marami.
_______ bibigyang tuon ang Pagbasa Kit at __________ay kung paano ito ipapaabot sa mga mag-aaral. Alin sa mga
talaan ng mga panandang pangdiskurso ang dapat ilagay sa bawat patlang?
A. unang- pagkatapos- lahat B. kaya- unang – pagkatapos
C. saka- unang- upang D. habang- lahat- saka

______17. “Ako ang pumutol ng punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nagpapatay kay Humbaba
at ngayon, tignan mo kung anong nangyari sa akin” – Enkido. Ano ang katangiang at sitwasyon mayroon ang tauhan?
A. Isang malakas at makapangyarihang mandirigma.
B. Isang maimpluwensya at may kakayahang maging pinuno.
C. Isang magiting at malakas na tao subalit nagkaroon na hangganan ang kakayahan.
D. Isang may malakas na kakayahan subalit ginupo ng isang karamdamang sumukat sa hangganan ng kayang magawa.

______18. “Dell, itabi muna natin ang ating mga aguinaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang na gamitin agad
ngayon. Ang relos ay ipinagbili ko para mabili ko ng mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne”
(Aguinaldo ng mga Mago) Anong kasiningan ng akda ang sumasalamin sa pahayag?
A. Kailangan nang kumain dahil tapos na ang pagpapalitan ng regalo.
B. Hindi nagustuhan ng bawat isa ang regalo kaya kailangang itabi muna.
C. Tuloy ang buhay kahit sa kabila ng mga kalungkutan at mga pagsubok sa buhay.
D. Mahalaga ang may palaging karne sa bahay para sa oras na gusto mo, madali nalang ang makapagluto.

______19. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi, maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya
magagapi” sa pahayag na ito, anong pananaw ang lutang?
A. Feminismo B. Humanismo C. Realismo D. Romantesismo

______20. “Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito, kung alam mo kung gaano ka kalakas, muntik ka ng
magdulot ng kapahamakan sa aming lahat” – Utgaro- Loki. Anong katangian mayroon ang nagsasalita?
A. Mayabang dahil siya ang pinuno ng pangkat.
B. Hindi nagpapatalo at malaki ang tiwala sa kakayahan niya.
C. May katatagan sa pagpapahayag sa kabila ng may pangambang nararamdaman.
D. Matapat na tao, matapang at hindi na magbibigay pa ng pagkakataon sa iba para mamuno.

Page 2 of 6
_____21. “Medyo nahuli nga po ako ng paghahain ng almusal kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon” (mula sa
Ako’y Pitong Taong Gulang) Suriin kung anong pandaigdigang suliranin ang sitwasyon.
A. Child Abuse B. Child Bullying C. Child Labor D. Child Prostitution

(bahagi ng Romeo at Juliet)


Butikaryo: Mayroon nga akong lason, ngunit parusa ng Mantua’y kamatayan sa magbili na pangahas.
Romeo: ang mundo’t ang batas ay hindi mo kaibigan; walang batas sa mundo’y sa iyo magpapayaman.
Huwag mamalagi sa hirap, labagin ang batas, kunin mo iyan.

_____22. Suriin ang diyalogo, ano ang taglay sa binasang usapan?


A. May dalawang karakter na simpleng nag-uusap
B. May kasiningan ang akda dahil sa mga piling pananalita
C. Makaluma ang diyalogo at hindi na magandang basahin
D. Nasa orihinal na pyesa dahil ito ay isang isinaling teksto lamang.

______23. Kung ikaw si Romeo sa dialogo, anong Panghalip ang pweding gamitin sa butikaryo?
A. Ako B. Ikaw C. Siya D. Sila

Ang Aking Pag- ibig


Iniibig kita nang buong taimtim
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
________24. Mula sa binasa sa itaas, suriin ang tula batay sa elemento nito.
A. 1 saknong, 4 na taludtod, may tugma B. 1 ang taludtod, 1 saknong, may tugma
C. 4 na saknong, may sukat may tugma D. 4 na taludtod may sukat may tugma

____25. Ayon sa pagkakagamit sa tula, Ang dulo ng hindi maubos-isipin ay matalinghaga, ano ang ibig
ipakahulugan nito?
A. Sa dulo ng walang hanggan
B. Sa walang katiyakang hangganan
C. Sa hangganan ng pag-iisip na hindi na masaklaw nito.
D. Sa sobrang pag-iisip na aabot hanggang a kadulu-duloan.

_______26. Ang isang taong intelektuwal ay hindi basta napapasunod o nagpapahinahod sa pananaw ng iba. Ano
ang ibig sabihin ng intelektuwal?
A. matalino B.madiskarte C. maraming talento D. mahusay mag-isip

_____27. Nakahulagpos si Liongo sa tanikala, nakatakas at nagsanay nang mabuti, maraming napanalong laban
subalit muling nakulong at muling nakatakas. Nakapag-asawa at nagkaanak ngunit nagtraydor ang anak at pinatay
siya. Anong kilos at gawi mayroon si Liongo?
A. Isang may determinasyon at dedikasyon.
B. Isang taong ayaw isuko ang laban dahil naghihiganti
C. Likas sa pagkatao ang maging tagapagtanggol at nais maging hari.
D. Isang tunay na mandirigma at hindi napapasuko ng mga kalaban.

____28. Tukuyin ang pinakamalapit na hinuha kung bakit ginawa ng anak ni Liongo ang bagay na hindi dapat sa
kanyang ama?
A. Sinubukan lamang na karayom lang ang kamatayan ng isang mandirigma
B. May nag-utos sa kanya na gawin iyon at ito ang mga kalaban ng kanyang ama.
C. Naging interesado siya na maging pinuno at palitan ang ama sa pagiging lider.
D. Hindi sinasadya na napatay ang ama, pero nagustuhan narin sa huli dahil siya na ang hari

_____29. Tutukan ang mga pasaway na kabataang patuloy na lumalabas kahit hindi pa bakunado. Batay Sa ginamit na
panlaping –an, ano ang isasagawa?
A. Babantayan B. Kakasuhan C. Dadamputin D. Tatakutin

“...ibig ko po sanang malaman kung maaari ang kunin nalang niya ay isang maikli-ikling kurso upang makatapos
agad, maari po ba?” (ama)
“Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong Akasya, gugugol kayo ng puu-puong taon, subalit ang

Page 3 of 6
kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapag halaman kayo ng isang kalabasa” (Punungguro)

_____30. Ano ang paksa ng nabasang usapan?


A. Ang Akasya B. Ang kalabasa C. Ang kurso D. Ang pag-aaral

_____31. Ano ang motibo o intensyon ng awtor sa pahayag na ito?


A. Maaaring magtanim ng Aksaya habang nag-aaral.
B. Mas mainam na itanim ang kalabasa dahil madaling tumubo at mamunga.
C. Ang pag-aaral ay paglalaan nang mahabang panahon para sa isang tiyak na bukas.
D. Nasa sa tao kung matagal o kakaunti lamang ang ilaan na panahon sa pag-aaral na katulad ng Akasya at Kalabasa.

Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab


At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay
_____32. Batay sa matatalinghagang pahayag ng saknong, suriin ang tugmang paglalarawan sa sanggol.
A. may taglay na kakaibang kakayahan ang sanggol
B. isinilang na may matang nag-aapoy na parang diyos
C. ibang klaseng nilalang dahil may pagkatao at may pagka-diyos
D.ipinaglihi kina Zeus at Aphrodite kaya maraming handog na yaman sa kanya.

____33. (Ang Alaga) Ang pagreretiro ni Kibuka ay isang malaking pagbabago sa kanyang buhay at sa iniwang
trabaho. Batay sa mga pandaigdigang pangyayari sa lipunan anong realidad sa bagay na ito?
A. Lahat ay aabot sa edad na kailangang iwan ang trabaho at mayroong kapalit na gaganap.
B. Ang pag-aalaga ng mga hayop pagkatapos magretiro ay isa sa mga dapat gawin kagaya ni Kibuka.
C. Mawawala o hihina na ang impluwensiya ng isang taong wala na sa posisyon o hindi na nagtatrabaho.
D. Maaring magbigay ng tulong o payo sa mga bagong nakaupo sa dating trabaho kahit hindi humihingi ng payo.

_____34. Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya’t hinirang ng kanyang unang asawang si Sassouma Berete ang
sariling anak na si Dankaran Touma na tagapamuno ng trono ng ama. (Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali) Ano ang
sinasabi ng batas?
A. Ang legal o unang pamilya ang may karapatan sa naiwan ng asawa.
B. May pantay na karapatan ang lahat ng mga anak ng namayapang ama.
C. Ang panganay na anak na lalaki ang higit na may karapatan sa lahat ng mana.
D. Pagpapasiya ng buong pamilya ang masusunod kung sino ang higit na mamumuno.

______35. Mula sa mga salita/ahensiya na nakatala, piliin ang may mas malapit na pagkakaugnayan sa isa’t isa.
A. ECQ- MECQ-GCQ B. IATF- WHO-DepEd C. DSWD-DOLE-OWWA D. RHU- DOH-DENR

____36. Ang sanaysay ay pagsasalaysay ng mga taong sanay. Anong genre ang kahalintulad nito?
A. Editoryal at Talumpati B. Kwento at Mitolohiya C. Tula at Dula D. Epiko at Nobela
______37. Tula: saknong Dula: _________
A. bahagi B. banghay C. kabanata D. dialogo

______38. Si Okonkwo na isang matapang at respetadong mandirigma at pinuno. Siya ay nagkitil ng sariling buhay
dahil sa kasalanang kanyang nagawa. Batay sa pagsusuri, paano masasabing ito ay isang teoryang Humanismo?
A. Dahil bilang isang indibidwal o tauhan si Okonkwo.
B. Bilang tao, siya ang responsible sa kanyang mga kilos o gawi
C. Nauugnay sa katayuan at posisyon niya kung paano siya kumilos
D. Bilang pinuno at nagkasala dapat na ipakita ang karakter niya bilang tao

EL FILIBUSTERISMO
_____39. Sa pagsulat ni Jose P. Rizal ng El Filibusterismo noong 1890 sa London at natapos noong Marso 29, 1891, isa
sa mga nakatala ang hindi naging layunin ng may akda. Alin sa mga ito?
A. Upang mamulat ang mga kababayan nating Pilipino sa mga kaapihang ginagawa noon ng mga Kastila.
B. Upang magising ang puso at diwa sa mga maling ginagawa ng mga Espanyol.
C. Upan ihandog sa tatlong paring martir sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora
D. Makahanap nang maraming tutulong na magbibigay ng pinansyal na suporta para mapalimbag niya ang aklat.

_____40. Masasabing ang kundisyon ng panahon ng isulat ang akda ay


A. Maraming rebolusyunaryong Pilipino ang handang lumaban.
B. Pinasok na ng mga Americano ang bansa kaya nakalabas si Jose Rizal.

Page 4 of 6
C. Mahigpit ang Pamahalaang Kastila sa bawat galaw ng mga kumakalaban sa kanilang pamamahala.
D. Dumami ang mga nagpaabot ng suportang pinansyal para mabilis na mapalimbag ang El Filibusterismo.

______41. Mula sa pinaglibingan kay Sisa at kung saan itinago ni Elias ang mga kayamanan ni Crisostomo Ibarra,
dalawang nilalang ang muling nagkita., Saan ang tagpuang at sino sila?
A. Lawa- Simoun at Crispin B. Simbahan – Simoun at Padre Damaso
C. Kagubatan- Simoun at Basilio D. Beateryo – Simoun at Maria Clara

______42. Si Simoun ay naging panauhin nina Kabesang Tales sa kanilang tahanan, nagpalipas ng gabi ang mag-
aalahas, kapansin pansin ang sadyang pag-iwan ng baril ni Simoun sa lantad na lugar Anong motibo mayroon siya?
A. Para ipakita kay kabesang Tales na may baril siya.
B. Takutin si Kabesang tales na huwag mag-iisip ng laban sa kanya.
C. Silawin sa armas ang Kabesa at gamitin para maghimagsik laban sa kaaway.
D. Hindi naman totoo ang baril kaya inilagay lamang sa lantad na lugar at madaling makita.

A. Ang mga online masses, mga pagpapaabot ng mensahe sa FB/ Messenger, pagiging bukas- palad,
pagbibigay pag-asa sa kapwa, positibong pananaw maging ang paggabay sa para hindi malihis ng
landas.

B. Isang kulturang nasa tatak na ng mga Pilipino, paggunita sa mga mahal sa buhay, pagdarasal o
pagbababang luksa ay kaakibat nito.

C. Maraming mga nawalan ng trabaho dahil sa pagkasara ng kumpanya, sinuong ang panganib sa kabila ng
banta ng Covid, walang magawa dahil kailangang buhayin ang sarili at pamilya.

D. Maraming kapos sa kabuhayan lalo na sa pinansyal, nangangailangan ng maipantutustos para sa


pamilya. Lockdown dahil sa pandemya.

Piliin ang mga makatotohanang pangyayari sa ngayon na nauugnay sa mga naganap sa akda. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
______43. Si Basilio ay biktima ng isang mga pangyayari, naglagalag, nagtagumpay subalit napilitang ipaglaban
ang sarili dahil sa hindi patas at di makatuwiran.

______44. Tinanggap ni Padre Florentino ang kaawa-awang si Simoun, pinayuhan at inilapit sa Panginoon, dahil
nagduda ang binata kung mayroon nga bang Diyos?

_____45. Pilit na ipinakikilala ni Padre Florentino kay Simoun ang kabutihan at kadakilaan ng Diyos.Anong teorya
ang nasasalamin ditto?
A. Eksistensyalismo B. Naturalismo C. Realismo D. Romantesismo

Suriin kung sinong tauhan ang tinutukoy at bigyan ng kaugnayan ang pahayag batay sa nararamdaman. Piliin ang
sagot sa loob ng saknong at isulat sa patlang ang mga sagot.
_____46. (A. Basilio, B. Placido Penitente). Isang binatang labis ang hinanakit sa mga profesor at ayaw ng mag-aral,
nagtangkang magpatulong sa isang mangangalakal para makapunta sa Hongkong. (A. pagkayamot, B. pagkapoot)
_________

_____47. (A. Simoun, B. Isagani) Tinawag ding Kardenal Moreno at Eminencia Negra, naging mayaman at
makapangyarihan subalit ang lahat ng kanyang kalakasan ay napalitan ng kahinaan at winakasan ang sariling buhay.
(A. pagkatakot, B. interes) ______

_____48. “Ang isang pamahalaang malupit ay magkakaroon ng mamamayang mailap, dungo sa bayan ngunit
mga kilabot na tulisan”. Bakit nangyari ito sa ating kasaysayan?
A. dahil sa naging karanasan ng mga Pilipino sa mananakop.
B. dahil sa naging mapang-abusong mananakop at taksil na Pilipino.
C. dahil sa uso ang tulisan noon kaya pinagmalupitan nila ang pamahalaan.
D. dahil sa mailap ang mga mamamayan kaya sila ay nagtulisan at namundok.

____49. “Hindi ba ninyo alam na ang buhay na hindi inuukol sa isang dakilang layunin ay isang buhay na walang
kabuluhan”. (SIMOUN) Tukuyin ang ibig ipahiwatig nito.
A. Ang mabuhay para sa sarili lamang.
B. Ang pag-aalay ng buhay para sa iba at sa bayan ay isang kadakilaan.

Page 5 of 6
C. Ang mamatay para sa sarili at sa mga mahal sa buhay ay isang kabayanihan.
D. Ang ialay ang buhay sa mga taong pinagkakautangan ng loob ay ugaling may pagkadakila.

_____50. Labis na ipinauunawa ni Padre Florentino kay Simoun ang dakilang pagmamahal ng Diyos, ang napakaraming
tanong at pagdududa sa puso at isip ng binata, sinikap na masagot lahat ng pari ang kanyang mga tanong hanggang sa
huling hininga ng binata. Ano ang implikasyon nito?
A Bago namatay si Simoun, naipaabot ang katotohanan na may Dakilang Diyos.
B. Sa kakapilit ni Padre Florentino ay hindi pa rin matanggap ni Simoun na may Diyos kaya siya naglason.
C. Binulag na si Simoun ng kanyang mga karanasan at maling paniniwala kaya nagkoroon na siya ng pagdududa kung
mayroon ngang Diyos.
D. Gusto man ni Padre Florentino na sagipin si Simoun sa kamatayan dahil hiniling na niyang mabuhay kaya lamang ay
huli na ang lahat dahil siya ay namatay.

Inihanda ni: Iniwasto at Sinuri ni: Binigyang Pansin ni:

REA P. BINGCANG LIZA P. DAVID MARY JANE P. MALLARI


Filipino Teacher Master Teacher I Principal I

Page 6 of 6

You might also like