You are on page 1of 37

GAWAIN 1: Tingnan ang larawan sa p.

129 sa inyong batayang aklat o


ang larawang ito at sagutin ang mga tanong.
SITWASYON 1
Mula noong munting bata ka pa lang
hanggang sa kasalukuyan ay marami
ka nang nakasalamuhang
nakatatanda. Alin-alin sa mga asal,
katangian, o pinagkakaabalahan ng
mga nakatatanda ang sa tingin mo’y
walang kabuluhan kaya’t ipinagtataka
mo kung bakit patuloy nila itong
ginagawa? Isulat sa linya ang iyong
sagot.
SITWASYON 2

Kapag ikaw na ang tumandang


katulad nila, alin sa mga bagay na
isinulat mo ang pipilitin mong
huwag mangyari sa iyo at bakit?

_____________________________
_____________________________
_____________________________
ANG
MUNTING
PRINSIPE
ALAM MO BA?  Ito ay sang nobela na isinulat ng
isang pilotong si Antoine de Saint-
Exupery
 Itinuturing itong pinakatanyag na
nobelang nasusulat sa wikang
Pranses dahil sa dami ng salin nito sa
iba’t ibang wika – mahigit 250 wika
at humigit-kumulang na may 2
milyong kopya ng aklat ang
naipagbibili taon-taon at umabot na
sa humigit-kumulang 140 milyong
kopya ang naipagbili sa buong
mundo.
Ano ang inspirasyon ni
Antoine de Saint-Exupery?
 Ang kanyang sariling karanasan
nang bumagsak ang eroplanong
sinakyan nila ng kanyang co-pilot na
si Andre Prevot sa disyerto ng
SAHARA.
Sinasabing “ANG MUNTING PRINSIPE” ay isang aklat pambatang
isinulat para sa matatanda. Makikita ito sa maraming
pagkakataong ipinamukha ng akda ang kahungkagan o
masasabing kahangalan ng mga nakatatanda.
Tulad ng laging sinasabi ng munting
prinsipe, hindi niya nauunawaan ang
mga nakatatanda, hindi rin tiyak na
mauunawaan ng isang bata ang
pag-aabala ng matatanda sa mga bagay
na sa mata ng isang bata ay wala
namang katuturan
A. PAGLINANG

Gawain1: Talasalitaan
Panuto: Kilalanin ang antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag ng mga salitang nakasulat nang madiin sa
pamamagitan ng pagki-klino. Isulat sa kahon ang bilang 1 sa pinakamababaw at ang bilang 3 sa
pinakamatinding kahulugan.

____ wawasaking tirahan


____ tutuklaping pintura
____ sisiraing bintana

____ napadpad kung saan-saan


____ napunta sa tindahan
____ napadaan sa kapitbahay
 

PAGBASA AT PAG-UNAWA SA NOBELA


pp. 133 -140
Nobela
– akdang-buhay o kathambuhay. Isang
mahabang kuwentong piksyon na
binubuo ng iba’t ibang kabanata.
3 PANGUNAHING TAUHAN SA
NOBELA
1) Ang munting prinsipe - ang bida ng ating kwento, nagmula

sa ibang planeta
2) Ang Piloto - ang tagapagsalaysay sa kwento

3) Ang Alamid - ang nagturo sa prinsipe ng


napakamahalagang bagay.
Iba pang Tauhan

 Ang bulaklak sa disyerto


 Ang Rosas
 Ang Hari
 Ang Hambog
 Ang Lasenggo
 Ang Mangangalakal
 Ang Tagasindi ng ilaw
 Ang Heograpo
 Ang Ahas
TAGPUAN O PANAHON

Planeta B-612 o 325


Sa Disyerto ng Sahara
Sa iba't ibang planeta
NILALAMAN O
BALANGKAS NG NOBELA
SIMULA

 Bumagsak ang eroplano ng isang piloto sa disyerto ng sahara. Habang


pinag iisipan niya kung pano niya ito aayusin at kung saan siya
makakahanap ng makakain at maiinom ay dumating naman ang munting
prinsipe nagpaguhit ito sakanya ng isang tupa at pagkatapos ng ilang ulit
ay nagustuhan na ng munting prinsipe ang isang kahong may ilang butas at
paliwanag ay nasa loob ang tupa.
PAPATAAS NA PANGYAYARI

 Naaksidente ang piloto sa sinasakyan niyang eroplano, tapos


nakilala niya ang munting prinsipe. Habang inaayos yung
eroplano niya, nagkuwento ang prinsipe tungkol sa mga lugar na
pupuntahan at mga natutunan, niya sinabi niya rin ang
pagmamahal niya sa rosas at kung bakit siya umalis sa kanyang
planeta.
KASUKDULAN

Nang naamo na ng munting prinsipe ang alamid


nalaman nito ang tunay na mahalagang bagay sa
buhay
PABABANG AKSYON

 Naghanap ng balon ang piloto at ang munting prinsipe. Nang makita nila ito,
halata sa pananalita ng prinsipe ang pananabik na makabalik sa planeta nila
upang makita ang rosas
 Yun yung eksaktong araw na nakarating siya sa planetang daigdig.
 At nakipag usap siya sa ahas para siya ay makabalik na sa kanyang planet
WAKAS

 Dumating ang eksaktong araw kung kailan nakarating ang munting prinsipe sa
planetang daigdig. Tinuklaw ng ahas ang munting prinsipe at nakabalik na sa
kanyang planeta. Ikinalungkot ng piloto ang pagalis ng munting prinsipe.

 Sapagdaan ng panahon, ang pangungulila ng piloto ay napupunan ng


pagtingin niya sa mga bituin sa langit kung saan naalala niya ang kanyang
kaibigan ang munting prinsipe
Gawain 2: Pagbasa at Pag-unawa
Panuto: Basahin mo nang may pag-unawa ang akdang “Ang Munting Prinsipe” na nasa pahina 133 – 140.
Pagkatapos, punan ang graphic organizer na nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

A n g M un tin g P rin sipe

PANAHON

MGA TAUHAN
Mga Tanong:
1. Paano nagtagpo at naging magkaibigan ang pilotong tagapagsalaysay at ang
munting prinsipe?

2. Alin sa mga sinabi ng alamid sa munting prinsipe ang labis na tumimo rin sa
iyong isipan at damdamin?

3. Paano naipaliwanag ng alamid sa munting prinsipe ang pagiging espesyal ng


kanyang rosas sa kabila ng napakaraming katulad na rosas sa daigdig? Paano
mo maiuugnay ang sinabing ito ng alamid tungkol sa rosas sa relasyon mo sa
ibang taong minamahal mo?

4. Sa paanong paraan nakabalik ang munting prinsipe sa kanyang planeta? Sa


paanong paraan din siya inaalala ng kaibigan niyang piloto?
SULATTIN
NATIN
Gawain 3: Pagsulat ng Journal
Panuto: Sagutin ang tanong sa Journal na nasa pahina 113.
( Pamantayan: Konsepto - 2, Gramar – 2; Kalinsan – 1, Kabuuan = 5 )

JOURNAL BLG. 6 PETSA: _____________ PUNTOS: _______

Bakit sinasabing ang pinakamahalaganag bagay ay hindi nakikita ng mga mata, sa


halip, puso lamang ang makadarama. Naniniwala ka ba rito? Maglahad ng ilang
patunay.
SAGUTIN
NATIN
Gawain 4
Panuto: Sagutin ang pahina 144 sa bahaging SAGUTIN NATIN, C na kung saan ayusin ang wastong
pagkakasunod –sunod ng mga pangyayari sa nobelang ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang
1 – 8 sa patlang na inilaan.

*Lagyan mo muna ng letra nula A hanggang H ang bawat pahayag saka ayusin ito.

Ang aking sagot: ________ A ________ C. ________ E ________ G


________ B ________ D ________ F ________ H
Gawain 5 :
Pag-uugnay ng Paksa sa Teoryang
Humanismo
Gawain 5 : Pag-uugnay sa Teoryang Humanismo
Panuto: Basahin ang maikling tala kaugnay ng pananaw Humanismo sa pahina 145. Punan ang mga kahon sa
ibaba upang maipakita ang kaugnayan ng pananaw na ito sa binasang buod at kabanata ng nobela.

Ang Munting Prinsipe sa Pananaw Humanismo

Ano-anong mga
katangian ng
munting prinsipe
ang nagpapahalaga
sa katotohanan?
a. Sa sandaling pakikiraan ng munting prinsipe sa Daigdig,
nag-iwan siya ng mahahalagang bakas na nagsasabing ang
buhay niya ay naging makabuluhan. Maglahad ng tatlong (3)
ilang mahahalagang panununtunan sa buhay na natutuhan
mo mula sa nobelang, “Ang Munting Prinsipe.”

b. Tulad ng prinsipe, paano mo magagawang makabuluhan ang


buhay mo para kahit wala ka na’y maalala ka ng mga tao nang
may kaukulang paggalang at pagmamahal?
Layunin ng may-akda

“Narito ang lihim ko. Napakasimple nito sa pamamgitan ng puso


makakakitang mabuti. Hindi kita ng mata ang pinakapuso ng mga
bagay.” –Alamid

Ipinaalam sa mga mambabasa mas lalo na sa mga mas nakatatanda na


ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi nahahawakan o
nakikita kundi nararamdaman ng puso.
A. PAGPAPALALIM

Gawain 1
Panuto: Basahin muli ang kaisipan na nasa loob ng kahon at pagninilayan ang kahulugan nito.
Pagkatapos, sagutin ang tanong.

“Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata


sapagkat ang tunay na halaga, puso lamang ang nakadarama.”

1. Ano-anong mahahalagang bagay sa iyong buhay ang tinutukoy ng


manunulat na tanging puso lamang ang makakikita? Bakit mo nasabing puso
lamang ang makakikita?

2. Ano ang mangyayari sa mundo kapag ito ang maging panuntunan ng


bawat isa sa buhay?
SUMATIBONG PAGTATAYA O EBALWASYON
Gumuhit ng isang bagay na maaaring magsisimbolo sa iyong pagkatao na hindi malilimutan ng mga
taong nakakakilala sa iyo. Ipaliwanag sa hindi bababa sa limang ( 5) pangungusap ang simbolong
ginuhit.

PAMANTAYAN SA PAGGUHIT

Mga Pamantayan Puntos


Simbolong Naiguhit (Angkop ang bagay na iginuhit sa katangian ng tauhan.)
Konsepto (Angkop ang paglalahad ng nilalaman sa konsepto na iginuhit.)
Kalinisan at Kaakit-akit (Malinis ang pagkakaguhit at kaakit-akit tingnan.)

Kabuoang Puntos

5 – Napakahusay 3 – Katamtaman 1 – Sadyang Di mahusay


4 – Mahusay 2 – Di-gaanong Mahusay
Pangalan: ______________________________________ Baitang/Pangkat: ________ Puntos: ______

Simbolo ng Buhay Ko

You might also like