Fili 12 Pg3 Miki Macasinag

You might also like

You are on page 1of 1

Mike Kjell T.

Macasinag

11- Miki

Pormatibong Gawain 3

Nagbukas ang istorya sa pamamagitan ng pag alala ng narrator tungkol sa kabataan nya. Mahilig

syang gumuhit noon, ngunit, hindi gaanong naiintindihan ng mga matatanda ang obra nya. Ayon sa

kanila, ilaan nalang daw nya ang kanyang oras sa academika. Makalipas ang mga panahon, ito’y sinunod

ng narrator at sya ay nagging isang piloto. Dahil sa isang kapus-palad na pangyayari, ang eroplano ng

narrator ay bumagsak sa Sahara Desert. Habang inaayos nya ang kanyang eroplano, may batang biglang

nagpakita sa kanya at nagpaguhit ng isang kambing. Nalaman ng narrator na ang “munting prinsepe” na

ito ay nanggaling pa sa planetang B612.

Ayon sa munting prinsepe, ang pinakamahalagang bagay sakanya ay ang kanyang Rosas ngunit, ito’y

kanyang iniwan dahil sa kasalawahan nito. Bago pa nya marating ang planetang Earth, ang muting

prinsepe ay bumisita ng ibat-ibang planeta at nakasalubong ng mga kakaibang tao na may kakaibang mga

personalidad: isang hari, arognateng lalake, isang lasinggero, tagapag-sindi ng ilaw, isang masungit na

negosyante, at isang heograpo. Habang nasa planetang Earth, ang munting prinsepe ay nakasalamuha rin

ng isang soro na nagbigay sakanya ng mga pang-habangbuhay na mga aral.

Napamahal ang narrator sa napaka misteryosong bata na ito. Sya ay namangha sa kakaibang buhay

nito. Habang naglalakbay sila upang magnahap ng maiinom, napansin nya na ang munting prinsepe ay

may kausap na ahas tungkol sa kamandag nito. Pinaplano ng munting prinsepe makita nya muli ang

kanyang Rosas nguti ito’y ikinalulungkot ng narrator. Kinabukasan, di na nakita ng narrator ang munting

prinsepe at sya ay umaasa na ito’y babalik pa. Palaging pinapaalalahanan ng narrator ang kanyang mga

tagapagbasa na pagsabihan sya kung makita man nila ang munting prinsipe.

You might also like