You are on page 1of 1

Isang lalaki ang nangarap na maging isang sikat na pintor.

Subalit ito ay napalitan ng isang pangarap sa


kadahilanang pinatigil siyang gumuhit at pinagsabihang magtuon na lamang sa Heograpiya, Matematika,
kasaysayan at wika. Siya ay naging isang piloto ng sasakyang panghimpapawid . Nasira ang kanyang
sasakyan sa isang disyerto sa Sahara. Sa kanyang pagkukumpuni ng eroplano, kanyang nakita ang isang
batang lalaki at may suot na prinsipe. Isang bata na naligaw sa gitna ng disyerto. Marami itong

naikwento tungkol sa kanyang buhay, sa planetang kanyang tinitirahan, at sa planetang siya lamang ang
nakatira . Maliit lamang ito. Halos maiikot mo lamang ng isang minuto. Naikwento rin niya ang iba’t
ibang taong kanyang nakasalamuha nang siya’y maglakbay. Iba’t iba ang mga ito: may pag-uugaling kung
minsan ay masama o mabuti, may pag-uugaling nakasanayan nang gawin, ang iba ay seryoso
,nakakalungkot at

nakawiwili. Naransan rin niyang mainggit sa ibang taong kanyang nakakasalamuha. Hanggang isang araw
na pag bisita sa isang planetang kakaiba sa kanya at sa iba pang planeta. Natagpuan niya dito ang isang
Heograpo. Isang Heograpo ngunit kakaiba ang gawain . Tinuro sa kanya ang kagandahan ng buhay at
paligid. Sa kanilang paglalakbay, napag-isipan ng piloto na bumalik sa eroplano at ayusin ito. Habang
nakaupo ang prinsipe sa ibabaw ng nakatayong pader, may isang ahas ang dumating. Kinakaibigan niya
ito subalit bigla itong tinuklaw. Sa kagustuhan man ng

piloto na iligtas ang kaibigang prinsipe, hindi naging madali ito. Namatay ang prinsipe subalit itinatak ng
piloto sa kanyang puso’t isipan na nagkaroon siya ng kaibigan na naging isang tagapagpayo at
maaalalahanin na nariyan lang at nakaalalay sa kanya kahit kailan.

You might also like