You are on page 1of 2

Wattpad fever

Isa ka ba sa mga kabataang naadik sa sikat na aplikasyon na wattpad? Kinain ka na din ba ng sistema?
Kung oo. Naku!swak na swak ang lathalaing ito para sayo.

Bangag. Lutang. Puyat. Maya't maya'y ngingiti o di kaya'y tatawa. Minsa'y nananapak pag kinikilig na.
Nakakarelate ka ba? Congrats! Dahil certified wattpader ka.

Sa bilyon bilyong tao dito sa mundo, mangilan ngilan na lamang ang hindi kinain ng sistema nang
wattpad. Halos lahat ng mga kabataan lalo na sa mga kababaihan ay nahumaling sa taglay na karisma ng
aplikasyon na ito. Napakahirap naman kasing tigilan, tila ba itong isang droga na nakakaadik talaga.
Ngayon, bata bata, bakit ka nga ba nagbabasa?

"dito ako sumasaya"

"nakakalimutan ko ang aking mga problema"

"natatakasan ko ang malupit na realidad"

Ilan lamang ito sa kanilang naging kasagutan. Mga bagay na nagbigay at nakapaglahad ng kanilang mga
hinaing at mga damdamin.

But wait, there's more. Alam niyo ba na ng dahil sa wattpad ay tumataas ang standards ng mga
kababaihan para sa lalaking kanilang mapupusuan.

Ilan lamang ito sa kadalasang hanap nila;


Ang ibang babae ngayon ay mas gusto yung mga badboy a.k.a. 'jeydon lopez' style. Gusto nila na
magkaroon ng jowa na handang magbago at magpakatino para sa kanila.

Sunod naman na hanap ng mga kababaihan ngayon ay yung mga maginoo a.k.a 'ginoong juanito alfonso.'
ginoo na handa kang igalang at susuungin ang lahat masunod ka lamang.

Di rin naman papahuli yung mga medyo mahiyain at may kamaisan a.k.a 'Kudos Pereseo'. Hindi daw siya
para sa kanya at di rin naman daw para sa iba kasi siya si Kudos pereseo (para sayo).

At syempre ang pinakanatitipuhan ng mga babae ngayon ay yung medyo bad boy na SSC president a.k.a
'Supremo ace craige'. Gwapo na, matalino pa at syempre may pagkabadboy din ang datingan kaya swak
na swak talaga sa taste ng kababaihan.

Ang ganda talaga ng wattpad sapagka't pwede ka nitong dalhin sa isang isang lugar na makulay,
romantiko, siyentipiko, punong puno ng mahika at pwede din namang kababalaghan.

Ngunit, dapat mong tandaan na magkaiba ang wattpad sa mundong iyong ginagalawan. Wag na wag
kang mahuhumaling at magpapadala sa mga bida ng mga istoryang nabasa mo dahil bibihira lang ang
ganon dito sa mundo.

You might also like