You are on page 1of 8

"Pagbabago"

Naalala ko pa nung mga kabataan

ko, na ang kasiyahan ng aking

mundo ay di masukat dahil sa

laki ng ngiti sa labi ko. Pero

nung pinasok ko ang mundo ng

pag-ibig na siyang akala kong

magpupuno sa pagkukulang ko?

Doon ko napag tanto na mas

masakit pala ang pusong

nasugatan kesa sa tuhod na

nagasgasan.

Teka lng muna, mukhang hindi ata

angkop sa tema. Ibahin natin ang

istorya. Ibahin natin ang tula.

Ang pyesang ito ay di usaping

pag-ibig na nagpapatungkol sa

kairog ko, kay kay mahal, ano

pa? Bam, Moo. Kundi usaping

pagbabago sa panahong ito.

Napapansin mo ba sa kapaligiran,

lalo na sa mga kabataan. Mga

kabataang tila di na larawan ng


bayang kaunlaran. Lumipas ang

panahon di na tulad noon ang

kabataan ngayon. Iba na, ibang

iba na talaga. Tila ba bagong

dimensyon ang bawat pumapasok na

taon. Nag bago na sila, at

magbabago pa ang mga susunod na

henerasyon.

Malaki ang pinagkaiba ng

kabataan ngayon. Tulad sa

kasuotan na tradisyunal na ating

kinagisnan noon, sa kababaihan

ay mga mahahabang saya dahil ang

mga dalagang pilipina noon ay

likas na konserbatibo. Hindi

tulad sa panahon ngayon na

sumusunod lang sa kung ano ang

nauuso.

Malaki ang pinagkaiba ng

kabataan ngayon. Noon hindi

kami, pero parang kami. Ngayon

kami nga, pero parang hindi

kami. Noon umiiyak ka dahil wala


kang laruan, ngayon umiiyak ka

dahil ikaw ang pinaglaruan.

Noon hihintayin ang kabilugan ng

buwan bago mag pakasal, ngayon

hihintayin pang bumilog ang

tiyan bago mag pakasal.

Noon ang

mga kabataan ay masunurin,

magalang at maka-diyos at walang

bisyo. Ngayon di na nga magalang

nagawa pang manloko at

pinagsasabay pa ang tatlo.

Ang kabataan ngayon ay parang

isang wikang saliksik na siyang

mapagbago, nagbibigay bago, at

nag papabago. Binago ang

sistemang nakasanayan mula sa

sistemang nanggaling pa sa ibang

bayan. Binago na sa kung ano ang

nauuso matawag lang ang sarili

na "millenial ako".

Marahil ay taliwas sa kaalaman


ng mga kabataan ang totong

pinag-mulan, ng iilang salitang

kanilang kinagisnan. Yung

tipong, ang "Apir" ay "Up here"

pala. Ang "Sirit" ay sa "Share-

it" pala nagmula. At maging ang

"Shota" ay pina-igsing "Short-

taym" lang pala. Kaya yung mga

mag-shotang yan, di mag tatagal

yan.

Marahil itong mga bagong

kabataan ay hindi na natuturuan,

na sila, Oo, sila ang pag-asa ng

bayan. Ngayon, sila? Puro gadget

nalang. Wala ka ng maririnig na

nag tataguan, tumbang preso, at

luksong tinik sa lansangan. Ano

na ang kanilang paalam sa

kanilang mga magulang? "Nay,

Tay, punta muna ako sa

internetan".

Paano sila matututo? Na

saliksikin ang nakatagong


nasyonalismo at patriotismo sa

kani-kanilang mga puso? Paano

nila kakalingain, ang wikang

sariling atin? Paano nila

mamahalin ang bayang natakpan na

ng dilim? Paano na? Asan na ang

kabataan na ating pag-asa?

Kaya nga, may makaluma at may

makabago. Mga pag-iisip na

pabago-bago. Sa panahong ito na

ang lahat ay moderno. Paanong

ang wika at ang tao ay

magtatagpo? Asan na ang

matalinhagang pananalita ng mga

pilipino? Napalitan na ba ng

jejemon at Conyo?

Mga wikang ating ginagamit,

wikang sinasambit. Mga wikang

nagbabago lang saglit. Parang

siya, di mo alam ang dahilan

pero bigla nalang nagagalit.

Ito'y dapat mag mulat, sapagkat

ito'y wikang nangungusap. Wikang


nag tuturo, sa akin at sa iyo.

Sa kung ano ang tama, ang

angkop, at ang totoo.

Kaya ikaw, Oo, ikaw na miyembro

ng panibagong kabataan sa

panahong ito. Isang pindot mo

lang maibibigay na ang gusto mo,

mahahanap mo na ang hinahanap

mo, at makukuha mo na ang kung

ano man ang kailangan mo.

Paglipas ng panahon at pagtakbo

ng oras, di mo namalayang ang

teknolohiyang kinokontrol mo ang

siya nang komokontrol sayo.

Hindi na nakakapagtaka na

maraming kabataan maagang

nakikita ang pintuan ni

kamatayan, humihithit ng poot ng

katapusan, lumalagok ng

mapapait na paalam, at pinupusta

ang buhay na hiram.

Itigil mo na, itigil mo na ang


kasinungalingang sumasakop sa

isip mo, itigil mo na ang

pagkukunwaring umaanib sa puso

mo. Itigil mo na, tigilan mo na,

hinto na, tama na, itama mo na

ang mga bagay na akala mo siyang

humuhubog sa pagkakilanlan mo.

Patawarin mo, maawa ka, tulungan

mo, bumangon ka sa sistemang

kinain ka na.

Gumising ka, imulat ang mga

mata. Bumangon ka at ilakad ang

mga paa sa daan tungo sa buong

pagkatao mo. Mahalin, yakapin,

damhin at ipagmalaki kung saan

ka nanggaling. Itaguyod ang

wikang sariling atin, iwagayway

ang bandera saan man makarating.

Magkaisa, mag-samasama, para sa

iisang hangarin.

Tumayo ka mula sa iyong

kinahimlayan. Sisidin sa ilalim

ang iyong pagkakilanlan. Lipadin


sa hangin ang iyong pinagmulan.

Dahil ikaw ay may tungkuling

dapat gampanan. Pag-asa ka ng

Bayan.

You might also like