You are on page 1of 9

Kumusta?

Nagustuhan mo ba ang kuwentong tinalakay natin noong nakaraang araw?


Marami ka pang malalamang genre ng patinikan sa mga susunod nating pagsasama.
Ngayon naman pag-aaralan mo ang tungkol sa wika na nauugnay pa rin doon sa
kuwentong pinag-aralan mo?
Handa ka na ba?
Sige ihanda mo ang iyong sarili at mga kagamitan para sa araling ito.
Tara simulan na natin!

MGA PANG-UGNAY AT TRANSITIONAL


DEVICES

Inaasahang matamo:
1. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na pang-ugnay.

1
Puntos na tanong
1.Bakit mahalagang pag-aralan mo ang tungkol sa pang-ugnay at transitional
devices?
2. Gaano kahalaga ang paggamit ng pang-ugnay at transitional devices sa pagsulat o
paglikha ng maikling kuwento?

Ano ang pangatnig at transitional devices

• ginagamit sa pag-uugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan


nito, napagsusunnod-sunod nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento
ayon sa tamang gamit nito.

• Pangatnig- tawag sa mga salitang ng-uugnay sa dalawang salita, parirala at


sugnay.

• Transitional devices- tawag naman sa mga kataga na nag-uugnay sa


pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

Halimbawa:
Dalawang salita:
Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay ginawa ng pamahalaan.
Parirala:
Ang pag-aalaga ng hayop at pagtatanim ng gulay ay nakatutulong sa
paghahanapbuhay.
Sugnay:
Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang patnubay nito.

2
Mga Pangatnig:
1. Pantuwang- pinag-uugnay ang magkasinghalaga o magkapantay ang kaisipan.
Halimbawa:
saka, pati, at

1. Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng patawad ay


patatandaan ng pagsisisi nito.
2. Si Cleofe ay masunurin at mapagmahal na anak.

2. Pamukod- may ibig itangi, pamimili, sa dalawa o ilang bagay at kaisipan.


Halimbawa:
o, ni , maging

1. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.


2. Siya maging ikaw ay pwedeng magkamali kung hindi kayo sumunod sa mga payo
sa inyo.

3. Paninsay- kung sa tambalang pangungusap ang ikalawa ay sinasalungat ng una.


Halimbawa:
datapuwat,subalit, ngunit,samantala, kahit

1. Nanalo paring Reyna si Maria datapwat may mga kaibigang


bomoto sa kalaban niya.
2. Umiyak nang umiyak ang anak ngunit hindi na maibabalik subalit naniniwala
siyang hindi pa huli ng lahat.

4. Panubali- nagsasaad ito ng pag-aalinlangan.


Halimbawa:
kung, kapag, pag sakali, sana

1. Walang kasalanang di mapapatawad ng Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.

3
2. Hindi nangyari ito sa iyo kapag nakinig ka lamang sa iyong magulang.

5. Pananhi- nagsasaad ng kadahilanan at pangangatuwiran.


Halimbawa:
kaya, dahil sa, sapagkat, palibhasa,manyari

1. Siya ay napahamak sapagkat hindi siya nakinig sa kanyang ina.


2. Hindi tayo matutuloy sa pamamasyal kapag hindi pa tayo ligtas sa COVID.

Mga transitional devices


1. Panlinaw- nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
samakatuwid, kaya,gayunpaman,kung gayon

1. Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak kaya naniniwala silang tanda na ito
ng kanyang pagbabago.
2. Nagkaayos ang mag-ina tungkol sa nangyari sa kaniya, kung gayon pwede na
niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

2. Panapos- nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita.


Halimbawa;
upang, sa lahat ng ito, sa wakas,at sa bagay ba ito

1. Makukuha ko na rin sa wakas ang muling pagtitiwala sa akin ng aking mga


magulang.
2.Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa at makipagtulungan upang malabanan ang
sakit na COVID.

4
PAGSASANAY
A. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang
pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.Lubusan niyang ikinalungkot ang pagkawala ng kanyang mahal sa buhay(kaya, sa


lahat ng ito,) hindi niya lubos maisip kung paano niya haharapin ito.

2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y nakaraos sa buhay subalit, hindi pa rin
maipagkakaila ang lungkot na nararamdaman niya.

3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat pa rin niyang
ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral para maabot ang kanyang pangarap.
4. Napakarami na niyang napagtagumapayang problema (kaya, sa lahat ng ito) hindi
na siya natatakot sa muling makibaka.
5. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral (kung gayon, kaya)
mapilpilitan siyang magtrabaho para buhayin ang kanyang magiging anak.
6. Mahilig siyang magbasa ng aklat (at ,sapagkat) magsulat ng maiking kuwento.
7. Hindi tayo matutuloy sa pamamasyal sa Baguio ( kung, dahil sa) hindi pa tayo
ligtas sa COVID.
8. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo (samantala, kasi) inaaksaya mo lang
ang perang ibinibigay sa iyo.
9. (Sapagkat, ngunit) mahiyain siya, hindi siya sumasagot sa tanong ng guro.
10. Inaantok ka pa (kasi, ngunit) hatinggabi ka na natulog kagabi.

5
B. Punan ng angkop na pangatnig at transitional devices ang mg patlang
upang mabuo ang kaisipan ng kuwento. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

KRUS

Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Bert na mag-ensayo ng diving para
sa isang tryout bilang paghahanda sa SEA Games.________nga mayaman sunod ang
kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya. ________ kakulangan ng oras sa umaga
dulot ng
Paglalakwatya, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam niyang
kahit hindi siya mag-ensayo, atatanggap pa rin siya_________ matalik na kaibigan ng
kanyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagos siya sa buong araw na
pag-aaral_______ pursigido siyang dapat mapanalunan ang kampeonato.

Patay ang lahat ng ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang
ay ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan.
_________habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas ng
tatlumpong talampakan, dahah-dahan niyang itinaas ang kaniyang dalawang
kamay,________
Umayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon_______biglang nag-
brown-out. Ang sinag na lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging
tumatanglaw sa kaniya. _________ na lamang ang kanyang pagkabigla nang
kaniyang Makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa
kinatatayuang spring board at umusal.
“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking
kapalaluan, apatawarin N’yo po ako. Taus-puso po akong lumuluhod sa inyong
harapan at nagsusumamo na patawarin N’yo sana ako.”
Patuloy na humagulgol si Bert_______ di namalayang bumalik ang kuryente.
Siya pa rin ay nakaluhod at nakayuko nang biglang umulaw ang paligid.
Nang kaniyang idilat ang mga mata, doon lamang niya Nakita na wala palang
tubig ang pool kung saan dapat siya tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.
Bigla siyang tumayo ________nagwika nang pabulong, “Salamat po,
Panginoon.”

6
C. Batay sa bahagi ng kuwentong iyong binasa, SA BAGONG PARAISO ,isulat
ang wasto at tamang pagkakasunud –sunod ng mga pangyayari gamit ang
sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatulong ang paggamit ng
pang-ugnay at transitional devices sa pagsasalaysay.

dahil sa sapagkat ngunit subalit kaya,


saka, samantala kung gayon sa lahat ng ito at

Gamitin ang pormat na ito:

Simula:

Gitna:

Wakas:

7
D.Isalaysay ang iyong naging karanasan sa panahon ng pandemia. Gumamit
ng iba’t ibang pang-ugnay at transitional devices. Salungguhitan ito. Tatlong
talata lamang.

8
Rubriks

Mga Pamantayan Puntos Naakuhang


Puntos

Nakabuo ng tatlong talata na nagsasalay 5


tungkol sa karanasan sa panahon ng pandemia

Nakagamit ng ibat-ibang pang-ugnay at 5


transitional devices
Nailahad ng maayos ang mga pangyayari. 5
Kabuuang puntos 15
5- Napakahusay 2- Di-Mahusay
4- mahusay 1- Maraming Kakulangan
3-katamtaman

Sanggunian:
1. Panitikang Asyano pp 26-28.
2. Tingin-tingin din blognicindy-blogspot.com
3. https://www.sideshare.ne>mobile

TANDAAN:
Laging isa-isip kung ano ang wasto at tama upang
ang gawain ay magbunga ng maganda.

You might also like