You are on page 1of 14

6

Filipino
Ikalawang Markahan –
Modyul 3:
Pagbibigay ng Maaring
Mangyari sa Teksto Gamit
ang Karanasan/Kaalaman at
Pagbabago nito Batay sa
Natuklasan
Filipino – Ika-Anim Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagbibigay ng Maaring Mangyari sa Teksto Gamit
ang Karanasan/ Kaalaman at Pagbabago nito Batay sa Natuklasan
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cheryl Joy B. Junio/ April Love A. Mendoza
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda CEO VI, Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Name of REPS – Subject Area Supervisor
Donna A. Panes, CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator
Analiza A. Domingo- EPS- Filipino
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy

na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng

mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro

kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,

umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo. Handa ka na bang mag-aral muli?

Ngayon araw, inaasahan matututunan mo ang Pagbibigay ng Maaring

Mangyari sa Teksto Gamit ang Karanasan/Kaalaman at Pagbabago nito batay
sa Natuklasan upang magamit mo ito kung kinakailangan.

Lalo na sa iyong pang-araw-araw na nararanasan. Maari n itong mabago ang

dati mong kaalaman at makapagbigay ng sarili mong opinion kung ano ba ang
maaring maging kahihinatnat ng iyong mababasang teksto

Kaya halina’t atin ng simulan, Ngunit bago tayo tutungo sa bagong aralin
subukan munang sagutin ang panimulang pagtatasa

Subukin

Panimulang Pagtatasa:

Panuto: Basahin ang teksto tungkol karanasan ni Joana at sagutin ang

kasunod nitong mga katanungan sa pangungusap.

“Naiwasan Sana”

Isinulat ni: Cheryl Joy B. Junio

Sa murang edad dahil sa kahirapan ay maagang namulat si Joana sa

iba’t ibang gawain sa bahay. Maaga pa kung umalis ang kanyang ama at ina
upang maghanapbuhay. Ang kanyang ina ay nagtitinda ng mga kakanin at
ang kanyang ama ay namamasada. Sa edad na anim na taon ay naturuan
na siyang magwalis, mag-igib, maglaba at magsaing.

Subalit isang araw, kahit marunong na siya sa mga gawaing bahay

hindi parin maiaalis ang pagiging bata niya na mahilig maglaro. Sa
kalagitnaan ng kanilang paglalaro ay tinawag siya ng kanyang ina para
magluto ng kanin. Sumunod siya ngunit may pagdadabog at umiiyak.
Habang nagsasaing siya ay umiiyak, di niya namalayan na dumikit na pala
sa damit niya ang nakasinding gasera.

“ Inay, tulong!” ang sigaw ni Joana habang nagliliyab ang kanyang

damit at siya’y nasusunog.
Sa gulat ng kanyang ina at pag-aalala ay tinalon niya ang kanilang
bintana sa kusina upang puntahan siya, patayin ang apoy na nagliliyab sa
damit ni Joana. Napatay nga ang apoy ngunit kinailangan siyang dalahin sa
ospital dahil sa natamong paso. Ilang araw ding namalagi si Joana sa
hospital hanggang maghilom ang kanyang sugat.

Magsisi man si Joana, kung sana’y sininod nalang niya nang maayos
ang iniuutos ng kanyang ina hindi sana nasunog ang kanyang damit. Wala
na rin siyang magagawa dahil habang buhay ay dala-dala na niya sa
kanyang peklat sa kanang braso malapit sa kanyang kili-kili. Isang
karanasang maari sanang maiwasan kung sumunod lang siya ng di-
nagdadabog at umiiyak habang nagluluto.

Mga Katanungan:

1. Tungkol saan ang iyong binasang teksto?

2. Ano ang nagyari sa tauhan?
3. Ano ba ang karanasan ni Joana?
4. Basi sa iyong karanasan maari bang maiwasan ni Joana ang nangyari
sa kanya? Ipaliwanag?
5. Anong aral sa kuwento na maaring mong makuha?

RUBRIKS
10 Puntos Naibigay ang 5 tamang sagot sa tamang pangungusap
7 Puntos Naibigay ang 3-4 tamang sagot sa tamang
pangungusap
5 Puntos Naibigay ang 1-2 tamang sagot sa tamang
pangungusap

Kumusta, Nakuha mo ba ang tamang kasagutan? Kung hindi huwag mag-

aaalala dahil ang araling ito matutuklasan mo na maari mong maibigay ang
maaring mangyari sa teksto gamit ang iyong sariling karanasan/kaalaman at
Pagbabago nito batay sa iyong mga bagong matuklasan.

Balikan

Ngayon, dadako muna tayo sa ating nakaraang leksyon? Tungkol nga

saan ito?
Tama! Tungkol sa mga pangyayaring nasaksihan at pagbibigay ng
wakas sa napakinggang teksto.
Panuto: Basahin ang isang teksto at ibigay ang maaring maging wakas nito
Isa sa kasalukuyang hinaharap natin ay isang pandemya, ang COVID
-19. Lahat ng bansa ay naapektuhan. Marami na ang tinamaan ng sakit, at
binawian ng buhay. Kaya gusto ng ating gobyerno na sumunod tayo sa
pinapairal na batas upang maiwasan ito. Isa na riyan ay ang paglimita ng
mga taong lumalabas.
Si Ryan ay labing-isang taong gulang at nasa ika-anim na baitang.
Sinabihan na siya ng kanyang ina na huwag lumabas. Hindi lang iyon siya
mismo ay nakapanood ng mga bababala sa telibisyon at narinig pa sa radyo.
Pati ang mga paraan tulad ng paghuhugas ng kamay, paggamit ng mask at
faceshield sa mga pinahihintulutang lumabas ay alam niya. Alam niya ring
kabilang siya sa mga bawal lumabas.
Isang buwan, dalawang buwan ang nakalipas at sinunod ni Ryan ang
nasabing umiiral na patakaran. Ngunit isang araw dahil sa nababagot na
siya sa kanilang bahay siya ay tumakas at namasyal na walang facemask at
faceshield. Hindi niya alam na isa pala sa kasakay niya sa sasakyang
pampasahero ay positibo na sa sakit na COVID-19.
Maaaring Wakas: _________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________.

RUBRIKS
10 puntos Naibigay ang angkop na wakas at
tama ang pagkakasulat sa
pangungusap
7 puntos Naibigay ang angkop na wakas
ngunit mali ang pagkakasulat sa
pangungusap.
5 puntos Kulang ang isinulat na wakas at
mali ang pagkakasulat sa
pangungusap

Naibigay mo ba ang maaring wakas ng teksto?

Magaling!
Tuklasin

Alam mo ba kung ano ang karanasan? Ang karanasan ay lahat na

nangyayari at kinakaharap sa araw-araw nating buhay. Maaring
maganda, masama at kapupulutan ng aral.

Ngayon nga, kapag natapos mo ang araling ito ay mapapabilang na

sa iyong karanasan.

Maari ka rin makatuklas ng karanasan ng iba na makapagpapabago

ng iyong kaalaman.

Hindi lang iyon, dahil din sa iyong karanasan maari kang

makapagbigay kung ano ang mga kalalabasan ng iyong nababasa,
napapanood at napapakinggang pangyayari. Maari mong maibigay
ang iyong opinion o pananaw base sa iyong karanasan.

Nakuha mo ba?

Suriin

Ngayon dadako na tayo sa ating aralin:

Gawin 1:

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at ibigay ang maaaring

mangayari kasunod nito.

1. Sumama si Ana sa kanyang kaibigan sa kabilang baryo na hindi

nagpapaalam,_______________________________________________________
____________________________________________________________________.
2. Naglinis si Carlo sa kanilang bahay kahit hindi inuutusan,
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Naglaro sa kompyuteran si Jonathan at inabutan ng curfew,
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Labas ng labas ni Martin kahit alam niyang bawal dahil sa
kinakaharap na pandemya, _________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Naabutan ng nagrurundang tanod si Mekaela na nasa labas ng bahay
at naglalaro kahit alam naman niyang bawal,________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

RUBRIKS
10 Puntos Naibigay ang 5 angkop na sagot na hinihingi sa
pangungusap
7 Puntos Naibigay ang 3-4 angkop na sagot na hinihingi sa
pangungusap
5 Puntos Naibigay ang 1-2 angkop na sagot na hinihingi sa
pangungusap

Pagyamanin

Gawain 1: Basahin ang mga pahayag na nasa loob ng organizer. Isulat sa loob ng
kahon na nasa gitna ang iyong kasagutan.

Nagkukunwari syang masakit

Nakagawian na ni Andres ang
ang kanyang tiyan kahit hindi
magkunwari upang mag-alala
naman. Kung kaya't wala na
ang kanyang mga kaibigan at
sa kanila ang naniniwala pa sa
kaklase.
kanya.

________________________________________________________

Napatigil ang lahat at nilingon ang

Isang araw, habang masaya ang dako kung nasaan si Andres. Walang
lahat naglalaro sa malawak na lumapit sa kanya o di kya'y kinamusta
palaruan ng eskwelahan. Biglang man lang ang kalagayan nya. Maya-
sumigaw nang pagkalakas si maya pa'y dumating na ang Rescue
Andres. "ARAY!, nabali yata ang vehicle at dali-daling isinugod si
binti ko!" palahaw nito. Andres sa pinakamalapit na
pagamutan.
Panggabay na katanungan:

• Ano sa palagay mo ang kalabasan ng mga pangyayari sa kwento?

• Bakit kaya hindi man lang nilapitan at tinulungan ng kanyang mga kaklase si
Andres?

• Ano para sa iyo ang aral sa maikling kwentong ito?

RUBRIKS
10 Puntos Naibigay ang 5 angkop na sagot na hinihingi sa
pangungusap
7 Puntos Naibigay ang 3-4 angkop na sagot na hinihingi sa
pangungusap
5 Puntos Naibigay ang 1-2 angkop na sagot na hinihingi sa
pangungusap

Isaisip

Ang ________________________ ay lahat na nangyayari at kinakaharap

sa araw-araw nating buhay. Maaring maganda, masama at
kapupulutan ng aral.

Maaari rin makatuklas ng ___________________ ng iba na

makapagpapabago ng iyong kaalaman. Hindi lang iyon dahil din sa
iyong _______________________________ maari kang makapagbigay
kung ano ang mga kalalabasan ng iyong nababasa, napapanood at
napapakinggang pangyayari. Maari mong maibigay ang iyong
opinion o pananaw base sa iyong _________________________________.

Isagawa

Panuto: Isang pandaigdigang pandemya ang kinakaharap ng mundo sa ngayon,

ang COVID 19, anong mga aral ba o panibagong kaalaman ang napulot
mo mula sa karanasang ito? Isulat ang iyong sagot sa loob ng lima (5)
hanggang sampung (10) pangungusap.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

RUBRIKS
10 Puntos Naibigay ang 5 angkop na sagot na hinihingi sa
pangungusap
7 Puntos Naibigay ang 3-4 angkop na sagot na hinihingi sa
pangungusap
5 Puntos Naibigay ang 1-2 angkop na sagot na hinihingi sa
pangungusap

Tayahin

Panapos na Pagtatasa:

Panuto: Basahin ang teksto tungkol karanasan ni Joana at sagutin ang

kasunod nitong mga katanungan.

“Naiwasan Sana”

Isinulat ni: Cheryl Joy B. Junio

Sa murang edad dahil sa kahirapan ay maagang namulat si Joana sa

iba’t ibang gawain sa bahay. Maaga pa kung umalis ang kanyang ama at ina
upang maghanapbuhay. Ang kanyang ina ay nagtitinda ng mga kakanin at
ang kanyang ama ay namamasada. Sa edad na anim na taon ay naturuan
na siyang magwalis, mag-igib, maglaba at magsaing.

Subalit isang araw, kahit marunong na siya sa mga gawaing bahay

hindi parin maiaalis ang pagiging bata niya na mahilig maglaro. Sa
kalagitnaan ng kanilang paglalaro ay tinawag siya ng kanyang ina para
magluto ng kanin. Sumunod siya ngunit may pagdadabog at umiiyak.
Habang nagsasaing siya ay umiiyak, di niya namalayan na dumikit na pala
sa damit niya ang nakasinding gasera.
“ Inay, tulong!” ang sigaw ni Joana habang nagliliyab ang kanyang
damit at siya’y nasusunog.

Sa gulat ng kanyang ina at pag-aalala ay tinalon niya ang kanilang

bintana sa kusina upang puntahan siya, patayin ang apoy na nagliliyab sa
damit ni Joana. Napatay nga ang apoy ngunit kinailangan siyang dalahin sa
ospital dahil sa natamong paso. Ilang araw ding namalagi si Joana sa
hospital hanggang maghilom ang kanyang sugat.

Magsisi man si Joana, kung sana’y sininod nalang niya ng maayos

ang iniuutos ng kanyang ina hindi sana nasunog ang kanyang damit. Wala
na rin siyang magagawa dahil habang buhay ay dala-dala na niya sa
kanyang peklat sa kanang braso malapit sa kanyang kili-kili. Isang
aranasang maari sanang maiwasan kung sumunod lang siya ng di-
nagdadabog at umiiyak habang nagluluto.

Mga Katanungan:

1. Tungkol saan ang iyong binasang Teksto?

2. Ano ang nagyari sa tauhan?
3. Maganda ba ang kinahinatnan ng karanasan ni Joana? Bakit?
4. Basi sa iyong karanasan maari bang maiwasan ni Joana ang nangyari
sa kanya? Ipaliwanag?
5. Anong aral sa kuwento na maaring mong makuha?

RUBRIKS
10 Puntos Naibigay ang 5 tamang sagot sa tamang pangungusap
7 Puntos Naibigay ang 3-4 tamang sagot sa tamang
pangungusap
5 Puntos Naibigay ang 0-2 tamang sagot sa tamang
pangungusap
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng tatlong talata tungkol sa maaring mangyari o

maging resulta ng:

Pandemyang COVID kong ang bawat isa ay susunod sa ipinapatupad

na hakbang ng gobyerno sa pagpigil ng pagtaas ng mga kaso nito.

____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

10 puntos Nakasulat ng tatlong talata tungkol sa hinihinging

paksa at tama ang pagsulat ng talata.
7 puntos Nakasulat ng tatlong talata tungkol sa hinihinging
paksa, may isa o dalawang pangungusap mali sa
paraan ng pagsulat o tinutukoy nito.
5 puntos May ibang idinagdag sa talata na hindi kaugnay sa
paksa at may 3 mali pataas sa paraan ng
pagsulat o tinutukoy nito.
K-to-12-MELCS-with-CG-Codes
Sanggunian
Subukin: (Maari ring tanggapin ang ibang sagot ng bata sa bilang 2-5)
1. Naiwasan sana
2. Nasunog at nagkaroon ng peklat sa kanyang kanang kamay
3. Hindi, dahil muntik na siyang napahamak.
4. Oo, Kailangan lang na gawin ng maayos at itoon ang atensiyon sa ginagawa upang
makaiwas sa disgrasya.
5. Gawin ng tama at maayos ang anumang Gawain. Sumunod s autos ng bukal sa loob.
Balikan: Magkakaroon siya ng sakit at magiging COVID positive
Suriin: (Tanggapin ang ibang sagot mula sa mag-aaral)
1. Siya ay pagagalitan
2. Masisiyahan ang kanyang mga magulang
3. Siya ay hindi makakauwi sa kanilang bahay
4. Maaring mahuli kung may dadaan na tanod o pulis.
5. Ipapatawag ang kanyang mga magulang
Pagyamanin:
Maaaring tanggapin ang kasagutan mula sa mga mag-aaral.
Isagawa:
Maaaring tanggapin ang kasagutan mula sa mga mag-aaral.
Tayahin: (Maari ring tanggapin ang ibang sagot ng bata sa bilang 2-5)
1. Naiwasan sana
2. Nasunog at nagkaroon ng peklat sa kanyang kanang kamay
3. Hindi, dahil muntik na siyang napahamak.
4. Oo, Kailangan lang na gawin ng maayos at itoon ang atensiyon sa ginagawa upang
makaiwas sa disgrasya.
5. Gawin ng tama at maayos ang anumang Gawain. Sumunod s autos ng bukal sa loob.
Karagdagang Gawain: Tanggapin ang sagod ng mag-aaral.
Pagwawasto
Susi sa
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN
Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod
sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang
pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource
Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083) 228
8825 / (083) 228 1893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like