You are on page 1of 1

Metanoia ( Makabagong Teknolohiya )

Isang daang taon na ang nakalipas taong 2000 ng nagkaroon ng usapan ang lider ng planetang Kepler at
Planetang Earth na itigil na ang digmaan at iputol na ang anumang koneksyon sa bawat planeta, mula
noon wala ng narinig na anumang usapan patungkol sa mga bansang nabanggit at kinalimutan at itinuring
nalang na parang walang nangyari, balik na sa kasalukuyang taong 3050 sa planetang Earth may isang
mag-asawang nag-ngangalang Jim at Joyce, may isang sanggol sina Jim at Joyce na ang pangalan ay si
Christopher, anim na buwan pa lamang ang edad ni Christopher at maiging inaalagaan ito ng mag
asawang Jim at Joyce, mula sa pagpapakain, pagpapatulog, at maging sa papaligo nito ay bantay-sirado si
Christopher, halos lahat ng klaseng pangangalaga at pangangailangan ang ibinuhos na nila kay
Christopher. Isang araw, napagplanuhan ng mag-asawa na maglakbay sa mga ibat-ibang planeta at plano
rin nilang isama si Christopher, hindi sumang-ayon ang mga magulang nina Jim at Joyce na isama ang
kanilang anak sa paglalakbay dahil maaaring manganib ang buhay nito at dahil na rin sa sanggol pa
lamang ito, ngunit ayaw ng mag-asawa na mahiwalay sa kanila ang kanilang anak at napag-pasyahan pa
rin nilang isama si Christopher.

Dumating na ang araw ng pag-alis ng mag-asawa at sobrang excited na nilang maglakbay kasama ang
kanilang anak, sumakay na sila "spacecraft" at naghanda na sa paglalakbay, rinig na rinig nila ang
pagbuga ng mga makina ng craft na isang hudyat na aalis na sila sa planetang Earth, ang kanilang unang
destinasyon ay ang planetang Kepler, ang planetang Kepler ang pinaninirahan ng mga robots at
makabagong teknolohiya, may mga tao rin naman dito ngunit, bilang lamang sila sa planetang ito,
pagkarating nila sa planetang ito ay nagmistulang katulad rin ng Earth ang planetang ito, asul ang
kalangitan, may mga ulap, at halos lahat ay katulad ng Earth, ngunit Robots lamang ang mga nandito at
bilang lang ang mga tao, sobrang saya ng mag-asawa dahil halos katulad lang din ito ng Earth, agad agad
nag siyasat ang mag-asawa ng mga bagong bagay-bagay sa lugar ng biglang sinalubong sila ng
malalaking "robotic machines" at may mga armas ito, agad nakaramdam ang mag-asawa na may
masamang mangyayari sa kanila at agad agad silang tumakbo sila kasama si Christopher, isinakay nila si
Christopher sa isang "baby stroller" at tumakbo sila papunta sa isang kweba. Paparating na ang mga
Robots upang kunin sila, umiyak nalang ang mag-asawa sa takot at wala na silang ibang magagawa kundi
sumuko sa nga Robots, iniwan nila si Christopher sa kweba at silang dalawa lamang lumabas sa kweba,
dinampot sila ng mga Robots at ikinulong sa isang naka-lock na

You might also like