You are on page 1of 4

Ang Munting Prinsipe

critiqu
e
Garcia: Isang maganda at mapagpalang araw sa inyong lahat! Kung sa una at ikalawang grupo ay tinalakay ang
mga kwentong Ang Munting Bariles at Ang Kahon ni Pandora, ngayon naman ay bibigyang hugis at interpretasyon
natin ang nobelang Ang Munting Prinsipe o mas kilala bilang The Little Prince ni Antoine de Saint Exupery.

Gavan: Ngunit bago ang lahat, sinu-sino nga ba ang mga mahahalagang karakter sa nobela? Anu-ano nga ba ang
mga naiambag nila sa munting prinsipe at sa daloy ng storya? Alamin natin.

Gomez: Mayroon tayong limang mahahalagang karakter: ang munting prinsipe, (Mandap, step forward, ngiti, wave
hello, then bow), ang piloto, ang rosas, and alamid, at ang ahas.

Mandap: Magandang umaga! Kamusta kayo? Ako ang munting prinsipe. Ako ay nakatira sa planetang B-612. Ang
planetang iyon ay kasinglaki lang ng isang bahay at ito’y naglalaman ng Baobabs, tatlong bulkan, at ang
pinakamamahal kong rosas.

Gavan: Maaaring ito’y bahay lang ng munting prinsipe ngunit tinrato pa rin niya ito bilang mundo niya. Ang rosas
ay maganda at mabait ngunit matampuhin, siya ang tanging minamahal ng prinsipe at ang kanilang pagmamahal ay
isa sa mga mahahalagang elemento ng kuwento.

Garcia: Siya ay unang pinakilala na inaalagaan ng prinsipe. Ngunit pagkatapos nila mag-aaway, ang prinsipe ay
nalungkot at umalis, na nagsilbing umpisa ng kaniyang paglalakbay. Sa huli ng kuwento, masasabing bumalik ang
prinsipe sa kaniyang planeta at nakita muli ang kaniyang minamahal na rosas.

Gomez: Ang rosas ay sumisimbolo ng natatanging pagmamahal. Sa sobrang daming rosas sa mundo ay siya ang
minahal ng prinsipe. Naipapakita na kahit gaano kadaming tao sa mundo, natatanging naiiba ang iyong minamahal
sa iba dahil siya lang ang minahal mo.

Mandap: Ngunit isang araw, nalaman kong ang pinakamamahal kong rosas ay hindi pala nag-iisa. Maraming
katulad niya, at nagsinungaling siya sa akin. (Ibabato ang hawak na rosas)

Gomez: Ang pagmamahal talaga’y laging may kalakip na sakit at pagsisinungaling upang hindi lang masaktan ang
minamahal natin, ngunit minsa’y ang pagsisinungaling sakanila ang mas lalo pang nakakasakit sa kanila.

Mandap: Nagmakaawa sa akin ang rosas na huwag ko raw siyang iwanan ngunit noon ay desidido na akong
maglakbay sa ibang planeta at hanapin ang iba pang mga kagaya niyang rosas. Ito’y naging masakit, dahil mahirap
iwanan ang natatangi kong minamahal, ngunit ito ang dapat.

Garcia: Hay.. ganyan talaga ang pag-ibig. Hindi lahat ng nang-iiwan ay ginusto ang kanilang pag-alis. At wala na
tayong ibang magaagawa doon kundi tanggapin ang kahihinatnan.

Mandap: Ako’y dumayo sa iba’t ibang planeta, una, sa planeta ng isang hari na walang nasasakupan. (pakita ng
picture) Mahilig ito magbigay ng utos at tingalain ng iba.
Gavan: Ang planetang ito ay maaaring nagrerepresenta ng mga lider na imbes na siya’y nasa harapan,
namumuno sa mga nasasakupan, siya ang nasa dulo, utos lang ng utos at binubuhat at pinagseserbisyuhan lang ng
kanyang mga tao.

Mandap: Sa ikalawa namang planeta ay nadatnan ko ang isang lalaking punong puno sa sarili, na gusto niyang
puro pampupuri lang ang isasambit ko sakanya. (picture)

Garcia: Sa lahat ng bagay, ito ang pinaka-ayaw ko. Oo, tama nga ang pagmamahal at pag-aapreciate sa sarili
ngunit ang lubos-lubusan nang pagtingin sa sarili na sa tingin mo’y hindi ka na nagkakamali ay hindi rin maganda.
Huwag sana natin tularan ang mga taong katulad niya dahil sa huli’y pagsisisihan lang natin ito.

Mandap: Ang ikatlong planetang nadayo ko naman ay ang planeta ng isang lasinggero. Ito’y nagpapakalasing
dahil ikinahihiya ang pagiging lasinggero niya. (picture)

Gomez: Ito naman ang mga tipo ng tao na imbes na solusyonan ang isang problema, pinapalala pa nila ito.

Mandap: Sa ika-apat na planeta naman, ay ang isang lalaking nagbibilang ng mga bitwin sa langit sa
pagbabakasakaling makakamit niya ang lahat ng mga ito.(picture)

Gavan: Ito ang mga taong nabubuhay sa kanilang matataas na pangarap at mithiin ngunit hindi ginagawan ng
aksyon upang makamit ang mga ito.

Garcia: Maaari rin itong maging halimbawa sa mga mayayamang nakapokus na lamang sa pagpaparami pa lalo
ng pera imbes na sa pagiging kuntento at pagpokus sa pagiging masaya.

Mandap: At ang huling planetang nadaanan ko bago ang Daigdig, ay mayroong tagasindi ng ilaw. Paulit-ulit
lamang niyang pinapatay at sinisindi ang ilaw. Ginagawa niya raw ito dahil isang minuto lang ang tagal ng isang araw
sa kanila. (picture)

Gomez: Haay.. mayroon talagang mga taong nagsasayang lamang ng oras sa mga bagay na kahit mahalaga, ay
hindi naman nakakadulot ng kasiyahan at pagkaunlad ng kanilang sarili. Kakaunti lamang ang oras natin dito sa
mundo, at nararapat na ang mga bagay na pinaghihirapan at pinagtutuunan natin ng pansin ay ang mga bagay na
mayroon tayong mapapala at may kahihinatnan.

Gavan: Tama! Mahahalimbawa rin natin ang mga underemployed dito sa Pilipinas. Nag-aral at nagtuon sila ng
pansin sa isang spesipikong propesyon na gusto nila para lamang pagka-gradweyt ng mga ito ay sa ibang trabaho
na labas sa kanilang mga pinag-aralan ang kahihinatnan nito. Madalas ito’y nagdudulot ng hindi lang ng hirap at
pagod kundi pati na rin ang depression dahil ginagawa na lamang nila ang trabaho para sa sahod at wala ng
pagmamahal sa mismong trabaho.

Mandap: Sa pagdating ko sa Daigdig ay mayroong iba’t-ibang karakter na napadaan sa aking landas.

Garcia: Ang ahas naman ang unang tauhan na nakilala ng Munting Prinsipe ng siya ay dumaan sa planetang
Daigdig. Nagsasalita ng pabugtong, siya ay nag-alok na pabalikin ang prinsipe sa kaniyang planeta.

Gavan: Siya ay nagpakita muli sa wakas ng nobela na kinagat ang prinsipe upang ito’y makabalik sa kaniyang
planeta. Ang prinsipe ay nawalan ng malay at sa susunod na araw, ay nawala ang katawan nito.
Gomez: Ang ahas ay sumisimbolo ng kamatayan. Ito ay nagpakita sa huli ng kuwento upang patayin ang Prinsipe.
Ipipinapakita dito na ang kamatayan ay hindi maiiwasan ng kahit sino. Masasabi rin na ito’y sumisimbolo ng tukso
dahil sa patuloy na pag-alok nito sa prinsipe.

Garcia: Ang Alamid naman ang nagpakilala sa nobela pagkatapos makita ng Munting Prinsipe ang hardin ng mga
rosas. Noong oras na iyon ay malungkot ang prinsipe dahil malaman niyang hindi espesyal ang rosas na kaniyang
minamahal. Siya ang nagturo sa Munting Prinsipe ng konsepto ng pag-aamo at pag-ibig.

Gomez: Siya ay naging kaibigan at tagapayo ng prinsipe sa saglit na oras na sila’y nagkakilala. Bago umalis ang
prinsipe, ito’y nagbigay payo na ang rosas ng prinsipe ay natatangi sa ibang rosas dahil ito lamang ang kaniyang
minamahal at inaalagaan.

Gavan: Napapakita sa maikling saknong na nakilala ang alamid, na ito’y mag-isa at naghahanap ng kaibigan.
Umiikot ang buhay niya sa paghuhuli ng manok at pagpapahuli sa mga mangangaso at dahil dito’y, siya ay mainipin.
Maisasabi din na siya ay may karunungan sa mga bagay-bagay at siya ay mabuting tagapayo at kaibigan sa Munting
Prinsipe.

Mandap: Kahit hindi nagtagal ang aming pagkikita, napakarami ko pa ring magagandang asal na natutunan sa
kanya, hindi tulad ng mga tao sa iba’t-ibang planeta.

Gomez: Sa kabilang dako, ang piloto naman ang tagapagsalaysay ng kuwentong "Ang Munting Prinsipe" at ito ay
ikinuwento sa kaniyang pananaw.

Gavan: Siya ay naligaw sa Sahara Desert pagkatapos bumagsak ng kaniyang eroplano. Dito niya nakita ang
Munting Prinsipe na nagkwento ng kaniyang buhay at kung papaano siya napunta sa Sahara. Sila at nagging
magkaibigan ngunit nagkahiwalay sila sa huli ng kuwento. Naalala ng piloto ang prinsipe kada tingin niya sa mga
bituin.

Garcia: Ang tauhan ng piloto ay sumisimbolo sa mismong nobelista na si Antoine de Saint-Exupéry. Sa totoong
buhay, ang nobelista ay naging piloto at naligaw rin sa disyerto at maaring dito niya nakuha ang inspirasyon na
gumawa ng nobelang, Munting Prinsipe.

Gomez: Ang kaniyang pagkakaibigan sa prinsipe ay nangangahulugan ng piloto na binabalutan ang kaniyang
kabataan at pagiging inosente. Halimbawa nito ay ang pagkaintindi ng prinsipe sa mga ginuguhit ng piloto at ang
parehas nilang mataglay na imahinasyon.

Mandap: Napakarami kong natutunan sa paglalakabay ko sa Daigdig. Siguro nga’y tama ang aking paglisan dahil
pagbalik ko’y mas handa na akong hamakin ang lahat maprotektahan at maalagaan lamang ang aking rosas.

Garcia: Kaya dapat pagdating sa pagmamahal ay hindi minamadali. Ika nga nila, love is sweeter the second time
around. Minsan umaalis muna, hindi dahil iiwan ka, kundi upang maihanda ang sarili sa pagmamahal na
pangmatagalan.

Gomez: Sa nobelang ito rin natin mapagtatanto na sa pagitan ng bata at matanda, dapat palitan ang pagkakatuto.
Oo, maraming natutunan ang munting prinsipe sa piloto ngunit marami ring natutunan ang piloto sa munting prinsipe.
Gavan: Ang tanging kailangan lamang ay ang pagbubukas ng isip ng dalawang tao pagdating sa paglalahad ng
pananaw ng iba at pagtanggap ng kritisismo. Sa usapan ng bata at matanda, dapat intindihin natin na hindi porque
mas matagal na ang karanasan ng mas matanda ay siya na ang tama. Minsan, kailangan rin nating making sa
kabataan dahil sila ay laging mayroong panibagong pananaw na dapat ay kinokonsidera rin natin.

Garcia: Sa huli, ang buong pangyayari man ay nasa loob lamang ng imahinasyon ng munting prinsipe, magsilbi
nawa itong aral pagdating sa buhay, sa pakikisalamuha sa mundo, at higit sa lahat, sa pagpapahalaga sa mga
minamahal.

You might also like