Professional Documents
Culture Documents
Scene 13
Sa kalaliman ng gabi, sakay ng trak ang mga military at dala ang mahahabang armas at megaphone.
Sa lahat ng dako pinalibutan nila ang baryo ng palihim.
Gamit ang megaphone ay nagsalita ang militar.
MILITAR 1: Mawalang- galang na po, magsibaba lang po lahat ng mga residente! Pakidala lang
po ang inyong mga sedula o anumang pagkakakilanlan sa inyo! Inuulit po namin, pakibaba lang
po ng bahay lahat ng mga residente! Binibigyan namin kayo ng limang minute para magsibaba!
Pumasok sila sa mga bahay, kinaladkad ang mga lalaki, inusisa, binatuta, dinibdiban, tinadyaka.
Hinalughog ang mga bahay, dinakip ang mga lalaki, hinubarang ang mga babae, nag-iyakan ang
mga ina’t sanggol.
MILITAR 1: Bumaba lang po lahat! Wala pong maiiwan sa loob ng bahay kahit bata!
Nananawagan kami sa inyo para maging maayos ang ating pag-uusap! Inuulit ko po: magsibaba
lahat ng residente! Walang maiiwan sa loob kahit sanggol!
Scene 14
MANG MANUEL: Kailangan ko kayong ialis ditto. Naiintindihan mo ba, anak? Kapag may
nakapagsabi sa mga sundalo na hindi ka tagarito, iimbestigahan nila tayo. Mapapahamak tayo.
Nanginginig sa takot si Karla.
KARLA: Tatang, hahanapin po ako ni Jinky!
MANG MANUEL: Mahahanap ka ni Jinky. Maraming paraan. Huwag kang mag- alala, anak.
Hindi ka pababayaan ng buong baryo.
Inimpake ni Mang Manuel at Anchay ang mga gamit ni Karla at ng sanggol.
Halos hindi makabitaw si Anchay sa pagkakayakap kay Karla.
ANCHAY: Wala tayong magagawa, anak. Naiintindihan mo, na hindi dahil pinababayaan ka na
naming? Pero kailangan ka talagang maialis ditto… para sa kaligtasan nating lahat!
MANG MANUEL: Palagpasin lang natin ang mga sundalo. Pag wala na sila at malinis na ang
lugar, susunduin ko kayo ng bata. Hindi ko man kayo masundo, hahanap ako ng konek sa anak ko
para maipaalam agad ang kinaroroonan n’yo. Para masundo kayo ng mga kasama.
Scene 15
Inirusisyon ang block rosary. Nakatago si Karla sa dagat ng mga tao’t kandila at kantahan ng ave
maria. Nang dumaan sa harap ng 2 sundalo ang birhen, nag-alis sila ng helmet at buong makadiyos
na nag-antanda.
Umandar ang isang karitong hila ng kalabaw. Huminto ang prusisyon at kumanta ng “Mother Dear
Oh Pray For Me”.
Habang kubli ay mabilis isinampa ni Mang Manuel sa kariton sabay abot sa kanya kay Malaya
sabay tabon ng mga dayami.
MANG MANUEL: Pagpalain ka ng Diyos, anak. Si Kardo na ang bahala sa iyo. Alam na niya
kung saan ka dadalhin.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Mang Manuel at idinikit sa noo ni Karla.
KARLA Pagpalain din kayo ng Diyos, at pangako na hindi ko kayo malilimutan.
Lumakad na ang kariton palayo.
Sumilip si Karla sa pagitan ng mga dayumi at bigla- biglang nakaramdam ng kilabot nab aka na
hindi na sila magkita pa ni Mang Manuel.
KARLA: Paano na lamang kung hindi ko na muling Makita sila Mang Manuel? (puno ng takot
nyang nasabi sa sarili)