You are on page 1of 5

ALAMAT

NG SAGING
Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang
kakaibang lalaki. Ito ay isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at
maraming kuwento. Nabihag ang babae sa engkanto. Ipinagtapat naman
ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila
maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.
Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling
pagkikita nila. Nang magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae.
Ayaw niyang paalisin ang lalaki. Maghigpit niyang hinawakan ang kamay
ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero nawala ang lalaki, at sa
matinding pagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang kamay nito.
Nahintakutan ang babae. Dali-dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng
bakuran.
Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay.
Napansin niyang isang halaman ang tumutubo. Makaraan ang ilang
buwan, tumaas ang puno na may malalapad na dahon. Nagkabunga rin
ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag
na saging ngayon.

You might also like