You are on page 1of 12

ANG

PUNO
NG
KABABALAGHAN
Ang Mga Nilalaman

Pinag Mulan ng Kababalaghan

Ang Alamat ng Balite

Ang Balite sa Paete

Ang Kapre sa Balite

Ang Mag Huhuweteng At Ang Balite

Ang Karbungko Ni Lolo


Ang
pinagmulan.
Ng
kababalaghan
Anu nga ba ang mahiwagang misteryo na bumabalot sa puno ng balite na syang pinagmu- lan ng
kahindak hindak na pang yayari at kinatatakutan ng mga tao.
Ang diwata o anito ay sinasamba ng buong kapuluan.Sa kasalukuyang panahon,may mga
tao rin na kumakausap sa mga pananim upang gumanda ang ani dahil sa paniniwala na ang mga
halaman at puno ay may sariling pandinig at pandama.
Sa lahat ng puno na kanilang nakita at dinasalan,balite lang ang naiba sapagkat ito'y
walang kahalintulad na puno.
Makalipas ang daang taon ay may isang lalaki na nakatira sa bayan ng Capiz.Naghahanap
ito ng kanyang mapapangasawa ngunit wala syang makita na babagay sakanya.Sa sobrang
kalungkutan naglakbay sya sa malayung pook upang makakita ng magandang dilag na kanyang
mapapangasawa.Nang mapagod ay nahiga sa ilalim ng isang puno at duon ay nakatulog ng ndi
nya alam kung gaanu katagal.Gumising ang lalaki at may nakita syang matandang babae na
naglalakad papunta sakanya.Pagod na pagod ang matandang babae kaya inanyayahan sya ng
lalaki na magpahinga muna sa ilalim ng puno.Pinaunlakan naman ng matanda ang paanyaya ng
binata dahil sa sobrang init at walang kahangin hangin na paligid.Sila ay nagsimulang
magkwentuhan upang malaman kung saan patungo ang bawat isa.Nang mabatid ng matandang
babae kung saan tutungo ang lalaki sya ay natuwa sapagkat ang kanyang narinig ay gustung
magasawa ng lalaki ngunit wala itong mahanap na babae na babagay sakanya.Nagtaka ang lalaki
kung bakit natawa ang matanda sakanyang nasambit.”hindi mo kailangan hanapin ang
babae,ito’y nililigawan”,wika ng matanda.Natahimik ang lalaki sa nasambit ng matanda,may
kinuhang buto ang matanda sakanyang dala na balutan at ito ay binigay sa binata upang itanim
at alagaang mabuti.Makalipas ang ilang araw matapos itanim ang buto laking gulat ng lalaki,sa
kanyang pag gising ay may namataan sya na isang dilag,nakaupo sa ilalim ng puno at duon nya
napagtanto ang nasambit ng matandang babae,nang
papalapit na ang binata ngumiti ang dilag at duon na nag simulang magmahalan ang
dalawa.Nagpasya ang binata na magpakasal silang dalawa ngunit nag babala ang dalaga na hindi
pwede habang panahon na mananatili sya s tabi ng binata kailangan nya bumalik sa puno kung
saan sya nagmula.Matapos mag-isang dibdib nakalimutan na nang binata ang paalala ng kanyang
katipan.
Hanggang isang araw,hinahanap ng lalaki ang kanyang asawa kung saan saan ngunit hindi
nya ito nakita,ng walang marinig na sagot lumapit ang lalaki sa puno at tinawag ang asawa
hangang sa napagod at naupo,hindina nahiya at tuluyan ng umiyak,Sa kanyang pag hagulgol ay
may narinig na boses,na wag ng umiyak dahil ang kanyang asawa ay hindi nya katulad na
tao,magbabalik rin ito.Nasilayan nga ng lalaki ang kanyang asawa na nagsusuklay ng buhok sa
ilam ng puno tuwing kabilugan ng buwan.At ang tinatawag na kaligayahan at kalungkutan na
puno ay ang puno ng balite.
Naging makababalaghan ang puno ng dumating ang babae,galing sa langit at nanirahan sa
puno,Nang magkasakit ang anak ng pinuno,tumawag ng mangga gamot,sinabing hukayin ang
paligid ng puno at ipahimas ang ugat sa may sakit upang maibsan ang karamdaman ng anak na
babae ng pinuno.Ang balite sa Buhol ay isa sa mabuting punong kahoy na pinagkukunan ng
panlunas sa may mga karamdam subalit sa pag hahangad ni Lucifer (dating anggel sa langit) na
mahigitan ang dyos.Itinapon sya sa impyerno at nagsimulang lumaganap ang kababalaghan sa
puno.
Ang mga tao nuon ay nakatira pa sa langit ngunit sa mag kabaliktad na konsepto ng mabuti
at masama.Ang inggit sa kapwa at pag hahangad ng sobra ay syang nagtulak sa mga diwatang
nakatira sa puno at duon ay napuno ng galit at nagsabog ng lagim.
mabuti at masama.Ang inggit sa kapwa at pag hahangad ng sobra ay syang nagtulak sa
mga diwatang nakatira sa puno at duon ay napuno ng galit at nagsabog ng lagim.
Ang balite sa kamaynilaan ay nakilala naman hindi bilang isang pangalan kundi.
isang daan na nag-uugnay sa Aurora Boulevard at E.Rodriguez Avenue.Isa ito sa mga
iniiwasan ng mga sasakyan dahil sa kahindik hindik na pang yayari.Sa pinangingilagan na
daan ay may isang babae na nakaupo at minsan ay sumasakay o pumapara ng mga
sasakyan at pag lipas ng ilang minuto bigla itong nawawala.Sa paniniwala ng marami ang
nag papakitang babae ay ang pinatay at tinapon sa daan matapos gahasain ng isang taksi
drayber kaya ito ay nag mumulto upang makapaghiganti sa lumapastangan sa kanya.
May dalawang dalaga na magkapatid,ang matanda ay Nars at ang nakababatang kapatid
nmn ay studyante sila ay nakatira sa daang Balite.Ang nakababata ay nagpakamatay at
ang nars ay pinatay pag katapos isa isahin ng taksi drayber na gahasain.Di nag tagal ay
namatay rin ang drayber sa daan na kung saan nya ginahasa ang magkapatid at mula
nuon tuwing maambon sa gabi ay lumalabas ang multo ng mga namatay sa daang
Balite.Sa paniniwala na ang multong babae na nakaputi ay hindi matahimik sapagkat
hindi pa ito handang mamatay at nagbabalik ang kaluluwa upang makahingi ng
katarungan sa kamag-anakan.
Ang Alamat ng Balite
Ang
balite
sa
paete
Ang Kapre Sa Balite
Ang Maghuhuweteng At Ang Balite

You might also like