Mga Alamat Ipinasa ni: Bagunas, Jeanine N. BEEd 2-1 Ipinasa kay: Gng. Balderian Literaturang Pambata TFri 9:00-10:30
Pambansa
at
Ang Mga Alamat
Mahalagang bahagi sa kultura ng Pilipinas ang mga alamat. Ipinapaalam ng mga alamat paano nagsimula o bakit ganoon ang kalagayan ng mundo o ng tao. Hanggang ngayon, ibinibida ng mga ina ang mga alamat sa kanilang mga anak. Pero, nakakalimutan ang maraming alamat dahil hindi na nakukuwento ito. Maraming alamat ay tungkol sa araw, buwan, at mga bituin. Nagpapaliwanag ang mga alamat: bakit ang araw ay mas maliwanag kaysa sa buwan, at ang pinagmulan ng mga bituin. Ang kasunod na alamat ay nagpapaliwanag bakit ang araw ay mas maliwanag kaysa sa buwan. Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasingganda ang kalooban ni Buwan. Galit na galit si Buwan. Tapos, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya ng isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas nagalit si Buwan. Nang malaman ng Diyos tungkol sa pangyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit. Nadikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwanag ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.
Ang ibang alamat ay nagpapaliwanag bakit ang langit ay mataas.
Noong unang panahon, malapit ang langit sa lupa. Maaaring mahipo iyon. Nakatira ang dalawang magkapatid na lalake sa kanilang mga magulang. Ang mga pangalan nila ay Ingat at Daskol. Walang anak na babae ang mga magulang nila at dahil doon si Daskol ang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Pabayang trabahador si Daskol. Kung bumayo siya ng palay ay natatapon ang kalahati sa lupa. Ayaw niya ang trabahong magbuyo ng palay. Isang araw, bumayo si Daskol ng maraming-maraming palay. Tuwi siyang nagtaas ng halo, hinahampas niya ang langit. Tumaas ng tumaas ang langit. Noong matapos siya, naging mataas ang langit na katulad ngayon. Nagpapaliwang ang ibang alamat ng pinagmulan ng maraming halaman.
Ang Alamat ng Pinya
Si Pinya ay magandang batang babae. Lumaki sa laya si Pinya dahil kaisa-isang anak siya. Isang araw, ang ina ni Pinya ay may sakit. Hiniling niya kay Pinya na magluto ng lugaw para sa kanya. Hindi makita ng batang laki sa layaw ang sandok. Nagalit ang kanyang ina dahil ang kanyang anak ay tamad at hindi gumagamit ng mga mata niya. Sabi niya, Umaasa ako na magkakaroon ka ng isang libong mata! Naging tahimik ang bahay. Noong mas magaling na siya, bumaba siya. Wala si Pinya. Isang araw, naglilinis siya ng bakuran at nakakita siya ng hindi kilalang prutas na dilaw. Mayroon isang libong mata ang prutas. Sinumpa niya ang kanyang anak. Ngayon, ang prutas na may isang libong mata ay tinatawag na Pinya.
Ang Alamat ng Saging
Nanligaw ang gwapong lalake sa isang magandang-magandang babae. Ngayon lang nakakita ang babae ng ganitong kadakilang lalake. Sinabi ng dakilang lalake na nakatira siya sa malayoung-malayong lugar. Naniwala ang babae na nakatira ang lalake sa ibang mundo. Nagtanong siya, Ano ka ba? Ngumiti ng malungkot ang lalake sa kanya. Sabi niya, Ito na ang huling pagtatagpo natin. Siya ay ang elf-prince at pakakasal siya sa unang babae na tatanggap sa kanya ng walang tanong. Pagkatapos, sabi nya, Kailangang lumakad na ako ngayon. Paghawak ng babae sa kamay niya ay nawala ang elf-prince, iniwan niya ang kanyang mga kamay sa lupa. Naghukay ang babae sa lupa at inilagay niya ang mga kamay sa hukay. Pagkatapos, isang araw, noong nag-ukol ng galang siya sa pook, nakakita siya ng halaman. Nakakita siya ng halamang may bungang dilaw at mukhang nga daliri. Ito ang huling alay ng kanyang elfprince. Ang unang nakilalang saging ay nanggaling dito.
Giporlos, Eastern Samar
Ang lugar na Giporlos ay nanggaling sa dayalektong salita na PODLOS na ang ibig sabihin ay nakatakas. Ito ay tungkol sa dalawang magandang dalaga na nanggaling sa lugar na ito. Isang umaga ay nagpunta sila sa baybayin ng Rawis para maghanap ng mga pagkaing-dagat o tagitis. Habang sila ay naghahanap, hindi napansin ng dalawang magandang dalaga ang dalawang Moros o Muslims na paparating malapit sa kanila, kung saan ay nakasakay sila sa isang Panko o vinta na nakatago sa Maharu Dako, ang maliit na kuweba na nasa timog-silangan lamang ng bayan na ito. Isa sa dalawang magandang dalaga ang maagap na nakatakas mula sa mga lalakeng manghuhuli sa kanila.
Ang isang lalake naman ay pilit na hinuhuli ang isang magandang
dalagang naiwan. Dahil sa sobrang takot ng dalaga ay nanlaban siya at dahil sa kanyang panlalakas, siya ay matagumpay na nakatakas mula sa Moros na lalakeng hawak pa rin ang kanyang naiwang palda. Ang dalaga nga ay naka-podlos mula sa mga mapangahas na mga Muslims na naglilibot sa mga baybayin upang makahanap at makahuli ng mga babae para ibenta at gawing alipin. Nalaman ng mga naninirahan sa lugar na ito ang nangyari at sumugod sila sa Moros, na kalaunay matagumpay nilang natalo. Pagkatapos ng insidenteng ito ay pinangalanan ang magandang dalaga na PODLOS/HI PODLOS na ang ibig sabihin ay ang nakatakas/si nakatakas. Sa kalaunan, ang salitang podlos, o hi podlos, dahil sa nahihirapan ang mga Espanyol na bigkasin ang letrang D sa PODLOS, napalitan ito ng HI PORLOS na tinutukoy ang lugar o ang buong lugar ng tirahan rito. Hanggang sa hinango ang salita na ito sa GIPORLOS. Mula noon, ang mga mamamayan rito ay pinangalanan ang kanilang lugar na GIPORLOS at minsan ay pinapaiksi ito at tinatawag na lamang na PORLOS.