You are on page 1of 1

“Lahat ng mga matatanda ay dati naging bata…

Ngunit iilan lamang ang nakakaalala nito.”

Noong nasira ang eroplano ng isang piloto sa gitna disyerto, hindi


niya inaasahan na may isang mausisang at munting prinsipe ang
lalapit sa kanyang harapan. Berde ang kanyang suot, dilaw ang
kanyang buhok pati rin ang bandanang nakabalot sa kanyang
leeg. Hiniling ng prinsipe na gumuhit siya ng isang tupa at
sumang-ayon naman ang piloto. Sa pagkaguhit niya ng tupa ng
ilang beses dahil sa ‘di pagsang-ayon ng prinsipe, magsisimula
ang kamangha-manghang na kuwento tungkol sa kalungkutan,
pagkakaibigan, at pag-ibig.

Mula sa isang maliit na planeta na tinitirahan ng prinsipe,


maipakita ang kanyang paglakbay sa kalawakan upang
maghanap ng kaliwanagan sa kanyang buhay bilang binata. Dito,
mabubuhayan muli ang pagiging bata ng mga mambabasa dahil
sa mga iba’t ibang karanasan ng munting prinsipe bago siya
nakarating sa disyerto kasama ng piloto. Mabubuksan nang
husto ang kanilang mga isipan, sapagkat, dito malalaman na
tanging puso pala ang makakakita ng malinaw at totoo; kung ano
ang mahalaga ay hindi nakikita sa paningin lamang.

You might also like