You are on page 1of 1

Alamat ng Sampalok

May tatlong prinsipe noong araw na pawang masasama ang ugali. Sila ay sina Prinsipe SAM,
Prinsipe PAL at Prinsipe LOK. Dahil magkakaibigan, madalas silang nagkikita at nagkakasama sa
pamamasyal. Tuwing magkasama naman ang talo ay tiyak na may mangyayari hindi maganda. Ang
mga may kulang sa isip at mangmang ay kanilang pinaglalaruan, pinaparatangan at ipinakukulong.
Lubha silang mapang-api, mapagmataas at malupit sa mga dukhang mamamayan. Kahit matatanda
ay hindi nila iginagalang. Mabait lamang sila sa mayayaman at kauri nilang may dugong
bughaw.Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay napadaan sila sa isang sapa. Saglit silang
huminto at pinapanood ang mga naliligong dalaga. Kasiya-siyang tingnan ang mga hugis ng
katawang naaaninag sa manipis na tapis kaya sila ay nagtatawanan na para bagang nambabastos.
Galit na bumaba ng kabayo si Prinsipe Sam at walang salitang sinampal ang dalagang nakikiusap.
Uulitin pa sana ng prinsipe, bastat mahirap, kaya pinagtulungan nilang saktan ang matanda.
Nagsiksikan naman sa isang tabi ang mga nahintakutang dalaga. Hindi alam ang gagawing pagtulong
sa matandang hindi nila nakikilala. Datapwat lahat ay napamulagat ang matanda ay nagbago ng
anyo. Isa pala itong engkantada! Ang mga mata ng tatlong prinsipe ay nangalaglag! Kasindak-sindak
an pangyayaring iyon sapagkat ang mga nahulog na mata ay agad nilamaon ng lupa! Sa halip na
magsisi at humingi ng tawad ay nagpupuyos pa sag alit na nabanta ang magkakaibigan. Matapos
kapain ang kani-kaniyang kabayo ay naghihiwalay a sila nang alis. Palibhasay mga bulag kaya hindi
na alam ang daan pauwi. Tumatakbo nang tumatakbo ang kanilang mga kabayo hanggang sila ay
mangahulog sa bangin! Kinabukasan, nagtaka ang lahat sa biglang pagtubo ng isang puno kung saan
limubog ang mga mata ng tatlong prinsipe.
Lumipas ang mga araw, ang mga puno ay namunga. Nang kanilang tikman, itoy ubod ng
asim! Palibhasay may nakaukit na parang matang nakapikit sa buto ng bungang maasim, kaya
naalala nila ang mga mata nila ang mga mata ng tatlong prinsipe na sa lugar na iyon ay lumubog.
Dahil dito, minarapat nilang tawaging SAMPALOK ang puno at bunga nito. Sa kalaunan natutuhan
ng mga tao na gamiting pampaasim sa nilulutong ulam ang sampalok.

Magandang Aral :
Huwag sukatin ang mga pakikisamahan na tao, hindi ito ang basehan, ang pagiging mahirap o
mayaman sa lipunan ay kailangan pantay-pantay lamang ang pagtingin.

You might also like