Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Sampalok
Alamat NG Sampalok
Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay napadaan sila sa isang sapa. Saglit silang huminto at
pinanood ang mga naliligong dalaga. Kasiya-siyang tingnan ang mga hugis ng katawang
naaaninag sa manipis na tapis kaya sila ay nagtatawanan na para bagang nambabastos.
Galit na bumaba ng kabayo si Prisipe Sam at walang salitang sinampal ang dalagang nakikusap.
Uulitin pa sana ng prinsipe ang pagsampal subalit isang matandang babae ang namagitan.
Palibhasa'y walang iginagalang ang mga prinsipe, basta't mahirap, kaya pinagtulungan nilang
saktan ang matanda.
Nagsiksikan naman sa isang tabi ang mga nahintakutang dalaga. Hindi alam ang gagawing
pagtulong sa matandang hindi nila nakikilala. Datapuwa't lahat ay napamulagat ang matanda ay
nagbago ng anyo. Isa pala itong engkantada!
Kinabukasan, nagtaka ang lahat sa biglang pagtubo ng isang puno kung saan lumubog ang mga
mata ng tatlong prinsipe.
Lumipas ang mga araw, ang puno ay namunga. Nang kanilang tikma, ito'y ubod ng asim!
Palibhasa'y may nakaukit na parang matang nakapikit sa buto ng bungang maasim, kaya naalala
nila ang mga mata nina Prinsipe Sam, Prinsipe Pal at Prinsipe Lok na sa lugar na iyon ay
lumubog. Dahil dito, minarapat nilang tawaging SAMPALOK ang puno at bunga nito. Sa
kalaunan natutuhan ng mga tao na gamiting pampaasim sa nilulutong ulam ang SAMPALOK.