You are on page 1of 38

MATEMATIKA

WEEK 30 DAY 1
Ano ang ginagawa ninyo sa
bahay para makatulong sa
inyong mga magulang?
Ipabasa ang kwento:
ANG MGA GAWAIN KO
Nag-aaral ako tuwing Lunes, Martes,
Miyerkules, Huwebes at Biyernes.
Sa araw ng Sabado, tumutulong naman
ako sa ina at ama ko. Sa araw ng
Linggo, nagsisimba naman ako
Guhitan mula sa kwentong
narinig/binasa ang mga
ngalan ng araw sa isang
lingo.
Kailan naglilinis ng bahay
ang bata?__________
Ano ang ginagawa niya
mula Lunes hanggang
Biyernes?
Kailan sila nagsisimba?
Itambal ang ngalan ng araw
sa gawain :
Pagsisimba
Paglalaro
Pag-aaral
Pamamalengke
Ilan ang mga araw sa isang linggo?
Tandaan:
May pitong araw sa isang linggo.
 
Linggo, Lunes, Martes, Miyerkule,
Huwebes, Biyernes at Sabado.
Tawaging isa-isa ang mga
bata at ipasabi ang bilang ng
araw at wastong
pagkakasunud-sunod ng
mga ito.
Takda:
Gumupit sa lumang
kalendaryo ng ngalan ng
mga araw sa isang linggo at
idikit sa inyong notbuk.
MATEMATIKA
WEEK 30 DAY 2
Ilan ang mga araw sa isang
linggo?
Anu-anoang mga ito?
Awit: There are Seven Days
Ito si Nico. Gusto niyang sumali sa
camping bukas. Inihanda na niya kahapon
ang kanyang mga gamit.

Kung ngayon ay Biyernes.


a. Anong araw siya naghanda ng mga dadaling
gamit?
b. Anong araw siya pupunta sa camping?
Isulat ang mga araw sa isang linggo sa pisara:
LINGGO, LUNES, MARTES, MIYERKULES
HUWEBES, BIYERNES AT SABADO
Kung ngayong araw ay Biyernes, ating alamin
kung:
Anong araw naghanda ng mga gamit si
Nino?
Anong araw siya pupunta sa camping?
Anong araw ang nauuna sa Biyernes?
Anong araw pagkatapos ng Biyernes?
Kung gayon, naghanda si Nico ng gamit
noong Huwebes at pupunta siya sa camping
sa Sabado.
Laro: Pabunutin ang mga bata ng
card na may nakasulat na pangalan
ng araw.
Sasabihin ng guro kung nauuna o
sumusunod na araw ang kanyang
ibibigay.
hal. Miyerkules_____(Susunod sa
Miyerkules.)
Ilan ang mga araw sa isang
linggo?
Tandaan:
May pitong araw sa isang linggo
Linggo, Lunes, Martes, Miyerkule,
Huwebes, Biyernes at Sabado.
Isulat ang wastong ngalan ng araw na tinutukoy.
1. Namasyal kami isang araw bago mag Sabado.
__________
2. Wala tayong pasok sa paaralan tuwing_____at
_________________________
3. Nagsisimba ang pamilya tuwing _________.
4. ____ang unang pagpasok sa paaralan.
5. Ang araw na kasunod ng Martes ay ________.
Takda:
Pag-aralan ang wastong
baybay ng mga ngalan ng
araw. Isaulo ang wastong
pagkakasunud-sunod ng mga
ito.
MATEMATIKA
WEEK 30 DAY 3
Lutasin Natin:
Dadalawin ni Ana ang kanyang lola sa probinsiya.
Dalawang araw siyang magtatagal doon.
Inihanda niya ang kanyang mga gamit kahapon.
Ang alis niya ay sa makalawa pa.
Kung ngayon ay Martes,
a. Anong Araw ng magimpake si Ana ng mga gamit?
_______________
b. Anu-anong araw siya mananatili sa bahay ng lola?
_______________
c. Anong araw siya muling babalik ?________
Awit: Lubi-Lubi
Enero, Pebrero, Marso, Abril,
Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto,
Setyembre,
Oktubre, Nobyembre, Disyembre
Lubi-lubi.
Tungkol saan ang awit?
Iba’t Ibang Buwan
Bagong taon ay Enero
Pebrero’y araw ng puso ko
Marso, Abril, saka Mayo
Magbabakasyon naman tayo.

Sa Hunyo’y Araw ng Kalayaan


Hulyo nama’y pakikipagkaibigan.

Linggo ng Wika’y Agosto naman


At Setyembre’y pasasalamat ng bayan.

Sa Oktubre’y buwan ng Rosaryo


Nobyembre nama’y sa sementeryo.
Ang Disyembre ay Araw ng Pasko.
Halina’t magbigay ng aginaldo.
Isulat ang mga ngalan ng buwan sa pisara:
Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,
Oktubre, Nobyembre, Disyembre
Ilan ang mga buwan sa isang taon?
Anu-ano ang mga buwan sa isang taon?
Sabihin ang buwan ng iyong kaarawan.
Sinu-sino sa inyo ang pareho ang
buwan ng kaarawan?
Ilan ang mga buwan sa isang taon?
Tandaan:
May 12 buwan sa isang taon.
Ang mga ito ay ang:
Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,
Oktubre, Nobyembre at Disyembre
Enero ang unang buwan ng taon.
Disyembre ang huling buwan ng taon.
Ang bilang ng mga araw sa bawat buwan ay di pare-pareho.
Kalendaryo ang ginagamit para malaman ang wastong ayos ng
mga buwan sa isang taon.
Ilan ang buwan sa isang taon?
Anu-ano ang mga ito?
Takda:
Isaulo ang tula at humanda sa isahang
pagbigkas bukas.
MATEMATIKA
WEEK 30 DAY 4
Ilan ang buwan sa isang taon?
Anu-ano ang mga ito?
Kailan ang buwan ng iyong
kaarawan?
Paano mo ipinagdiriwang ang
iyong kaarawan?
Muling ipabasa ang tula sa mga bata.
Iba’t Ibang Buwan
Bagong taon ay Enero
Pebrero’y araw ng puso ko
Marso, Abril, saka Mayo
Magbabakasyon naman tayo.
 
Sa Hunyo’y Araw ng Kalayaan
Hulyo nama’y pakikipagkaibigan.
 
Linggo ng Wika’y Agosto naman
At Setyembre’y pasasalamat ng bayan.
Sa Oktubre’y buwan ng Rosaryo
Nobyembre nama’y sa sementeryo.
Ang Disyembre ay Araw ng Pasko.
Halina’t magbigay ng aginaldo.
Ipahanap at pabilugan ang mga
ngalan ng buwan sa tula.
Ilan ang mga buwan sa isang
taon?
Paano isinusulat ang unang titik
sa bawat ngalan ng buwan?
Paano ang wastong baybay?
Padiktang pagsulat ng mga
ngalan ng buwan.
Ilan ang mga buwan sa isang taon?
Tandaan:
May 12 buwan sa isang taon.
Ang mga ito ay ang:
Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,
Oktubre, Nobyembre at Disyembre
Sinisimulan sa malaking titik ang pagsulat sa
ngalan ng mga buwan.
Iwasto:
hunyo nobyembre agosto
abril enero
Takda:
Alamin ang mga mahahalagang
pagdiriwang na ginaganap sa
bawat buwan ng taon sa ating
paaralan.

You might also like