You are on page 1of 29

ARALING

PANLIPUNAN
WEEK 19 DAY 1
Sabihin ang
eksaktong lokasyon
ng iyong paaralan.
Magkaroon ng “Lakbay-Aral”
sa loob ng paaralan. Ipasyal
ang mga bata sa lahat ng
silid-aralan sa loob ng
paaralan upang maging
pamilyar sila sa mga bahagi
nito.
Ano ang dapat mong
malaman tungkol sa iyong
paaralan?
Alin ang nagsisilbing
pangalawang tahanan ng
mga bata sa paaralan?
Pag-usapan ang paglilibot na
ginawa.
Gamit ang mapa ng
paaralan, ipatukoy ang mga
bahagi nito.
Hal. mga silid-aralan ng
grade 1, 2, 3, atbp.
Ilang lahat ang bilang ng mga
silid-aralan sa ating paaralan.
Saan panig ka pupunta kung sa
baitang isa ka inuutusan ng
iyong guro?
Kaninong silid-aralan ang nasa
gawing kaliwa ng ating kantina?
atbp.
Laro: Pagtukoy sa direksyon
ng mga silid-aralan.
Baitang 3? _______________
Baitang 1?
________________
Baitang 6 ?
Saan ka nag-aaral?
Bakit mahalaga na malaman mo ang mga
silid-aralan sa iyong paaralan?
Tandaan:
 
Mahalaga na alamin ang mga silid-aralan
sa ating paaralan upang madaling
matukoy o mapuntahan ang silid-aralan
na ating nais tunguhin.
A. Iguhit ang mga silid-aralan
ng mga bata sa baitang isa.
B. Isa-isang tawagin ang mga
bata upang sabihin ang
kinalalagyan ng mga silid-
aralan na nabanggit.
Takda:
Isulat sa iyong kwaderno ang
pangalan ng bawat seksyon ng lahat
ng mga silid-aralan mula baitang isa
hanggang baitang anim.
Hal. Baitang 1- A: Silid -Andres
Bonifacio
Baitang 1 –B: Silid – Graciano
Lopez Jaena
ARALING
PANLIPUNAN
WEEK 19 DAY 2
Ano ang nagsisilbing pangalawang
tahanan ng mga bata sa paaralan?

 
Saan kayo bumibili ng pagkain kung
kayo ay nasa paaralan?
Ano ang dapat mong
malaman tungkol sa iyong
paaralan?
Saan mo dapat bilhin ang
iyong pagkain sa
paaralan?
Pag-usapan ang mga karanasan
ng mga bata sa pang-araw-araw
nilang buhay sa paaralan sa oras
ng rises.
Saan kayo bumibili ng mga
pagkaing inyong kinakain sa
paaralan kapag rises?
Bakit kailangang sa kantina kayo bumili
ng inyong pagkain para sa rises?
Saan makikita ang ating kantina?
Anu-anong mga pagkain ang mabibili
sa ating kantina?
Sa iyong palagay, ligtas bang kainin ang
mga pagkain sa ating kantina? Bakit?
Ipasakilos sa mga bata
nang pangkatan kung
paano sila dapat
pumila sa kantina sa
oras ng rises.
Saan ka nag-aaral?
Bakit mahalaga na malaman mo ang
kinaroroonan ng kantina ng paaralan?
Tandaan:
Mahalaga na alamin ang kantina ng
ating paaralan upang doon ka makabili
ng mga masustansiyang pagkain para
sa iyong rises.
A. Iguhit ang kantina ng
paaralan.
B. Isa-isang tawagin ang
mga bata upang sabihin
ang kinalalagyan ng
kantina sa paaralan.
Takda:
Iguhit ang iba pang
bagay na nais mong
maidagdag sa mga
gamit o kasangkapan
sa ating kantina.
ARALING
PANLIPUNAN
WEEK 19 DAY 3
Saan ka dapat
bumili ng iyong
mga pagkain sa
paaralan?
Kilala ba ninyo ang mga
pinuno ng ating
paaralan?
Kung kailangan mo
silang puntahan para
kausapin, alam mo ba
kung saan sila
hahanapin?
Ano ang dapat mong
malaman tungkol sa
iyong paaralan?
Saan mo maaring
puntahan ang puno
ng paaralan kung
kailangan?
Muling magdaos ng “Lakbay-Aral” sa
paaralan. Sa pagkakataong ito, dalhin
o ipasyal ang mga bata sa opisina ng
punong-guro/tagamasid pampurok .
(Gabayan ang mga bata upang
maiwasang makagawa ng sobrang
ingay at makaabala sa mga gawain).
Ituro ang kinaroroonan ng opisina ng
punong-guro./tagamasid pampurok.
Hayaang magmasid ang mga sa lugar.
Saan matatagpuan ang tanggapan ng
punong-guro?
Maaari bang basta na lamang
maglabas-pasok ang mga bata sa lugar
na iyon?
Kung dumadaan kayo sa lugar na iyon,
ano ang dapat ninyong iwasang
gawin?
Kung makikita o makakasalubong
ninyo ang punong-guro/tagamasid
pampurook, iiwas ba kayo o matatakot
sa kanya?
Ano ang mabuti ninyong gawin?
Pumalakpak kung kaaya-aya gawing kung
nasa loob o malapit sa tanggapan ng
punong-guro/tagamasid pampurok, X kung
hindi.
- Maglaro o maghabulan sa loob ng
tanggapan.
- Matahimik na lumakad upang di
makaabala.
- Batiin ang mga puno ng paaralan nang
may paggalang.
-Iwasang makagawa ng ingay.
-Panatilihing malinis ang paligid ng
tanggapan.
Saan ka nag-aaral?
Bakit mahalaga na malaman mo ang
kinaroroonan ng tanggapan ng
punong-guro /tagamasid pampurok
ng paaralan?
Tandaan:
Mahalaga na alamin ang tanggapan
ng punong-guro/tagamasid ng ating
paaralan upang madali mo itong
mapuntahan kung mayroon kang
kailangan.
A. Iguhit ang tanggapan ng
puno ng paaralan ayon sa
modelo o tunay na larawan.
B. Isa-isang tawagin ang mga
bata upang sabihin ang
kinalalagyan ng tanggapan ng
puno ng paaralan.
Hal. Ang tanggapan ng puno ng
paaralan ay matatagpuan sa
gusali sa gawing kanan malapit
sa gate ng paaralan.
Takda:
Iguhit ang iba pang
bagay na nais mong
maidagdag sa mga
gamit o kasangkapan sa
ating kantina.

You might also like