You are on page 1of 36

FILIPINO

WEEK 30 DAY 1
Ipakilala ang tema sa
linggong ito at iugnay sa
gagawing bahaginan.
Magbigay ng halimbawang pangungusap upang
mas maintindihan ng klase ang gawain.
Halimbawa: “Naipakikita ko ang aking paggalang
sa aking kalaro o kaklase kapag nakikinig ako sa
mga ideya nila kahit iba ito sa nasa isip ko.” o
“Naipakikita ko ang aking paggalang sa aking
kalaro o kaklase kapag hindi ko sila sadyang
iniinis o inaaway.”
Bigyan ng tatlong minuto ang mga
magkakatabi upang magbahaginan. Umikot
sa klase at pakinggan ang tatas ng kanilang
usapan. Alamin kung sino pa ang
nangangailangan ng dagdag na pagsasanay.
Matapos ang tatlong minuto, tumawag ng
dalawang mag-aaral na maglalahad ng
kanilang sagot sa buong klase
Iugnay ang tema sa linggong
ito sa konsepto ng
magkasalungat na salita.
Tumawag ng mag-aaral na
makapagsasabi ng kahulugan ng
magkasalungat. (Posibleng
sagot: salitang kabaligtaran ang
ibig sabihin sa isa pang salita)
Siguruhing naintindihan na ng klase ang
konsepto ng salitang magkasalungat.
Magbigay ng ilang simpleng salita at
tanungin sila kung ano ang kabaligtaran
o kasalungat nito. Halimbawa: maliit
(malaki), malapit (malayo), lupa (langit),
tawa (iyak)
Isulat sa pisara ang
sumusunod na salita na
tutukan sa araw na ito:
pundido, marikit,
pinananabikan, bukod-tangi.
Tandaan:
Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin sa sarili
nilang pangungusap ang mga salita sa
talasalitaan. Bigyan sila ng dalawang minuto
upang mag-isip ng pangungusap na gumagamit
sa alinman sa mga salitang ito. Matapos ang
dalawang minuto, tumawag ng apat na mag-aaral
upang ilahad ang kanilang nabuong pangungusap
sa klase
Takda:
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: May
kapatid o kalaro ba kayo na may kakaiba o bukod-
tanging katangian? Ano ang bagay na kakaiba o
bukod-tangi tungkol sa kaniya? Maghanda sa
pagbabahagi tungkol dito bukas. Maaari ninyong
gamitin ang pormang ito sa pagsagot sa takdang-
aralin: Bukod-tangi ang aking kapatid/kalaro dahil
_______.
FILIPINO
WEEK 30 DAY 2
Gamitin ang takdang-aralin na
ibinigay kahapon bilang lunsaran
para sa bahaginan ngayong araw.
Bukod-tangi ang aking
kalaro/kaibigan/kapatid na si ___
dahil ________.
Magbigay ng sariling pangungusap upang
mapagtibay ang ipinagagawang bahaginan.
Halimbawa: a. Bukod-tangi ang aking kaibigan
na si Patricia, dahil siya lamang ang kakilala ko
na kayang pagalawin ang kaniyang tenga. b.
Bukod-tangi ang kalaro kong si Enteng dahil
siya lamang ang may-kayang lumukso sa apat
na kamay kapag naglalaro kami ng luksong-
tinik.
Tumawag ng tatlong mag-aaral upang
magbahagi tungkol sa kanilang
kakaibang kalaro, kaibigan, o kapatid.
Matapos ng bahaginan, iugnay ang
paksa tungkol sa bukod-tanging
kapatid o kaibigan sa babasahing
kuwento ngayong araw.
(1) pundido – wala nang liwanag,
ilaw, o sindi
(2) marikit – maganda
(3) pinananabikan – matagal nang
hinihintay, inaabangan
(4) bukod-tangi – kakaiba, nag-iisa,
natatangi
Ipakita ang pabalat ng libro
Basahin ang kuwento nang may damdamin. Huminto
pagkabasa ng ilang takdang pahina upang palalimin
ang pag-intindi at pakikinig ng mga mag-aaral.
 
Itanong ang mga sumusunod;
1. Anong mga kabutihangasal ang ipinakita ng ating
bida na si Dindo Pundido sa kabuuan ng ating
kuwento?
2. At paano niya nakuha ang paggalang ng kaniyang
mga kapatid?
Sagutin ang sumusunod upang talakayin ang
kuwento:
• Paano nabubukod-tangi si Dindo?
• Tinanggap ba kaagad ng kaniyang mga
kapatid ang kakaiba niyang katangian? Paano
ninyo ilalarawan ang ugaling ipinakita ng mga
kapatid ni Dindo?
• Kung kayo si Dindo, ano ang mararamdaman
ninyo sa ganitong pagtrato dahil lamang
kakaiba kayo?
Ibigay ang sumusunod na takdang-
aralin: Pag-isipan ang ibang mga kasapi
ng inyong pamilya. Mag-isip ng isang
bagay tungkol sa kanila na bukod-
tangi. Maghandang ipakilala ang
bukod-tanging katangian ng inyong
kapamilya sa bahaginan bukas.
FILIPINO
WEEK 30 DAY 3
Gamitin ang takdang-aralin na lunsaran para sa
bahaginan. Iugnay ang bahaginan sa layunin ng
paggamit ng magalang na pananalita sa
pagpapakila ng ibang kasapi ng pamilya.
May ____ miyembro ang aking pamilya. May
namumukodtanging katangian ang bawat isa. Si
____ ang aking ____. ____ siya. Si ____ naman
ang aking ____. ____ siya. Si ____ ang aking
____. ____ siya.
Magbigay ng sariling pangungusap upang higit
na maintindihan ng klase ang kanilang gagawin.
Halimbawa: “May anim na miyembro ang aking
pamilya. Apat kaming magkakapatid. May
namumukod-tanging katangian ang bawat isa. Si
Doris ang aking panganay na kapatid. Magaling
siyang magluto. Si Ruben naman ang aking
nakababatang kapatid. Mahilig naman siyang
tumugtog ng gitara. Si Rose ang aking bunsong
kapatid. Napakahilig niyang magpatawa.”
Patayuin ang lahat ng mag-aaral. Maglaro ng
“Lumulubog ang Barko” upang makabuo ng
maliliit na pangkat na may tatlong kasapi. Bigyan
ang bawat pangkat ng limang minuto upang
magbahaginan. Umikot sa mga pangkat upang
pakinggan ang kanilang bahaginan at magbigay
ng tulong kung kinakailangan. Matapos ang
limang minuto, pabalikin ang mga mag-aaral sa
kanilang upuan.
Ipakita muli ang aklat na Si Dindo
Pundido. Balikan ang ilang pahina
ng aklat upang tulungan ang mga
mag-aaral sa pagtukoy ng ilang
detalye mula sa kuwento at upang
gabayan sila sa pagbibigay ng mga
salitang naglalarawan sa mga
tauhan dindo.
Iugnay ang talakayan tungkol sa salitang
naglalarawan sa konsepto ng salitang
magkasalungat.

Ikabit ang sumusunod na talahanayan.


Matapos ang limang minuto, tumawag
ng mga mag-aaral na magbibigay ng
kanilang naisip na kasalungat na salita.
Isulat ang mga ito sa huling hanay ng
sinimulang talahanayan.
Ipasipi sa mag-aaral ang talahanayan.
Magsagawa ng mabilisang pagpupulso.
Ipataas ang kamay ng mga mag-aaral
na nakapag-isip ng kasalungat na salita
para sa limang salita sa listahan.
Ipataas ang kamay ng mga mag-aaral
na nakaisip ng kasalungat para sa apat
na salita.
FILIPINO
WEEK 30 DAY 4
Patayuin ang mga mag-aaral at pabuuin ng isang malaking bilog.
Sabihin: Maglalaro tayo ngayon ng “larong-pasalita.” Sa bilog na ito, pipili
ako ng mag-aaral na unang magbibigay ng isang salitang naglalarawan.
Ibibigay naman ng kaniyang katabi sa kanan ang kasingkahulugan, habang
ibibigay ng kasunod na bata sa kanan ang kasalungat. Magbibigay ng
bagong salitang naglalarawan ang hindi nakapagsabi ng kasalungat o
kasingkahulugan. Magpapatuloy ito hanggang sa makapagbahagi ang lahat.
May tanong ba kayo tungkol sa panuto ng laro? Sige, simulan natin.
Halimbawa: “Kung ang ibinigay na salita ay maliit, maaaring
sasabihin ng katabi sa kanan ang kasingkahulugan na munti.
Ang susunod na bata sa kanan ay magbibigay ng kasalungat,
katulad ng higante. Ang kasunod na bata ay magbibigay ng
kasingkahulugan ng higante, katulad ng malaki. Ang kasunod
na bata ay magbibigay ng kasalungat ng malaki, katulad ng
malinggit. Kapag walang maisip na kasingkahulugan ang
susunod na bata, mag-iisip siya ng ibang salita at
magpapatuloy ang laro.”
Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan. Hikayatin
sila na kompletuhin at isulat sa kanilang kuwaderno
ang sumusunod na mga pangungusap, batay sa
katatapos lamang na laro:
 
Magkasinghulugan ang mga salitang ______ at
______. Magkasalungat ang mga salitang ______ at
______.
Magbigay ng halimbawang pangungusap,
katulad ng:
a. Magkasinghulugan ang mga salitang
maliit at munti.
b. Magkasalungat ang mga salitang maliit
at malaki.
Umikot sa klase habang nagsusulat ang mga
mag-aaral. Pansinin at tulungan ang mga
batang hindi pa lubusang nakaintindi sa
konsepto ng magkasingkahulugan at
magkasalungat. Tutukan din ang mga mag-
aaral na nahihirapan pa sa pagsusulat ng may
tamang laki at layo ang mga letra.
Magbigay ng ilang pares ng
salitang magkasalungat at
gabayan ang mga mag-aaral sa
pagpapantig at pagkilala ng mga
tunog na bumubuo dito.
Matapos ng tatlong minuto,
tumawag ng ilang mag-aaral
upang ilahad sa buong klase ang
mga pantig at ang mga tunog na
bumubuo sa bawat pantig.
Takda:
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Manood ng
programang pambalita sa telebisyon (o makinig sa
isang programang balitaan sa radyo) kasama ng isang
nakatatandang miyembro ng inyong pamilya. Kung
may salitang hindi maintindihan, ipapaliwanag sa
inyong kapamilya. Maghandang magbahagi tungkol sa
isang napanood o napakinggang balita sa klase bukas.

You might also like