You are on page 1of 17

ARALING

PANLIPUNAN 1
Ikatlong Markahan – Ikalawang Linggo

Nasasabi ang mga batayang


impormasyon tungkol sa sariling
paaralan at natutukoy ang mga
bahagi ng paaralan
ARSAPI
PISARA

ABNADIL BANDILA

SILID–ARALAN
ILISD–ANLARA
Natuklasan mo na ba ang lahat ng mga lugar sa
iyong paaralan? Nakapasok ka na ba sa mga ito?
Tukuyin kung anong lugar sa paaralan ang mga
larawan.
Silid – aklatan o Library
Silid – aralan o Klasrum
Kantina
Palikuran
Bilang isang paaralan ay marami pa itong iba’t
ibang lugar na nakakatulong sa mga magg-aaral
upang mas maging buo at mahusay.
 Silid – aralan o Klasrum
Sa lugar na ito tayo tinuturuan ng ating mga
guro. Lugar din ito kung saan nakakasalamuha
natin ang ating mga kamag-aral.
 Silid o aklatan o Library
Ang silid – aklatan ay isang lugar kung saan
maraming uri ng aklat upang higit tayong matuto at
mawiling magbasa.
 Tanghalan o Auditorium
Ang tanghalan o auditorium ay lugar sa
paaralan kung saan isinagawa ang mga
pagtatanghal at programa.
 Kantina
Ang kantina ay lugar sa paaralan
kung saan tayo kumakain at
nagkakaroon ng pagkakataong na
makisalamuha sa ating mga kaibigan
at sa ibang tao.
 Klinika
Ang bawat paaralan ay
mayroong klinika kung saan
maaaring magamot ang mga
mag-aaral kung masama ang
kanilang pakiramdam.
 Palikuran
Ang palikuran ay isang lugar sa paaralan
kung saan tayo nag – aayos ng ating sarili.
Lugar din ito kung saan tayo umiihi o
dumudumi.
Ang paaralan ay isang lugar kung saan natututo ang
mga mag – aaral na gaya mo. Ang mga bahagi nito
ang nagbibigay – daan upang malinang ang iyong
kakayahan, matutong makipagkaibigan, at maging
responsible sa iyong mga gawain.
Takdang Gawain!

Worksheet 29 sa Araling Panlipunan 1


Pagtataya
Pahina 169 (A&B)

You might also like