NASUSURI ANG MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN TUNGKOL SA: a. pangkalusugan b. pang-edukasyon c. pangkapayapaan d. pang-ekonomiya e. pang-impraestruktura PANG – EDUKASYON Mga Patakaran at Programang Pang- edukasyon Ayon sa 1987 Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas, Artikulo XIV – Edukasyon: Seksyon 1. Dapat pangalagaan at itaguyod ang Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng Seksyon 2. Ang Estado ay dapat: (1) Magtatag, magpanatili, at magtustoos ng isang kumpleto, sapat, at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan. (2) Magtatag at magpanatili ng isang sistema ng libreng pambayanang edukasyon sa elementarya at mataas na paaralan… Seksyon 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag- aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon (2) Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo, ihasik ang pag-ibig sa sangkatauhan, paggalang sa mga karapatang pantao, pagpapahalaga sa gampanin ng mga pambansang bayani sa historical na pagpapaunlad ng bansa, ituro ang At espiritwal, linangin ang karakter na moral at disiplinang pansarili, pasiglahin ang kaisipang mapanuri at malikhain. Palawakin ang kaalamang siyentipiko at teknolohikal, at itaguyod ang kahusayang bokasyonal. Pagpapabuti ng Kalidad ng Edukasyon Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepED) – ang ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga at namamahala sa sistema ng edukasyon sa ating bansa. Commission on Higher Education o CHED – ay namamahala sa mga kolehiyo oo unibersidad. Ito ay isang kalakip na ahensiya na pinamumunuan ng Office of the President. Dahil sa aming paniniwalang ang pinakamahalagang yaman ng isang bansa ay ang mamamayan nito, ang aming tanging misyon ay mabigyan ng edukasyon ang batang Pilipino. Ginagabayan naming ang batang Pilipino sa pagtuklas ng kanyang potensyal habang siya ay tinuturuan at natututo sa isang kapaligirang nakatuon sa bata ( child-centered) at mayaman sa pagpapahalaga (value-driven). Sa ganitong paraan, nabubuo niya ang kanyang sariling tadhana sa isang global na pamayanan.. Hiinuhubog naming siya upang maging isang responsableng mamamayan at matalinong pinuno MGA PROYEKTO NG DepED
Pagsasakatuparan ng Edukasyon para sa
lahat o Education for All (EFA) Ang Philippine Education for all 2015 Plan – ay nilikha upang mapabuti ang Sistema ng ating edukasyon. Pagpapabuti sa Kurikulum ng Basic Education K to 12 - sa programang ito, magiging 13 ang taon ng pag-aaral bago pumasok sa kolehiyo ang mag-aaral sa halip na 10 lamang. - Paglalahad ng probisyon sa pagdagdag ng mga mapagkukunan para maibsan ang kaukulang basic education Ang sentral na layunin ng Philippine EFA 2015 ay matulungan ang lahat ng mga Pilipino na maging functionally literate at magkaroon ng mga kakayahan at kasanayan upang: - Mamuhay at maghanapbuhay - Linangin ang kanilang mga potensyal - Bumuo ng kritikal at maalam na pagpapasya - Makibahagi nang epektibo sa lipunan sa loob ng konteksto ng Pagtataguyod ng Adopt-A-School Program - ang programang ito ay naghihikayat sa mga pribadong sektor na magbabahagi ng pinansyal na tulong sa mga pampublikong paaralan. Go! Education - Layunin ng programang ito na hikayatin ang ppubliko na tumulong at mmakiisa para matugunan ang programa ng “Edukasyon Para sa Lahat o Education For All”. Iba pang Proyekto o Pagpapatupad ng mga programming Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) o Pagkamit ng 1:1 textbook to pupil ratio (TxPR) o Patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan. o Pagbibigay ng computer access sa pambulikong mataas na paaralan sa buong bansa o Pagkakaloob ng pautang at scholarship sa mahihirap ngunit magagaling nna estudyante o Pagsasaayos at pagpapatayo ng mga pasilidad sa paaralan. Worksheet 36 sa Araling Panlipunan 4