Kataas-taasang Hukuman at sa mga nakabababang hukuman. Ang mga hukuman sa bansa ay malaya at hindi pinakikialaman ng ibang sangay ng pamahalaan. Ang mga hukuman ang inaasahang mag-aayos at lulutas ng mga sigalot na kinasasangkutan ng mga mamamayan. Ang mga ito ay nagbibigay ng hatol nang naaayon sa batas. Ito ang nagpapasiya kung mayroong naganap na pagsasamantala at paglabag sa batas. Ang mga hukuman ay inaasahang magkakaloob ng pantay na pagtingin sa mga mamamayan. Ang mga ito ay may tungkuling magbigay katarungan sa lahat batay sa mga katibayang inilalahad. Ang sinumang napatunayang nagkasala ay pinapatawaran nito ng mga kaparusahan batay sa bigat ng pagkakasala at sa itinakda ng batas. Ang Kataas-taasang Hukuman ( Supreme Court) Ang kataas-taasang Hukuman ang pinakamataas na hukuman sa ating bansa. Binubuo ito ng Punong Hukom at labing apat na Kagawad na Hukom. Ang mga na ito ay hinihirang ng ating Pangulo. Kung nabakante ang posisyon ng isang hukom, kailangang punan iton sa loob ng 90 na araw. Ang mga hukom ng Korte Suprema ay maaaring maglingkod hangga’t malinaw pa ang kanilang kaisipan. Ngunit dapat silang magretiro pagdating nila ng edad na 70. ANG Kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman 1. Pag-aaral at pagpapatupad nang maayos ng mga batas at pagpapasiyya kung mayroong naganap na pagmamalabis o pagsasamantala ng kapangyarihan ng mga mababang hukuman. 2. Pagtatakda ng pagbabago sa lugar ng paglilitis upang maiwasan ang pagkaantala ng pagpapairal ng katarungan. 3. Padidisiplina sa mga huwes ng mababang hukuman. 4. Paghirang sa lahat ng mga pinuno at mga kawani ng mga hukuman ayon sa itinakda ng Batas ng Serbisyo Sibil. 5. Pagpapasiya tungkol sa mga isinampang isyu at usapin na may kinalaman sa konstitusyon at constitutionality o pagiging konstitusyunal na anumang batas ng bansa. Pandaigdigang kasunduan, at mga kautusan ng Pangulo. Hukuman Para sa Pag—aapila ( Court of Appeals) Binubuo ang Court of Appeals ng isang punong Mahistrado at apatnapu’t siyam na Kagawad na Mahistrado na hinihirang ng Pangulo. Dinidinig ng hukumang ito ang mga desisyong sa mga kasong sibil at criminal na iniaapila mula sa Panrehiyong mga Hukuman ng Paglilitis (Regional Trial Courts) at ibang mababang hukuman. May kapangyarihan din itong sumalungat, magpatibay, o magbago ng mga pasiyang iginawad ng nakabababang hukuman. Ang Regional Trial Court Ito ang humahawak sa mga kasong sibil tulad ng mga kaso sa pag-aangkin ng mga ari-arian, mga usapin nang hindi pagkakasundo na may-ari ng lupa at mga kasama nito, pag-aampon, at pagpupuslit ng mga kalakal. Ang Metropolitan Trial Court Ang Metropololitan Trial Court ang lumilitis sa mga kasong cadastral. Ang mga kasong ito ay may kinalaman sa paglutas ng mga usapin sa lupain na hindi maaaring pagpasiyahan ng pambayanang hukuman. Ito rin ang lumilitis sa lahat ng mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa mga kautusang panglungsod. Municipal Trial Court Ito ay may kapangyarihang magpasiya sa mga kasong paglabag sa mga ordinansa ng munisipyo tulad nga pagsusugal, pagdadala ng armas, at mga bagay na pumuputok, at pangangasiwa ng mga loterya o bookies. Ang mga kasong pinagpasiyahan nito ay maaring idulong sa pambayanang hukuman sa paglilitis. Mga Natatanging Hukuman at Tanggapang Ligal
Ang Shari’a District Courts ay matatagpuan sa ilang
bahagi ng Mindanao. Katumbas nito ang Judicial Regional Trial Courts. Ngunit, naiiba ito sa mga Regional Trial Court dahil sinusunod at ipinatutupad nito ang Muslim Code on Personal Laws. Ang Judicial Bar Council ang may tungkuling pumili at mag rekomenda ng mga taong karapat-dapat Ang Ombudsman naman na italaga sa mga ang may kapangyarihang hukuman. mag-imbestiga ng mga kaso ng pagnanakaw at panunuhol sa pamahalaan.