You are on page 1of 58

AP 1

Mga Taong Bumubuo sa D


Aming Paaralan A
QUARTER 3 WEEK 5 Y
Ayun sa ating napag-aralan, maraming
tao na may iba’t ibang tungkulin ang
bumubuo sa ating paaralan.
Ang paaralan ay binubuo ng mga mag-aaral, guro, librarian,
punongguro, nars at doktor, guwardya, janitor, at tindera o tindero sa
kantina.
Ano ang gusto ninyo maging
paglaki ninyo? Bakit?
Ang mga mag-aaral na
katulad ninyo ay ang
mga
nag-aaral bumasa,
sumulat at bumilang sa
loob ng silid-aralan.
guro Ang guro ang siyang
nagtuturo sa mga mag-
aaral sa loob ng silid-
aralan.
Ang punongguro ang
pinuno ng paaralan. Siya
ang gumagabay sa mga
guro upang magampanan
nila ang maayos na
pagtuturo.
Ang librarian ay ang
tagapangasiwa sa silid-
aklatan
Ang nars at doktor ang siyang
gumagamot sa mga mag-aaral na
nagkakasakit. Marami silang alam
sa pagbibigay ng paunang lunas sa
karamdaman.
Ang guwardiya ang
nagpapanatili ng
kaligtasan ng mga bata
sa paaralan.
Ang janitor naman ang
naglilinis ng paaralan.
Minsan siya rin ang
nagdidilig ng mga
halaman sa paaralan.
Ang mga tindero o tindera
ang nagluluto ng pagkain at
nagpapanatili na malinis at
masustansiya ang mga
makakain ng mga mag-aaral
sa kantina tuwing recess.
Piliin ang letra ng tamang sagot.
Piliin sa kahon kung sino ang nasa larawan.
Isulat sa patlang ang mga pangalan ng mga taong
bumubuo ng inyong paaralan.

Ako si __________ . Ako ay nasa unang


baiting na. Ang aking guro ay si
______________ . Ang punongguro ng aming
paaralan ay si _______________.
Sino sino ang mga taong bumubuo
sa paaralan.
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang pahayag at ekis (x) kung
mali.

_____ 1. Ang guwardiya ang siyang nagtuturo sa mga mag-aaral kung


papaano magbasa, magsulat, at magbilang.
_____ 2. Ang janitor ang siyang naglilinis ng paaralan.
_____ 3. Ang tindera o tindero ng kantina ang siyang nagpapanatili na malinis
at masustansiya ang mga makakain ng mga mag-aaral sa kantina tuwing
recess.
_____ 4. Ang punongguro ang siyang gumagabay sa mga guro upang
magampanan nila ang maayos na pagtuturo.
_____ 5. Ang nars at doktor ang siyang gumagamot sa mga mag-aaral na
nagkakasakit.
Pag-aralan ang aralin.
AP 1
Mga Taong Bumubuo sa D
Aming Paaralan A
QUARTER 3 WEEK 5 Y
Kilala na ba ninyo lahat ng mga
taong bumubuo sa ating
paaralan?
Araw-araw, masaya ka na pumapasok sa
paaralan upang matuto ng mga bagong
aralin na ituturo ng iyong guro. Maliban
sa kanya, sino pang mga tauhan sa iyong
paaralan?
Sa paaralan, may iba’t-ibang tauhan na iyong makikilala.
Magkakaiba ang kanilang mga gawain.
Ang tagapamahala ng kantina
ang nangangalaga sa
pagkalusugang pangangailangan
ng mga mag-aaral sa paaralan.
Kulayan ang mga pagkain na inihahanda ng tagapangasiwa sa
kantina sa loob ng bilog.
Pag-aralan ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka
MALI naman kung hindi.

______ 1. Ang gwardiya ang namamahala sa kantina.


______ 2. Masustansiyang mga pagkai ang inihahanda ng
tagapangasiwa ng kantina.
______ 3. Kendi, sitsirya at softdrinks lamang ang makikitang pagkain
sa kantina.
______ 4. Ang tagapangasiwa ng kantina ang nag-aalaga at nagpapaganda
ng mga halaman sa paaralan.
______ 5. Sa silid-aklatan pupunta ang mga mag-aaral upang makita nila
ang tagapangasiwa ng kantina.
Kung sasali ka sa isang dula at
gaganap bilang isa sa mga taong
bumubuo ng iyong paaralan, sino sa
mga taong bumubuo ng inyong
paaralan ang nais mong gampanan?
Bakit?
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
punongguro, guro, dyanitor, nars,
tagapamahala ng aklatan at kantina at
guwardiya. Sila ay nagtutulong-tulong para
mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng
paaralan.
Gumuhit ng limang mga pagkain
na maaari ninyong makita sa
inyong kantina.
Pag-aralang kilalanin ang mga
taong bumubuo sa paaralan.
AP 1
Mga Taong Bumubuo sa D
Aming Paaralan A
QUARTER 3 WEEK 5 Y
Ano anong pagkain ang inihahanda
ng tagapamahala ng kantina ng ating
paaralan?
Ang mga tauhan sa paaralan ay may mga
mahahalagang ginagampanan na tungkulin sa
paaralan. Sila ay nagtutulong-tulong upang
mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng
paaralan.
Ang dyanitor ang
nagpapanatili ng kalinisan
at kagandahan ng
paaralan.
Ang guwardiya ng
paaralan ang nangangalaga
ng kaligtasan ng
mga guro at mag-aaral.
Ang hardinero ng
paaralan ang
nagpapanatili ng
kagandahan at
kaayusan ng mga
halaman at kapaligiran.
Bilugan ang mga tauhan sa paaralan na nakasulat sa ibaba
at bilugan ito.
dyanitor guwardiya hardinero
Pagtambalin ang larawan na
nasa kaliwa sa salita na nasa
kanan.
Pangalanan ang mga sumusunod ng
ating paaralan.

Punongguro
Guwardiya
Dyanitor
Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan
ng punongguro, guro, dyanitor, nars,
tagapamahala ng aklatan at kantina at
guwardiya?
Basahing mabuti ang pangugusap sa gabay ng inyong mga magulang.
Lagyan ng tsek (√) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis (X)
naman kung hindi.

_______ 1. Ang dyanitor ang nagtuturo sa mga bata na magbasa at


mabilang.
_______ 2. Ang guwardiya ang nagpapanatili ng kaligtasan ng mga guro
at mag-aaral sa paaralan.
_______ 3. Ang hardinero ang nangangasiwa ng kantina sa paaralan.
_______ 4. Ang nars ang naglilinis ng paaralan.
_______ 5. Ang hardinero ang nangangalaga sa mga halaman sa paaralan.
Ituloy ang pag-aaral.
AP 1
Mga Taong Bumubuo sa D
Aming Paaralan A
QUARTER 3 WEEK 5 Y
Pangalanan ang mga nasa larawan.
Sino-sino ang mga
nasa larawan na
nasa ibaba?
 Kilala na ba ninyo lahat ng mga taong bumubuo ng ating paaralan?
 Alam nyo na rin ba ang mga tungkuling ginagamapanan ng bawat isa
sa kanila?
Ang punongguro o pinuno ng paaralan.
Tinatawag din siyang
prinsipal. Siya ang namamahala at
namumuno sa buong paaralan.
Ang guro naman ang nagtuturo na
magbasa, magsulat at bumilang sa mga
bata.
Ang mga mag-aaral ay ang pumapasok sa
paaralan upag matuto at maging maganda ang
kinabukasan.
Lagyan ng masayang mukha kung pinahahalagahan mo ang tauhan sa
paaralan at malungkot na mukha naman kung hindi.

1. Inaaway ko ang aking mga kaklase.


2. Sumusunod ako sa mga pinagagawang aralin ng aking guro.
3. Nagbibigay galang ako sa aming punongguro kapag nakikita ko
siya sa aming paaralan.
4. Pinahihiram ko ng lapis ang aking kaklase para makagawa siya
ng kanyang gawain.
5. Pinapasa ko sa tamang oras ang proyekto na pinagawa ng aming
guro.
Suriin ang mga larawan na nasa ibaba at isulat ang letra ng tamang sagot
sa kahon ayon sa mga tauhan sa paaralan.
 Sino ang tumutulong sa mga
pangangailanagn ng mga mag-aaral sa
babsahin o proyekto.

a. Tagapangasiwa ng kantina.
b. Tagapangasiwa ng silid-aklatan.
Isulat sa information chart ang mga tauhan sa tapat ng kanilang
mga tungkulin na ginagampanan sa paaralan.
Ituloy ang pag-aaral.
Mag-aral ng
mabuti.

You might also like