You are on page 1of 21

D I WA

( DITO WAGI AKO )

SA

PAGBASA
PROPONENTS:

ISABEL B. MILITAR
( Guro sa Filipino)

CRISTETA D. CORTEZ< Ed.D


( Principal -IV)

MUNTAKLAT
SA
FILIPINO
Paunang Salita
Ang muntaklat na ito ay isinagawa upang maging bahagi
ng isang inobasyon na makatutulong na maitaas ang antas
sa pag-unlad sa pagbasa sa Filipino . Sa pagtuklas ng bagong
konsepto ng inobasyon na angkop sa antas ng
pangangailangan ng pagkakatuto sa larangan ng pagbasa ng
mga mag- aaral ay minarapat na maisagawa ang muntaklat na
ito para sa ika-apat na Baitang sa Pangkat “Apollo”
Layon nito na maging gabay sa unti- unting paghakbang
sa pag -unlad sa pagbasa ng mga mag-aaral .Ang munting
aklat na ito ay binubuo ng mga mga salita, parirala,
pangungusap, talata at kwento.Dito ay unti-unting
mapagyayaman ang kakayahan na matutuhang basahin at
unawain ang bawat nilalaman nito.
Magiging kaakibat ito sa paglinang ng pagbasa ng mga mag
-aaral hindi lamang sa mabilis na pagbasa, gayundin sa pag
unawa ng kanilnang binabasa upang lubos na mabuksan ang
ano mang sagabal at mahawi ang hadlang sa pagkakatuto sa
larangan ng pagbasa batay sa kanilang kakayahang
intelektuwal.
Inaasahan sa pamamagitan nito ay makapg aambag ng
lubos na kasiya-siyang pagganap sa larangan ng pagbasa ng
mga mag-aaral.

I. MGA SALITA
1. watawat 26. malusog
2. pagkamamamayan 27. makapagbigay
3. sumasagisag 28. pangangatawan
4. pambansa 29. naglalayon
5. nilapitan 30. guro
6. Kinabibilangan 31. punong-guro
7. nangangahulugan 32. sukli
8. pinagkakakilanlan 33. tindahan
9. kapayapan 34. matapat
10. bughaw 35. natuklasan
11. lahi 36. ibinalik
12. lalawigan 37. inutusan
13. gulayan 38. maiabot
14. paaralan 39. magulang
15. pinamumunuan 40. pagmamahal
16. naisakatuparan 41. naghahanap
17. magulang 42. kabutihan
18. magulang 43. gumagabay
19. layunin 44. pamilya
20. mag-aaral 45. malimit
21. naghahanap 46. tagubilin
22. programa 47. narinig
23. matugunan 48. pinapayuhan
24. masustansya 49. kinabukasan
25. malnutrisyon 50. nagugutom
Pagsasanay I

Ayusin ang ginulong salita base sa kahulugang ibinigay upang


mabuo ito.
1. PUONG GUOR- namumuno sa paaralan.
______________________________________________
______________________________________________

2. MLANTURISYON- Kulang sa masustansyang pagkain


______________________________________________
______________________________________________

3. TMATAAP-nagsasabi ng katotohanan
______________________________________________
______________________________________________

4. NGUAOTM-kumakalamang sikmura
______________________________________________
______________________________________________

5. TAWATAW- sumasagisag sa ating bayan bilang Filipino


______________________________________________
______________________________________________

Pagsasanay 2
Baybayin ang mga salita
1.kapaligiran
2. gumagabay
3. naghahanap
4. pagmamahal
5. nasaksihan
II. MGA PARIRALA
(Mula sa mga salita ginamit sa parirala)

1. Ang pagkamamamayan nya


2. Sumasagisag sa bansa
3. Pambansang watawat
4. Nilapitan sya
5. Kinabibilangan ng mga kabataan
6. nangangahulugan
7. pinagkakakilanlan ng isang tao
8. kapayapan
9. bughaw ang sumisimbulo
10. lahing Filipino
11. lalawigang nakipaglaban
12. gulayang luntian
13. paaralan
14. pinamumunuan ng punong-guro
15. naisakatuparan kasama sila
16. magulang na nagmamahal
17. layunin na makapagbigay
18. mag-aaral na malulusog
19. naghahanap ng ikabubuhay
20. programa para sa kalusugan
21. matugunan ang pangangailangan
22. masustansyang pagkain
23. malnutrisyon ang dahilan
24. malusog na panganfatawan
25. makapagbigay ng tulong
26. kinabukasan para sa pamilya
27. Naglalayong makatulong
28. guro at mga mag-aaral
29. punong-gurong namamahalaa
30. sukli na ibinigay
31. tindahan na malapit
32. matapat na bata
33. natuklasan agad
34. ibinalik ang sukli
35. inutusanng bumili
36. maiabot agad
37. nagugutom palagi
38. pagmamahal na walang katulad
39. narinig na kalabog
40. Kabutihan ang iganti
41. gumagabay sa mga anak
42. pamilya na nagkakaisa
43. malimit makita
44. tagubilin ng magulang
45. pinapayuhan palagi
Pagsasanay I

Lapatan ng angkop na salita ang bawat patlang upang


makabuo ng isang parirala.

1.Narinig ni Lorena ang isang _______na kalabog


2.Ang ating mga magulang ang gumagabay sa ating mga
_____
2. Si Lorena ay inutusang bumili ng suka at toyo sa _____ para
sa adobong baboy na lulutuin.
3.Si Barotoy ay masasabing isang matapat na _____sapagkat
ibinalik niya agad ang sobrang sukli.
4.Malaki ang utang na loob natin sa ating mga magulang kaya
naman kabutihan ang ating ______.
5.Alagaan natin ang ating _______ upang hindi masira ang
ating likas na yaman.

Pagsasanay 2
Sumulat ng limang parirala mula sa mga pangungusap
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
III .MGA PANGUNGUSAP
( Mula sa mga salita at parirala makabubuo ng pangungusap)

1. Ang watawat ay sumasagisag ng alin mang bansa.Ito ang


kumakatawan sa bansang kinabibilangan ng isang
indiduwal.
2. Ang watawat ang pinagkakakilanlan ng isang lahi.3.
3. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ang sumasagisag
sa ating bansa.
4. Ang watawat ang kumakatawan sa pagkamamamayang
Filipino.
5. Ang ating watawat ay may tatlong kulay; pula, puti at
bughaw.
6. Ang bughaw ay para sa kapayapaan. Ang tatlong kulay
sa watawat ay may tatlong kulay, pula ay para sa
kagitingan o katapangan,ang puti naman ay para sa
kalinisan.
7. Ang tatlong bituin sa W______ay sumisibulo sa tatlong
isla na bumuo sa Pilipinas. Ito ay ang Luzon, Visayas, at
Mindanao.
8. Ang araw na may walong sinag sa watawat ay
nangangahulugan ng walong lalawigan na nanguna sa
himagsikan upang nakipaglaban ang ating kalayaan
laban sa mga dayuhan.
9. Ang walong L_______ na nakipaglaban para sa kalayaan
ay ang Maynila, Bulacan, Laguna, Nueva Ecija,Batangas,
cavite, at Pampanga.
10. Bilang paggalang sa watawat, tayo ay huminto
habang inaawit
11. Ang Gulayan sa Paaralan ay programa ng
DepED( Department of Education) 2. Layunin ng
prorama aang matugunan ang maltnutrisyon ng mga
mag-aaral.
12. Ang produksyon nito ay makapagbigay ng
masustasyang pagkain.
13. Handog nito ang makapaghandog ng malusog na
pangangatawan.
14. Ang Gulayan sa Paaralang Elementarya ng Llano na
pinamumunuan ng ating punong-guro na si Dr. Cristeta
D. Cortez ay naisakatuparan sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng mga guro, magulang at mga mag -
aaral.
15. Ang gulayan ay hindi lamang ito mapagkukunan ng
pagkain kundi ito ay may iba pang pakinabang tulad ng
pagpapaganda ng kapaligiran
16. Si Barotoy ay isang bata, sya ay sampung taong
gulang at nasa ika -apat na Baitang.
17. Siya ay nag -aaral sa Paaralang Elementarya ng
Llano. Ang guro niya ay si Bb. Ailyn M. Jimena.
18. Si Baarotoy ay madalas utusan ng kanyang nanay
na si Aling Chabeng .
19. Minsan siya ay inutusan na bumili ng toyo at suka si
Barotoy ng kanyang ina para sa luluting adobo.
20. Matapos maiabot sa kanya ng sukli, ito ay kanyang
binilang at natuklasan nya na sobra pala ang sukli kaya
ito ay dali- dali niyang 20.Natuwa naman si Aling
Chabeng kay Barotoy dahil siya ay isang batang
matapat.
21. Ang ating magulang ang nag aaruga sa mga anak.
22. Handog ng ating mga magulang ang pagmamahal
na walang kapalit.
23. Gumagabay ang mga magulang sa bawat araw at
sandali sa ating mga anak upang mapabuti.
24. Si nanay ang nagnagangalaga sa tahanan para sa
mga anak. 24.Si tatay naman ang naghahanap ng
ikabubuhay ng pamilya. 25.Ginagawa nila ito para sa
magandang buhay at kinabukasan ng pamilya.
25. Ang mga anak ay dapat suklian ng pagmamahal at
kabutihan ang mga magulang.
26. Matapos maiabot sa kanya ang sukli, ito ay kanyang
binilang at natuklasan nya na sobra pala ang sukli kaya
ito ay dali- dali niyang isnauli.
27. Natuwa naman si Aling Chabengkay kay Barotoy
dahil siya ay isang batang matapat.
28. Ang ating magulang ang nag aaruga sa ating mga
anak.
29. Handog ng ating mag magulang ang pagmamahal
na di nagmamaliw kailan man.
30. Si nanay ang nagnagangalaga sa tahanan para sa
mga anak.
31. Si tatay naman ang naghahanap ng ikabubuhay
para sa buong pamilya.
32. Ginagawa nila ito para sa magandang buhay at
kinabukasan ng pamilya.Kaya ang mga anak ay dapat
suklian ng pagmamahal at kabutihan ang mga
magulang.
33. Si Betong at ang kanyang pamilya ay naninirahan sa
isang malayong bayan.
34. Ang hanapbuhay ng kanyang mga magulang ay
mangalakal.
35. Bilang anak siya ay tumutulong sa mga gawaing
bahay kapag umaalis ang kanyang mga magulang.
36. Minsan ay si Betong ang tumulong na mangalakal
sa kanyang ama dahil nagkasakit ang kanyang ina.
37. Sa pangangalakal ni Betong nakasalubong niya si
Aling Bebang” Aling Bebang Magandang umaga po!”
wika niya.
38. Natuwa si Aling Bebang sa kanyang kasipagan at
pagiging magalang.
39. Maya maya ay dumating si Mang Kanor na kanyang
amain at sya ay nagmano sabay sabi ng “Magandang
umaga po Tiyo Kanor”, ang bati ni Betong.
40. Wika ni Betong “Tiyo kanor ako na po ang
magdadala ng inyong gamit pauwi”.
41. Si Mang Kanor ay tinulungan ni Betong na magdala
nga mga gamit nito.
42. Pinuri ni Mang Kanor si Betong sa pagiging
magalang at mabait nito.
43. Si Betong ay kinagigiliwan ng maraming ato dahlia
sa pagiging magalang
Pagsasanay

Punan ang bawat patlang ng angkop na salita upang makabuo


ng pangungusap.
1. Si Barotoy ay isang B_______, sya ay sampung taong
gulang at nasa ika -apat na Baitang.
2. Siya ay nag -aaral sa Paaralang Elementarya ng Llano.
Ang G______niya ay si Bb. Ailyn M. Jimena.
3. Si Baarotoy ay madalas utusan ng kanyang nanay na si
Aling Chabeng na bumili sa T_______.
4. Ang G________ay hindi lamang mapagkukunan ng
pagkain kundi ito ay may iba pang pakinabang tulad ng
pagpapaganda ng kapaligiran
5. Minsan Barotoy ay inutusan na bumili ng toyo at suka ng
kanyang ina para sa L________ adobo.
6. Si Betong ay kinagigiliwan ng maraming T____ dahlia sa
pagiging magalang.
7. Ang H_________ng kanyang mga magulang ay
mangalakal.
8. Si T_______naman ang naghahanap ng ikabubuhay para
sa buong pamilya.
9. Si Lorena ay palaging pianpayuhhan ng kanyang I_____
na magsikap sap ag -aaral.
10. Ang mga magulang ang gumagabay sa mga A_____
sa tuwi-tuwina.

IV. MGA TALATA AT KWENTO

( Mula sa mga salita, parirala, at pangungusap na nakabuo


ng isang kwento)
A. ANG WATAWAT
Ang watawat ay sumasagisag ng alin mang bansa.Ito ang
kumakatawan sa bansang kinabibilangan ng isang indiduwal.
Ang watawat ang pinagkakakilanlan ng isang lahi.
Ang pambansang watawat ng Pilipinas ang sumasagisag sa
ating bansa.Ito ang kumakatawan sa pagkamamamayang
Filipino.Ang ating watawat ay may tatlong kulay; pula, puti at
bughaw. Ang bughaw ay para sa kapayapaan. Ang pula ay
para sa kagitingan o katapangan. Ang puti naman ay para sa
kalinisan.
Ito ay may tatlong bituin at isang araw. Ang tatlong biyuin
ay simbolo ng tatlong isla na bumuo sa Pilipinas. Ito ay ang
Luzon, Visayas, at Mindanao.Ang araw nito ay may walong
sinag na nangangahulugan ng walong lalawigan nanguna sa
himagsikan upang nakipaglaban sa mga Espanyol para
makamit ang ating Kalayaan. Ang mga lalawigang nito ay ang
Maynila, Bulacan, Laguna, Nueva Ecija,Batangas, cavite,
Pampanga ,at Tarlac.
Ang watawat ng Plipinas ay matatagpuan na naka bandera
sa bawat tanggapan ng kagawaran ng ahensya ng ating
bansa,tulad sa ating Paaralan.Bilang paggalang sa watawat,
tayo ay huminto tumayo ng matuwid , at awitin ng buong
pusong may pagmamahal sa ating sariling bayan.

Sagutin ang mga tanong


1. Ano ang sagisag na kumakatawan sa bawat bansa?
2. Ano-ano ang tatlong kulay na matatagpuan sa ating
watawat?
3. Saan karaniwang makikita ang watawat?
4. Ano ang ibig sabihin ng tatlong bituin?
5. paano mo maipakikita ang paggalang sa ating watawat?
GULAYAN SA PAARALAN
Ang Gulayan sa Paaralan ay programa ng
DepED( Department of Education) na naglalayong matugunan
ang maltnutrisyon ng mga mag-aaral. Ang produksyon nito ay
makapagbigay ng masustasyang pagkain. Handog nito ang
malusog na pangangatawan.
Ang Gulayan sa Paaralang Elementarya ng Llano na
pinamumunuan ng ating punong-guro na si Dr. Cristeta D.
Cortez ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan
ng mga guro, magulang at mga mag -aaral.Hindi lamang ito
mapagkukunan ng pagkain kundi ito ay may iba pang
pakinabang tulad ng pagpapaganda ng kapaligiran.

Sagutin ang mga tanong


1. Ano ang programa ng DepEd?
2. Ano ang layunin nito?
3. Ano ang handog nito sa ating katawan?
4. Sino ang punong-guro sa Paarang Elementarya ng Llano?
5. Ano pa ang ibang pakinabang sa gulayan sa paaralan?
MATAPAT NA BATA
Si Barotoy ay isang bata, sya ay sampung taong gulang at
nasa ika -apat na Baitang. Siya ay nag -aaral sa Paaralang
Elementarya ng Llano. Ang guro niya ay si Bb. Ailyn M.
Jimena.
Si Baarotoy ay madalas utusan ng kanyang nanay na si
Aling Chabeng sa pagbili sa tindahan. Minsan siya ay inutusan
na bumili ng toyo at suka para sa luluting adobo ng nanay
niya.
Bumili sya sa tindahan ni Aling Dayang. Matapos maiabot
sa kanya ng sukli. Ito ay kanyang binilang at natuklasan nya na
sobra pala ang sukli kaya ito ay dali dali niyang ibinalik na ang
wika niya a “Aling Chabeng sobra po ang inyong sukli” .
natuwa naman si Aling Chabeng. Iyan si Barotoy ang batang
matapat.

Sagutin ang mga tanong


1. Sino ang batang matapat?
2. Ilang taong gulang siya?
3. Saan siya nag -aaral?
4. Sino ang kanyang guro?
5. Bakit sinasabing si Barotoy ay matapat na bata

ANG ATING MAGULANG


Ang ating magulang ang nag aaruga sa mga anak . handog
nya ang pagmamahal na walang kapalit.Gumagabay sa bawat
araw at sandali sa ating mga anak ay mapapabuti.
Si nanay ang nagnagangalaga sa tahanan para sa mga
anak. Si tatay naman ang naghahanap ng ikabubuhay ng
pamilya. Ginagawa nila ito para sa magandang buhay at
kinabukasan ng pamilya.Kaya ang mga anak ay dapat suklian
ng pagmamahal at kabutihan ang mga magulang.

Mga tanong:
1.Sino ang nag aaruga sa mga anak?

2.Ano ang handog ng mga magulang sa mga anak?

3.Sino ang nangangalaga at ilaw ng tahanan?


4. Sino ang humahanap ng ikabubuhay at itinuturing na
haligi ng tahanan para sa pamilya?

5. Ano ang dapat isukli ng mga anak sa kanilang mga ma

SUWAIL
Si Lorena ay 14 na taong gulang. Malimit siyang makita
sa lansangan kasama ng iba pang batang lansangan upang
nakipaglaro . Kung umuwi si Lorean sa araw- araw ay dapit-
hapon na, Mas mdalas sya sa labas kaysa sa paaralan.
Ang nanay nya na si aling Elena ay magadalas magalit sa
kanya sapagkat matigas ang ulo ni Lorena Hindi sya
sumusunod sa anumang tagubilin at utos ng kanyang ina.
Pinapayuhan si Petra na mag-aral mabuti para sa kanyang
kinabukasan at iwasan ang masamang barkda.Subalit tila
bingi si Lorena.
Isang araw may narinig si Petra na kalabog sa kwarto. “Ano
iyon?”. Ang malakas na sigaw ni Lorena .Ito na pala ang huling
araw na makakasama nya ang kanyang ina.Inatake sa puso
ang kanyang ina na naging dahilan ng pagpanaw nito.
Mula noon hindi na nakapag -aral pa si Lorena. Siya ay
nahinto na sa pag -aaral. Madalas na siya ay nagugutom dahil
wala na ang kanyang ina na nag aaruga sa kanya. Dito na
napag-isip ni Lorena na tama ang ang mga pangaral ng
kanyang ina.Kaya si Lorena ay sisisng alipin ngayon.

Mga tanong:
1. Ilang taong gulang na si Lorena?
2. Sino si Aling Elena?
3. Anong katangian ang hindi maganda kay Lorena?
4. Ano ang pangaral ni Aling Elena kay Lorena?
5. Ano ang nangyari sa Ina ni Elena?
ANG BATANG MAGALANG
Si Betong at ang kanyang pamilya ay naninirahan sa isang
malayong bayan. Ang hanapbuhay ng kanyang mga magulang
ay mangalakal.Bilang anak siya ay tumutulong sa mga
gawaing bahay kapag umaalis ang kanyang mga magulang.
Minsan ay si Betong ang tumulong na mangalakal sa
kanyang ama dahil nagkasakit ang kanyang ina. Sa kanyang
pangangalakal nakasalubong niya si Aling Bebang” Aling
Bebang Magandang umaga po!” wika niya. Natuwa si Aling
Bebang sa kanyang kasipagan at pagiging magalang. Maya
maya ay dumating si Mang Kanor na kanyang amain at sya ay
nagmano sabay sabi ng “Magandang umaga po Tiyo Kanor”,
ang bati ni Luisa. “Tiyo kanor ako na po ang magdadala ng
inyong gamit pauwi” . wika ni alok ni Betong.Natuwa si Mang
kanor. “Napakabait at magalang na bata itong aking
pamangkin”, ang puri ni Mang Kanor kay Betong. “Maraming
salamat po” ang sagot naman ni Betong.
Mga tanong:
1.Sino ang batang magalang na tinutukoy sa kwento?
2.Sino-sino ang mga taong natutuwa kay Betong?
3.Saan naninirahan si Betong at kkanyang ppamilya?
4. Ano ang hanapbuhay ng kanyang mga magulang?
5.Ano- ano ang mga magagalang na pananalita na
gianamit ni Betong sa kwento?
TAYO AY MAGBASA
ni Isabel B. Militar
I
MAGBASA NANG MAGBASA UPANG TAYO AY MATUTO
SA PAGKAKATUTO MAS MADALING MAPANUTO
SA PAGBABASA MATUTO KANG MAG ISANG TUMAYO
PARA NG SA GAYON ANG KAMANGMANGAN AY
MAPAPALAYO.
SA MALAWAK NA KAALAMAN IKAW AY SADYANG LALAGO.
II
SA TUWINA MAGING MASAYA TAYO SA ATING PAGBABASA.
HUWAG ISIPING MAHIRAP, TIYAK MAYROON TAYONG PAG -
ASA
SA BAWAT TITIK AT SALITA IKAW AY MAGIGING MALAYA
SA MGA PANGUNGUSAP ,KWENTO AT TALATA SA ISIP MO AY
MATATALA.
MGA KONSEPTONG MABUBUO PAG UNLAD MO ANG
NAKATAYA
III
SA UNTI -UNTING PAGBABASA IWAKSI ANG BALAKID
HAWIIN ANG HADLANG AT TINIK NA HATID
BUKSAN ANG PINTUANG MATAGAL NANG NAKAPINID.
SA ATING PAGBABASA LAHAT AY ATING MABABATID
KAYA HALINA , TAYO AY MAGBASA AKING MGA KAPATID

MATUTONG MAGBASA
ANG PAGBABASA AY DAAN SA PAGKAKATUTO

You might also like