You are on page 1of 14

Modyul 4 Mga istrakturang

makikita patungo sa paaralan.


Araling Panlipunan – Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Naibibigay ang mga bagay at istraktura na
nakikita patungo sa paaralan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Pangalan :Ma. Teresa D. Ygana
Editor: Pangalan : Edna P. Obias
Tagasuri: Pangalan : Ma. Cecil L. Atuan, Birnalyn S. Lorayes
Tagaguhit: Pangalan :
Tagalapat: Pangalan :
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan
1
ikaapat Markahan
Modyul 4 Mga Bagay at Istraktura
Naibibigay ang mga bagay at istraktura na nakikita
patungo sa paaralan mula sa sariling tahanan.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa Unang baitang ng
Modyul 4 para sa araling Naibibigay ang mga bagay at istraktura na nakikita
patungo sa paaralan
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan sa Unang Baitang Modyul 4 ukol


sa Naibibigay ang mga bagay at istraktura na nakikita patungo sa paaralan
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng


unang baitang. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makatutulong ito sa pag-aaral tungkol sa mga
istrakturang makikita patungo sa paaralan.
May mga pagsasanay kang sasagutan upang masukat
mo ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin


ang letra ng wastong sagot.
1. Ang ___________ ay bahagi ng tahanan kung saan
tayo naliligo.
A.kusina
B. banyo
C. sala
2. Ito ay bagay na makikita mo sa kusina.
A. paso
B. sapatos
C. lutuan
3. Ito ay bagay na kailangan mong gawin araw-
araw.
A. magsepilyo
B. magtanim
C. magpagupit ng buhok
4. Ang isang pamilya ay nakatira sa ________.
A. bahay
B. kabinet
C. kasuotan
5. Ito ay pangunahing pangangailangan ng isang
pamilya
A. pagkain
B. kotse
C. lamesa

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang wastong sagot sa guhit.


1. Ito ay bahagi ng tahanan kung saan tayo
kumakain._______________
2. Bahagi ng tahanan kung saan natutulog ang
pamilya. ______________
3. Ito ang lugar kung saan tinatanggap ang bisita.
____________
4. Dito nagluluto si nanay ng pagkain .
____________________
5. Dito tyo nagpupunta tuwing linggo para
magdasal._______________

ARALIN

bahay
Masdan ang mga larawan.
Ito ay bahay ni Mila. Naglalakad lang
siya papasok sa paaralan. Madami
siyang nakikita sa tuwing pumapasok.
Anu-ano ang inyong nakikita sa larawan bukod pa sa
bahay ni Mila?

barangay tulay

tindahan Convenience store

Health center
simbahan

basurahan
Drug store

paaralan palengke
Ang iyong makikita ay estraktura mula sa tahanan ni
Mila.Tulad sa iyong tahanan patungo sa iyong paaralan,
may iba’t ibang bagay at istraktura na maaring makita sa
pagtungo sa paaralan . Ang mga sumusunod na
istraktura na nadaanan patungo sa paaralan katulad ng
mga sumusunod simbahan, health center, convenience
store, barangay hall, tindahan, drug store, tulay at
basurahan na nagsisilbing palatandaan upang madali
nating makita ang ating paaralan.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Ibigay ang mga bagay at istraktura na nakikita
patungo sa paaralan galing sa sariling tahanan.
1. 4. 7.
2. 5. 8.
3. 6. 9.
10.

Pagsasanay 2
Panuto: Bilugan ang angkop na salita sa larawan.
1. Basurahan puno

2. tahanan drugstore

3. Tulay pagkain

4. garahe health center

5. tindahan kusina
6. botika palengke

7. barangay hall simbahan

8. palaruan convenience store

9. basurahan simbahan

10. paaralan bahay

PAGLALAHAT

Ano ano ang estrakturang makikita mo patungo sa


paralan galing sa iyong sariling tahanan?
1_______________ 4_____________________
2.______________ 5. ____________________
3.______________
PAGPAPAHALAGA

Mahalagang malaman ang mga bagay at istraktura na


makikita patungo sa paaralan. Sa ganitong paraan
nagiging pamilyar ang bawat tao.
Ano ang maitutulong sa atin kung matatandaan mo ang
mga istrakturang madadaanan patungo sa paaralan.
1. Saan ka pupunta kung ikaw ay mananalangin?
S __ mb __ h__ n
2. Ikaw ay masuniring bata at inutusan kang bumili ng
gamot para sa iyong kapatid saan ka bibili?
B__t __ ka
3. Tutulong ka kay nanay sa pagbili ng ulam san kayo
bibili? P__l__n__ke
Sa ganitong paraan madali mong mapupuntahan ang
kinakailangang istraktura.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot.


1. Anong istraktura ang katapat ng bahay ni Mila?
A. tindahan
B. basurahan
C. tulay
2. Ano ang istrakturang nadaanan patungo sa
paaralan ang pupuntahan mo kung ikaw ay mag
sisimba?
A. simbahan
B. basurahan
C. puno
3. Ang lugar ito na dinadaanan mo kung saang
namimili ang mga tao ng pagkain?
A. palengke
B. barangay
C. paaralan
4. Ang lugar na ito kung saang makakabili ka ng
tinapay at malapit lang sa inyong bahay?
A. tindahan
B. paaralan
C. basurahan
5. Dito dinadala ang mga batang may sakit malapit ito
sa tindahan.
A. simbahan
B. palengke
C. health center

SUSI SA PAGWAWASTO
A 5. 10.paaralan
A 4. 9. drugstore
A 3. 8. palengke
C 2. 7. basurahan
B 1. 6. convenience store
5. health center
Sagot: 4. simbahan
Paunang Pagsubok 3. barangay
2. tindahan
1. tulay
Sagot:
Pagsasanay 1
10.paaralan C 5.
9. simbahan A 4.
8. convenience store A 3.
7. barangay B 2.
6. palengke C 1.
5. tindahan
Sagot:
4. health center
3. tulay Panapos na Pagsusulit
2. drugstore
1. basurahan
Sagot:
Pagsasanay 2

SANGGUNIAN
Miranda, Ocampo, Amita, Reyes, De Ramos, Tiamzon, Adriano, Quintos. Araling
Panlipinan 1. 1ST Ed. Republika ng Korea ng Prinpia Co., Ltd. 54 Gansanro 9gil,
Geumcheongu, South Korea 2017
AP1KAP-IVd-7 MELC
https://images.app.goo.gl/gmzFbQSdfwihKF1f8
https://images.app.goo.gl/WgTTz8Mcs2bM6iJs6
https://images.app.goo.gl/ve8M1uXYAg2GN3Fq5
https://images.app.goo.gl/8rWPzsBL9r3SVdJV7
https://images.app.goo.gl/CQDWFFuezz4ZQZvB9
https://images.app.goo.gl/CDDUv4Fn6PTrHdV68
https://images.app.goo.gl/TKCnj7dNXsXSGewLA
https://images.app.goo.gl/pU4GjwabaE2oqQPKA
https://images.app.goo.gl/F1Hp6ps2zKVN55ss8
https://images.app.goo.gl/cZfVvBa6iH98tLXS9
https://images.app.goo.gl/VxB8hk5Ffu8YTxRV8
https://images.app.goo.gl/8K3xnmFmetVUSemV8
https://images.app.goo.gl/bWP4Qnu8tBEQQH4AA

You might also like