You are on page 1of 4

Sangay ng Paaralang Panlungsod ng Parañaque 

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO II 


Ikatlong Markahan 
Modyul 5: Ikalimang Linggo 
 
“Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa Pamayanan” 

 
Balikan Natin:  

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga larawan na nagpapakitang 


pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan at ekis ( x ) kung 
hindi naman. 

1. 2. 3. 
 

 
 
​ 4. 5. 

1
  Unawain Natin: 
    
Panuto : Basahin at unawain ang maikling teksto sa tulong ng 
inyong magulang. 
​BARYO MASIPAG 
Nakatira  si  Tonyo  sa  isang  maliit  na  baryo  na  tinatawag  na Baryo 
Masipag.  Maliit  man  ay  lubos  niya  itong  ipinagmamalaki  dahil  ang 
mga  tao  ay  doon  magkakaibigan  at  nagtutulungan.  Anumang 
sakuna  na  dumarating  ay  nagbabahagian  ng  tulong  ang  mga  tao 
dito  upang  mapanatili  ang  kaayusan  sa  kanilang  lugar.  Masunurin  din 
ang  mga  mamayan  dito,  anuman  ang  programa  o  batas  na 
ipinatutupad  ng  kanilang  pinuno  ay  bukal  sa  kalooban  ang  kanilang 
pagsunod.  Minsan  nagkaroon  ng  isang  malakas  na  bagyo  at  tumaas 
ang  tubig,  marami  sa  kanila  ang  nawalan  ng  tirahan  at  kabuhayan, 
ngunit  dahil  sa  pagtutulungan  ay  nakaahon  sila  ng  mabilis  mula  sa 
sakuna.  
 
Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang 
iyong sagot sa sagutang papel. 
  

1. Anong klaseng mamamayan ang nakatira sa Baryo Masipag? 

2. Paano napapanatili ng mga tao sa baryo ang kalinisan at kaayusan 


sa kanilang lugar? 

3. Anong sakuna ang dumating sa baryo at paano sila muling 


nakaahon? 

  

Ilapat Natin: 
Panuto: Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng 
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan. 

2
1. 2.

3. 4. 5.​

   

Suriin Natin 

  

Panuto : Isulat ang ​W​ sa patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay 
wasto at ​ DW ​kung di wasto ang isinasaad nito. 

_____ 1. Pinaghiwalay ni Aling Nita ang mga basurang nabubulok  

at di nabubulok. 

3
______2. Tumatawid si Tino sa tamang tawiran upang mailayo ang 

kanyang sarili sa aksidente. 

______3. Sinisira ni Amir ang mga tanim na halaman ng kanyang nanay. 

______4. Sinusunod ni Ela ang bawat babalang nakikita niya sa kalsada 

______5. Itinatapon ni Mang Kanor ang kanilang basura sa ilog. 

Tayain Natin 

  Panuto:  Isulat  ang  TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay 


nararapat  gawin  at  MALI  naman  kung  ito  ay  nagsasaad  ng  di  nararapat 
gawin  sa  pagpapanatili  ng  kalinisan  at  kaayusan  sa  pamayanan.  Isulat  ang 
iyong sagot sa patlang. 

________1.Itinatapon ko ang basura sa tamang lalagyan. 

________2.Tinatapakan ko ang mga bagong tanim na halaman sa aming  


bakuran. 
________3.Sinusulatan ko ang pader ng aming kapitbahay. 
 
________4. Makikilahok ako sa mga programang nagpapatupad ng 
kaayusan at kalinisan sa aming pamayanan. 
 
________5. Sumusunod ako sa mga batas pantrapiko. 

You might also like