You are on page 1of 7

BANGHAY - ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN SA UNANG BAITANG

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga taong bumubuo sa paaralan.
2. Matutukoy ang kaibahan ng gawain ng mga taong bumubuo sa paaralan.
3. Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo sa paaralan.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Mga Tauhan sa Paaralan
B. Sanggunian: Ekonomiks – Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral
C. Mga Kagamitan: Laptop, Powerpoint
III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. PANIMULANG GAWAIN

A. Pagdadasal

Tayo ay magsitayo upang manalangin. (Ang lahat ay nagsitayo upang manalangin)

B. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po Maam.

C. Pagsasaayos ng silid aralan

Okay, magsiupo na ang lahat. Ang lahat ng mag-aarala ay nagsiupo na.

D. Pagtala ng liban sa klase

Ngayon naman ay magtatala ako kung sino Lahat ng nabanggit na pangalan ay sumagot
ang liban. Kapag tinawag ko ang inyong ng “present”.
pangalan, pakibanggit ang salitang “Present”.

Mahusay! Walang liban sa inyo.


IV. PARAANG PAGKATUTO

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Pagganyak

Gamit ang mga larawan na nkaflash sa


screen, sabihin kung sino-sino mga tauhan
ito.

Handa na ba ang lahat? Opo!

Maliwanag ba? Opo Maam.

Okay, magsimula na tayo.


(Ipaflash sa screen ang larawan)

1. Siya ang nangangalaga sa kaligtasan


Guwardiya
ng mga guro at mga mag-aaral.

Tama, ang nangangalaga sa kaligtasan ng


mga guro at mag-aaral ay ang guwardiya.

2. Siya ang nagtuturo sa mga mag-aaral. Guro

Mahusay!
3. Siya ang tagapangalaga kapag Nars po Maam.
mayroong karamdaman ang mga
mag-aaral kapag ito ay nasa paaralan.
Sino siya?

Magaling! Lahat ng mga sagot ninyo ay tama.


Bigyan Ninyo ng limang palakpak ang inyong
mga sarili.

B. Pagpapakilala ng Aralin

Batay sa mga larawan na inyong Nakita, ano Ang aralin sa araw na ito ay tungkol sa mga
sa tingin ninyo ang ating aralin sa araw na tauhan ng paaralan.
ito?

Tama! Ang aralin na ating tatalakayin sa araw


na ito ay tungkol sa mga tauhan ng paaralan.

C. Paglinang

Sa paaralan, may iba’t-ibang tauhan kayong


makikilala. Magkakaiba ang kanilang mga
gawain.

Una, mayroon tayong punongguro. Siya ang


pinuno ng paaralan, tinatawag din siyang
prinsipal.

Ang masisipag na guro naman ang nagtuturo


sa mga mag-aaral.
May tagapangasiwa rin sa silid-aklatan na
tumutulong sa pangangailangan ng mga mag-
aaral sa babasahin o proyekto.

Ang tagapangasiwa naman ng kantina ang


naghahanda ng mga masusustansiyang
pagkain sa paaralan.

Ang nars ang tagapangalaga kung


magkakaroon ng karamdaman ang mga mag-
aaral habang nasa paaralan.

Ang dyanitor ang nagpapanatili ng kalinisan


at kagandahan ng paaralan.

Ang guwardiya ng paaralan ang nangangalaga


sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng


punongguro, guro, dyanitor,tagapamahala ng
silid-aklatan,kantina at guwardiya. Sila ay
nagtutulong-tulong upang mapanatili ang
kagandahan at kaayusan ng paaralan.

D. Paglinang sa Kabihasan

Tingnan ang nakaflas sa inyong mga screen.


Piliin sa Hanay B ang mga tungkulin ng taong
katulong sa paaralan na nasa Hanay A.

HANAY A HANAY B

a. Siya ang Ang tamang sagot po ay C. Siya ang pinuno


nagbabantay ng ng paaralan.
paaralan.

b. Siya ang Ang tamang sagot ay A. Siya ang


naglilinis ng nagbabantay ng paaralan.
paaralan.
c. Siya ang pinuno Ang sagot ay letrang B. Siya ang naglilinis ng
ng paaralan. paaralan.

d. Siya ang Ang tamang sagot po ay letrang E. Siya ang


nagtuturo sa mga mag- tagapangalanga kapag nagkaroon ng
aaral. karamdaman ang mga mag-aaral.

e. Siya ang Letrang D po. Siya ang nagtuturo sa mga


tagapangalaga kapag mag-aaral.
nagkaroon ng
karamdaman ang
mga mag-aaral.

E. Paglalahat ng Aralin

Batay sa ating tinalakay, sino-sino ang mga Roy: Ang mga tauhan ng paaralan ay ang mga
tauhan ng paaralan? Roy? guro, prinsipal, nars, guwardiya, dyanitor, at
ang tagapangasiwa ng silid-aklatan.
Mahusay! Tandaan lahat ang taong nabanggit
at silang lahat ay may mahahalagang papel
na ginagampanan sa paaralan.

Sila ay nagtutulung-tulong upang mapanatili


ang kagandahan at kaaysuan ng paaralan.
Nang sa gayon, magiging masaya,
makabuluhan at ligtas ang pananatili naten
sa paaralan.
F. Pagtataya

Upang aking matiyak na talagang nakinig


kayo at naunawaan ang ating araling
tinalakay, magbibigay ako ng maikling
pagsusulit.

I.Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng


tamang sagot sa mga pangungusap.

A. Nagtuturo
B. Nangangalaga ng maysakit
na mag-aaral
C. Nagbabantay
D. Naglilinis
E. Namumuno

1. Ako ang inyong punung-guro. Hangad 1. E. Nmumuno


ko ang kagandahan at kaayusan ng
paaralan. 2. C. Nagbabantay
2. Ako’y isang guwardiya sa ating
paaralan. 3. A. Nagtuturo
3. Ako’y isang guro sa unang baiting.
Mahal ko ang aking mga mag-aaral. 4. B. Nangangalaga ng maysakit na mag-
4. Ako ang nars ng paaralan. Hangad ko aaral
ang iyong ligtas na kalusugan.
5. Ako ay isang dyanitor. Hangad ko ang 5. Naglilinis
kalinisan ng paaralan.

II. Isulat ang Titik T kung Tama ang


pangungusap at M kung Mali ito.

1. Ang dyanitor ang nagpapanatili ng 1. T


kagandahan at kalinisan ng paaralan.
2. Ang nars ang nangangalaga sa 2. M
kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.
3. Ang punung-guro ay ang nagsisilbing 3. M
tagapag-alaga kung magkaroon ng
karamdaman ang mga mag-aaral.
4. Ang guro ang nagtuturo sa mga mag- 4. T
aarala araw-araw.
5. Ang guwardiya ang nagsisilbing 5. M
ikalawang magulang sa mga
estudyante.
V. TAKDANG-ARALIN
Sa pagkakataong ito, atin nang natapos ang talakayan tungkol sa mga tauhan ng paaralan.
Ngayon para sa inyong takdang aralin, gumuhit ng isang malaking kahon sa inyong kwaderno at
isulat ang mga maaari ninyong gawin bilang mag-aaral upang mapanatiling maganda, maayos at
masaya ang ating paaralan.

Inihanda ni: Wincel S. Sosa

Sinuri ni: Bb. Stephanie Angela Aguirre

You might also like