You are on page 1of 8

JMJ

NOTRE DAME – SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK


Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato
BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Kindergarten
Passion for Truth and Compassion for Humanity

Unang Araw
Unang Kwarter: Aralin # 1

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Napagsisikapang tapusin ano man ang sinimulan at may pagpapakumbabang
naipagmamalaki ang natapos na natakdang gawain.

II. Paksang-Aralin
A. Ako at Ang Aking Sarili / Ang Titik A
B. Sanggunian: Batayang Aklat, Bulilit Baybayin (Paglalayag sa Wika at Pagbasa)
Aylen Ortiz-Cabais Ph.D., mga pahina 2 - 8
Phoenix Publishing House Inc. Quezon City 2015
C. Kagamitan:
 lumang papel at mga diyaryo, mga papel na mayroon nang nakasulat na mga
pahilis na sulat
 hand puppet, mga bagay na nagsisimula sa titik Aa (aklat, apa, atbp.) kanya-
kanyang larawan ng bata, pandikit

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a.1. Panalangin at Pagbati
a.2. Paalala

B. Pagganyak
Pagganyak na Tanong:
Kaya mo na bang ipakilala ang iyong sarili?
C. Paghahanda
Pangkatang Gawain:
 Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng lumang diyaryo at scratch papers. Hahayaan
ang mga mag-aaral na lukutin ang mga papel.
 Magbibigay rin ang guro ng mga papel na may pahilis na linya. Susundin ng mga mag-
aaral ang mga linyang ito.
 Maaaring gawin ng mag-aaral ang nasa ibaba.

D. Pagtalakay
 Babasahin ng mga mag-aaral ang dialog na binibigyang-diin ang salitang may titik Aa.

Ako si Ashkey Angeles. Ako si Allen Ray


Alli ang palayaw ko. Amante. Allen ang
Apat na taong gulang palayaw ko. Ako ay apat
ako. Isa akong babae. na taong gulang din. Isa
Nakatira ako sa Amadeo, akong lalaki. Nakatira
Cavite. Nag-aaral ako sa
ako sa Alaminos,
Amadeo Elementary
School. Pangasinan. Nag-aaral
naman ako sa Alaminos
Pre-school.

 Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang batang babae?
2. Sino ang batang lalaki?
3. Ano ang palayaw ng batang babae? Ano ang palayaw ng batang lalaki?
4. Ilang taon na si Alli? Ilang taon na si Allen?
5. Saan sila nakatira? Saan sila nag-aaral?
E. Pagsasanay / Gawain
Unang Gawain:
 Maaaring gamitin ng guro ang estratehiyang hand puppet.
 Magpapakilala ang mga bata sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungang nasa
dialog box.

Ano ang Saan ka


pangalan Ilang taon nag-aaral?
mo? ka na?

Ano ang
palayaw Saan ka
mo? nakatira?

 Magpapakita ng mga tunay na bagay ang guro na nagsisimula sa titik Aa. Hahayaan ng
guro ang mga mag-aaral na magbigay ng halimbawa at ituturo nila ang mga bagay na
makikita sa silid-aralan na nagsisimula sa titik Aa.
 Maaari ring magpaligsahan ang mga mag-aaral sa gawaing ito.

Ikalawang Gawain:
 Pakikinggan ng mga mag-aaral ang guro sa pagbigkas ng mga larawang nagsisimula sa
titik Aa. Kukulayan ng mga mag-aaral ang mga larawan ng mga bagay na may tuwirang
kaugnayan sa kanila.

ang aming alagang aso aklat kong Baybayin araw na mainit

anim na taon na si kuya apat na taong gulang ako abokado ang paborito ni papa
F. Paglalahat
Bilugan ang mga larawang nagsisimula sa titik Aa.

G. Ebalwasyon
Kulayan ang mga larawang nagsisimula sa titik Aa.

IV. Takdang – Aralin


Idikit ang iyong larawan sa kahon. Isulat naman ang hinihingi sa mga patlang.
JMJ
NOTRE DAME – SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK
Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato
BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Kindergarten
Passion for Truth and Compassion for Humanity

Ikalawang Araw
Unang Kwarter: Aralin # 1

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Napagsisikapang tapusin ano man ang sinimulan at may pagpapakumbabang
naipagmamalaki ang natapos na natakdang gawain.

II. Paksang-Aralin
D. Ako at Ang Aking Sarili / Ang Titik A
E. Sanggunian: Batayang Aklat, Bulilit Baybayin (Paglalayag sa Wika at Pagbasa)
Aylen Ortiz-Cabais Ph.D., mga pahina 2 - 8
Phoenix Publishing House Inc. Quezon City 2015
F. Kagamitan:
 lumang papel at mga diyaryo, mga papel na mayroon nang nakasulat na mga
pahilis na sulat
 hand puppet, mga bagay na nagsisimula sa titik Aa (aklat, apa, atbp.) kanya-
kanyang larawan ng bata, pandikit

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a.1. Panalangin at Pagbati
a.2. Paalala

B. Pagganyak
Balik-aral:
 Magpapakita muli ng larawan ang guro sa mga mag-aaral. Isa-isahin ito at ipababahagi sa
kanila kung ano-ano ang mga ito.
 Maglalahad din ang mga mag-aaral ng kani-kanilang alam na bagay tungkol sa titik Aa.

C. Paghahanda
 Babalikan ng guro ang takdang-aralin tungkol sa pagkilala sa sarili. Magpapakilalang
muli ang mga mag-aaral kaugnay sa ginawang takdang-aralin.

D. Pagsasanay / Gawain
 Mula sa nakaraang aralin, sa pagsulat ng pahilis na linya ipasasagot ng guro ang
nakalaang gawain sa ibaba.
 Bakatin ang mga puto na linyang pahilis para mabuo ang titik Aa.
E. Pagpapahalaga
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Bilugan ang masayang mukha kung ang larawan ay
nagpapakita ng tamang pakikipag-usap at pakikinig sa klase. Bilugan naman ang malungkot na
mukha kung hindi.

 Mahalagang maipakilala natin ang ating mga sarili sa iba at kilalanin natin ang iba.
Nararapat din ang wastong pakikinig at pakikipag-usap sa iba.

F. Paglalahat
 Pagsasagawa ng isang dula ng mga mag-aaral.
 Pipili ang mga mag-aaral ng kapareha at ipakikilala ang sarili sa isa’t isa.
 Ipapaalam ng guro ang natutunan sa pagpapakilala sa sarili.
 Gagamitin ng guro ang rubric sa ibaba.
G. Ebalwasyon
Tulungan natin si Dominic. Guhitan ang tamang daan papunta sa bus na kanyang
sasakyan patungo sa paaralan.
IV. Takdang – Aralin
Bakatin ang mga nakahiga o nakatayong linya para mabuo ang larawan.

You might also like