You are on page 1of 21

Teachers’ Guide: APTek 4

IKATLONG MARKAHAN

LINGGO DepEd Most Essential Competencies ARALIN PAHINA


(MELC)
• Naipaliliwanag kung ano ang ibig sabihin
ng pamahalaan
• Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng Aralin 1: Ang
Linggo 1 pamahalaan Pamahalaan ng 2
• Napahahalagahan ang kasalukuyang Pilipinas
pamahalaan ng Pilipinas
• Natatalakay ang kapangyarihan ng
tatlong sangay ng pamahalaan Aralin 2: Ang
Linggo 2 • Nakikilala ang mga namumuno sa Balangkas o Istruktura
pamahalaan. ng Pamahalaan ng 7
• Napahahalagahan ang mga katangiang Pilipinas
dapat taglayin ng mabuting pamamahala
• Nasisiyasat ang mga antas ng
pamahalaan ng Pilipinas
Linggo 3 • Nakikilala ang mga bumubuo ng sariling Aralin 3: Ang Lokal na
lokal na pamahalaan. pamahalaan 10
• Napahahalagahan ang mga gampanin
ng lokal na pamahalaan
• Nakagugunita ng ilang mga programa at
proyekto ng mga dating pangulo ng
bansa
• Nakapagmumungkahi ng mga programa
na maaaring ipatupad ng pamahalaan
Linggo 4 Aralin 4: Ang mga
• Nakapahahalagahan ang mga programa programa ng 15
ng pamahalaan upang tugunan ang mga Pamahalaan
problemang kinakaharap ng mga
Pilipino.

• Napag-uugnay ang mga konsepto ng


check and balance at separation of
powers
• Natutukoy ang mga tungkulin ng Aralin 5: Ang
Linggo 5 pamahalaan sa mga mamamayan Kahalagahan ng 18
• Napahahalagahan ang mga epekto ng Pamahalaan
mabuting pamumuno

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 1


ARALIN 1: Ang Pamahalaan ng Pilipinas

Layunin Matapos ang aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

• Naipaliliwanag kung ano ang ibig sabihin ng pamahalaan


• Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng pamahalaan
• Napahahalagahan ang kasalukuyang pamahalaan ng Pilipinas

Bilang ng sesyon 3 sesyon na tig-40 minuto para sa pagtuturo


1 sesyon para sa pagsusulit
Mga kinakailangang kagamitan APTek 4 (Sanayang Aklat)

Estratehiya sa Pagtuturo Sesyon 1: Pagganyak at Talasalitaan

• SINO SILA?
Panuto: Pupunan ng mga mag-aaral ang tsart sa ibaba ng pangalan ng
kanilang mga kaklase. Magiging gabay ang guro sa maikling gawain na
ito.

Pamprosesong tanong:
1. Sino sino ang namumuno sa inyong silid-aralan?
2. Ano ang mga dahilan kung bakit sila ang naging pinuno ninyo?
3. Ano ano ang kanilang mga katangian?
4. Ikaw ba ay sang-ayon sa kanilang pamumuno? Ipaliwanag.

• Talasalitaan gamit ang vocabulary chart

SALITA PAGPAPAKAHULUGAN
Pamahalaan Isang organisasyon na may
responsibilidad at nagbibigay ng
direksyon sa patutunguhan at mga
dapat gawin ng mga nasasakupan.

Monarkiya Tinatawag ding monarchy, ito ang uri ng


pamahalaan kung saan iisa lamang
ang namumuno. Maaaring ang pinuno
ay hari, reyna, sultan, o emperador.
Aristokrasya Tinatawag ding aristocracy, ito ay uri ng
pamahalaan na pinamumunuan ng
iilang mabubuti at pinakamahuhusay na
tao.
Tinatawag ding democracy, ito ay uri
Demokrasya ng pamahalaan na pinamumunuan ng
mga mamamayan o mga tao.

Ito ang uri ng pamahalaan na may


Presidensyal hiwalay na kapangyarihan at tungkulin
ang tatlong sangay at pinamumunuan ng
pangulo.

Parliamento
Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 2
Ito ang uri ng pamahalaan kung saan
magkasama ang kapangyarihan at
tungkulin ng tagapagpaganap at
tagapagbatas at pinamumunuan ng
prime minister o punong ministro.

• Sa pagtatapos ng sesyon ngayong araw, maaaring ipatakdang


aralin sa mga mag-aaral ang mga iba’t ibang klasipikasyon
upang mauri ang isang pamahalaan. Maaaring gamitin ang
sanayang aklat sa paggawa ng takdang aralin.

Sesyon 2: Pagtatalakay (Ang pamahalaan at ang klasipikasyon at


uri nito: Dami ng namumuno at relasyon ng mga sangay)

• Sa pagsisimula ng sesyon, babalikan ng buong klase ang


kahulugan ng pamahalaan sa pamamagitan ng government
vector at ipaliliwanag ng guro ang mga ito.

PAMAHALAAN

mula sa salitang pamae Ang


na ang ibig sabihin ay gubernaculum
pananagutan, ay mula sa
responsibilidad, at gubernarena isang organisasyon na
pamamatnubay. nangangahulu may responsibilidad at
gang nagbibigay ng
pagkontrol sa direksyon sa
Galling rin patutunguhan patutunguhan at mga
sa salitang . dapat gawin ng mga
gobyerno nasasakupan
na galing
naman sa
salitang
gubernacul
um o
timon

• Complete Me!
Panuto: Gamit ang sanayang aklat, kukumpletuhin ng mga mag-aaral
ang dayagram ang klasipikasyon at uri ng pamahalaan. Maaaring ilagay
sa kwaderno ang kasagutan.

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 3


A. URI NG PAMAHALAAN AYON SA DAMI NG NAMUMUNO

Monarkiya 3 Demokrasya

1-2. uri ng pamahalaan na uri ng pamahalaan


pinamumunuan ng iilang na pinamumunuan
mabubuti at ng mga
pinakamahuhusay na mamamayan o mga
tao. Ang kabaliktaran tao
nito ay oligarchy o
Dalawang uri:
plutocracy kung saan
a. Absolute ang iilang namumuno ay
b. pawang mayayayaman
lamang.
Dalawang uri:

4.

5.

B. URI NG PAMAHALAAN AYON SA RELASYON NG MGA SANGAY

Presidensyal

uri ng pamahalaan kung


saan magkasama ang
kapangyarihan at
tungkulin ng
tagapagpaganap at
tagapagbatas. Ang mga
mamamayan ay
maghahalal ng mga
kakatawan sa bubuo ng
tagapagbatas o sa mga
gagawa ng batas.

Ang prime minister ang


pinuno ng
parliamentaryong uri ng
pamahalaan na siya ring
chief executive, subalit
hindi awtomatikong head
of state ng bansa.

• Sa pagtatapos ng sesyon, magbibigay ng malayang talakayan


ang guro patungkol sa paksang kanilang tinalakay.

Sesyon 3: Pagtatalakay (Uri ng pamahalaan ayon sa pagkilala ng


International Community at ayon sa lawak ng kapangyarihan)

• Magbabalik-aral muna ang buong klase sa paksang kanilang


tinalakay kahapon.
• Tatalakayin ng guro ang dalawa pang uri ng pamahalaan sa
pamamagitan ng tsart. Maaaring gumawa ng powerpoint

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 4


presentation at maghanap pa ng maraming halimbawa upang
maunawaan ng buong klase.

URI NG PAMAHALAAN PAGLALARAWAN


Ayon sa pagkilala Ang ikatlong klasipikasyon ng
ng International pamahalaan ay ayon sa pagkilala
Community ng pandaigdigang komunidad o
international community.

Dalawa ang uri nito, ang de jure at


ang de facto.

Ayon sa lawak ng Ang ikaapat at huling klasipikasyon


kapangyarihan ng pamahalaan ay ayon sa lawak ng
kapangyarihan o antas 5ontrol ng
pamahalaan.

Ang pamahalaan ay maaaring unitary


o federal.

• Sa pagtatapos ng sesyon, maaaring itanong sa mga mag-aaral


kung ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
pamahalaan sa isang bansa.

• Sagutan ang pagsasanay na nasa sanayang aklat.

Sesyon 4: Paglalapat at Pagtataya

Ang pang-apat na sesyon ay para sa pagsusulit. Gamitin ang mga


worksheets para dito.

1. Unahin ang Paglalapat. Sabihan ang mga bata na sagutin ito sa


abot ng kanilang makakaya. Basahin ang bawat tanong at
bigyan ng panahon na isulat ng mga bata ang sagot.

2. Pagkatapos ay ipagawa ang Pagtataya. Maaaring magsulat or


gumuhit ang mga bata para sagutin ang worksheet.

Susi sa pagwawasto
Complete Me!
A. Uri ng pamamahala ayon sa dami ng namumuno

1-2. Ito ang uri ng pamahalaan kung saan iisa lamang ang
namumuno. Maaaring ang pinuno ay hari, reyna, sultan o
emperador.
3. Aristokrasya
4. Direct
5. Representative

B. Uri ng pamamahala ayon sa relasyon ng mga sangay

• Presidensyal- ito ang uri ng pamahalaan na may hiwalay na


kapangyarihan at tungkulin ang tatlong sangay. Ito ay
pinamumunuan ng presidente o pangulo na siya ring chief
executiveat head of state.
• Parliamentaryo

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 5


Pagsasanay

1. 😊
2. ☹
3. ☹
4. 😊
5. 😊
6. ☹
7. ☹
8. 😊
9. 😊
10. 😊

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 6


ARALIN 2: Ang Balangkas o Istruktura ng Pamahalaan ng Pilipinas

Layunin Matapos ang aralin, inaasahang magagawa mo ang mga


sumusunod:

• Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng


pamahalaan
• Nakikilala ang mga namumuno sa pamahalaan.
• Napahahalagahan ang mga katangiang dapat taglayin ng
mabuting pamamahala

Bilang ng sesyon 3 sesyon na tig-40 minuto para sa pagtuturo


1 sesyon para sa pagsusulit
Mga kinakailangang kagamitan APTek 4 (Sanayang Aklat)

Estratehiya sa Pagtuturo Sesyon 1: Pagganyak at Talasalitaan

• Suri Larawan
Panuto: Susuriin ng buong klase ang mga larawan na nasa ibaba at
pupunan nila ang mga hinihingi sa bawat bilang.

Pamprosesong tanong:
1. Pamilyar ba kayo sa mga larawan na nasa itaas?
2. Paano niyo sila nakilala?
3. Anoa no ang mga katungkulan na kanilang ginagawa sa ating
mga Pilipino?

• Talasalitaan sa pamamagitan ng word pool

Tagapagpaganap – o ehekutibo ang sangay ng pamahalaan na tumitiyak na ang


mga batas na ginawa ng Kongreso ay naipatupad para mapangalagaan ang
kapakanan ng mga mamamayan
•Tagapagbatas – o lehislatibo ang sangay ng pamahalaan na may tungkuling
gumawa, magdagdag/mag-amyenda, magbago o magsawalang bisa ng mga batas
gamit ang kapangyarihang ibinigay ng Kongreso.
•Tagapaghukom – o hudikatura ito ay ang sangay ng pamahalaan na nagdedesisyon
tungkol sa mga usaping legal o naipasang batas.
•Pangulo – ay ang pinuno ng bansa na nagsisilbing punong tagapagpaganap, puno ng
estado, puno ng pamahalaan, at punong komandante ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas.
Pangalawang Pangulo – ay ang pinuno sa Sangay ng Tagapagpaganap na hahalili
kung ang pangulo ay panandalian o permanenteng nawala.
•Kalihim ng Gabinete – ay kumakatawan sa Pangulo sa pagpapatupad, gamit ang
basbas nito, ng mga kapangyarihan ng Presidente sa kani-kaniyang kagawaran.
•Senado – ay ang Mataas na Kapulungan sa Sangay ng Tagapagbatas na binubuo ng
24 na senador.
•Kapulungan ng mga Kinatawan – ay ang Mababang Kapulungan ng Sangay ng
Tagapagbatas na binubuo ng 250 mambabatas at tinatawag ding House of
Representatives.
•Korte Suprema – Kataas-taasang Hukuman, o Supreme Court ay may kapangyarihan
gumawa ng mga desisyong legal sa iba’t ibang kaso
.•Mahistrado – ay ang mga hukom or justice na eksperto sa batas at may
pinakamatataas na katungkulan sa Sangay ng Tagapaghukom.

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 7


Sesyon 2: Pagtatalakay (Ang mga pinuno sa bawat sangay ng
pamahalaan)

• Maaaring maghanda ng powerpoint presentation ang guro


upang mas maintindihan ng klase ang kanilang aralin para sa
araw na ito.
• Gawing sanggunian ang sanayang aklat.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ano ang tatlong sangay ng pamahalaan?
2. Bakit kailangan nating kilalanin ang mga namumuno sa ating
bansa?
3. Ano ang kahalagahan ng may kanya kanyang responsibilidad
ang namumuno sa ating bansa?

Sesyon 3: Pagtatalakay (Kahalagahan ng ng mga katangiang


dapat taglayin ng mabuting pamamahala)

• Ilagay sa loob ng pamahalaan ang mga sa tingin ninyong


katangiang dapat taglayin ng isang mabuting pamamahala sa
isang bansa. Maaaring gawin ang gawain na ito sa
pamamagitan ng malayang talakayan.

• Pagsagot ng pagsasanay

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 8


Sesyon 4: Paglalapat at Pagtataya

Ang pang-apat na sesyon ay para sa pagsusulit. Gamitin ang mga


worksheets para dito.

6. Unahin ang Paglalapat. Sabihan ang mga bata na sagutin ito


sa abot ng kanilang makakaya. Basahin ang bawat tanong at
bigyan ng panahon na isulat ng mga bata ang sagot.

7. Pagkatapos ay ipagawa ang Pagtataya. Maaaring magsulat


or gumuhit ang mga bata para sagutin ang worksheet.

Susi sa pagwawasto
Pagsasanay

1. Mali
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama
6. Tama
7. Mali
8. Mali
9. Tama
10. Tama

Pagtataya
A
1. Pangulo- tagapagpaganap
2. Senador- tagapagbatas
3. Kongresista- tagapagbatas
4. Punong hukom- tagapaghukom
5. Kalihim ng pagsasaka- tagapagpaganap
6. Pangalawang pangulo- tagapagpaganap
7. Katulong na mahistrado- tagahukom
8. Leny Robredo- tagapagpaganap
9. Many Pacquiao- tagapagbatas
10. Allan Peter Cayetano- tagapagbatas

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 9


ARALIN 3: Ang Lokal na Pamahalaan

Layunin Matapos ang aralin, inaasahang magagawa mo ang mga


sumusunod:

• Nasisiyasat ang mga antas ng pamahalaan ng Pilipinas


• Nakikilala ang mga bumubuo ng sariling lokal na
pamahalaan.
• Napahahalagahan ang mga gampanin ng lokal na
pamahalaan

Bilang ng sesyon 3 sesyon na tig-40 minuto para sa pagtuturo


1 sesyon para sa pagsusulit
Mga kinakailangang kagamitan APTek 4 (Sanayang Aklat)

Estratehiya sa Pagtuturo Sesyon 1: Pagganyak at Talasalitaan

• Ang aking barangay


Panuto: Pupunan ng mga mag-aaral ang detalye na hinihingi sa
ibaba. Maaaring maghanda ang guro ng mga larawan na pwedeng
pagpilian ng mga mag-aaral para sa maikling gawain. Sagutan din
ang katanungan sa ibaba.

• Talasalitaan gamit ang vocabulary chart

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 10


SALITA PAGPAPAKAHULUGAN
Antas ng pamahalaan Tumutukoy sa uri ng pamahalaan na
may kinalaman sa lawak ng lugar na
pinangangasiwaan ng mga
namumuno.

Lokal na pamahalaan Antas ng pamahalaan na may mas


maliit na na sakop ng
pinamamahalaan. Ito ay binubuo ng
pamahalaang panlalawigan,
pamahalaang panglungsod o
pambayan, at pamahalaang
pambarangay.

Pambansang Antas ng pamahalaan na may


pamahalaan malawak na sakop ng
kapangyarihan, tungkulin, at gampanin
kung saan ang buong bansa ang
nakakatanggap o nakakakuha ng
serbisyo ng mga nakaluklok na
opisyal.

Pamahalaang Uri ng lokal na pamahalaan na


Panlalawigan pinamumunuan ng mga inihalal na
gobernador, bise gobernador at
sangguniang panlalawigan.

Pamahalaang Uri ng lokal na pamahalaan na nasa


Pambayan ilalim naman ng pamumuno ng
alkalde o mayor na tumatayong punong
tagapagpaganap ng bayan.

Pamahalaang Uri ng lokal na pamahalaan na nasa


Panlungsod ilalim naman ng pamumuno ng alkalde
o mayor na tumatayong punong
tagapagpaganap ng lungsod

Pamahalaang Ang pinakamaliit na yunit ng


Pambarangay lokal na pamahalaan na
pinangangasiwaan ng punong
barangay o kapitan ng barangay
bilang punong tagapagpaganap at
tagapagbatas.

• Sa pagtatapos ng sesyon, hahatiin sa lima ang buong klase


para sa pangkatang gawain. Ang pangkatang gawain na ito
ay para sa kanilang sesyon sa susunod na araw kung saan
tatalakayin nila ang Lokal na pamahalaan.

Unang pangkat: Ang antas ng pamahalaan at pamahalaang


Panlalawigan
Ikalawang pangkat: Pamahalaang pambayan o panlungsod at
pamahalaang pambarangay
Ikatlong pangkat: Mga Tungkulin ng mga Namumuno sa
Pamahalaang Panlalawigan

Ikaapat na pangkat: Mga Tungkulin ng mga Namumuno sa


Pamahalaang Pambayan at Panglungsod
Ikalimang pangkat: Mga Tungkulin ng mga Namumuno sa
Pamahalaang Pangbarangay

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 11


Sesyon 2: Pagtatalakay (Ang Lokal na Pamahalaan)

• Pangkatang gawain sa pamamagitan ng task cards

Panuto: Magbibigay ang guro ng task cards sa bawat pangkat upang


ipakita kung papaano nila ipepresenta ang kanilang paksa sa buong
klase.

PANGKAT PAKSA PARAAN NG


PRESENTASYON
Una Ang antas ng
pamahalaan at Concept mapping
pamahalaang
Panlalawigan

Ikalawa Pamahalaang
pambayan o panlungsod Paggawa ng
at pamahalaang graphic organizer
pambarangay

Ikatlo Mga Tungkulin ng mga


Namumuno sa Tableau
Pamahalaang
Panlalawigan

Ikaapat Mga Tungkulin ng mga


Namumuno sa Maikling dula-
Pamahalaang dulaan
Pambayan at
Panglungsod

Ikalima Mga Tungkulin ng mga


Namumuno sa Maikling dula-
Pamahalaang dulaan
Pangbarangay

Pamantayan sa pagmamarka

KRAYTIRYA PUNTOS
NILALAMAN
Nailalahad ng wasto 7
ang lahat ng
impormasyon ukol sa
paksa
PRESENTASYON
Organisado at 5
nauunawaan ang
ipinapakita ng bawat
pangkat
PAGSUNOD SA ORAS
Naisagawa ng bawat 3
pangkat ang gawain
ayon sa takdang oras
KABUUAN 15 puntos

• Maaaring hindi matapos ang pangkatang gawain ngayon,


bigyan ng sapat na oras ang buong klase na
makapagpresenta nang maayos. Gagabayan nang maayos
ng guro ang bawat pangkat para sa kanilang presentasyon.
• Ipagpapatuloy nila ang pangkatang gawain sa susunod na
sesyon.

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 12


Sesyon 3: Pagtatalakay (Pagpapatuloy ng paksa)

• Ang buong klase ay tatapusin ang pangkatang gawain


kahapon. Pagkatapos nang lahat ay kanilang sasagutan ang
katanungan sa ibaba.

1. Ano ano ang bumubuo sa lokal na pamahalaan?


2. Bakit kailangan nating pag-aralan ang mga ito?
3. Sa anong paraan mapahahalagahan ng bawat Pilipino
ang mga gampanin ng lokal na pamahalaan?

• Pagsasanay

Sesyon 4: Paglalapat at Pagtataya

Ang pang-apat na sesyon ay para sa pagsusulit. Gamitin ang mga


worksheets para dito.

8. Unahin ang Paglalapat. Sabihan ang mga bata na sagutin ito


sa abot ng kanilang makakaya. Basahin ang bawat tanong at
bigyan ng panahon na isulat ng mga bata ang sagot.

9. Pagkatapos ay ipagawa ang Pagtataya. Maaaring magsulat


or gumuhit ang mga bata para sagutin ang worksheet.

Susi sa pagwawasto Pagsasanay

1. Pambansa
2. Lokal
3. Lokal
4. Pambansa
5. Lokal
6. Pambansa
7. Lokal
8. Lokal
9. Lokal
10. Pambansa
Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 13
Pagtataya
A
1. Sang-ayon
2. Sang-ayon
3. Sang-ayon
4. Sang-ayon
5. Sang-ayon

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 14


ARALIN 4: Iba’t ibang pangkat ng Tao sa Lalawigan at Rehiyon

Layunin Matapos ang aralin, inaasahang magagawa mo ang mga


sumusunod:

• Natutukoy ang mga pangkat ng tao sa rehiyon o lalawigan


• Nailalarawan ang mga pangkat ng tao sa rehiyon o lalawigan
• Napapahalagahan ang mga pangkat ng tao sa rehiyon o
lalawigan

Bilang ng sesyon 3 sesyon na tig-40 minuto para sa pagtuturo


1 sesyon para sa pagsusulit
Mga kinakailangang kagamitan APTek 3 (Sanayang Aklat)

Estratehiya sa Pagtuturo Sesyon 1: Pagganyak at Talasalitaan

• Read Aloud Activity


Panuto: Mula sa buong klase, magtatanong ang guro kung may nais
magboluntaryo na magbasa ng mga pahayag sa ibaba. Pagkatapos,
kanilang tatanungin ang mga kamag-aral ng ilang katanungan.

Pamprosesong tanong:
1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga tauhan na inyong
narinig?
2. Kung kayo ang tatanungin, ano ang sagot nyo sa tanong na:
Paano kaya kung pare-pareho ang hitsura, uri ng
pamumuhay at agwain ng lahat ng tao sa lahat ng
lalawigan?
3. Sumasang-ayon ba kayo sa sinabi ng suso na nasa gilid ng
dalawang nagsasalita? Ipaliwanag.

• Talasalitaan

SALITA PAGPAPAKAHULUGAN
Antropologo mga nag-aaral tungkol sa mga tao at
ang kanilang mga kinabibilingang
lipunan
pinapagsalit-salit iniiba-iba ang mga tinatanim para
ng pananim mapangalagaan ang lupa
pagkakakilanlan ng pagkakakilala; mga bagay na
lalawigan o rehiyon. nagpapakilala sa isang lalawigan o
rehiyon
Sangkapat ¼ na bahagi

Sesyon 2: Pagtatalakay (Pangkat Etniko sa Luzon at Visayas)

• Pangkatang Gawain sa pamamagitan ng task cards


Panuto: Ang buong klase ay hahatiin sa apat na grupo. Bawat grupo
ay bibigyan ng task cards na naglalaman ng kanilang mga gawain at
talahanayan na kanilang kukumpletuhin.

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 15


PANGKAT PANGKAT LOKASYON PAGLALARAWAN
ETNIKO SA KANILA
Una Tagalog

Ikalawa Aeta

Ikatlo Mangyan

Ikaapat Cebuano
At Waray

• Ang guro ay ipapatawag ang buong pangkat sa unahan para


kanilang ilahad ang kanilang gawain. Maglalagay ng
pamantayan ang guro upang mas maayos ang kanilang
presentasyon.

Sesyon 3: Pagtatalakay (Pangkat Etniko sa Mindanao)

• Ang guro ay maglalahad pa ng ibang pangkat etniko sa


bahagi ng Mindanao

PANGKAT LOKASYON PAGLALARAWAN


ETNIKO SA KANILA
Badjao Baybayin ng Sea gypsies
Zamboanga
Magaling sa
Ilang bahagi ng pangingisda at
Visayas at paninisid
Mindanao
Tausug Sulu at Jolo Ang paniniwala at
batay sa relihiyong
Islam

Pagsasaka,
pangingisda at
paggawa ng handicraft
ang kanilang
hanapbuhay

• Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano anong


pangkat ng tao ang bumubuo sa kanilang mga lalawigan
at kung papaano nila ito ilallarawan

• Pagsasanay

Panuto: Tukuyin kung anong pangkat etniko ang inilalarawan sa


ibaba. Piliin ang sagot mula sa kahon.

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 16


Sesyon 4: Paglalapat at Pagtataya

Ang pang-apat na sesyon ay para sa pagsusulit. Gamitin ang mga


worksheets para dito.

10. Unahin ang Paglalapat. Sabihan ang mga bata na sagutin ito
sa abot ng kanilang makakaya. Basahin ang bawat tanong at
bigyan ng panahon na isulat ng mga bata ang sagot.

11. Pagkatapos ay ipagawa ang Pagtataya. Maaaring magsulat


or gumuhit ang mga bata para sagutin ang worksheet.

Susi sa pagwawasto
Pagsasanay

1. C
2. A
3. B
4. B
5. C
6. A
7. B
8. F
9. E
10. D

Pagtataya

1-3: kultura, wika, pamumuhay


4-5: Tagalog, Cebuano
6-8: Mangyan, Waray, at Badjao

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 17


ARALIN 5: Ang Kahalagahan ng Pamahalaan

Layunin Matapos ang aralin, inaasahang magagawa mo ang mga


sumusunod:

• Napag-uugnay ang mga konsepto ng check and balance at


separation of powers
• Natutukoy ang mga tungkulin ng pamahalaan sa mga
mamamayan
• Napahahalagahan ang mga epekto ng mabuting pamumuno

Bilang ng sesyon 3 sesyon na tig-40 minuto para sa pagtuturo


1 sesyon para sa pagsusulit
Mga kinakailangang kagamitan APTek 4 (Sanayang Aklat)

Estratehiya sa Pagtuturo Sesyon 1: Pagganyak at Talasalitaan

• Suri Larawan
Panuto: Pagmasdan ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ano ang nasa larawan?


2. Ano ang mga dapat mong gawin ito ay mabuhay, lumaki at
mamunga?
3. Ano-ano naman kaya ang mga bagay na makasasama
at makapipigil sa paglaki at pamumunga nito?
4. Paano mo maihahambing sa pag-aalaga ng isang puno ang
pamumuno?

• Talasalitaan sa pamamagitan ng word pool

Check and Balance. Ang paghahati ng mga


responsibilidad at gawain ng mga sangay ng pamahalaan
upang limitahan ang bawat isa na gamitin ang
pangunahing tungkulin ng iba

•Separation of Powers. Prinsipyo kung saan ang


magkakahiwalay ang mga sangay ng pamahalaan na
may sari-sariling kapangyarihan ay maaaring punahin o
suriin ng ibang sangay.

•veto. Mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay aking


pinagbabawalan o ang kapangyarihan ng pangulo ng
bansa na pigilan ang pagpasa ng isang panukalang batas.

•pamumuno. Isang proseso kung saan ang lider o


nangunguna sa pangkat ay epektibong nakahihikayat,
nakaiimpluwensiya o sinusunod ng iba pang kabilang sa
pangkat.

mabuting pamumuno. Ang paraan ng


pamumuno na naghahangad at gumagawa ng
Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 18
paraan para sa kaunlaran at kaayusan habang
nangunguna sa pagsunod at pagpapatupad sa
mga batas at alituntunin upang magsilbing
halimbawa ng mga nasasakupan
Sesyon 2: Pagtatalakay (Ang konsepto ng check and balance at
separation of powers)

• Sa pamamagitan ng concept tree, tatalakayin ng guro ang


konsepto ng check and balance at separation of powers.

• Pagkatapos talakayin ang konsepto ng check and


balance at separation of powers kanila namang
tatalakayin ang tungkulin ng ating pamahalaan sa
kaniyang mamamayan.

• Ilalagay ng mga mag-aaral ang tungkulin ng ating


pamahalaan sa mamamayan sa loob ng vector. Gawing
sanggunian ang sanayang aklat sa pagsagot.

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 19


Pamprosesong tanong:
1. Ano ano ang tungkulin ng ating pamahalaan sa mga
mamamayan nito?
2. Ano ano ang mga naging epekto ng mabuting pamamahala
sa isang bansa?
3. Bakit kailangan nating pahalagahan ang mga naging epekto
ng mabuting pamamahala sa atin? Ipaliwanag.

Sesyon 3: Pagsasanay

Sesyon 4: Paglalapat at Pagtataya

Ang pang-apat na sesyon ay para sa pagsusulit. Gamitin ang mga


worksheets para dito.

12. Unahin ang Paglalapat. Sabihan ang mga bata na sagutin ito
sa abot ng kanilang makakaya. Basahin ang bawat tanong at
bigyan ng panahon na isulat ng mga bata ang sagot.

13. Pagkatapos ay ipagawa ang Pagtataya. Maaaring magsulat


or gumuhit ang mga bata para sagutin ang worksheet.
Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 20
Susi sa pagwawasto
Pagsasanay
1. Kalusugan
2. Kapayapaan
3. Edukasyon
4. Imprastraktura
5. Kapayapaan

Pagtataya
A. Mabuting pamumuno
1. MABUTI
2. MABUTI
3. DI-MABUTI
4. DI-MABUTI
5. MABUTI
6. DI-MABUTI
7. MABUTI
8. MABUTI
9. DI-MABUTI
10. DI-MABUTI

Philippine Copyright 2020 TechFactors Inc | 21

You might also like