You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Province of Rizal
MUNICIPALITY OF RODRIGUEZ
COLEGIO DE MONTALBAN

Detalyadong Banghay Aralin sa


Araling Panlipunan
Baitang/
Paaralan KVES
Pangkat
BEED-GEN. 3C
Guro PILLOS, LEA JOY C. Asignatura 10:00-1:00
Petsa/ Oras Markahan Ikaapat na Markahan

I. LAYUNIN
A. Alamin ang kahulugan ng pamahalaan
B. Tuklasin at pahalagahan ang ibat ibang uri ng pamahalaan
C. Tukuyin ang layon at tungkulin ng pamahalaan

II. NILALAMAN
A. Paksa Kahulugan at Kahalagahan ng Pamahalaan

B. Sanggunian Araling Panlipunan 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)


Adriano, Ma. Corazon et.al
Aralin 13, page 304-311
K to 12 - AP4PAB-IIIh-7

C. Kagamitan
PowerPoint Presentations

D. Integrasyon Pagiging responsableng mamamayan.

III. PAMAMARAAN

Teacher’s Activities Pupil’s Activities

A. PANIMULANG
GAWAIN

1. Panalangin Magsitayo ang lahat para sa ( Yuyuko ang lahat at


panalangin. mananalangin. )

(magtatawag ang guro ng isang mag Amen.


aaral upang pangunahan ang
panalangin)
2. Pagbati Magandang araw mga bata. (babatiin ng mga bata ang
isang mapagpalang umaga sa inyong kanilang guro)
lahat.

3. Pagtatala ng Meron bang lumiban sa klase natin Wala po, Guro.


Liban ngayon?

Mahusay!

Maganda ang pinapakita ninyo na kayo


ay masisipag pumasok at handang
matuto.

At dahil diyan, kamustahin niyo ang ( gagawin ng mga bata ang inutos
kaklase niyo at sabihin mong ‘Masaya ng guro )
ako at ika’y naririto.’

Mahusay!

4. Balik-aral Magpapakita ng imahe at ipapasuri ito


sa mga mag aaral.

-Ano ano ang ginagawa nila sa


larawan?
-Ano ano ang mga ginagawa sa
tahanan, paaralan, at pamayanan?

B. PAGGANYAK (Magpapakita ang guro ng larawan)


Mga bata alam niyo ba kung ano ang
nasa larawan? Ano kaya ang
sinisimbolo nito?

Sige nga subukan nating buoin ang


mga salita na nagpapahayag ng
kahalugan nito. Bibigyan ko kayo ng
tatlong segundo.

P _M_HA_A_N PAMAHALAAN

Magaling! Ito ay Pamahalaan.

C. PAGLALAHAD (Magpapakita ang guro ng larawan)

Mayroon akong larawan na ipapakita sa


inyo.

Ano ang nasa larawan?Ano ang Ang nasa larawan po ay ang


Palasyo ng Malacañang? palasyo ng malacañang.

Ang kaya sa tingin niyo ang sinisimbolo Sinisimbolo nito ang


nito? kapangyarihang pampanguluhan
ng bansa.

Kilala niyo ba ang kasalukuyang Opo, si Pangulong Ferdinand


pangulo ng ating bansa? Marcos Jr.

Tama. At ang Pangulo ng Pilipinas ay


ang pinakamataas na opisyal ng
pamahalaan.

Ngayon, may ideya na ba kayo kung Tungkol sa Kahulugan at


ano ang ating pag aaralan sa araw na Kahalagahan ng Pamahalaan.
ito?

Mahusay! Ang tatalakayin natin ay


tungkol sa kahulugan at kahalagahan
ng pamahalaan.

Ano kaya ang pamahalaan? Ang Pamahalaan ay isang


samahan o organisasyong
politikla na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at
mapanatili ang isang sibilisadong
lipunan.

Magaling! Ang pamahalaan ng pilipinas


o ang gobyerno ng Pilipinas ay siya ring
pamahalaan ay isang uri ng sistemang
Presidential at Demokratiko.

Ang selyo ba ng pilipinas ay may Opo, dahil nagtataglay ito ng


kinalaman sa pamahalaan ng ating simbolo at kulay na may kaugnay
bansa? sa kasaysayan n gating bansa.

Ano ang pinapakita ng imahe ng leon Ang imahe ng leon na makikita sa


na makikita sa selyo ng pilipinas? selyo ng pilipinas ay nag papakita
ng impluwesiya ng espanyol.

Mahusay! Ano naman ang pinapakita Ang imahe ng agila ay


ng imahe ng agila na makikita sa selyo nagpapakita ng impluwensiya ng
ng pilipinas? mga amerikano.

Saan naman inihahatulad ang mga Inihahalintulad ang mga ito sa


imahe ng araw, tatlong bituin, mga watawat ng Pilipinas.
kulay na bughaw, pula at puti?

Magagaling! Narito ang mga


Kahalagahan ng Pamahalaan.

1. Pangangalaga ng kapakanan at
kaligtasan ng mga mamamayan.

2. Ang isang pambansang


pamahalaan ang nangunguna sa
pagbabalngakas ng
pamamaraan ng pamamalakad
at pamamahala sa bansa.
3. Ang pamahalaan ang namumuno
sa pagpapatupad ng mga batas
at programa maging ng mga
proyekto para sa mga
nasasakupan nito.

Sa bawat uri ng gobyerno o


D. VALUES pamahalaan ay mayroong alintuntunin
INTEGRATION at batas na pinapairal upang
mapangalagaan ang kapakanan ng
mamamayan.

Anu-ano ang mga pangunahing


tungkulin ng pamahalaan? Ang Paglilingkod, Pag aalaga,
Pagrespeto Pagprotekta at
Pagpapatupad sa mga
Karapatang Pantao.

Kailangan natin ng Pamahalaan upang


mapangalagaan ang kapakanan at
kaligtasan ng mga mamamayan.
Mahalaga ang may tagapamahala ang
isang bansa upang mapanatili ang
kaayusan at kaunlaran ng
sangbayanan.
E. PAGLALAPAT Panuto: Sabihin ang TAMA kung ang
pahayag ay nag lalahad ng tamang
kahulugan at kahalagahan ng
pamahaan at MALI naman kung hindi.

1. Namamamahala at tumutugon sa Sagot: Tama


pangangailangan ng
mamamayan.

2. Nagsasagawa ng mga proyekto Sagot: Tama


para sa ikauunlad bansa, tulad
ng pagkakaroon ng mga bagong
daan at tulay.

3. Pinaglilingkuran lamang ang mga Sagot: Mali


malalapit na kaibigan at mga
kamag anak.

4. Nagpapatupad ng mga batas at Sagot: Tama


programa para sa kapayapaan at
katahimikan ng bansa.

5. May mga pinuno na iniisip Sagot: Mali


lamang ang pansariling
kapakanan.

F. PAGLALAHAT Muli, ano nga ba ang ating pinag aralan Ang ating pinag aralan sa araw na
ngayon? ito tungkol sa Kahulugan at
Kahalagahan ng Pamahalaan.

Magaling! Ano ang kahulugan ng Ang Pamahalaan ay isang


Pamahalaan? samahan o organisasyong
politikla na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at
mapanatili ang isang sibilisadong
lipunan.

Mahusay!

Anu-ano naman ang mga Kahalagahan 1. Pangangalaga ng


ng Pamahalaan? kapakanan at kaligtasan ng
mga mamamayan.
2. Ang isang pambansang
pamahalaan ang
nangunguna sa

pagbabalangkas ng
pamamaraan ng
pamamalakad at
pamamahala sa bansa.

3. Ang pamahalaan ang


namumuno sa
pagpapatupad ng mga
batas at programa maging
ng mga proyekto para sa
mga nasasakupan nito.

Sa tingin niyo bakit mahalaga ang Mahalaga ang pamahalaan sa


pagkakaroon ng Pamahalaan sa isang isang bansa upang
bansa? mapangalagaan ang kapayapaan
at kaayusan nito.

Mahusay!

Dahil naiintindihan niyo ang ating pinag


aralan sa araw na ito nais kong kumuha
kayo ng malinis na papel at lapis at
sagutin ninyo ang maikling pagsusulit.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang (5)
minute upang magsagot.

IV. PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang mga


tanong. Pillin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang Sagot:


tumutukoy sa samahan o 1. D
organisasyong politikal na ang 2. D
layunin ay mapanatili ang 3. D
kaayusan at magtatag ng isang 4. C
sibilisadong lipunan. 5. D
a. Bansa
b. Mamamayan
c. Kapangyahiran
d. Pamahalaan

2. Ang mga sumusunod ay


nagpapakita ng kahalagahan ng
pamahalaan maliban sa isa. Alin
dito?
a. Bumubuo ng mga programa para
sa kapakanan at
pangangailangan ng mga tao.
b. Pinagsisilbihan at
pinoprotektahan ang mga
mamamayan.
c. Pagpapatupad sa mga batas ,
programa at proyekto ng bansa.
d. Pangangalaga sa mga gawaing
hindi naaayon sa batas ng
bansa.

3. Ano ang tawag sa pinuno ng


bansang demokratiko katulad ng
Pilipinas.
a. Prime minister
b. Hari
c. Sultan
d. Pangulo

4. Paano nailuluklok sa posisyon


ang isang demokratikong bansa
tulad ng Pilipinas.
a. Sa pamamagitan ng
rekomendasyon ng pinuno ng
ibang bansa.
b. Pagpapamana ng posisyon sa
kapamilya.
c. Pagpili ng mga tao o pagboto sa
panahon ng eleksyon.
d. Sa pamamagitan ng kayaman na
meron ang isang tao.

5. Aling gawain ang nagpapakita ng


tamang tungkulin ng isang
opisyal ng pamahalaan?
a. Pagpili ng mga taong tutulungan
sa panahon ng kalamidad.
b. Pagprotekta sa mga maling
gawain ng mga kaibigan.
c. Pagnanakaw ng mga badyet sa
isang proyekto.
d. Pagpapatupad sa mga programa
ng gobyerno para sa kabutihan
ng mga mamamayan.

V. TAKDANG ARALIN
Para sa inyong takdang aralin
magtanong sa inyong magulang o
nakatatandang kapatid sa mga gawain
ng pamahalaan. Isulat ito sa inyong
notebook at tukuyin kung ano ang
pakinabang at halaga nito sa
pamayanan o mamamayan.

You might also like