You are on page 1of 6

a

GRADE 4 Paaralan MANGGAHAN ELEMENTARY Antas BAITANG IV


SCHOOL
DAILY LESSON
LOG Guro JOWANIE L. CAJES Asignatura ARALING
PANLIPUNAN
Petsa at Oras March 18, 2020 Markahan IKATLONG
8:15-9:00 a.m. MARKAHAN

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan,
mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa.

Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng


pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat

Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan AP4PAB-IIIa-1

Tiyak na Layunin 1. Natutukoy ang kahulugan ng pambansang pamahalaan


2. Nauunawaan ang bumubuo sa pambansang pamahalaan
3. Nabibigyang halaga ang mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan
II. NILALAMAN Ang Pambansang Pamahalaan

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Araling Panlipunan 4, Patnubay ng Guro, pp. 109-112
Guro
2.Mga pahina sa Kagamitang Araling Panlipunan 4, Kagamitang Pang Mag-aaral, pp. 228-235
Pang Mag-aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk Kayamanan, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 4, pp. 235-251

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning https://philippineculturaleducation.com.ph/malacanang/
Resource

B.Iba Pang Kagamitang slides presentation, video file ng kantanag komunidad, 5-minute timer at finger
Panturo multiplication, meta cards ng word puzzle, activity books, mga larawan
III. PAMAMARAAN Pedagogy : Collaborative
Strategy : Jigsaw Method
Activity: Think, Discuss, Act, Reflect

A.Balik-aral sa (Magbibigay ng handouts ng slides presentation ang guro upang magkaroon ng focus
nakaraangaralin at / o ang mga bata sa talakayan at hindi sa pagsusulat ng mahahalagang aralin na
pagsisimula ng bagong aralin nakapaloob sa talakayan. Indicator 2)

Balitaan
Matapos awitin ang kantang “Ako, Ikaw, Tayo’y Isang Komunidad, “ Ang mag-aaral ay
mag-uulat ng mga magagandang pangyayari sa komunidad.
INDICATOR 1 at 3

Balik- Aral
“Sagot sa Kahoot ” Pilipinas, isang Bansa
.Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Pindutin ang kulay ng
napiling sagot. (Pula, Dilaw, Asul, at Berde)
1. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito. (Teritoryo)
2. Ang pangkat o grupo na naninirahan sa loob ng isang teritoryo na
bumubuo sa populasyon ng bansa. (Tao)
3. Ang kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang
nasasakupan. (Soberanya)
4. Isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo
ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan ng lipunan.
(Pamahalaan)
INDICATOR 1 at 3
B.Paghahabi sa layunin ng (Think)
aralin “Multipy and Fly”
Hanapin ang letra na katumbas ng sagot sa bawat factors ng word puzzle na iyong hawak.
Idikit ang nabuong salita sa angkop na kahulugan na nakapaskil sa pisara.
H K B D T M S L
36 42 49 54 56 63 64 72

1. Maunlad na uri o estado ng pamumuhay sa isang lugar.


2. Mga alituntunin na itinakda upang pangasiwaan ang kilos at gawi ng
mga tao sa lipunan.
3. Gumagawa ng patas na hatol batay sa interpretasyon ng batas.

(Ituro ang Finger Multiplication bilang suporta/teknik sa mga batang hirap sa pagsasaulo
ng multiplication table gamit ang video file)

Itanong:
Ano-ano ang mga salitang nabuo? Gamitin ito sa pangungusap.
Bakit mahalaga ang batas sa bansa?
Sino ang mangunguna sa mga Pilipino tungo sa isang sibilisadong lipunan?
Paano magiging maunlad at maayos ang ating bansa?
INDICATOR 2 at 3
C.Pag-uugnay ng mga (Discuss)
halimbawa sa bagong aralin Buuin ang word puzzle at suriin ang larawan.

Alam mo ba ang gusaling nasa larawan?


Sino kaya ang naninirahan dito?

Ang palasyo ng Malacañang ang opisyal na tirahan ng pangulo ng Pilipinas. Nagmula ang
pangalan mula sa pananalitang “May lakan diyan” dahil dating nakatira dito ang isang
mayamang negosyanteng Español. Taong 1802 nang bilhin ni Luis Miguel Formeno ang
palasyo sa halagang P1,100.00 mula sa orhihinal na may ari nito na si Don Luis Rocha. Si
Pangulong Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng bansa na naninirahan dito taong
1935. Matatagpuan ito sa hilagang pampang ng Ilog Pasig sa Maynila.

Itanong:
Ano ang kahulugan ng salitang Malacañang?
Saan ito matatagpuan?
Sino ang unang pangulo ng bansa na nanirahan dito?
Bakit mahalaga ang Palasyo ng Malacañang ?

Talakayin ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan gamit ang interactive


na graphic organizer.

Itanong:
Ano ang pambansang pamahalaan?
Sino ang namumuno sa pambansang pamahalaan?
Ilan ang sangay na bumubuo sa pambansang pamahalaan?
Ibigay ang kaugnayan ng bawat sangay?
Bakit mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa?

INDICATOR 1 at 3
D.Pagtalakay ng bagong (Act)Pangkatang Gawain
konsepto at paglalahad ng PANGKAT 1- Tiktok Time! Gumawa ng tiktok na nagpapakita ng traffic enforcer na
bagong kasanayan #1 maayos na nagpapatupad ng batas trapiko. Ipaliwanag sa klase kung paano mo ipakikita
ang pagpapahalaga sa mga taong katulong ng pamahalaan sa pagpapatupad ng batas.

PANGKAT 2- Iguhit Natin! Gumuhit ng nasisirang kalikasan. Gumawa ng isang batas


upang maiwasan ang pagkasira nito at ibahagi sa klase.

Pangkat 3- Reaction Picture! Tingnan ang larawan ng mga taong nakakulong. Gayahin
ang isa sa mga emoticons at ipakita ang facial reaction ng pangkat. Sagutin ang mga
tanong sa activity book.

Kailangan ng
Kraytirya Mahusay Katamtaman Pagsasanay
3 2 1
Nilalaman Sapat at wasto ang May ilang mali sa Maraming mali sa
mga detalye at mga detalye at mga detalye at
impormasyon impormasyon impormasyon
Presentasyon Maayos na Maayos na Hindi naipakita at
naipakita at naipakita ngunit naipaliwanag nang
lubusang hindi naipaliwanag maayos ang paksa
naipaliwanag ang nang maayos ang
paksa paksa
Pagkakaisa Lahat ng kagrupo May ilang kagrupo Marami sa kagrupo
ay nakilahok na hindi nakilahok ang hindi nakilahok
INDICATOR 1
E.Pagtalakay ng bagong Pick a Door!
konsepto at paglalahad ng Pumili ng pinto at sagutin ang nakapaloob na pahayag kung katotohanan o di katotohanan.
bagong kasanayan #2
1. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring pambansang pamahalaan.
2. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong bansa.
3. May dalawang sangay ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas.
4. Pinamumunuan ng Alkalde ang pambansang pamahalaan.
5. Ang tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom ang tatlong
magkakaugnay na sangay ng pambansang pamahalaan.
INDICATOR 3
F.Paglalapat ng aralin sa pang (Reflect) Basahin ang bahagi ng artikulo mula sa WordPress.com.
araw-araw na buhay
Diborsyo sa Pilipinas, Ano nga ba ang opinyon ng mga tao dito?

Ang diborsyo ay ang pinal na paghihiwalay sa pagitan ng mag-asawa kung saan sila ay
magiging single muli at maaaring magpakasal kahit ilang beses man nila gustuhin. Sa
Pilipinas ito ay hind pa naisasabatas sapagkat marami dito ang tutol dahil sa panrelihiyong
rason at para sa kanila ay dapat sundin ang mga pangako ng isang mag-asawa na sinambit
sa harapan ng altar.

Itanong:
1. Ano ang diborsyo?
2. Ang pagsasabatas ba ng diborsyo sa Pilipinas ay sakop ng pambansang
pamahalaan?
3. Dapat bang makaapekto ang paghihiwalay ng mga magulang sa pag-
aaral ng mga anak?
4. Ano ang payo mo sa batang ang mga magulang ay nagpasya ng
maghiwalay?
5. Kung ikaw ang namumuno sa ating bansa, dapat bang isabatas ang
diborsyo? Bakit?
INDICATOR 2
G.Paglalahat ng Aralin Punan ang patlang upang mabuo ang mahalaganag konsepto ng pambansang pamahalaan.

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring _____________. Pinamumunuan ito ng


_______ na siyang puno ng bansa. Binubuo ito ng _______ magkaka-ugnay na sangay:
_________, tagapagpaganap, at __________.
INDICATOR 3
H.Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at bilugan ang letra ng tamang sagot. (Babasahin ng
guro ang ipinamahaging kopya ng assessment upang makasagot ang mga batang hirap sa
pagbasa)

1. Ilan ang sangay na bumubuo sa pambansang pamahalaan?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

2. Sino ang namumuno sa pambansang pamahalaan?


A. Alkalde B. Gobernador C. Senador D. Pangulo

3. Ano ang ibang tawag sa pamahalaan ng Pilipinas?


A. Malasariling pamahalaan
B. Pamahalaang lokal
C. Pamahalaang pambansa
D. Pamahalaang diktatoryal

4. Ano ang sangay ng pambansang pamahalaan na may kapangyarihang gumawa ng mga


batas?
A. Tagapagpaganap
B. Tagapagbatas
C. Tagapaghukom
D. Sangguniang bayan

5. Bakit mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa?


A. Sila ang dahilan ng kakulangan sa hanapbuhay.
B. Sila ang nagsisimula ng mga kaguluhan sa bansa.
C. Sila ang namumuno para sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.
D. Sila ang katulong ng mamamayan para masira ang kalikasan.

Indicator 2
I. Karagdagang Gawain para Para sa iyo, ano ang tatlong pinakamahalagang katangian ng mabuting pinuno ng
sa takdang- aralin at pamahalaan? Ipaliwang kung bakit ito ang iyong napili.
remediation
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aara na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

G. Anong suliranin ang aking


naranasan
na solusyon sa tulong ng aking
punong guro at suberbisor?
H. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

JOWANIE L. CAJES
Guro – Manggahan Elem. School

Binigyang pansin ni:


MELANIE B. NOCHE
Dalubguro I

HELEN P. CATANAOAN
Punongguro I

You might also like