You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

PANGASINAN STATE UNIVERSITY


ALAMINOS CITY CAMPUS

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang maisagawa ang mga sumusunod
na may kawastuhan:
a. natutukoy ang mga tungkulin ng pamahalaan para sa pagtataguyod ng karapaan ng bawat
mamamayan
b. napapahalagahan ang tungkulin ng pamahalaan sa pagtataguyod ng mga karapatang
pantao
c. nasasabi ang mga karapatan bilang mamamayan ng Pilipinas
Integrasyon : Paggalang sa karapatan ng bawat isa

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Tungkulin ng Pamahalaan sa Pagtataguyod ng Karapatan ng Bawat


Mamamayan
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
Adriano, Ma. Corazon et.al
Aralin 13, page 304-311
K to 12 - AP4PAB-IIIh-7
C. Kagamitan: tsart, mga larawan

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magandang umaga mga bata. Bago tayo
mag-umpisa, magdasal muna tayo. ( Yuyuko ang lahat at mananalangin. )

Amen. Amen.

2. Pagbati
Muli, isang mapagpalang umaga sa inyong Magandang umaga din po.
lahat.

Bago kayo umupo, pakipulot ang mga piraso


ng papel o plastik sa silong ng inyong mga ( Mag-uumpisang maglinis )
upuan kung meron.

Tama na iyan, maaari na kayong umupo.


3. Pagtatala ng Liban
Meron bang lumiban sa klase natin ngayon? Wala po, Guro.

Mahusay! Maganda ang pinapakita ninyo na


kayo ay masisipag pumasok at handang
matuto.
At dahil diyan, tapikin mo ang katabi mo at
sabihin mong ‘Masaya ako at ika’y naririto.’ ( gagawin ng mga bata ang inutos ng guro )

4. Pamamahala ng Silid-aralan
Bago tayo mag-umpisa, sinong nagugutom ( sasagot ang mga bata )
na?

At para matugunan ang inyong pagkagutom,


kailangang maging mabait kayo. May bago
tayong alituntunin sa ating klase. Hahatiin ko
ang klase sa pamamagitan ng pahigang linya
ng mga upuan nyo at ililista ko sa pisara ang
mga ito. Kailangan nyong bantayan ang mga
katabi nyo na huwag mag-ingay. Bawat ingay
na walang koneksyon sa ating aralin o hindi ko
pa tinawag at pinatayo para sumagot,
dadagdagan ko ng marka ang linya ninyo. Ang
may pinakakonting bilang ng marka sa linya
mamaya ay may premyo. Maliwanag ba? Opo, Titser.

Mahusay! Kaya kailangan ninyong


bantayang mabuti ang mga kalinya ninyo.

5. Balik-aral
Magbalik-aral muna tayo. Ano ang ating Tungkol po sa mga programang pang
napag-aralan noong nakaraan? impraestruktura ng pamahalaan.

Tama! Magbigay nga kayo ng mga ( mga maaaring sagot ng mga mag-aaral )
halimbawa ng mga impraestrukturang proyekto mga daan, tulay, paliparan, daungan, mga
ng pamahalaan. parola, mga silid-aralan, irigasyon

Magaling! Ano ang mga ahensya ng ( mga maaaring sagot ng mga mag-aaral )
pamahalaan ang nagpapatupad ng mga DPWH, DA, DAR, DepEd, DoTC
programang pang-impraestruktura?

Talagang nakinig nga kayo nung huli nating


talakayan! Ano naman ang kahalagahan ng ( mga maaaring sagot ng mga mag-aaral )
mga itinatayong impraestruktura ng Para po mapabilis ang pag-unlad ng
pamahalaan? ekonomiya at makalikha ng maraming trabaho.

Napakahusay na mga mag-aaral! Handa na


nga kayo para sa ating susunod na aralin.

6. Pagganyak

Ngunit bago tayo dumako sa ating aralin,


may inihanda akong gawain para sa inyo.
May ipapakita akong larawan dito, suriin
ninyo kung ano ang mga ginagawa ng mga tao
o mga grupo ng mga tao dito. May mga
inihanda akong palatandaan dito, ididkit ninyo
doon sa tapat ng mga taong sa tingin ninyo ay
nakakaranas ng karapatan o di kaya ay sa mga
nalalabag na karapatan ng mga mamamayan. (mamarkahan lahat ng mga bata ang mga
Magtaas ng kamay ang mga gusting sumagot. sagot nila)

B. Paglalahad

Ang mga larawan na nakita nyo ay may


kaugnayan sa susunod nating aralin. Ang
tungkulin ng pamahalaan sa pagtataguyod ng
karapatan ng bawat mamamayan.

C. Pagtatalakay

Marami tayong mga karapatan bilang tao.


Meron ba kayong alam na karapatan ninyo? ( sasagot ang mga bata )

Mahusay! Lahat tayo ay may karapatan, ang


ilan dito ay nakapaloob sa Artikulo III ng
Saligang Batas ng Pilipinas. Sinong ( may maaaring sumagot sa mga bata, kung
nakakaalam kung ano ang Saligang Batas? wala ay ipapaliwanag ng guro )

(Ang Saligang Batas ay ang kataas-taasang


batas ng Pilipinas.)

Naririto ang mga karapatan ng mga


mamamayang Pilipino na nakapaloob sa
Artikulo III. Tungkulin ng pamahalaan na
itaguyod ang mga ito. Alamin natin kung ano
ang mga ito sa pamamagitan ng paghula sa
mga ipapakita kong mga larawan. Handa na ba Opo.
kayo?

Ano kayang karapatan ang nais ipahiwatig


ng mga larawan?

( magbibigay ng kanya-kanyang opinion ang


mga bata )

Magagaling ang mga hula ninyo! Nasa tiyan


pa lamang tayo ng ating mga nanay ay may
karapatan na agad tayo. At may kalayaan din
ang bawat isa na gawin kung ano ang gusto
nilang gawin, ngunit tatandaan ninyo na lahat
ng karapatan natin ay may hangganan din.
Kailangang isaalang-alang ng pamahalaan ang
makakabuti sa nakakarami.

May karapatan din tayo na magmay-ari at


gumamit ng mga ari-arian. Kapag may bibilhin
bang lupa o sasakyan ang mga magulang
ninyo, kailangan pa nilang ipagbigay alam sa Hindi na po
pamahalaan?

Tama! Ngunit kung kakailanganin ito ng


pamahalaan para sa pagpapalawak ng mga
pampublikong daan, maaari tayong pakiusapan
ng pamahalaan at babayaran nila tayo. May
alam ba kayong mga batas na may kaugnayan ( sasagot ang mga bata )
dito sa mga karapatan na ito?

Ano sa palagay nyo ang mga ahensiyang ( mga maaaring sagot ng mga mag-aaral )
nangangalaga sa karapatang ito? DOH, DND, DOTC, DILG

Mahusay! Dito sa susunod na larawan, ano


naman ang napapaloob kaya dito?

( magbibigay ng mga opinyon ang mga bata )

Magagaling! Isinasaad dito ang


makatarungang pagpapairal ng batas. Ibig
sabihin, hindi maaaring alisan ng buhay, ari-
arian at kalayaan ang isang tao. Hindi rin tayo
pwedeng paratangan hanggat hindi tayo
napapatunayang nagkasala. Naiintindihan ba Opo.
ninyo?

Anong ahensiya kaya ang nangangalaga ng DOJ po.


karapatan nating ito?

Ano naman kaya itong susunod na


karapatan?

( magbibigay ng mga opinyon ang mga bata )

Tama. Halimbawa, kapag grupo ang


gumawa ng krimen, yung pinuno lang ba nila Hindi po. Silang lahat po.
ang paparusahan?

Mahusay! Kailangan talaga na silang lahat


ang parusahan dahil pare-pareho silang
gumawa ng kasalanan.
Ano naman kaya ang nais ipahiwatig na
karapatan ng susunod na larawan?

Tungkol po sa paghuli ng mga pulis sa mga


tao.

Tama! Hindi tayo pwedeng arestuhin o hindi


pwedeng pumasok sa bahay natin ang mga
pulis at maghalughog basta kung wala silang
dalang kaukulang mga dukomento. Sino ang
nakakaalam kung anong mga dokumento ang
kailangan bago sila manghuli at Search warrant po at warrant of arrest.
manghalughog?

Mahusay! Ano namang mga ahensiya ng ( mga maaaring sagot )


gobyerno ang nangangalaga nito? DOJ, NBI at PNP
Magaling! Ano naman kaya ang napapaloob
sa susunod na larawan?

May kaugnayan po sa
pakikipagkomunikasyon.

Tama! Hindi pwedeng basahin ng iba ang


mga liham natin o makinig sa usapan sa
telepono ng walang pahintulot natin o ng
hukuman. Ang Kawanihan ng Koreo ang
nangangasiwa sa mga karapatan natin dito.

Ano na ang susunod na karapatan batay dito


sa mga larawan?

Tungkol po ba sa pamamahayag o sa
pagtitipon-tipon?

Tama! Sinong nakakapanood ng balita sa


inyo tungkol sa mga nagra-rally? ( magtataas ng kamay ang mga bata )

Pwede sumali sa anumang pagtitipon o pag-


aalsa ang sinuman basta wala silang lulubaging
batas o hindi sila manggugulo. Palagay ninyo,
dahil sa karapatan nating magsalita, pwede na
nating sabihin ang anumang gusto nating Hindi po.
sabihin sa kahit kanino?

Bakit hindi? Maaari po tayong idemanda kapag yung mga


sinasabi natin ay nakakasira na ng puri ng iba.
Tama. Kaya dapat bago natin sabihin, isipin
muna nating mabuti.

Tungkol naman kaya sa anong karapatan ang


susunod na larawan?

Tungkol po ba sa relihiyon?

Oo, tungkol nga sa relihiyon. Karapatan ng


sinumang mamamayan na maniwala at umanib
sa ano mang relihiyong naisin niya.

Ano naman kaya ang nais ipahiwatig ng


panghuling larawan?

May kaugnayan po ba ito sa paglalakbay at


mga tahanan?

Mahusay! May karapatan tayong tumira


kung saan natin gusto, maliban lamang kung
hindi sa atin ang lupa. Maaari tayong
makasuhan ng impormal na paninirahan. Ang
ahensyang nangangasiwa dito ay DOTC at
DOT.

D. Paglalahat

Lahat tayo ay may karapatan at tungkulin ng


pamahalaan na itaguyod ang mga karapatan
nating ito. Pero kaakibat ng mga kaapatan
nating ito, ay may mga limitasyon din at
alintuntunin na dapat sundin. Kailangan din
nating isaalang-alang ang kabutihan ng
nakararami at dapat ay wala din tayong
nasasagasaan o natatapakang karapatan din ng
kapwa natin.
E. Pagsasanay

Pagtapat-tapatin ang mga larawan sa kung


anong karapatan sila kabilang o napapaloob.

1.
a. Karapatan sa buhay, kalayaan at ari-
arian.

2.

b. Karapatan sa relihiyon.

3.
c. Karapatan sa makatarungang
pagpapairal ng batas.

4.
d. Karapatan laban sa hindi
makatarungang paghahalughog at
pagdakip.

5.
e. Karapatan sa pagsasalita,
pamamahayag, at pagtitipon-tipon.
IV. EBALWASYON

A. Isulat ang K kung ang parirala ay tumutukoy sa karapatan ng mamamayan at T naman


kung ito ay tungkulin ng pamahalaan.

_____ 1. Pagtitipid sa paggamit ng tubig at kuryente


______ 2. Pantay-pantay na proteksyon sa batas
______ 3. Pumili ng relihiyong kaaaniban
______ 4. Paglahok sa mga pulong
______ 5. Pagpili ng lugar na nais tirhan
______ 6. Bumili ng mga produktong gawa sa Pilipinas
______ 7. Pagboto ng may katalinuhan
______ 8. Pagbuo ng mga samahan
______ 9. Pagsunod sa mga batas
______ 10. Mamuhay ng mapayapa

B. Ano ang masasabi mo?


1. Bakit kailangan ang kaakibat na batas sa bawat karapatang tinatamasa ng bawat
mamamayang Pilipino? Ano ang maaaring mangyari kung mawala ito?
2. Paano itinataguyod ng pamahalaan ang pantay-pantay na proteksyon sa batas?
3. Ano ang nakapaloob sa Katipunan ng mga Karapatan sa Saligang Batas?
4. Ano ang mga salik sa pag-iisyu ng search warrant at warrant of arrest?
5. Ano ang kahulugan ng karapatan laban sa hindi makatarungang paghahalughog at
pagdakip?

V. TAKDANG-ARALIN

Maghanap ng anumang larawan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng isang tao.


Idikit ito sa short bond paper at isulat sa baba nito kung anong karapatang pantao ang nilibag
dito. Isulat din kung ano ang inyong gagawin kung sakaling naranasan ninyo ang nasa larawan at
ano ang ahensyang maaaring makatulong sa inyo.

INIHANDA NI:

Flora May Z. Rabanillo


BEEd II - A

INIHANDA PARA KAY:

Bb. CAREN VENTAYEN


Guro
KARAPATAN DESKRIPSYON AHENSIYA LIMITASYON
Karapatan sa buhay, mabuhay, kapakanan ng iba,
kalayaan at ari-arian. pangkalusugan, DOH, DND, DOTC, pagbayad ng buwis,
pangkaayusan, DILG pagsamsam ng pag-
paghahanapbuhay aari ng iba
Karapatan sa mga kailangang dumaan sa
makatarungang DOJ proseso
pagpapairal ng batas.
Karapatan sa pantay walang itinatanging
na proteksiyon sa DOJ mamamayan ang
batas. pamahalaan
Karapatan laban sa may kaukulang
hindi makatarungang DOJ, NBI at PNP dokumento
paghahalughog at
pagdakip.
Karapatan sa pagiging may pahintulot
lihim ng Kawanihan ng Koreo
komunikasyon at
korespondensiya.
Karapatan sa walang linalabag na
pagsasalita, batas o sinisirang tao
pamamahayag, at o samahan
pagtitipon-tipon.
Karapatan sa
relihiyon.
Kalayaan sa impormal na
paninirahan at DOTC at DOT paninirahan
paglalakbay.

You might also like