You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Makabayan (Ikaapat na Markahan) Aralin 85 I.

Layunin * Nakikilala ang mga karapatang tinatamasa ng mga batang Pilipino * Nailalarawan kung paano tinatamasa ang karapatan ng mga batang Pilipino * Naipahahayag ang damdamin tungkol sa isang pangyayari Pagpapahalaga: Maging mapagpasalamat II. Paksang-aralin: Pagkilala sa Mga Karapatang Tinatamasa ng Batang Pilipino Sanggunian: Pagsibol ng Lahing Pilipino; TX ph. 138 - 141; TM ph. 111 - 1 117 PELC 1.1 - 1.2 Kagamitan: Mga larawan ng mga batang pinakakain, binibihisan at naglalaro sa loob ng bahay III. A. Pamamaraan: Ituro ang isang awit tungkol sa kalikasan. (Himig: London Bridge) Mangagpunas ng mukha, ng mukha, ng mukha Mangagpunas ng mukha, mga bata. Mangagsuklay ng buhok Magsipilyo ng ngipin Magsipalit ng damit Tanungin ang mga bata tungkol sa awit. Anu-ano ang ginagawa ninyo sa mukha, buhok at ngipin? Ito ba ay ginagawa ninyo? Sino ang gumagawa nito sa inyo? B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Ipakita ang mga larawan tinatamasa ng batang Pilipino 2. Paglalarawan ng mga bata sa nakitang larawan. Pagsasabi ng mga bata. a. Karapatang isilang

b. Karapatang maging isang mamamayang Pilipino c. Karapatang alagaan at mahalin d. Karapatang isilang at iba pa. 3. Pagtatalakay: Paano tinatamasa ng mga batang Pilipino ang kanilang karapatang maging malusog? Atbp. Bakit kailangan bigyan ng gatas, itlog at mga prutas ang mga bata? C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Anu-ano ang mga karapatang tinatamasa ng batang Pilipino? 2. Pagpapahalaga Ang mga karapatang tinatamasa ng batang Pilipino ay dapat ipagpasalamat. IV. Pagtataya o Pagbibigay-halaga: Piliin ang titik ng wastong sagot: 1. Pinag-aaral tayo ng ating mga magulang upang tayo ay a. matutong sumulat at bumilang b. matuto ng masamang gawain c. makaiwas sa trabaho sa bahay 2. Kailangan natin ng maayos na pagkain, damit at tirahan upang tayo ay a. lumaki ng malusog at ligtas sa mga sakit b. lumaking pangit, marumi at matakaw c. lumaking nakikipag-away sa mga kapwa bata V. Takdang Aralin Gumupit ng mga larawan ng mga karapatang tinatamasa ng bata.

Aralin 86 I. Layunin: * Nagkakaroon ng kamalayan sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan, mag-anak at ibang ahensya sa pagtugon sa mga kailangan ng mga batang Pilipino * Nakikillala ang tulong na ibinibigay ng pamahalaan, mag-anak at iba pang ahensya sa pagtugon sa mga kailangan ng mga Pilipino. Pagpapahalaga: Pagtulong sa kapwa II. Paksang-aralin: Mga Tulong na Ibinibigay ng Pamahalaan sa Pagtugon ng Kailangan ng Bata Sanggunian: TX - Sibika at Kultura pp. 159-163 Pagsibol ng Lahing Pilipino pp. 145-151 PELC 2.1 Kagamitan: Mga larawan ng iba't-ibang ahensya ng pamahalaan na tumutugon sa kailangan ng bata III. A. Pamamaraan: Balik-aral: Anu-ano ang mga karapatan ng mga batang Pilipino? B. Paglalahad Ipakita ang isang larawan na ang mga bata ay ginagamot ng doctor at ito ay binibigyan ng gamut, injection para sa ikabubuti ng bata. Talakayin ito at ilahad pa ang iba pang larawan ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa kailangan ng mga batang Pilipino. Talakayan sa mga iba't ibang ahensya ng pamahalaan na tumutugon sa kailangan ng bata. C. Paglalahad Anong mga sentro ng pamahalaan na tinuturuan kayo o tayo ng sumulat, sumayaw atbp. D. Pagpapahalaga Anong magandang ugali ang natutuhan natin dito? Maging matulungin sa kapwa.

IV. Pagtataya: Anu-ano ang mga tulong o paglilingkod na makukuha sa mga health centers at paaralan? V. Takdang Aralin Gumupit ng mga larawan ng ahensiya ng pamahalaan na nagpapakita ng tulong sa kailangan ng bata.

Aralin 87 I. Layunin: * Natutukoy ang proyekto ng pamahalaan, kamag-anak at iba pang ahensiya para sa mga bata Pagpapahalaga: Pagkilala sa tungkulin ng pamahaaan sa pangangalaga ng kalusugan ng batang Pilipino II. Paksang-aralin: Proyekto ng Pamahalaan para sa mga Bata Sanggunian: TX - Sibika at Kultura pp. 159 - 165 Pagsibol ng Lahing Pilipino pp. 146 - 151 PELC 2.1.1 Kagamitan: Mga larawan ng sentro ng pamahalaan sa pag-aalaga ng bata, batang kumakain sa sentrong pangnutrisyon sa paaralan, batang binabakunahan, batang inieksamin ng doctor at batang binubunutan ng ngipin atbp... III. A. Pamamaraan: 1. Basahin ang awit na patula: Proyekto Para Sa Bata Himig: Maliit na Gagamba Karapata't kailangan Iba-iba ngang tunay Ito'y natutugunan Ng pamahalaan Anu-ano ang tulong ng pamahalaan Nagtatayo ng sentro ng pangkalusugan Gumagawa ng parke, mga palaruan Gayundin ng aklatan, mga paaralan Tulong ng pamahalaan Dapat pasalamatan Ang tulong ng pamilya At ilang pangkat pa. 2. Balik-aral Pagbabalik-aralan ang mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan para sa bata. B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak

Inaalagaan ng ating pamahalaan ang kalusugan ng mga bata. Gusto ba ninyong malaman ang ginagawa ng pamahalaan para sa kalusugan nila? 2. Paglalahad: Ipakita ang mga larawan Ipakita ang sentro ng pag-aalaga ng bata at batang kumakain sa sentrong pangnutrisyon sa paaralan at may mga samahan rin tumutulong upang maibigay ang kailangan ng bata. 3. Pagtatalakay: Basahin o ipabasa ang aklat pp. 159-165 o 146 - 151. a. Anu-ano ang ibinibigay ng pamahalaan sa paaralan para sa kalusugan ng mga bata? (tinapay at gatas) b. Ano ang pinatago ng pamahalaan sa pag-aalaga sa mga bata? (sentro ng pag-aalaga ng bata) c. Anu-ano ang mga tulong na naibibigay ng mga samahan ng doktor, nars at dentista para sa mga bata? (inieksamin at binabakunahan sila ng doktor at nililinis at binubunot naman ng dentista ang kanilang mga sirang ngipin na walang bayad) C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahad Ang pamahalaan ay nagpapatayo ng Sentro ng Pag-aalaga ng bata, nagbibigay ng pagkain at gamut at nagpapadala ng mga samahan ng doctor, nars at dentist upang papangalagaan ang kalusugan ng mga batta. (Ano ang itinuro ng pamahalaan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga bata.) 2. Pagpapahalaga Bakit kailangang maging malusog tayo? (Upang magkaroon ng lakas na mapaunlad ang sarili at makatulong sa pamayanan) IV. Pagtataya: Sagutin ang mga tanong. 1. Anu-ano ang mga ibinibigay ng pamahalaan sa paaralan para sa mga bata? 2. Anong sentro ang nag-aalaga sa mga batang kulang sa timbang? 3. Bakit binabakunahan ang mga bata? 4. Anoa ng ginagawa sa atin ng doctor, nars at dentist? 5. Bakit kailangan natin ang doctor? Nars? Dentista?

V. Takdang Aralin Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Si Mila ay maysakit, siya ay dapat dalhin sa a. Sentrong pangnutrisyon b. Sentro ng Kalusugan c. Sentro ng Pag-aalaga ng bata 2. Ang mga batang kulang sa timbang ay pinakakain sa a. Sentrong pangnutrisyon b. Sentro ng Kalusugan c. Sentro ng Pag-aalaga ng bata 3. Ang proyekto ng pamahalaan na nag-aalaga sa ngipin ng bata ay ginagampanan ng a. Nars b. Doktor c. Dentista

You might also like