You are on page 1of 16

COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION

INTEGRATION

Banghay-aralin sa sa Araling Panlipunan Grado 6 Ikaapat na


Markahan
I. Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapahayag ang saloobin na ang aktibong pakikilahok
ay mahalagang tungkulin ng bawat mamamayan tungo sa pag-
unlad ng bansa. (AP6TDK-IVi-8).

Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa isa ang mahahalagang tungkulin ng bawat miyembro ng
pamayanan sa pag-unlad ng bansa
2. Naipapaliwanag ang mahahalagang tungkulin ng bawat
mamamayan sa pag-unlad ng bansa
3. Napahahalagahan ang tungkulin ng bawat miyembro ng
lipunan anuman ang kasarian para sa pag-unlad ng bansa sa
pamamagitan ng pagsagot sa journal

Pamantayang Pangkasanayan (CSE)


Identify ways of promoting gender equality and better ways of
communicating among friends and peers (K3B2).

II. Nilalaman/Paksa: Aralin 4: Pananagutan at Tungkulin ng


Mamayang Pilipino

Paksa: Ang Pagiging Tapat sa Republika ng Pilipinas


III. Sanggunian: Ang Makabayan sa Araling Panlipunan 6 : Pahina
179-183 ni: Luzviminda La Paz Ona

Karagdagang Kagamitan: slide decks, mga larawan

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Pagganyak (5 minuto)
Gawain 1: Munting Panayam

Mag-iimbita ang guro ng isang lider (SK Chairman, Purok Lider,


Kagawad ng Barangay) upang magsalita sa mga mag-aaral ukol sa
sa mga paraan na maitutulong ng mga bata sa pag-unlad ng
bansa.

1
Paalaala sa guro:
1. Isaalang-alang ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa
pagpili ng lider na kakapanayamin.
2. Paalalahanan ang lider na ang panayam ay tatagal
lamang ng limang (3) minuto.
3. Maari din na i-bidyo ng guro ang panayam upang
mapanood ng mag-aaral.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang sinabi sa panayam hinggil sa mga tungkuling maaaring
gawin ng mamamayan upang umunlad ang bansa?
2. Sino sino ang mamamayang gumagawa ng tungkuling ito?
Lalaki lamang ba? Babae lamang ba?
3. Bakit dapat na gampanan ang mga tungkulin ng bawat isang
miyembro ng lipunan anuman ang kanilang kasarian?

B. Aktibiti (8 minuto)
Gawain 2: Tungkulin Mo, Ipakita Mo!

Paalaala sa guro:
1. Ipapangkat ang klase ayon sa bilang ng mga mag-aaral.
2. Ang grupo ay maaaring pumili ng pamamaraan upang
ipakita ang inihandang gawain ng guro.
3. Hayaang pumili ng lider ang bawat pangkat.
4. Pag-usapan ang rubrics na gagamiting panukat at oras
na gugugulin sa pangkatang gawain.

Mga pangkatang gawain:

1. wataWHAT: Ang wastong paggalang sa watawat ng Pilipinas

Mga mungkahing gawain:


a. Pagbuo ng checklist sa kampanya ng paggalang sa watawat.
b. Paggawa ng islogan sa pagmamalaki sa watawat ng bansa.

2. Hinto, Punta, Tuloy ng may pag-iingat!


Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon sa kanan. Tukuyin
ang kulay kung saan nabibilang ang bawat sitwasyon: pula kung
hinto o dapat itigil; dilaw kung dapat maghanda nang may pag-
iingat at berde kung dapat ipagpatuloy. Isulat ang titik sa patlang
na katapat ng bawat kulay.

a. Pagtawid sa tamang tawiran


b. Pagtatapon ng basura sa kalye

2
c. Pagsusuot ng tamang
uniporme
d. Pamamalagi sa labas ng bahay
kahit curfew na
e. Paggalang sa nagpapatupad ng
batas
3. Gawain ko ito!
Panuto: Suriin ang mga salita kung ang sumusunod na gawain
ay pambabae, panlalaki o pareho. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bawat bilang.

_____1. Nars _____6. Tindera


_____2. Guro _____7. Welder
_____3. Magsasaka _____8. Madre
_____4. Dyanitor _____9. Drayber
_____5. Pari _____10. Inhenyero

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ano ang gawain na ipinakita ng bawat pangkat?
2. Paano ginagampanan ng bawat miyembro ng lipunan (babae,
lalaki at ibang kasarian) ang kanilang tungkulin upang
makatulong sa pag-unlad ng bansa?
3. Bakit dapat na gampanan ang mga tungkulin ng bawat isang
miyembro ng lipunan anuman ang kanilang kasarian?

Paalaala sa guro: Magbigay ng tuon o pokus sa pagpapalalim at


ebalwasyon ng gawain ang bahaging ginagampanan ng lalaki, babae at
ibang kasarian sa pag-unlad ng bansa.

C. Analisis (5 minuto)
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga ipinakitang tungkulin ang nagpapahayag ng aktibong


pakikilahok ng isang mamamayan tungo sa pag-unlad ng bayan?
2. Paano makakatulong ang mga gawaing ipinakita sa pag-unlad ng
bayan? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, maaari bang gawin ng mga babae, lalaki at iba
pang kasarian ang mga tungkuling ito? Bakit?
Paggalang sa Watawat
D. Abstraksyon (15 minuto)
Tungkulin ng bawat Pilipino na Ang maging tapat
watawat angsasumasagisag
kaniyang
bansa. Ang isang mamayang nagmamahal
sa kalayaan, sa bansa
karangalan ay hinding
at simulain
gumagawa ng mga bagay na makasasama
bansa. dito.ng bawat Pilipino na
Tungkulin
Tingnan ang mgaigalang,
larawan ipagmalaki,
at kontekstoat samahalin
ibaba naito.
nagpapakita ng tungkulinMagingat pananagutan na nasasaklaw
ang mga dayuhan ay dapat dingng
Saligang Batas ng Pilipinas.gumalang sa watawat ng Pilipinas. Ang
pagharap sa watawat habang itinataas ito
at ang pag-iingat na huwag sumayad sa
lupa sa anumang pagkakataon ay ilan
lamang sa mga pamamaraan upang 3
ipakita ang paggalang dito.
Paggalang at Pagsunod sa Batas

Maraming batas ang pinaiiral para sa


maayos at mahusay na pamamalakad sa
bansa. Tungkulin ng mga mamamayan na
igalang at sumunod sa batas at sa
makapangyarihan na nagpapatupad nito.
Ang pakikipagtulungan ng bawat
mamamayan ay kailangan upang
maiwasan ang mga taliwas na gawain at
masamang elemento sa bansa.

4
Pagkakaroon ng kapaki-pakinabang na gawain
Tungkulin ng mga mamamayan, babae man, lalaki o anuman ang
kasarian na magkaroon ng kapaki-pakinabang na gawain. Ang marangal
na gawain ay maaring ipagmalaki sapagkat ito ay nakakatulong sa pag-
unlad ng bansa. Ang mabuting edukasyon at sapat na kasanayan ay
makatutulong sa pagkuha ng tamang hanapbuhay.

Paggalang sa Karapatan ng Iba

Sa pamahalaang demokratiko ang sinumang


tao ay pantay -pantay sa pagtatamasa ng
karapatan. Bilang Pilipino, pangunahin nating
tungkulin ang igalang ang karapatan ng iba
anuman ang lahi at kasarian. Kung mayroon
tayong karapatang mabuhay, hindi natin dapat
ipagkait ito sa iba. Kung may nagtangka sa
iyong buhay, huwag mong ilalagay sa iyong mga
kamay ang batas. Igalang mo ang iyong
karapatang ipagtanggol ang sarili sa hukuman.

Gayundin naman,ang mga taong may ibang


kasarian ay dapat na tanggapin natin nang
maluwag sa kalooban at igalang ang kanilang
mga karapatan.

5
Ang Matapat at Matalinong Pagboto

Ang pagboto ay isang karapatan at


tungkulin ng bawat Pilipino. Ang
matalinong botante ay pumipili ng mga
taong karapat-dapat na manungkulan sa
pamahalaan. Hindi siya nagpapadala sa
paghimok ng mga kaibigan tungo sa mga
maling gawain sa panahon ng ng halalan
tulad ng pagbili ng boto, pagiging flying
voters, at pandaraya. Kaugnay din nito, ang
pagiging bukas at pantay na karapatan sa
lahat ng uri ng kasarian sa pagpili ng
pinuno ay dapat na isaalang-alang.

Paalaala sa guro:
1. Isaalang-alang ang impluwensiya ng mass media sa desisyon ng
mga mamamayan sa pagpili ng pinuno.
2. Talakayin sa mag-aaral na ang pagboto ay pagganap ng karapatan
dahil nakakapamili sila ng pinuno sa paaralan.

Ang Pagbabayad ng Buwis

Tungkulin ng bawat
mamamayan ang maagap at matapat na
pagbabayad ng buwis. Hindi dapat itago
ang tunay na halaga ng kinikita. Ang
hindi pagbabayad ng buwis sa takdang
panahon ay may epekto rin sa mga
proyekto o palatuntunan ng pamahalaan.

6
E. Aplikasyon (5 minuto)
Gawain 3:
Aatasan ng guro ang mga mag-aaral na suriin ang sitwasyon sa
loob ng kahon at sagutin ang bawat tanong gamit ang journal.

1. Si Geraldine Roman ay kauna-unahang miyembro ng komunidad ng


LGBT na inihalal bilang kinatawan ng lalawigan ng Bataan.

a. Paano ipinakita ang pagkakapantay-pantay sa pagpili ng pinuno


sa naturang sitwasyon?

b. Sa iyong palagay, sino ang nararapat na mamuno sa isang


komunidad? Babae, lalaki o ang mga nasa komunidad ng LGBT?
Ipaliwanag.

2. Nagpatawag ng Clean-up Drive sa bawat purok ang Kapitan ng


Barangay sa darating na Sabado upang maalis ang mga basurang
nakakalat sa paligid ng komunidad.

a. Bilang mag-aaral, ano ang hakbang na maaari mong gawin sa


panawagang ito?

Pamprosesong tanong:

1. Bakit dapat na gampanan ang mga tungkulin ng bawat isang


miyembro ng lipunan anuman ang kanilang kasarian?

Paalaala sa guro: Para sa layunin ng integrasyon, kailangang bigyang-


diin na mailarawan kung paano ipinapakita ang pagkakapantay sa
tungkulin ng bawat babae, lalaki at LGBT.

Gawain 4:
Aatasan ng guro ang mga mag-aaral na kumuha ng papel para sa
pagbubuod ng aralin;

1. Babakatin ng mag-aaral ang kanilang limang daliri sa papel.


2. Isusulat nila sa bawat daliri ang tungkulin ng bawat mamamayan sa
pag-unlad ng bansa na kaya nilang gawin.

Paalaala sa guro:
Maaaring ipabasa nang sabay-sabay ang isinulat ng mag-
aaral o idikit sa isang bahagi ng pisara ang kanilang ginawa?

7
F. Pangwakas (2 minuto)
Ang aktibong pakikilahok ay mahalagang tungkulin ng
mamamayan. Ang sama-samang pagtupad at pagsasagawa ng mga
tungkulin ay magiging daan sa pagkakamit ng pag-unlad ng
bansa.

VI. Pagninilay

VII. Mga Tala

8
ANNEX A

Rubriks sa pagmamarka ng gawain 2


Kraytirya Lubhang kasiya – Kasiya-kasiya Hindi kasiya siya
siya 4 puntos 3 puntos
5 puntos
Nilalalaman Ipinapakita ng Mahusay ang Hindi gaanong
buong husay ang pagpapakita ng malinaw ang
isinagawang gawain gawain subalit mensahe ng
nangangailangan ng ipinakitang gawain
pagpapabuti
Teamwork at Kasama lahat ng Kasama lahat ng May mga kasapi sa
Partisipasyon kasapi ng pangkat kasapi ng pangkat pangkat na hindi
sa gawain. sa gawain subalit nakitaan ng pag
may kalituhan ang ganap.
ilan sa kanilang
pagganap.
Pagganap Makatotohanan at Hindi gaanong Hindi
kapani-paniwala makatotohanan at makatotohanan at
ang pagkakalahad kapani-paniwala ang kapanipaniwala ang
ng gawain pagkakalahad ng pagkakalahad ng
gawain gawain.
Kabuuang Iskor= 15

Paalaala sa Guro:
Ang rubriks na ito ay mungkahi lamang, maaring magkasundo ang
mag-aaral at guro sa rubriks na gagamitin.

ANNEX B

Mga gagamiting ilustrasyon sa abstraksyon

9
10
11
12
13
14
15
16

You might also like