You are on page 1of 5

Department of Education Division of Quezon

Panuto: Basahin ng tahimik ang teksto. Sagutin ang mga tanong at isulat ang

mga sagot sa sagutang papel.

Ang Bigay Ng Puno Ng Buhay


Joanne Mae B. Santain
Olongtao National High School

Puno ng buhay ang bansag sa puno ng niyog. Hindi maitatangging malaki ang

kapakinabangan nito. Mula sa ugat, hanggang sa dahon ay maaring

mapakinabangan. Kaya naman di kataka-takang maraming umaasa sa pagniniyog

bilang hanapbuhay.

Ang bunga nito ay nauuri sa dalawa. Ang matigas at mura pa. Ang matigas ay

ginagamit pagkokopra. Ang mura nama’y ginagamit na sangkap sa iba’t ibang

pinoprosesong pagkain.

Isa sa pangunahing produkto ng niyog sa bayan ng Macalelon ang kopra. Ito'y

laman ng niyog na iniluluto sa init ng apoy. Inaabot nang halos tatlong araw ang

pagpoproseso nito. Mula sa pangangawit sa puno, pagtatapas, pagsasalansan,

pagluluto at pagtutukyar. Ginagamit sa paggawa ng langis, sabon at marami pang

produkto.

Isa pa ang pagbublubar o pangunguha ng mga murang niyog upang

pagkitaan. Ginagamit ito bilang sangkap sa mga pagkain tulad ng buko pie, Nata de

Coco at iba pa.

Ang ganitong hanapbuhay ay nangangailangan ng pisikal na lakas at

pagtityaga upang kumita. Ngunit dahil sa hirap ng buhay dito’y di lamang mga

1
Department of Education Division of Quezon
matatanda ang nagbabanat ng kanilang buto. Maraming kabataan, lalo na ang ilang

mag-aaral, ang umaasa rin sa bigay ng puno.

Malaki ang kinikita ng may sariling niyugan lalo na kung maraming naani

pagdating ng anihan. Kinakailangan lamang na mahusay at masipag ka upang lubos

na mapakinabangan ang ibinibigay ng puno ng buhay.

Baitang 8

Bilang ng Salita 222

2
Department of Education Division of Quezon
Mga Tanong

1. Ano ang punong binansagan na puno ng buhay?(literal)

a. buli c. niyog

b. manga d. santol

2. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing gamit ng niyog sa bayan ng

Macalelon? (hinuha)

I. blubar

II. gamit sa paggawa ng sabon

III. ginagawang kopra

IV. ginagawang langis

A. I at II B. I at II C. I at III D. I at IV

3. Alin sa mga sumusunod na produkto ang hindi ginagamitan ng niyog? (hinuha)

A. alak B. sabon C. sarsa D. suka

4. Anong parte ng niyog ang ginagamit sa pagkokpra ?(literal)

A. bunga C. puno

B. dahon D. wala sa nabanggit

5. “Madiskarte ang mga mag-aaral sa aming bayan.” Ano ang

kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?(hinuha)

A. maarte B. mabait C. maparaan D. tamad

6. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod sa proseso ng kopra?(kritikal)c

I. kakawitin ang bunga mula sa puno

II. lulutuin sa init ng apoy.

III. sasalansanin sa lutuan ang niyog

IV. tatapasan ang niyog

V. tutukyarin

3
Department of Education Division of Quezon
A. I,II.III, IV at V C. I, III,II, V at IV

B. I, III, IV, II at V D. I, V, II, III at IV

7. “Marami ring kabataan sa iba pang bayan ang nagbabanat ng buto.” Ano

ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap? (hinuha)

A. nakikipag-away C. nag-eehersisyo

B. nagtatrabaho D. hinihikit ang buto

8. Ano pa ang ibang angkop na pamagat ng tekstong ito?(kritikal)

A. Ang kopra at blubar C. Ang Niyog ng Macalelon

B. Ang mga produkto ng niyog D. Niyog,Puno ng buhay

9. Anong pag-uugali ang ipinakita ng mga kabatang Macalelongin sa

teksto?(hinuha)

A. pagiging mabuti sa kapwa kahit mahirap ang buhay

B. pagiging maka-Diyos at makatao

C. Pagsisikap na makatulong sa magulang kahit sa maliit na paraan

D. pagsasawalang bahala sa buhay

10. Alin ang mas mabisang paraan upang patuloy na umunlad ang ekonomiya ng

bansa sa pamamagitan ng niyog?(kritikal)

A. Magtanim ng niyog araw-araw hanggang sa mapuno ang buong bansa

B. Tumuklas pa ng ibang produkto mula sa niyog at ieksport sa ibang bansa.

C. Putulin ang mga niyog at ibenta lahat ang mga ito.

D. Huwag munang anihin ang mga bunga

4
Department of Education Division of Quezon
Susi sa Pagwawasto.

1. C

2. C

3. C

4. A

5. C

6. B

7. B

8. D

9. C

10. B

You might also like