You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

PANGASINAN STATE UNIVERSITY


ALAMINOS CITY CAMPUS

MASUSING BANGHAY ARALIN


ARALING PANLIPUNAN IV

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 40 minutong talakayan, inaasahan ang 80% ng mag-aaral ang mga sumusunod:
a. Natatalakay ang konsepto ng bansa;
b. Nakakabuo ng kahulugan ng bansa; at
c. Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Ang Pilipinas ay Isang Bansa
b. Kagamitan: Powerpoint Presentation
c. Sanggunian: Learner’s Material, p. 2-7

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
Mga bata, kayo muna ay tumayo at tayo ay Tatayo at mananalangin.
manalangin.
Magtatawag ng mag-aaral na mangunguna
sa panalangin.

Amen…. Amen….

2. Pagbati
Isang masaya at magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po Binibini!

Maari niyo bang kalabitin ang inyong mga Gagawin ng mga mag-aaral.
katabi at sabihing “Oy, ngumiti ka para lalo
kang gumanda/maging gwapo”

Magaling! Dapat lagi nating simulan ang Opo binibini.


araw natin na may ngiti sa labi. Malinaw ba?

3. Pagtala ng Liban
Sekretarya, maaari ko bang malaman kung Wala pong lumiban binibini. Lahat po ay
sino-sino ang mga lumiban sa ating klase? narito.

Magaling! Ipagpatuloy niyo ang laging


pagpasok sa lahat ng mga klase ninyo para
hindi kayo nahuhuli sa ating talakayan at
dahil dyan bigyan niyo ang inyong mga sarili
ng MAGALING-MAGALING CLAP. Alam Hindi po binibini.
niyo ba kung paano mga bata?

Ganito iyon. Tatlong palakpak at tatlong


padyak sabay sabing Magaling! Opo.
Magaling!!Malinaw ba?
Papalakpak ang mga bata.
Sige. Gawin natin.

4. Balik-Aral
Bago natin simulan ang ating talakayan sa Ang ating nakaraang aralin ay ang Pamilya
araw na ito, atin munang balikan ang ating
nakaraang aralin. Ano ba ang ating nakaraang Ito ang pinakamaliit na yunit, pundasyon at
aralin? pinakamahalagang sangkap sa lipunan.

Magaling! Ano naman ang kahulugan ng Kung walang mga pamilya ay walang
Pamilya? lipunan.

Ano naman ang halaga nito sa ating lipunan?

Mahusay! Nakinig nga kayong lahat sa ating


nakaraang aralin. At dahil dyan tayo ay
maglalaro.

B. PANLINANG NA GAWAIN Opo binibini.

1. Pagganyak
Gusto niyo bang maglaro mga bata?

Magaling! Ang lalaruin natin ay ang


tinatawag na “Sakay, Lakbay at Salakay”.
Ngunit bago tayo maglaro ay hahatiin ko
muna ang klase sa limang grupo.

Hinati na ng guro klase.

Ngayon, kumuha kayo ng 2 maliit na piraso


ng papel at sulatan niyo ito ng bansa na alam
niyo maliban sa Pilipinas. Sa bawat grupo, Opo binibini.
pumili lamang kayo ng dalawang maglalaro
na magrerepresenta sa inyong grupo. Pupunta sa harapan ang sampung maglalaro.
Malinaw?

Pumunta na sa harapan ang mga maglalaro.

Bumuo kayo ng malaking bilog at ilapag niyo


sa sahig ang papel na may nakasulat na
pangalan ng bansa at ito ay tatapatan niyo. Opo binibini.
Kapag sinabi kong “Sakay!” tatalikod kayo at
kapag sinabi kong “Lakbay!” iikot kayo at Opo binibini.
habang gingawa niyo ito ay magbabawas ako
ng papel na nasa sahig. Kapag sinabi kong
“Salakay!” hihinto kayo at kailangan niyong
tapatan ang mga papel na nasa sahig. Ang Magsisimula na ang laro.
walang matatapatang papel ay hindi na kasali
sa laro at ang matitira ay makakatanggap ng
premyo. Naintindihan ba?

Handa na ba ang mga maglalaro? Papalakpak ang mga mag-aaral.

Kung gayon, sismulan na natin.

Magsisimula na ang laro.


Manlalaro, papel na may nakasulat na bansa
Pagkatapos ng ilang minuto… at sahig.

Napakahusay ninyong lahat ngunit iisa lang Hindi po dahil kailangan ang mga ito.
ang nanantiling matibay na siyang nagwagi.
Dahil dyan bigyan niyo siya ng Magaling!
Magaling Clap! Nalulungkot po dahil hindi na ako nakasali sa
laro.
Ngayon, ano-ano ang mayroon sa laro na
inyong ginawa? Masaya po dahil lagi akong may natatapatang
papel.
Mahusay! kung wala ang mga bagay na
bumubuo sa laro, magagawa kaya ang laro? Para hindi matanggal sa laro.

Tama! Sa mga natanggal sa laro, ano ang


nararamdaman niyo?

Sa nanatili sa laro, ano ang nararamdaman


mo?

Bakit mahalagang makapwesto sa tapat ng


papel na may nakasulat na bansa? Sagot ng mag-aaral

Magaling! Sagot ng mag-aaral

2. Paglalahad ng Paksa
Tulad ng ating nilaro, may mahahalagang Sagot ng mag-aaral
bagay na kailangan upang matawag na bansa
ang isang lugar. Iyan ang pag-aaralan natin
ngayon.

Ano ba ang pangalan ng ating bansa?

Maari nga! Bakit naman tinawag na bansa ang


Pilipinas?

May punto ka. Para sa inyo, Paano ba


masasabing na ang isang lugar ay maituturing Ang bansa ay lugar o teritoryo na may
na bansa? naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan
Mahusay! may punto ang mga sagot niyo at kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong
ito ay mas papalawakin pa natin sa ating wika, pamana, relihiyon, at lahi.
talakayan upang mas lalo niyong maunawaan
kung ano nga ba ang kahulugan ng bansa at
ano-ano ang mga bumubuo rito.

3. Pagtatalakay
Sa ating bansa, tayo ay may isang wikang
Sino ang gustong bumasa ng kahulugan ng sinasalita, ito ang wikang Filipino.
bansa.
Magtatawag ang guro ng magbabasa. Pagmamano

Pagsasabi ng po at opo
Salamat! Ang bansa ay isang teritoryo na
kung saan may nakatirang grupo ng tao na ,.
may magkakatulad na kultura. Kung kaya’t Korea at Japan
ang Pilipinas ay isang bansa dahil tayo ay
may iisa o pare-parehong kultura.
Ano ba ang may kulturang mayroon tayo?
Hindi po.
Mahusay! Ano pa?

Tama! Ano pa?


Tao
Mahusay! batay sa ginawang laro, magbigay Ang tao ay tumutukoy sa grupong
nga kayo ng mga bansang sinulat niyo sa naninirahan sa loob ng isa teritoryo na
papel? binubuo ng populasyon ng bansa.

Tama! Yan ay ilan lamang sa 200 na bansa na


maituturing na isang bansa. Sa tingin niyo,
ang Pangasinan ba ay maari bang matawag na Manlalaro po binibini.
isang bansa?

Tama! Dahil ang isang bansa ay maituturing


na bansa kung ito ay binubuo ng apat na
element ng pagkabansa – tao, teritoryo,
pamahalaan, at ganap na kalayaan o
soberanya. Opo binibini.

Pakibasa ang unang elemento. Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng


Magtatawag ang guro. lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito rin
ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng
pamahalaan.

Salamat! Base sa ating ginwang laro kanina, Mga papel na may nakasulat na bansa na nasa
ano na ulit ang isa sa mga kailangan para sahig.
mabuo ang laro?

Tama! Kung kayat’ tayong mga nakatira sa


Pilipinas ay isang napakaimportanteng
elemento upang masabi na ang Pilipinas ay
isang bansa dahil kung wala tayong mga
nakatira sa Pilipinas ay hindi ito matatawag
na isang bansa. Malinaw?

Susunod na elemento ay ang teritoryo.


Pakibasa? Ang pamahalaan ay isang samahan o
organisasyong political na itinaguyod ng
grupo ng tao na naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng isang lipunan.

Salamat! Batay sa larong ginawa, alin doon


ang nagpapakita ng teritoryo?

Magaling! At gaya ng ipinakita ng mga


naglaro kanina, kailangan mong protektahan
ang iyong bansa para hindi ito maagaw ng
iba. Ito ang mapa ng Pilipinas (magpapakita Pangulong Rodrigo Duterte.
ng mapa ng Pilipinas) na binubuo ng 7,107 na
mga pulo at ito ang nagpapatunay na ito ay
may malawak na lupain at katubigan. Ito rin Kung wala tayong pamahalaan ay walang
ang lupang tinatapakan natin o kung saan tayo mamumuno sa atin
nakatira at ito ay pinamumunuan ng
pamahalaan. Magiging magulo ang lipunan at hindi ito
maituturing na bansa
Ang ikatlong elemento ay ang Pamahalaan.
Pakibasa? Walang pagkakaisa.

Ang soberanya o ganap na kalayaan ay


Salamat! Ang ating pamahalaan ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang
pinamumunuan ng mga taong inihalal ng mamahala sa kaniyang nasasakupan.
taumbayan para maglingkod ng serbisyo at
magkontrol sa kaayusan ng ating lipunan at
ito ay pinamumunuan ng Pangulo ng
Pilipinas..

Sino ba ang kasalukuyang Pangulo ng


Pilipinas?

Sa tingin niyo, kung wala tayong pamahalaan Tayo ay magiging sunod-sunuran.


ano ang mangyayari sa ating bansa?
Wala tayong sariling desisyon.
Magaling! Ano pa?

Tama! Ano pa?

Mahusay! At ang ikahuling elemento ay ang


Soberanya o Ganap na Kalayaan. Pakibasa?

Salamat! Ang soberanya ay ang


kapangyarihan ng ating pamahalaan upang
sila ay magkaroon ng kakayahan na Opo binibini.
pamunuan tayong mga nasasakupan. Ito ay
tumutukoy rin sa kalayaang magpatupad ng
mga programa na hindi pinapakilaman ng Ito ay isang teritoryo na may naninirahang
ibang bansa. Ano ba ang mangyayari kung grupo ng tao na may magkakatulad na
tayo ay pinapakilaman ng ibang bansa? kultura.

Tama! Ano pa? Ang isang lugar ay may taong naninirahan,


teritoryo, pamahalaan at soberanya.
Magaling! Kung kaya’t hindi maaaring
pakilaman ng mga taga-ibang bansa ang mga
programa at batas na gusto ng ating Dahil ang lahat ng elementong bumubuo sa
pamahalaan na ipatupad at isabatas dahil ang isang lugar upang maituring itong bansa ay
Pilipinas ay isang malayang bansa. mayroon ang Pilipinas.

Yan nga ang apat na elementong bumubuo sa


isang bansa. Tandaan niyo na ang isang lugar
ay hindi maituturing na bansa kung may isa o
higit pang kulang sa alinman sa apat na Papalakpak ang mga mag-aaral.
binanggit na elemento. Malinaw?

4. Paglalahat
Ano na ulit ang kahulugan ng bansa?
Mahusay! Ano-ano ang elemento ang
mayroon sa isang lugar para masabing isa ito
ay isang bansa?

Magaling! Bakit maituturing na isang bansa


ang Pilipinas?

Tama! Nakinig nga kayong lahat. Dahil diyan Opo binibini.


bigyan niyo ang inyong sarili ng Amazing
Clap! Ganito iyon. Pabilog na palakpak at Magsisimula na ang mga mag-aaral.
sabihing Amazing. Sige gawin natin.

5. Pagsasanay
Dahil kayo nga ay nakikinig at tiyak kong Opo.
kayo ay may natutunan naghanda ako ng
isang pagsasanay. Ito ay pangkatang gawain Magpapaliwanag ang bawat grupo
at ganoon pa rin ang magiging grupo niyo.
Narito ang panuto. Basahing mabuti.
Papalakpak ang mag-aaral.
Gumuhit ng saranggola sa isang malinis na
papel. Isulat sa apat na bahagi nito ang mga
elementong mayroon ang isang lugar para
matawag itong bansa. Ipaliwanag ang bawat
isa.

Naintindihan?

Magaling! Simulan niyo na itong gawin.

Pagkatapos ng ilang minuto

Tapos na ba ang lahat?

Pumili na lamang kayo ng isa sa inyong grupo


na magsasalita sa harapan.

Mahuhusay kayong lahat. Bigyan niyo muli


ang inyong sarili ng Amazing Clap!

IV. EBALWASYON

I. Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng elemento ng isang lugar


para maituring na isang bansa at ekis kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

____1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.


____2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa.
____3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang.
____4. May sariling pamahalaan.
____5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
II. Iguhit ang masayang mukha  kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at
malungkot  kung mali.
____1. Ang Pilipinas ay isang bansa.
____2. Hindi Malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
____3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang bansa ang
lugar.
____4. Ang China ay maituturing na isang bansa dahil ito ay Malaya, may sariling teritoryo
at pamahalaan at may mga mamamayan.
____5. Ang lugar na pinakikilaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi
maituturing na bansa.

V. TAKDANG ARALIN
Magdala ng mapa ng Asya o ng mundo na nagpapakita ng kinalalagyan ng Pilipinas.

Inihanda ni:

PRINCESS ANDREA C. ESPIRITU


II – BEED – A

Ipinasa kay:

Gng. CAREN VENTAYEN


GURO

You might also like