You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

I. MGA LAYUNIN

Sa loob ng 40 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang maisagawa ang mga
sumusunod:

a) Maipaliliwanag ang matalino at di-matalinong mga paraan ng pangangasiwa ng mga likas na


yaman ng bansa at matutukoy ang mga halimbawa nito;
b) Maimumungkahi ang saloobin sa pangangasiwa ng pinagkukunang yaman (epekto nito sa sarili,
sa komunidad, at sa ekonomiya ng bansa);
c) Makabubuo ng sariling slogan na nagpapakita ng matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman ng bansa.

II. PAKSANG ARALIN


a) Paksa: Pangangasiwa ng mga Pinagkukunang Yaman
b) Sanggunian: Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 4, pp. 146-159.
c) Kagamitan: Mga larawan ng matalino at di-matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman ng bansa, 3 puting kartolina, coloring materials, tape, LCD projector, PowerPoint
Presentation, laptop, test papers.
d) Pagpapahalaga: Wastong Pangangasiwa ng Pinagkukunang Yaman
e) Integrasyon: Science, Economics, Arts.

III. PAMAMARAAN (Integratibong Pamamaraan)


Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral
A. Panimulang gawain:
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo. Puriin
nawa ang ngalan ni Hesus.
Ngayon at magpakailanman Sya nawa, Amen.
Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga rin po!
Bago kayo umupo siguraduhing maayos ang
kinalalagyan ng mga upuan at pakipulot ang mga kalat
sa ilalim at itapon ito sa basurahan.
(aayusin ang linya ng mga upuan, pupulutin ang mga
kalat at itatapon sa basurahan.)
Maraming salamat, maaari na kayong umupo.
3. Pagtatala ng liban
Sa nakikita ko kumpleto naman kayo sa aking seat
plan. May lumiban ba sa klase natin ngayon?
Wala pong lumiban ngayong araw.

1
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED
Mabuti naman. Dahil diyan bigyan natin ng tatlong
bagsak ang bawat isa.
(pumalakpak) 1, 2, 3, Magaling! Magaling!

4. Balitaan
Kamusta naman ang inyong naging bakasyon?
Masaya po!
Sino ang makapagbahagi ng kanilang naging
karanasan? Ibahagi mo sa klase ang iyong ginawa
noong bakasyon.
Noong bakasyon ay masaya ako dahil kasama ko ang
aking buong pamilya. Nakapaglaro ako kasama ang
aking mga kapatid at mga pinsan.
Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Ikinagagalak
namin na naging masaya ang iyong bakasyon.
Palakpakan natin sya.
(palakpakan)

5. Balik-aral
Ngayon naman dahil medyo naging mahaba ang
inyong bakasyon, subukan nating alalahanin ang ating
naging huling talakayan.
Sino ang naka-aalala? Marga, ano ang huling tinalakay
natin?
Ang huling talakayan po natin ay tungkol sa mga isyung
pang-kapaligiran.
Tama! Magaling Marga, naalala mo pa.
Ating sagutin kung anong isyung pang-kapaligiran ang
mga sumusunod:

1. Pagtatapon ng basura sa mga ilog.


Polusyon sa tubig
2. Labis na pagbuga ng usok dulot ng
chlorofluorocarbon.
Polusyon sa Hangin
3. Pagpuputol ng mga puno.
Polusyon sa Lupa
4. Pagpapasabog ng dinamita sa dagat.
Polusyon sa Tubig
5. Paggamit ng hair spray at airconditioner.
Polusyon sa Hangin
Magaling! Tatlong bagsak para sa lahat.
(pumalakpak) 1, 2, 3, Magaling! Magaling!

B. Panlinang na gawain:
1. Pagganyak
May ipanonood kami sainyong maikling video. Dapat
maintindihan nyo nang maigi ang mapanonood ninyo

2
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED
dahil mamaya ay may mga katanungan kami.
Maliwanag ba?
Opo!
Mabuti, ngunit bago iyan ay nais kong umupo nang
maayos ang lahat, wag magsasalita o makipag-usap sa
katabi at makinig ng mabuti. Handa na ba ang lahat?
Opo, handa na kami!
(ipanonood ang video)

2. Paglalahad
Ano ang nakita o naintindihan ninyo sa inyong
napanood?
Mga likas na yaman po.
Tama! Ano-ano ang mga halimbawa nito?
Tanso, Ginto, Livestock, Prutas at Gulay.
Magaling!
Ang ating mga likas na yaman ay unti-unti nang
nauubos at nasisira, hindi ba?
Opo!
Sa tingin niyo, may kinalaman kaya tayo rito?
Meron po.
Bakit? Ano ang mga ginagawa ng tao na nagreresulta
sa pagkaubos o pagkasira ng ating mga likas na
yaman?
Dinudumihan po natin ang ating kapaligiran. Inaabuso
ang mga pinagkukunang yaman kaya nasisira at
nauubos na ang mga ito.
Tama ang sinabi mo. At ayon sa inyong napanood at sa
inyong napapansin ay bumabalik rin satin ang ating
mga masasamang ginagawa sa kapaligiran. Tulad ng
landslides o pagguho ng lupa at flashfloods o
pagbabaha. Sa kabila ng lahat ng ito, sa tingin nyo ba
ay maganda parin ang mundo?
Opo!
Paano niyo nasabi?
Dahil may nakikita parin po akong magagandang
bulaklak at hayop sa labas. Magaganda rin po ang mga
tanawin tulad ng dagat.
Tama! Maganda naman talaga ang mundo, tayong
mga tao lang naman ang sumisira nito.
Huwag na nating hintayin na tuluyan nang masira ang
ating mundo. Kaya naman ano ang dapat nating
gawin?
Dapat po ay alagaan natin ang ating kapaligiran at
maging matalino tayo sa paggamit ng likas na yaman.
Tama! At para magawa ang mga iyan, alamin muna
natin ang pinagkaiba ng matalino sa di-matalinong
paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman. Ayos
ba yon? Opo!

3
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED
3. Pagtatalakay
Ang matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman ay nakabubuti ba sa kalikasan o hindi?
Nakabubuti!
Tama! Samantalang ang di- matalinong paraan ng
pangangasiwa ng likas na yaman naman ay
nakasasama. Tama ba?
Opo!
Ito ang halimbawa ng wasto o matalinong paraan ng
pangangasiwa ng mga likas na yaman. Basahin.
1. Gawin ang bio-intensive gardening o paggamit ng
organikong paraan sa pagtatanim
Gawin ang bio-intensive gardening o paggamit ng
organikong paraan sa pagtatanim
Ano kaya ang ibig sabihin ng bio-intensive gardening?
Ibig sabihin nito ay hindi paggamit ng mga kemikal sa
mga halamang itinatanim.
Tama! Pwede ninyo itong gawin sa inyong mga
tahanan. Nagyon ay susubukan nating tukuyin ang mga
maaaring maging epekto nito sa ating sarili, sa ating
komunidad at maging sa ekonomiya ng ating bansa.
Kapag ginawa natin o ng mga magsasaka ang bio-
intensive gardening o paggamit ng organikong paraan
sa pagtatanim, ano kaya ang epekto nito sa ating sarili?
Basahin.
Matututo akong gumamit ng natural o organikong pag-
aabuno at magiging mas masustansya ang mga prutas
at gulay na aking kakainin.
At kapag masusustansya ang ating mga kinakain, mas
magiging malusog tayo, at kapag malusog tayo, ano ang
mangyayari?
Mas magiging aktibo po tayo sa mga gawain sa bahay
at mas makakapag-aral nang mabuti.
Tama! Ano naman kaya ang magiging epekto ng bio-
intensive gardening sa ating komunidad? Basahin.
Makaiiwas sa sakit ang mga tao sa komunidad at
makababawas sa polusyon na dulot ng paggamit ng
kemikal sa pagtatanim.
Kung hindi sakitin ang mga tao sa ating komunidad, ano
naman kaya ang mangyayari?
Mas makakapagtulungan po ang bawat isa, at
magagampanan po ng maayos ang mga responsibilidad
sa komunidad.
Tama! Magiging produktibo ang bawat isa sa
komunidad. Ano naman kaya ang epekto nito sa
ekonomiya ng ating bansa? Basahin.
Magiging masagana ang ani kaya marami ang bibili ng
mga prutas at gulay. Magiging maganda ang kalakalan

4
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED
ng mga ito na makatutulong sa pagpapabuti ng antas
ng ating ekonomiya.
Kapag iniwasan natin ang paggamit ng kemikal sa
pagtatanim, magiging mataba ang mga lupain at
magiging masagana ang ani. Malinaw ba?
Opo!
May katanungan?
Wala po.
Tumungo naman tayo ngayon sa di-matalinong paraan
ng pangangasiwa ng likas na yaman. Basahin.
Pagtapon ng basura sa mga katubigan tulad ng ilog at
dagat
Ano kaya ang epekto nito sa ating sarili? Basahin.
Masasanay akong magtapon ng basura kung saan-saan
at maaari rin akong makakuha ng sakit galing sa mga
basura.
Tama! Ano naman ang epekto nito sa komunidad kapag
patuloy itong ginawa ng mga tao?
Ito ay makadaragdag sa polusyon sa tubig na maaaring
magdulot ng ibat-ibang sakit sa tao at hayop sa
komunidad.
Kapag sakitin ang mga tao sa komunidad, ano ang
mangyayari?
Hindi po sila makakapagtrabaho ng maayos at
magkakaroon sila ng maraming gastusin.
Tama! Pwede iyang mangyari kapag lagi tayong
nagtatapon ng basura sa mga katubigan. Ano naman
ang epekto nito sa ekonomiya? Basahin.
Magiging madumi ang mga katubigan na
makakaapekto sa kagandahan at kalinisan ng mga
tourist spots sa Pilipinas kaya mababawasan ang mga
pumupuntang turista. Mababawasan rin ang mga
mahuhuling yamang dagat.
Kapag nagpatuloy na kaunti na lamang ang ating
mahuhuling yamang dagat at ang mga dumarating na
turista sa ating bansa, ano ang mangyayari sa ating
ekonomiya?
Kapag nagpatuloy po ito, magkukulang ang supply ng
isda kaya tataas ang presyo nito. Hihina rin an gating
ekonomiya sa pagdalang ng pagdating ng mga turista.
Magaling! Tama ang inyong mga sinabi. Tatlong bagsak
para sa lahat.
1, 2, 3, magaling! Magaling!
Sa oras na ito, kayo naman ang magbibigay ng inyong
saloobin tungkol sa ilan pang mga halimbawa ng
matalino at di-matalinong paraan ng pangangasiwa ng
mga likas na yaman.
Kayo ay hahatiin sa apat na pangkat. Pupunan ninyo
ang table tulad ng ginawa natin kanina. Ang pagkakaiba

5
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED
lamang ay iguguhit ninyo ang epekto ng matalino at di-
matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman
sa iyong sarili, sa komunidad at sa ekonomiya ng bansa.
Pagkatapos ay ibabahagi ninyo ito sa buong klase.
Maliwanag ba? May katanungan?
Opo. Wala po.
(ipa-pangkat sa tatlo ang klase) maaari na kayong
magsimula. (maglilibot at gagabay sa mga pangkat)
(mag-uusap ang bawat pangkat at guguhit)
Tapos na ba ang bawat pangkat?
Opo!
Magaling! Simulan natin sa unang pangkat, sunod ay
ang pangalawang pangkat at huli ang pangatlong
pangkat.
(Magbabahagi sa buong klase ang bawat pangkat)
Ang mga tinalakay niyo ay ang ilan sa mga matalino at
di-matalinong paraan ng pangangasiwa ng mga likas
na yaman. Alin ang dapat nating gawin? Matalino o di-
matalinong paraan?
Matalinong paraan!
Tama! Magaling!
Para sa inyong dagdag na kaalaman, may mga
patakaran at programa ang pamahalaan tungkol sa
paggamit at paglinang ng ating mga likas na yaman.
Nakasaad ang patakarang ito sa ating Saligang Batas
1987. Basahin. (i-project sa screen)
Ang Seksyon 2 ng Artikulo XII ay naglalahad na:
Ang lahat ng mga lupaing ari ng bayan, mga tubig, mga
mineral, karbon, petrolyo at iba pang mga langis
mineral, lahat ng mga lakas na magagamit sa enerhiya,
mga pangisdaan, mga kagubatan o mga kakahuyan,
buhay-ilang, halaman at hayop at iba pang mga likas na
kayamanan ay ari ng Estado. Hindi maaaring ilipat
kanino man ang lahat ng iba pang mga likas na
kayamanan maliban sa mga lupaing pansakahan. Dapat
sumailalim sa ganap na control at superbisyon ng
Estado ang paggalugad, pagpapaunlad, at
pagsasagamit ng mga likas na kayamanan.
Ang patakarang ito ay ipinatupad ng gobyerno upang
matiyak na makasasapat ang mga produkto nito sa
mga pangangailangan nating mga Pilipino ngayon at sa
mga susunod pang salinlahi.

C. Pangwakas na gawain:
1. Paglalahat
Sa mga nakikita ninyong mga paraan ng pangangasiwa
ng likas na yaman, at sa mga paliwanag na narinig
ninyo saakin at sa inyong mga kaklase, ano ang ibig
sabihin ng matalino at di-matalinong paraan ng

6
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED
pangangasiwa ng likas na yaman. Unahin natin ang
matalinong paraan ng pangangasiwa, sa inyong sariling
pagkakaintindi, ito ay ipaliwanag.
Ang matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman ay mga wastong paraan ng pagpreserbe ng
ating likas na yaman. Ito po ay makatutulong na
mapanatili ang mga likas na yaman ng ating bansa na
mapapakinabangan pa ng susunod na mga heneresyon.
Sang-ayon ba kayo sa kanyang sagot?
Opo!
Tama ang iyong paliwanag.
Ang matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman ay makatutulong upang mapanatili ang mga ito
at mapakinabangan pa ng mga susunod na salinlahi.
Maliwanag ba? May katanungan?
Opo! Wala pong katanungan.
Ano naman ang di-matalinong paraan ng
pangangasiwa ng likas na yaman?
Ang di-matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman ay ang mga Gawain na lubhang nakakasira ng
ating kapaligiran. Dahil dito maaaring hindi na
mapakinabangan pa ang mga likas na yaman ng mga
susunod na henerasyon.
Tama! Kung patuloy itong gagawin ay patuloy rin na
masisira ang mga likas na yaman na pinagkukunan
natin ng ating mga pangunaging pangangailangan sa
araw-araw.
Bakit naman may iba’t-ibang ahensya ang pamahalaan
na tumutulong sa pangangasiwa ng ng mga likas na
yaman ng bansa?
Dahil po may kanya-kanya silang tungkulin at para po
mapadali ang kanilang trabaho at mas maraming
magbabantay at mangangalaga ng ating mga likas na
yaman.
Magaling! Tatlong bagsak para sa lahat.
(pumalakpak) 1, 2, 3, Magaling! Magaling!
2. Paglalapat
Dahil naging aktibo kayo sa klase ay maglalaro tayo!
Yehey!
Makinig ng mabuti sa mekaniks ng laro.
-Tatayo ang lahat at gagawa ng isang malaking bilog.
-Ang bola na ito ay ipapasa nang paikot.
-Kapag huminto na ang tugtog ay titigil kayo sa
pagpasa ng bola.
-Ang may hawak ng bola ay ang sasagot sa aming
katanungan at may kapangyarihan din siyang pumili ng
taong sasagot naman sa follow-up question.
-Pagkatapos sumagot ay magpapatuloy ang pag-ikot
ng bola.

7
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED
Naintindihan ba? Walang katanungan?
Opo. Wala pong katanungan.
Handa na ba ang lahat?
Handa na po!
(gagawa ng isang malaking bilog)
Magaling! Simulan na natin.
(maglalaro)
3. Pagpapahalaga
Nag-enjoy ba kayo?
Opo!
Mabuti naman. Ipagpatuloy nyo lamang ang inyong
aktibong patisipasyon sa ating klase.
Opo!
Ngayon naman ay may katanungan ako para sainyo.
Ang sasagot ay may dagdag na puntos sa pagsusulit
mamaya. Ayos ba yon?
Opo!
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang
pagpapahalaga sa mga likas na yaman?
Bilang isang mag-aaral makikilahok ako sa mga
programa ng pamahalaan lalo na sa aming barangay.
Magaling! Ano pa?
Tutulong po ako sa paglilinis sa labas at loob ng bahay.
Hindi po ako magtatapon ng basura sa katubigan.
Magaling!

2. Ang pagtitipid ba ay isang matalinong paraan ng


pangangasiwa ng likas na yaman? Bakit?
Opo, ang pagtitipid ay isang matalinong paraan ng
pangangasiwa ng likas na yaman dahil hindi tayo nag-
aaksaya ng mga nakukuha natin sa mga likas na yaman
ng bansa.
Tama! Magbigay naman ng sariling halimbawa na
iyong naranasan.
Isang halimbawa ng pagtitipid na ginagawa ko po ay
ang paggamit ng baso sa tuwing magsisipilyo para po
maiwasang mag-aksaya ng maraming tubig, gumamit
lamang po ng isang baso, sapat na iyon.
Magaling! Tama yan!

8
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED
IV. PAGTATAYA

V. PAMPASIGLANG GAWAIN
Bubuuin ng mga mag-aaral ang talata na nasa kahon upang makabuo ng isang komitment
o pangako. Ilalarawan nila ang kanilang pangako sa pamamagitan ng pagguhit at pagkulay sa
isang malinis na papel at pagkatapos ay bibigyan sila ng limang minuto upang ibabahagi ito sa
ibang kamag-aral.

Ang Matalinong Paraan ng Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Bansa ay makatutulong na


mapanatili ang kapakinabangan nito hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Kaya,
nangangako akong _______________________________________________________
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________.

9
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED
VI. TAKDANG-ARALIN
Sa loob ng 3-5 pangungusap, ipaliwanag ang mga sumusunod, isulat ito sa inyong kwaderno.
a) Ano ang isang di-matalinong paraan ng pangagasiwa ng likas na yaman ang madalas
mong ginagawa? Paano mo ito babaguhin?
b) Ano ang kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng
bansa? (Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 4, pp. 168-177)
c) Sa iyong sariling opinyon, nangangahulugan ba na kung sagana sa likas na yaman ang
isang bansa ay maituturing na rin itong mayaman?

Mga katanungan para sa laro:

1. Iniiwasan ni Cassey ang pagkakalat ng basura at mga gawaing nagiging sanhi ng polusyon. Pinanatili
niyang malinis ang paligid. Anong uri ito ng pangangasiwa ng likas na yaman? (matalinong paraan)
a. Ano ang naidudulot ng pagkakalat ng basura sa kapaligiran?

2. Magbigay ng tatlong produktong Pilipino. (hal. Banana chips)


a. Ang pagtangkilik ng mga produkto at kalakal ay tungkulin ng ating kapwa Pilipino. Bakit kailangan
itong gawin? (upang umunlad ang ekonomiya ng ating bansa)

3. Si Tupe ay nagpaplanong patabain ang lupa sa kanilang hardin dahil nakatutulong ito sa pagyaman ng
lupang taniman. Ang pagpapataba ng lupa ay anong uri ng pangangasiwa ng likas na yaman?
a. Paano mo matutulungan si Tupe? Magbigay ng paraan upang patabain ang lupa. (Ibaon ang mga
basurang nabubulok at natutunaw tulad ng dahon, balat ng prutas, at papel)

4. Tungkol saan ang Seksyon 2 ng Artikulo XII ng Saligang Batas 1987? (Ang lahat ng mga likas na
kayamanan ay ari ng Estado. Hindi maaaring ilipat kanino man ang lahat ng iba pang mga likas na
kayamanan maliban sa mga lupaing pansakahan. Dapat sumailalim sa ganap na control at superbisyon
ng Estado ang paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga likas na kayamanan.)
a. Bakit nagsisikap ang ating pamahalaan na pangalagaan ang ating likas na yaman?

5. Sa iyong mga natutunan sa ating talakayan, ano na ngayon ang iyong dapat na gawin upang
mapangasiwaan ng wasto ang mga likas na yaman?
a. Ano naman ang hindi mo na dapat gawin? Bakit?

10
INIHANDA NINA: MARIE KEANNA BARCINAS AT JANINE ZAPENOSO 2 BEED

You might also like