You are on page 1of 3

I.

Layunin
Natatalakay ang mga karapatang tinatamasa ng mamamayan ayon sa Saligang Batas ng 1987

Pagpapahalahaga: Pagrespeto sa karapatang pantao

II. Paksang-aralin: Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino

Sanggunian:

AP6TDK-IVd-e-5

Makabayan 6: Kasarinlan ng Bansa, pp. 125-131

Kagamitan: Laptop, Tablet, PowerPoint, TV/Projector, Multiple Choice Flash Cards, Velcro
Board

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-aral
a. Maaari bang maging Pilipino ang isang banyaga? Anu-ano ang mga
kwalipikasyon para rito?
b. Ano ang pinakamalaking pagkakaiba ng mga katutubong inianak at mga
naturalisadong Pilipino?
c. Ano ang pinagkaiba ng konsepto ng jus sanguinis at jus soli sa pagkakakilanlan
ng pagkamamayan ng isang tao?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
a. Saan ba natin madalas naririnig o nababasa ang salitang “Karapatan”?
b. Sa inyong sariling depenisyon, ano ang ibig sabihin ng salitang “Karapatan”?
c. Anu-ano ang mga alam ninyong ating mga karapatan?

2. Paglalahad
Piliin ang tamang letra ng sagot na naglalarawan sa karapatang ginagawa sa imaheng
pinakikita.

a. Karapatan sa buhay, kalayaan at pagmamay-ari


b. Karapatan sa pantay na proteksyon ng batas
c. Karapatan laban sa illegal na paghalughog at pagdakip
d. Karapatan sa edukasyon
e. Karapatang lumahok sa halalan
f. Karapatang magkaroon ng pribadong komunikasyon o korespondensya
3. Pagtalakay
a. Sa paanong paraan mo mabibigyang halaga ang batas na ito? Para sa iyo at para
sa iba ng tao?
b. Sa inyong palagay, anong maaaring mangyari kung hindi mapapahalagahan ang
mga karapatang ito, para sayo at sa ibang tao?
c. Sa paanong paraan maaaring makasama ito sa kapwa mo?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
a. Anu-ano ang mga tinalakay na ating karapatan?
b. Sa inyong palagay, bakit mahalaga na malaman natin ang ating mga Karapatan?
c. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang karapatan? Bakit?

2. Paglalapat
Hahatiin ang klase sa 4 hanggang 5 pangkat. Gamit ang mga paper dolls ay gumawa
ng dayalogo sa Velcro Board na nagpapakita ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga
nabanggit na karapatan. Pumili ng 2 miyembro mula sa pangkat na magpapaliwanag
ng nagaganap sa Velcro Board sa harapan ng klase.

3. Pagpapahalaga
Bakit mahalaga na matuto tayong respetuhin ang karapatan ng ibang tao?

IV. Pagtataya
A. Piliin sa kahon ang tinutukoy na karapatan sa bawat pangungusap.
_______________ 1.) Tumutukoy sa karapatan ng bawat isa na magkaroon ng pribadong
komunikasyon sa kaniyang kapwa.
_______________ 2.) Kapangyarihan ng pamahalaan na kunin ang mga ari-arian ng may
wastong dahilan at sapat na halaga na aprubado ng korte.
_______________ 3.) Listahan ng karapatang dapat basahin ng mga pulis bago arestuhin ang
isang taong may Warrant of Arrest.
_______________ 4.) Patas na pagpapatupad ng batas ng walang pinipili kung mayaman o
mahirap, matanda o bata, may posisyon sa pamahalaan o simpleng mamayan, at iba pa.
_______________ 5.) Karapatang mag-aaral ng libre o may subsidiya mula sa pamahalaan
mula elementarya hanggang kolehiyo.

Law of Eminent Domain Miranda Rights

Karapatan sa Edukasyon Karapatan sa pantay na proteksyon ng batas

Writ of Habeas Data


V. Kasunduan
Mula sa pangkat na naunang binuo, sumangguni sa libro para sa iba pang karapatan nating mga
Pilipino bukod sa ating natalakay at maghanda ng pantomime na nagpapakita ng karapatang ito
na ipapakita sa harapan ng klase. Pagkatapos mahulaan ng inyong mga kamag-aral kung anong
karapatan ito ay ipaliliwanag ang kahalagahan nito.

You might also like