You are on page 1of 12

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Aralin 3: Politikal na Pakikilahok

Paksa: Eleksyon

I. MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng 60 minuto ang mga mag- aaral ay inaaasahang:

1. Natatalakay kung paano nakikilahok ang aktibong mamamayan sa lipunan.


2. Nakapagbibigay saloobin patungkol sa kahalagahan ng politikal na pakikilahok.
3. Nakagagawa ng isang slogan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa politikal na
pakikilahok sa pamayanan.

II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin: Aralin 3: Politikal na Pakikilahok ( Eleksyon)
B. Sanggunian: A.P. 10 Learner’s Module pahina 396-400
C. Kagamitan: Kagamitang biswal, marker, larawan, laptop, projector, etc.
D. Estratehiya: Inductive Method

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral
A. Pangunahing Gawain

Magandang umaga sa ating lahat! Magandang umaga rin po!

Manatiling nakatayo para sa ating Ama, maraming salamat po sa


panalangin na pangungunahan ni araw na ito, nawa po kayo ang
_________. manguna sa aming gawain at ilayo
ninyo po kami sa anumang
kapahamakan. Amen!

Amen. Bago kayo magsiupo ay maaari (Pagpulot ng mga kalat)


bang pakipulot muna ang mga kalat sa
paligid at pakiayos na rin ang inyong
mga upuan.

Salamat. Magsiupo na ang lahat.

Pagtala ng mga lumiban


(Roll Call)

Pangkat A Zero po ma’am

Pangkat B Wala po ma’am!

Pangkat C Wala po ma’am!

Pangkat D Zero ma’am!

Kumusta ang bawat isa? Okay naman po kami.

Kung gayon ay tumahimik na ang lahat


at tayo’y magsisimula na.

Balik- Aral

Noong nakaraang lingo ay tinalakay Opo ma’am.


natin ang sampung karapatan ng mga
batang Pilipino. Natatandaan pa ba?

Kung gayon, ano ang Ma’am ang karapatan po ay


karapatan_____________? tumutukoy sa isang bagay na
taglay ng bawat indibidwal.

Mahusay! Magbigay nga kayo ng Ma’am karapatan pong maisilang at


karapatan ng isang magkaroon ng pangalan at
bata______________? nasyonalidad.

Magaling! At ano naman ang ibig Ma’am ito ay tawag sa isang tao na
sabihin ng nasyonalidad__________? ipinanganak at nakatira sa isang
partikular na bansa.

Tama! Ano pang karapatan ng mga Ma’am magkaroon po ng sapat na


bata, magbigay ka nga____________? edukasyon.

Magaling! Sa paanong paraan mo Ma’am natatamasa ko po ang sapat


naman natatamasa ang sapat na na edukasyon sa pamamagitan ng
edukasyon___________? libreng tution fee na ipinagkakaloob
ng gobyerno natin.

Eksakto! Batid ko ngang naunawaan .


ninyo ang huling aralin kung kaya’t
bago tayo dumako sa ating talakayan
ngayon ay may inihanda akong isang
gawain.

B.PAGGANYAK

Mayroon tayong mga panauhin ngayon,


na kung saan makikilala ninyo sila isa-
isa. Habang lumalakad sila masdan ng
mabuti kung sino ang pinatutungkulan
ng bawat isa.

(Pagpapakita ng may suot na larawan


ng tao)

(pagbunot sa ballot box) (ididikit sa may larawan ang salita o


pangalan na nabunot ng mag-aaral)
(Grace Poe)

Magaling! At sino naman si Grace Isa pong senadora at tumatakbo po


Poe___________? ulit bilang senator

Mahusay! Ano pa Anak po ni Fernando Poe Jr., ang


kaya________________? hari ng aksiyon sa pelikula po.

Tama! Sunod naman.

(pagbunot sa ballot box) (ididikit sa may larawan ang salita o


pangalan na nabunot ng mag-aaral)
(pinoy)

Magaling! At ano naman ang Maglingkod po sa kapwa tao.


kakayahan ng isang
pinoy____________?

Mahusay! Sunod naman na


bubunot___________.

(pagbunot sa ballot box) (ididikit sa may larawan ang salita o


pangalan na nabunot ng mag-aaral)
(Malacaṅang)
Tama! Maaari mo bang ilarawan ang Dito po nagkakaroon ng debate sa
palasyo ng Malakanyang__________? pagitan ng mga mambabatas at
dito rin po nakatira ang ating
pangulo.

Tama! At ang huli naman (ididikit sa may larawan ang salita o


(pagbunot sa ballot box) pangalan na nabunot ng mag-aaral)
(Nestor L. Alvarez)

Magaling! Maaari mo ba siyang Ma’am ang atin pong butihing


ilarawan______________? alkalde ng ating lungsod, si Mayor
Nestor Lazaro Alvarez na
kasalukuyan pong tumatakbo muli
bilang alkalde na ating bayan.

Eksakto! Palakpakan natin ang ating (Palakpakan)


mga panauhin ngayon.

C.PAGLALAHAD

Base sa ginawa natin kanina, mayroon Tungkol po sa eleksyon.


ba kayong ideya kung ano ang
tatalakayin natin ngayon?

Magaling! Ito nga ay ang Politikal na


Pakikilahok- Eleksiyon

Kapag narinig ninyo ang pakikilahok ito Ma’am pakikisama po.


ay tumutukoy sa ______________?

Mahusay! Ano pa___________? Pakikisangkot po.

Magaling! (pagpapakita ng larawan)

Base sa larawan, ano ideya mo tungkol Ma’am sa tingin ko po sila ay


dito__________? bumoboto.

Tama! At ang pagboto ay nagaganap Ma’am eleksyon o halalan po.


tuwing_________?

Tama! At ang eleksyon ay tumutukoy Pinakapayak na paraan po ng


sa ______________? pakikilahok ng mamamayan.

Mahusay! Kapag ang ating Pamahalaan po!


pangangailangan ay hindi natutugunan,
sino ang kalimitan nating
sinisisi_______?

Magaling! Ayon nga sa artikulo II, Artikulo II, seksiyon 1 ng ating


pakibasa nga______________. saligang batas, ang Pilipinas ay
isang estadong republikano at
demokratiko.

Salamat. Base nga sa kaniyang binasa Ma’am ang ganap na


ang Pilipinas ay isang estadong kapangyarihan po ay nasa taong
republikano at demokratiko, maari mo bayan na nagmumula rin sa kanila
bang ibigay ang ibig sabihin ng ang lahat ng mga awtoridad na
pahayag na ito ________________? pampamahalaan.

Tama! Kung gayon na kanino ang Mamamayan po.


kapangyarihan ng isang estado
____________?

Mahusay! At ang mamamayan ay Tawag po sa mga taong nakatira sa


tumutukoy sa ___________? isang bansa.

Tama!

(pagpapakita ng larawan)

Sino siya_______? Ryan Bang po!

Tama! Sa tingin ninyo dapat bang Opo!


bumoto si Ryan Bang dito sa ating
bansa?

Kung gayon, malalaman natin yan


mamaya pagkatapos ng ating gawain.

Bago ang lahat kayo ay mahahati sa


apat na grupo, ang pangkat A, B, C, at
pangkat D. Ang gagawin ay mag-iisip
muna kayo patungkol sa mga
kwalipikado at diskwalipikado sa
pagboto. Ang bawat isa ay
kinakailangan makiisa sa gawaing ito,
Sa bawat pangkat, isusulat lamang sa
isang manila paper ang sa tingin ninyo
ay mga katangian ng isang tao sa
pagboto. Sa kaliwang bahagi ng manila
paper sa itaas ilalagay ang kwalipikado,
at sa tapat nito sa kanang bahagi sa
itaas ay diskwalipikado.

Pagsinabi nating kwalipikado ito ay


mga katangian na maaaring bumoto, at
pagsinabi nating diskwalipikado ito ay
mga katangian ng isang tao na hindi
pwdeng bumoto. Naunawaan ba? Opo ma’am

Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto


para tapusin ang inyong gawain.
Pagkatapos ay ipapaskil ito sa harap at
babasahin o ipapaliwanag ng isang
representative bawat grupo. Maliwanag Opo!
ba ang gagawin?

May katanungan ba? Wala po!

Kung gayon, simulan na!

(pagkalipas ng 10 minuto)

Tapos na ba ang lahat? Opo!


.
Simulan natin sa Pangkat A Kwalipikado- (1)base sa aming
grupo sila ay dapat mamamayan ng
isang bansa.(2) nasa wastong pag-
iisip at(3) may sapat na gulang
Diskwalipikado- (1) mga taong
nahatulan ng hindi bababa sa isang
taon, (2) mga taong
nasentensiyahan ng kasong
rebelyon, sedisyon, at anumang
krimen laban sa seguridad ng
bansa, at (3)mga taong idineklara
ng mga eksperto bilang baliw.

Magaling! Bigyan natin ng limang 1..__..3..4..5..


bagsak, mawawala ang ikalawa.

Sunod naman ang Pangkat B Kwalipikado- (1)base sa aming


grupo sila ay dapat mamamayan ng
bansa.(2)labing walong pataas, at
(3) walang kaso
Diskwalipikado- (1) baliw at (2)
sinentensyahan ng kasong
rebelyon o paglabag sa
panseguridad ng bansa

Mahusay! Bigyan natin ng limang 1..2..3..4..__..


bagsaka mawawala ang ikalima

Sunod naman ang Pangkat C Kwalipikado- (1)base sa aming


grupo sila ay marunong bumasa at
sumulat (2) naturalisadong
mamamayan ng bansa.
Diskwalipikado- (1) may kasong
sedisyon at (2) isang baliw ayon sa
eksperto

Magaling! Bigyan natin ng limang 1..2..__..4..5..


bagsak mawawala ang ikatlo

Sunod naman ang Pangkat D Kwalipikado- (1)base sa aming


grupo sila ay mamamayan ng isang
bansa, (2) 18 taong gulang pataas,
(3) tumira sa Pilipinas ng isang tao
at hindi bababa sa anim na buwan
bago mag- eleksiyon at (4) hindi
diskwalipikado
Diskwalipikado- (1) wala sa tamang
pag-iisip at(2) hindi marunong
sumulat o bumasa.

Mahusay! Bigyan natin ng limang 1..2..3..__..5..


nagsak mawawala ang ikaapat.

Base nga sa mga tinuran ninyo, tama Kwalipikado sa pagboto (1)ay


ang naging pahayag ng bawat pangkat, mamamayan ng isang bansa, (2)
ngunit ang pinakaimportante ay ang 18 taong gulang pataas, (3) tumira
mga sumusunod na pahayag. Maaari sa Pilipinas ng isang taon at hindi
bang pakibasa____________. bababa sa anim na buwan bago
mag- eleksiyon at (4) hindi
diskwalipikado

(pagpapakita ng mga halimbawa ng


larawan )

Salamat. Tingnan natin kung anong


pangkat ang nakakuha ng tamang
kasagutan.
(Pagcheck sa mga ginawa ng mga
bata)

At ang nakakuha ng tama ay ang (Palakpak)


Pangkat D. Palakpakan natin sila.

Sa diskwalipikado naman, maari bang Diskwalipikado sa pagboto (1) mga


pakibasa__________? taong nahatulan ng hindi bababa sa
isang taon, (2) mga taong
nasentensiyahan ng kasong
rebelyon, sedisyon, at anumang
krimen laban sa seguridad ng
bansa, at (3)mga taong idineklara
ng mga eksperto bilang baliw.

(Pagcheck sa mga ginawa ng mga


bata)

At ang nakakuha ay ang Pangkat A. (palakpak)


palakpakan natin sila.

May katanungan ba? Wala po!

Ngayon, may mga larawan ako rito na


kung saan bibigyan ninyo ng kahulugan
at ipapaliwanag kung ano ang
kahalagahan nito sa politikal na
pakikilahok. Naunawaan ba? Opo ma’am!

Unang larawan, base rito ito ay Ma’am ito po ay nagpapakita ng


tumutukoy sa ____________? pakikisangkot sa pagboto.
Mahalaga po ang makiisa sa
halalan ng sa gayon ang boto ang
siyang magpapabago sa
kinabukasan.

Magaling! Bigyan natin ng tatlong 1..2..3..


bagsak.

Ikalawang larawan, ano ang Ma’am ang pagboto po ay isang


kahalagahan nito sa politikal na obligasyon na kailangang
pakikilahok. gampanan ng mamamayan para sa
ikakabuti ng sambayanan.

Mahusay! Bigyan natin ng apat na 1..2..3..__


bagsak mawawala ang ikaapat

Ikatlong larawan, ito ay, maari Ma’am ito po ay nagpapakita ng


bang________________? pakikilahok sa eleksiyon para sa
kapakinabangan ng nakakarami.

Magaling! Bigyan natin ng apat na 1..2..__..4


bagsak mawawala ang ikatlo

At ang huling larawan, ito ay tumutukoy Ma’am mahalaga po ang pagboto


sa____________? para mapili kung sino ang nais
manungkulan para sa ikagaganda
ng bansa.

Mahusay! Bigyan natin ng tatlong 1..2..3..


bagsak.

May katanungan pa ba? Wala po!

D.PANGWAKAS NA GAWAIN

Sa isang bondpaper, gumawa ng isang


slogan na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa politikal na
pakikilahok sa pamayanan.

Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto


para tapusin ang inyong gawain.

Ito ay mamarkahan base sa mga


sumusunod:

Pagkamalikhain - 15 puntos
Kaugnayan sa Tema - 10 puntos
Kalinisan - 5 puntos
30 puntos

(Makalipas ang 10 minuto)

Pakipasa na ang inyong mga papel sa


gitna sa bilang na una hanggang lima
at pakipasa papuntang harap sa bilang
na anim hanggang sampu.
(bubunot ng dalawa at ipapaliwanag ng
mga piling mag-aaral ang kanilang
ginawa)

E.PAGLALAHAT

Mayroon ba kayong katanungan? Wala po!

Naunawaan ba ang ating aralin Opo!


ngayon?

Kung gayon magbigay nga kayo ng Ma’am dapat po mamamayan ng


mga katangian ng mamamayan na isang bansa.
kwalipikado o maaaring mga
bumoto_____________?

Magaling! Ano pa___________? May edad labing walo pataas po.

Mahusay! Sa diskwalipikado Ma’am mga tao po na


naman___________? sinentensyahan ng hukuman ng
isang taon.

Tama! May maidaragdag ka pa ba rito Mga baliw po ma’am.


_____________?

Mahusay! Lubos ngang naunawaan Wala na po.


ninyo ang ating aralin ngayon. May
katanungan pa ba?

IV.PAGTATAYA

Sa inyong sagutang papel, isulat ang


salitang KWALIPIKADO kung tama
ang sinasaad ng pangungusap at
DISKWALIPIKADO kung ito ay mali.
1. Ayon sa Artikulo II, seksiyon 1
ng ating saligang batas, ang
Pilipinas ay isang estadong
republikano at demokratiko.
2. Ang pagiging isang baliw ay
nakapaloob sa kwalipikadong
katangian.
3. Ang labing anim na taong gulang
ay kwalipikadong bumoto.
4. Ang eleksiyon ay tumutukoy sa
pinakapayak na paraan ng
pakikilahok ng mamamayan.
5. Ang mga taong nasentensyahan
ng mahigit isang taon ng
hukuman ay makakaboto.
6. Ang mga taong walang
kakayahang magsulat at
magbasa ay kasali sa
kwalipikadong bumoto.
7. Ang mga senior citizen ay
diskwalipikadong bumoto
8. Ang mga mamamayan ng isang
bansa ay maaaring bumoto.
9. Ang mga tumira sa Pilipinas ng
isang taon at hindi bababa sa
tatlong buwan bago mag-
eleksiyon ay kwalipikado sa
pagboto.
10. Mahirap man o mayaman,
pantay ang mga tao sa pagboto.

MGA SAGOT:
1. KWALIPIKADO
2. DISKWALIPIKADO
3. DISKWALIPIKADO
4 KWALIPIKADO
5. DISKWALIPIKADO
6. KWALIPIKADO
7. DISKWALIPIKADO
8. KWALIPIKADO
9. DISKWALIPIKADO
10. KWALIPIKADO

V.TAKDANG-ARALIN:

Basahin ang susunod nating aralin:


Paglahok sa Civil Society at sagutin
ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ito sa isang buong papel at ipapasa sa
susunod nating pagkikita.

1. Ano ang civil society? Ibigay ang


layunin nito.
2.Ibigay ang dalawang halimbawa ng
NGOs.
3. Ano-ano ang mga tungkulin ng NGO
at PO?

Sanggunian: A.P 10 learner’s Module


pahina 403- 408.

May katanungan ba? Wala po!

Kung wala na, ako’y magpapaalam na,


nawa’y may natutunan kayo ngayong
araw na ito.

Goodbye Class! Goodbye Ma’am!

PREPARED BY:

VERONICA P. ROMERO

PRACTICE TEACHER

APPROVED BY:

MRS. MARY LORELIE S. SANTOS

COOPERATING TEACHER

NOTED BY:

MRS. IMELDA V. SIROT Ph.D

HEAD TEACHER III, ARALING PANLIPUNAN

You might also like