You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Rebolusyong Siyentipiko
I. Layunin
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan ay inaasahan na lahat ng mag-aaral ay:
1. Nakikilala ang mga taong nagging pangunahing tagapagturo at nagsulong ng
bagong ideyang siyentipiko
2. Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro sa kahalagahan ng bagong ideyang
siyentipiko
3. Nakasusulat ng Exit Slips ukol sa Rebolusyong Siyentipiko
II. Nilalaman
Paksa: Ang Rebolusyong Siyentipiko
Sangguniang Aklat: Kasaysayan ng Daigdig, pahina 340-342
Kagamitan: Kagamitang Biswal, mga larawan, chalk at chalkboard
Estratehiya: Discussion, Inquiry-based, Collaborative learning
III. Pamamaraan
a. Paghahanda
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Magandang umaga sa ating lahat!
Magandang umaga rin po!
Maari ka bang tumayo dito sa harap para
Panginoon salamat po sa panibagong
pangunahan ang isang panalangin.
araw na ito, salamat po at nakarating kami
sa eskwelahan ng ligtas at sana bigyan po
ninyo ng mahabang pasensya ang aming
guro at talino upang maturuan kami ng
mabuti. Sana po marami kaming
matutuhan sa araw na ito. Sa ngalan ng
ama, ng anak, ng espirito santo, Amen.
Salamat. Bago kayo magsiupo ay maaari
(Pagpulot ng mga kalat)
bang pakipulot muna ang mga kalat sa
paligid at pakiayos na rin ang inyong mga
upuan.

Salamat. Magsiupo na ang lahat.

May lumiban ba ngayon sa ating klase


Meron po ma’am!
secretary?
Maaari bang pakisulat sa isang papel at Sige po ma’am.
pakibigay sa akin mamaya pagkatapos ng
ating talakayan?

Salamat. Kumusta ang bawat isa? Okay naman po kami.

Kung gayon ay tumahimik na ang lahat at


tayo’y magsisimula na.

a.2 Pagbabalik-aral
Noong nakaraang lingo tinalakay natin Opo!
ang “Kahalagahan ng Paglalayag at
Pagtuklas ng mga lupain at Epekto ng
Unang yugto ng kolonisasyon”
natatandaan pa ba?

Kung natatandaan pa magbigay nga ng Nagbigay daan po ito sa malawakang


isang epkto ng Kolonisasyon? pagkakatuklas sa mga lupaaing hindi pa
nagagalugad at mga sibilisasyong hindi
pa natutuklasan.

Mahusay! Meron pa bang ibang sagot? Nagdulot po ang kolonisasyon ng


maraming suluranin at sakit tulad ng
yellow fever at malaria.
Magaling! Mukhang nakikinig kayong
mabuti. Batid kong naunawaan nyo ang
ating tinalakay noong nakaraan kung
kaya naman ay dadako na tayo sa
susunod na Arain.

b. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating sunod na
aralin may gagawin muna tayong isang
aktibidad. Sa aktibidad na ito ang klase
ay hahatiin sa dalawang grupo kung saan
ang unang grupo na makakatapos sa
aktibidad ay may karagdagang dalawang
puntos sa kanilang quiz mamaya. Sa
aktibidad na Jumbled Letters kailangan
ninyong ayusin ang mga letra upang
makabuo ng salita na kaugnay sa ating
tatalakayin. Naintindihan ba ang Opo!
gagawin?

Maaari na ninyong simulan. (Paggawa ng mgaa estudyante sa


aktibidad)
Yes group____, ano ang inyong nabuong Rebolusyong Siyentipko po.
salita?

Mahusay! Dahil ang Group____, ang


unang nakabuo ng jumbled letters sila
ang may plus two sa quiz mamaya.

c. Paglalahad
Kapag naririnig ninyo ang salitang Pagbabago po.
Rebolusyon ano ang unang pumapasok
sa isip ninyo?

Tama! Kapag naman Siyentipiko ano ang Scientia po.


naiisip ninyo?

Magaling! Kapag sninabing scientia, ano Isa po siyang salitang latin na


ba ito? nangangahulugang Kaalaman.

Tama! So kapag pinagsama nating ang Pagbabago po sa kaalaman.


dalawang salita na naiugnay ninyo sa
Rebolusyong Siyentipiko ano ang nabuo
ninyo?

Tama! Dahil ang rebolusyong siyetipiko Yung paniniwala po nila ay nakabatay


ay tumutukoy sa panahon kung saan lamang sa pag-aaral ng mga Kristiyano
nagkaroon ng maalawakang pagbabago aat pilosopiya ni Aristotle.
sa pag-iisip at paniniwala ng mga tao na
nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 at 17
siglo. Noong panahong Medieval saan
nakabatay ang paniniwala ng mga tao?

Magaling, ngunit noong dumating ang Dahil po sa paglalathala ng mgaa bagong


panahon ng Rebolusyong Siyentipiko tuklas na kaalaman.
nagsimula ang panahon ng pagsisiyasat
sa pamamagitan ng eksperimento bunga
ng pagmamasid sa sansinukuban.
Humina din at nabawasan ang
impluwensya ng simbahan sa buhay at
kaisipan ng mga tao, sa anong
kadahilanan?

Tama, sa paglalathala nito nagkaroon Teoryang Geocentric at Heliocentric po.


ang mga tao ng kaalaman ukol sa
sansinukob at nahati ang kanilang
paniniwala. May dalawang teorya noon
ukol sa paniniwala sa sansinukob, may
larawan akong ipapakita sa inyo. Ayon sa
larawan ano ang Teoryang Geocentric?

Tama! Ano ang sinasabi sa Teoryang Sinasabi po sa Teoryang ito na ang


Geicentric? daigdig ang sentro ng kalawakan at ang
heavenly body ay umiikot dito sa pabilog
na pagkilos.

Mahusay, sino ang bumuo sa Teoryang Si Claudius Ptolemy po.


ito?

Tama, ito si Claudius Ptolemy, kasama ni Ayon po kay Aristotle ang kalangitan ay
Ptolemy ay si Aristotle kung saan binubuo ng puro at espiritwal na
sinasabi ni Aristotle na Malaki daw ang elementong tinatawag na ether.
pagkakaiba ng komposisyon ng daigdig
sa kalangitan. Ano daw ang bumubuo sa
kalawakan?

Magaling, ito naman si Aristotle. Ano


naman daw ang bumubuo sa Daigdig?

Mahusay! Ngunit iba naman ang sinasabi Ang daigdig ay binubuo ng apat na
ni Nicolaus Copernicus sa Teorya niyang elemento ang lupa, tubig, apoy at hangin.
Heliocentric. Ano ba ang sinasabi sa Sinasabi sa Teoryang ito na ang araw
Teoryang ito? ang sentro ng kalawakaan at ang daigdig
ay umiikot sa paligid nito.

Tama! At ito naman si Copernicus. Bukod Nicolaus Copernicus


doon binigyang diin din niya na ang
mundo ay bilog taliwas sa naunang
paniniwala na ito ay patag. Ano pa ang
isang ideya ni Copernicus?

Tama! At ang mga ideyang ito ay sinulat Ang mundo daw po ayon sa kanya ay
niya sa kanyang akdang libro. Ano yung umiikot sa sarili nitong aksis habang ito
akda na ito? ay umiikot sa araw.

At inilathala ito noong 1543, ilang buwan On the revolution of the Heavenly
bago siya mamatay. Isa sa sumuporta at Spheres (De revolutionibus orbium
nagpatibaay sa teorya ni Copernicus ay si coeslestium)
Tycho Brahe na mula sa Denmark. Ano
naman ang sinasabi ni Brahe?

Mahusay, ito naman ang larawan ni Tycho Brahe


Brahe. Bukod doon ano pa ang ambag ni
Brahe sa Rebolusyong Siyentipiko?

Tama, bukod doon ano pa? Ayon po sa kanya aang kometa ay


representasyon ng pagbabago sa
kalawakan.

Tama, at nakatulong ang mga Siya ang nakadiskubre ng bagong bituin


obserbasyon niyang iyon sa sa Cassiopeia
pagkakatuklas ni Johannes Kepler sa
eleptikal na orbit ng mga planeta. Sino ba Johannes Kepler
si Kepler

Pinag-aralan niya ang orbit ng buwan at


mga planeta kung kaya nakita niya ang
irregularidad ng orbit ng mga ito.
Katuwang ni Brahe na naglathala ng mga
akda nito noong 1601.

Tama! Ito naman si Johannes Kepler. Si Ellipse po.


Kepler ay isang aleman na Astronomer,
isa din siyang matematisyan na bumuo
ng pormula sa pamamagitan ng
matematika tungkol sa posibleng pag-ikot
sa isang posibleng pag-ikot sa isang
parabilog ng mga planeta sa araw na di
gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ano
ang tinawag niya dito?

Tama! Sino naman si Galileo Galilei? Siya po ang nakaimbento ng teleskopyo.


.

Mahusay, ayan naman ang larawan ni Galileo Galilei


Galileo. Si Galileo ay isang italyanong
siyentipiko na naparusahan ng Inquisition
dahil sa kanyang pagtanggap sa teorya ni
Copernicus. At noong 1609 at nabuo niya
ang teleskopyo na ginamit niya saan?

Sa pag-aaral po sa kalawakan.
Mahusay! Ano ang naging konklusyon Sinabi niyang lahat ng bagay sa
niya sa pag-aaral na ginawa niya? kalawakan ay napapasailalim sa
parehong likas na mga batas.

Tama! Noong 1687 inilathala niya ang Dialogue Concerning the two chief world
kanyang akda kung saaan makikita ang Systems.
kangyaang mga ideya. Ano na nga ang
aklat na ito?

Mahusay! Ang pagpapatuloy ng mga Law of Gravity, Law of Inertia, Law of


siyentipikong pagtuklas ay naging Acceleration.
baasehan ng pagbubuo ng mga unibersal
na batas sa pisika. So ano-ano ba itong
unibersal na batas na ito?

Tama, mga halimbawa ito ng mga Mas lubos po nating mauunawaan ang
unibersal na batas. Sa tingin ninyo ano mga bagay sa daigdig.
ba ang kahalagahan ng mga pag-aaral o
pagtuklas na ito?

Magaling! Bukod doon may iba pa bang Mas maiintindihan po nating ang bawat
sagot? pangyayari sa daigdig.

Tama! May katanungan pa ba? Wala na po.

d. Pangwakas na Gawain
Ngayon kung wala nang katanungan Opo!
kumuha kayo ng kalahating papel pahiga
at gagawa kayo ng Exit slips, sa exit slips
na ito isusulat ninyo ang mga natutunan
ninyo sa ating aralin, bukod doon
ipapaliwanag niyo din iyong isinulat nyo.
Naintindihan ba?

e. Paglalahat
Ngayon ipasa ninyo ang exit slips ninyo Opo!
base sa grupo kanina. Sa inyong exit
slips, tatawag ako ng estudyante na
mang-gagaling sa group 1 upang
bumunot sa exit slips ng group 2
sasabihin ng natawag ko kung tama o
mali ang sinabi sa exit slips na nabunot
niya at kung mali, sabihin ang tamang
sagot. Ganundin ang gagawin ng group
2, bubunot siya sa exit slips ng group 1 at
ipapaliwanag niya kung tama ba o mali
ito. Naintindihan ba ang gagawin?

So mula sa group 1 kanina, pumunta ka (Maaring sagot ng mag-aaral)


nga dito sa harap __________. Basahin Ang teoryang geocentric ay tumutukoy sa
ang nabunot mo. paniniwala na ang daigdig ang sentro ng
kalawakan at ang mga heavenly body ay
umiikot dito. Base po sa naging talakayan
natin kanina ang sinabi po dito sa exit slip
na ito ay tama. Tinutukoy nga po sa
Teoryang ito na daigdig ang sentro ng
kalawakan ngunit ito po ay sinasabi na
mali ayon sa teorya naman na ginawa ni
Copernicus kung saan ang araw daw po
ang sentro ng kalawakan.

Mahusay! Para sa group 2 pumunta ka Ang daigdig ay bilog at hindi patag. Batay
nga ditto sa harap at bumunot,________. po sa ating diskusyon napatunayan po na
Ano naman ang sinasabi diyan sa ang daigdig ay bilog dahil sa pag-aaral ng
nabunot mo? mga kilalang siyentipiko katulad po ni
Galileo Galilei, Tycho Brahe at Johannes
Kepler.

Magaling! May katanungan ba? Wala po!

Kung wala kumuha kayo ng ¼ sheet of


paper o sangkapat na papel para sa
inyong quiz.

IV. Pagtataya
Tukuyin kung ano o sino ang nilalarawan
sa bawat pangungusap.
Unang parte.
1. Salitang griyego na
nangangajulugang “Kaalaman”
2. Nakaimbento ng teleskopyo.
3. Teorya na nagsasaad na ang araw
ang sentro ng kalawakan.
4. Teoryang nagsasabi na ang
daigdig anng sentro ng kalawakan.
5. Nakatuklas ng eleptikal na orbit ng
mga planeta.
6. Ayon sa kanya ng kalangitan ay
binubuo ng puro at espiritwal na
elementong ether.
7. Akda ni Copernicus kung saan
inilahad nia ang kanyang mgaa
ideya.
8. Tumutukoy sa panahon kung saan
ay nagkaroon ng malawakang
pagbabago sa pag-iisip at
paniniwala ng mga tao.
9. Apat na eementong bumubuo sa
daigdig.
10. Ayon sa kanya ang kometa ay
representasyon ng pagbabago sa
kaalawakan.
Ikalawang Parte. Tama o mali. Isulat ang
Tama kung ang pahayag ay tama at mali
naman kung hindi.
1. Ayon kay Nicolaus Copernicus ang
mundo ay bilog at hindi patag.
2. Sinasabi sa Teoryang Heliocentric
na ang daigdig ay binubuo ng apat
na elemento.
3. Noong 1687 inilathala ni Galileo
ang kaniyang akdang Diaogue
Concerning the Two Chief World
System.
4. Noong 15-siglo ang paniniwala at
pagtingin ng mga tao ay batay sa
turo ng simbahan at pilosopiya ni
Aristotle at Ptolemy.
5. Ang teoryang Geocentric ang
nagtaguyod sa paniniwala ng mga
kristiyano na dinesenyo ng diyos
ang kalawakan para sa mga tao.

V. Takdang Aralin
Magresearch ukol sa Panahon ng
Enlightenment at sagutan ang mga gabay
na tanong. Isulat ang sagot sa isang
buong papel.

1. Ano ang Enlightenment?


2. Kelan ito naganap?
3. Mga pilosopong kilala sa
panahong ito.
Prepared by:

KORINA C. CABERO
Practice Teacher

Approved by:

CRISELDA C. AGRAM
Cooperating Teacher

You might also like