You are on page 1of 10

Philippine Normal University

National Center for Teacher Education


INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nalalaman at nauunawaan ang mga batas laban sa pang-aabuso o


karahasan sa kababaihan at mga bata.

2. Nakagagawa ng hakbang upang mahinto ang pang-aabuso o karahasan sa


kababaihan at bata na umiiral sa komunidad sa pamamagitan ng Human
Stand

3. Nakikibahagi sa pakikiisa sa mga kampanya laban sa pang-aabuso sa mga


kababaihan at mga bata

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Aralin: Pang-aabuso sa mga Kababaihan at Bata
B. Sanggunian: Kayamanan
Pinay Komiks, Bureau of Communication Services
https://www.pcw.gov.ph/VAWfreePH2018
https://www.youtube.com/watch?v=fdrz599kO8s
http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2018/01/APJMR-
2017.6.1.15a.pdf

C. Kagamitan: Powerpoint Presentation


Sticky Notes
Video clip
Mga Materyales tulad ng orange na panyo, T-Shirt, tela, plakard,atbp

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Pagbati
Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon din po!

Maaari na kayong maupo.

2. Mga Paalala
- Pakitabi muna lahat ng kagamitan
na walang kaugnayan sa ating
aralin.

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

3. Balik Aral.
Ano nga uli ang inyong tinalakay Ito po ay tungkol sa Same Sex Marriage
kahapon?

Maaari mo bang ibigay ang iyong Opo.


opinyon tungkol dito?
Hanggang ngayon po ito ay nanatiling
sensitibong isyu ngunit para sa akin hindi
po ako sang-ayong sa pagpapakasal sa
kaparehang kasarian bagaman ako ay
hindi tutol na sila ay maging
magkarelasyon. Saganang akin po ang
kasal ay sagrado.

Guro, ako po ay sang-ayon sa Same Sex


Marriage dahil............

Iginagalang natin ang iyong opinyon.


Mayroon pa bang gustong magbigay ng
opinyon? Guro, ako po.

GAWAIN Sige po guro.

PANGGANYAK : SINO SIYA?


Opo.
Bago tayo tumungo sa panibagong paksa.
Nais ko munang magkaroon tayo ng isang
gawain. Kailangan ko ng isang
boluntaryong mag-aaral sa hanay ng mga
kababaihan. Sino ang gustong
magboluntir?

Kailangan nating alamin kung sino ang nasa


larawan. Sa tulong mo at ng iyong mga Opo.
kamag-aral, kikilalanin natin siya.
Ikaw (boluntir na babae), maaari ka ba
munang lumabas ng silid? Matapos ang 2
minuto, maaari ka ng pumasok at umupo sa
gitna ng klase. Malinaw ba?

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

Sa mga naiwan ma mag-aaral, mayroon


akong mga katanungan dito na itatanong Hindi ka ba niya pinapayagang
ninyo sa kanya kapag siya ay nakaupo na magtrabaho?
sa gitna ng klase. Sa ganitong paraan
makikilala natin kung sino ba siya? Hinihiling Boluntaryong mag-aaral: Hindi.
ko na habang tinatanong nyo ito, lagyan ito
ng emosyon o damdamin sa saliw ng Sinabihan ka ba niya ng salitang
background music. nakakababa at nakasisira ng kompiyansa
sa iyong sarili?
Maliwanag b?
Boluntaryong mag-aaral: Hindi
Maaari mo nang tawagin ang iyong
kamag-aral at paupuin sa gitna ng klase. Sinaktan ka ba niya? Binubugbog ka ba
niya? Hindi ka man ba lumaban?
May mga katanungan ang iyong mga
kamag-aral. Maaari mong sagutin ng oo o Boluntaryong mag-aaral: Hindi
hindi. Sa ganitong paraan ay makikilala mo
kung sino ka? Malinaw ba? Pinagbantaan ka ba niya? Kaya siguro
napilitan kang makipagtalik sa kanya
kahit hindi mo kagustuhan.

Boluntaryong mag-aaral: Hindi

Hahayaan mo ba na paulit ulit ka niyang


saktan?

Naguluhan po ako hindi ko po alam ang


isasagot ko.

Sa tinging ko po, base s mga tanong nila,


Isa po akong battered wife / isang biktima
ng pang-aabuso o karahasan.

Nalungkot po at nagalit ako. Dahil siya po


ay inaabuso.

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

Guro sinasakatan po iyong babae


Maraming salamat.
Ano ang iyong naramdaman habang Yung bata po saka yung lolo bagaman
tinatanong ka ng iyong mga kamag-aral? hindi siya sinaktan nung lalake, para pong
nato –trauma sila sa mga nasaksihan nila

Sa tingin mo sino ka?


Hindi po guro. Nagsorry po yung tatay
pero naulit po ito.

Ang pang-aabuso ay kapag sinaktan ka


ng ibang tao o trinato ka niya nang hindi
mabuti. Ito po ay paglabag sa
Kayo naman, Ano ang inyong karapatang pantao.
naramdaman sa maikling gawaing ito ?

Ang pang-aabuso ay nagiging siklo sa


Tama. Nakalulungkot isipin na bagaman kinalaunan nagsisimula sa Abusadong
hindi ikaw ang direktang inabuso, maaaring Kilos.....
ang mga tanong na ito ay hindi patungkol
mismo sa iyo subalit maaaring ito ay isa sa
iyong kapamilya, kapitbahay, kaibigan o
maaaring nasa iyong komunidad na
nakararanas ng pang-aabuso o karahasan.

Sa araw na ito, tatalakayin natin ang pang-


aabuso o karahasan, isa na rito ang
Domestic Violence against Women and
Children.

PAGTATALAKAY

Panoorin natin ang video clip na ito.

Base sa napanood niyong video


Ano ang napansin niyo ?

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

Ano pa ang pang-aabusong nasaksikhan


ninyo?
Mataas po ang bahagdan ng mga
naaabusong sexual.
Tumaas po ang bahagdan ng mga
naaabuso noong taon 2015

Mahusay ang iyong obserbasyon.


Nahinto ba ang karahasang ito? Naulit ba?

Paano mo ilalarawan ang pang-aabuso


base na rin sa iyong napanood.

Physical, Sexual, Psychological, Economic

Mahusay. Pansinin natin ang ipinapakita ng


diagram na ito. Maaari mo bang
ipaliwanag ito?

Naiipon ang Abusadong


tension Kilos

Nagiging
Kalamado ang
Nang-aabuso
Siklo ng pang-aabuso

Tama ang iyong sinabi. Ang pang-aabuso


ay nagiging siklo at nakalulungkot isipin na
maaaring mismo sa ating tahanan, ito ay
nagaganap. Sa katunayan, nais kong

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

ipakita at istatistika

Opo.

Magna Carta for Women po.

Pansinin natin ang diagram na ito, ano ang


masasabi niyo sa mga datos?

Anu-ano nga ang mga uri ng pang-aabuso


base sa kaso na naitala?

Mahusay, base sa istatistika narito ang mga


uri ng pang-aabuso

1. Pisikal na pang-aabuso
 Tumutukoy sa mga kilos na
kinabibilangan ng katawan o
pisikal pinsala

2. Sekswal na pang-aabuso
 sekswal na panghihipo o
sekswal
na aktibidad na hindi mo
pinahintulutan

3. Emosyonal o Sikolohikal na pang-


aabuso
 Tumutukoy sa mga gawa na
nagiging sanhi ng emosyonal
na pagdurusa

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

4. Ekonomik o Pinansyal na pang-


aabuso
 mga gawain na nagiging Mga kababaihan at mga anak
sanhi upang maging pala-asa
ang babae ukol sa
pananalapi,

Ngayon naman mayroon akong mga sticky


notes na ipamimigay sa inyo. Mangyari
lamang na isulat ninyo ang mga pang-
aabuso sa kababaihan at bata na nakikita
o maaaring naririnig niyo sa inyong tahanan
o komunidad.

Matapos ay idikit ito sa board at ihanay


ayon sa iyong pagkakauri.

Maaari nang umupo ang lahat.

Ngayong 2017, mayroong resulta mula sa


paunang NDHS na isinagawa noong 2017
ay nagpapakita na mula sa 11,558 na may-
asawa na kababaihang Pilipino na may
edad na 15 hanggang 49 ang sinuri, isa sa 4
o 26% ay nakaranas ng pisikal, sekswal, o
emosyonal na karahasan na ginawa ng
kanilang asawa o karelasyon. Ang mga
resulta ng pagsisiyasat ay higit na
nagpapakilala sa pagkalat ng karahasan sa
bansa, dahil ang administratibong data sa
bilang ng mga kliyente na pinaglilingkuran
ng mga tagapagbigay ng serbisyo tulad ng
mga pulis, mga social worker, at mga
manggagawang pangkalusugan ay
nakukuha lamang ang mga kaso na iniulat
sa mga tanggapan na ito.

Sa tingin ninyo mayroon bang mga batas


na prumuprotekta sa mga kababaihan at
mga bata?

Magbigay nga ng alam nyong batas.

Maaari mo bang ipaliwanag ang batas na


ito?

Mahusay. Ilan pa sa mga batas na

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

nagtatanggol at nagpoprotekta sa mga


karapatan ng kababaihan ay ang mga
sumusunod.

 Batas Republika 7877 : Batas


ng 1995 Laban sa Sexual
Harrasment
 Batas Republika 8353 : Batas
ng 1997 Laban sa Rape
 Batas Republika 10364 :
Pinalawig na Batas sa
AntiTrafficking in Persons
 Batas Republika 9710 Magna
Carta ng Kababaihan (2009)
 Batas Republika 9995: Anti-
Photo and Video Voyeurism
Act
 Batas Republika 10627: Anti-
Bullying Act (2013)
 Batas Republika 9262 : Batas
ng 2004 sa Anti- Violence
Against Women and Their
Children

Bigyan tuon natin ang Republic Act No.


9262 (2004) o Ang Anti-Violence Against
Women and Their Children Act ay isang
batas na nagsasaad ng mga karahasan
laban sa mga kababaihan at kanilang mga
anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa
mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

Kanina naitala na natin ang mga uri at akto


ng karahasan na maaaring saklawin ng
batas na ito

Sinu-sino ang puwedeng mabigyan ng


proteksyon ng batas na ito?
Tama. Maaaring mga kababaihan na may
“intimate partners” (dati o kasalukuyang
asawa, live-in partner o boyfriend o girlfriend
gayundin ang kanilang mga anak lehitimo
man o hindi.

Anong proteksyon ang maaari nilang

Ano ang parusa sa paglabag ng RA 9262?

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

Ang maysala ng mga aktong VAWC ay


maaaring ng parusahan ng

1.) pagkabilanggo (depende sa bigat


ng krimeng ginawa) 2.)
pagbabayad ng damyos ng hindi
bababa sa P100,000 ngunit hindi
tataas sa P300,000 at 3.)
pagpapasailalim sa psychological
counseling o psychiatric treatment

Tandaan natin na ang Karahasan sa


Tahanan at pang-aabuso ng intimate
partner ay HINDI lamang isang pribadong
usapin. Ito ay usaping pampamayanan din
sapagkat itinuturing ang mga ito bilang
isyung panlipunan at pangkalusugan.
Nilalabag nito ang karapatan ng tao na
mabuhay, magkaroon ng dignidad at
kapanatagan

Mayroong mga kampanya upang mahinto


ang karahasan at pang-aabuso gaya na
lamang ng 18-Day Campaign to End VAW,
na ngayon ay nasa ikaapat na taon na at
para sa taong ito ang kanilang -tema ay
VAW-free Community Starts with Me

Sa bisa ng Republic Act 10398 (2013)


dineklara ang Nobyembre Nobyembre 25
ng bawat taon bilang Pambansang Araw
ng Kamalayan para sa Pag-aalis ng
Karahasan Laban sa mga Babae at mga
Bata bilang pagsuporta rin sa
Pandaigdigang Kampanya upang Matapos
ang VAWLayunin

Kung mapapansin niyo ang mga kulay na


ginamit ko ay dalandan o orange. Ito ay sa
kadahilanang ito ay upang makiisa sa
kanilang Orange Your Icon for 18 days na
nagsimula noong Nobyembre 25,2018.

At bilang pakikiisa sa kampanyang ito


mayroon tayong pangkatang gawain

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

PAGLALAPAT

PANGKATANG GAWAIN

Bumuo ng apat na grupo. Sila ay


magbe”brainstorm” sa loob ng 3 minuto.
Upang makabuo ng isang human stand.
Ang bawat grupo ay magpapakita ng
human stand na nagpapakita ng pagtuligsa
sa Pang-aabuso o karahasan sa mga
Kababaihan at bata. Gamit ang mga
kagamitan sa kahon, pumili ng isa na
gagamitin sa inyong human stand.

Matapos, ay magkakaroon ang bawat


grupo ng 2 minuto upang ipaliwanag ang
kanilang mensahe ng kanilang human
stand. Maaari ring maging masining ang
bawat presentasyon

Pangwakas na Gawain

Gamit ang mga sticky notes, gumawa ng isang hashtag bilang pakikiisa laban sa pang-
aabuso at ipost ito sa whiteboard.

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1

You might also like