You are on page 1of 9

Philippine Normal University

National Center for Teacher Education


INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nalalaman at nauunawaan ang mga batas laban sa pang-aabuso o karahasan sa kababaihan at


mga bata.

2. Nakagagawa ng hakbang upang mahinto ang pang-aabuso o karahasan sa kababaihan at bata na


umiiral sa komunidad sa pamamagitan ng Human Stand

3. Nakikibahagi sa pakikiisa sa mga kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan at mga


bata

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Aralin: Pang-aabuso sa mga Kababaihan at Bata
B. Sanggunian: Kayamanan
Pinay Komiks, Bureau of Communication Services
https://www.pcw.gov.ph/VAWfreePH2018
https://www.youtube.com/watch?v=fdrz599kO8s
http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2018/01/APJMR-2017.6.1.15a.pdf

C. Kagamitan: Powerpoint Presentation


Sticky Notes
Video clip
Mga Materyales tulad ng orange na panyo, T-Shirt, tela, plakard,atbp

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Pagbati
Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon din po!

Maaari na kayong maupo.

2. Mga Paalala
- Pakitabi muna lahat ng kagamitan na walang
kaugnayan sa ating aralin.

3. Balik Aral.
Ano nga uli ang inyong tinalakay kahapon? Ito po ay tungkol sa Same Sex Marriage

Maaari mo bang ibigay ang iyong opinyon

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

tungkol dito? Opo.

Hanggang ngayon po ito ay nanatiling sensitibong


isyu ngunit para sa akin hindi po ako sang-ayong sa
pagpapakasal sa kaparehang kasarian bagaman ako
ay hindi tutol na sila ay maging magkarelasyon.
Saganang akin po ang kasal ay sagrado.

Guro, ako po ay sang-ayon sa Same Sex Marriage


dahil............

Iginagalang natin ang iyong opinyon.


Mayroon pa bang gustong magbigay ng opinyon? Guro, ako po.

GAWAIN Sige po guro.

PANGGANYAK : SINO SIYA?


Opo.
Bago tayo tumungo sa panibagong paksa. Nais ko
munang magkaroon tayo ng isang gawain. Kailangan
ko ng isang boluntaryong mag-aaral sa hanay ng mga
kababaihan. Sino ang gustong magboluntir?

Kailangan nating alamin kung sino ang nasa larawan.


Sa tulong mo at ng iyong mga kamag-aral, kikilalanin
natin siya.
Ikaw (boluntir na babae), maaari ka ba munang Opo.
lumabas ng silid? Matapos ang 2 minuto, maaari ka
ng pumasok at umupo sa gitna ng klase. Malinaw ba?

Sa mga naiwan ma mag-aaral, mayroon akong mga


katanungan dito na itatanong ninyo sa kanya kapag
siya ay nakaupo na sa gitna ng klase. Sa ganitong
paraan makikilala natin kung sino ba siya? Hinihiling
ko na habang tinatanong nyo ito, lagyan ito ng Hindi ka ba niya pinapayagang magtrabaho?
emosyon o damdamin sa saliw ng background music.
Boluntaryong mag-aaral: Hindi.
Maliwanag b?
Sinabihan ka ba niya ng salitang nakakababa at
Maaari mo nang tawagin ang iyong kamag-aral at nakasisira ng kompiyansa sa iyong sarili?
paupuin sa gitna ng klase.
Boluntaryong mag-aaral: Hindi
May mga katanungan ang iyong mga kamag-aral.
Maaari mong sagutin ng oo o hindi. Sa ganitong Sinaktan ka ba niya? Binubugbog ka ba niya?

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

paraan ay makikilala mo kung sino ka? Malinaw ba? Hindi ka man ba lumaban?

Boluntaryong mag-aaral: Hindi

Pinagbantaan ka ba niya? Kaya siguro napilitan


kang makipagtalik sa kanya kahit hindi mo
kagustuhan.

Boluntaryong mag-aaral: Hindi

Hahayaan mo ba na paulit ulit ka niyang saktan?

Naguluhan po ako hindi ko po alam ang isasagot


ko.

Sa tinging ko po, base s mga tanong nila, Isa po


akong battered wife / isang biktima ng pang-aabuso
o karahasan.

Nalungkot po at nagalit ako. Dahil siya po ay


inaabuso.

Maraming salamat.
Ano ang iyong naramdaman habang tinatanong ka ng
iyong mga kamag-aral? Guro sinasakatan po iyong babae

Yung bata po saka yung lolo bagaman hindi siya


Sa tingin mo sino ka? sinaktan nung lalake, para pong nato –trauma sila
sa mga nasaksihan nila

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

Hindi po guro. Nagsorry po yung tatay pero naulit


po ito.

Kayo naman, Ano ang inyong naramdaman sa Ang pang-aabuso ay kapag sinaktan ka ng ibang
maikling gawaing ito ? tao o trinato ka niya nang hindi mabuti. Ito po ay
paglabag sa karapatang pantao.

Tama. Nakalulungkot isipin na bagaman hindi ikaw


ang direktang inabuso, maaaring ang mga tanong na Ang pang-aabuso ay nagiging siklo sa kinalaunan
ito ay hindi patungkol mismo sa iyo subalit maaaring nagsisimula sa Abusadong Kilos.....
ito ay isa sa iyong kapamilya, kapitbahay, kaibigan o
maaaring nasa iyong komunidad na nakararanas ng
pang-aabuso o karahasan.

Sa araw na ito, tatalakayin natin ang pang-aabuso o


karahasan, isa na rito ang Domestic Violence against
Women and Children.

PAGTATALAKAY

Panoorin natin ang video clip na ito.

Base sa napanood niyong video


Ano ang napansin niyo ?

Ano pa ang pang-aabusong nasaksikhan ninyo?

Mataas po ang bahagdan ng mga naaabusong


sexual.
Mahusay ang iyong obserbasyon. Tumaas po ang bahagdan ng mga naaabuso noong
Nahinto ba ang karahasang ito? Naulit ba? taon 2015

Paano mo ilalarawan ang pang-aabuso base na rin sa


iyong napanood.

Mahusay. Pansinin natin ang ipinapakita ng diagram


na ito. Maaari mo bang ipaliwanag ito? Physical, Sexual, Psychological, Economic

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

Naiipon ang Abusadong


tension Kilos

Nagiging
Kalamado ang
Nang-aabuso
Siklo ng pang-aabuso

Tama ang iyong sinabi. Ang pang-aabuso ay


nagiging siklo at nakalulungkot isipin na maaaring
mismo sa ating tahanan, ito ay nagaganap. Sa
katunayan, nais kong ipakita at istatistika

Opo.
Pansinin natin ang diagram na ito, ano ang masasabi
niyo sa mga datos?
Magna Carta for Women po.

Anu-ano nga ang mga uri ng pang-aabuso base sa


kaso na naitala?

Mahusay, base sa istatistika narito ang mga uri ng


pang-aabuso

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

1. Pisikal na pang-aabuso
 Tumutukoy sa mga kilos na
kinabibilangan ng katawan o pisikal
pinsala

2. Sekswal na pang-aabuso
 sekswal na panghihipo o sekswal
na aktibidad na hindi mo pinahintulutan

3. Emosyonal o Sikolohikal na pang-aabuso


 Tumutukoy sa mga gawa na nagiging
sanhi ng emosyonal na pagdurusa

4. Ekonomik o Pinansyal na pang-aabuso


 mga gawain na nagiging sanhi upang
maging pala-asa ang babae ukol sa
pananalapi,

Ngayon naman mayroon akong mga sticky notes na


ipamimigay sa inyo. Mangyari lamang na isulat
ninyo ang mga pang-aabuso sa kababaihan at bata na
nakikita o maaaring naririnig niyo sa inyong tahanan
o komunidad.

Matapos ay idikit ito sa board at ihanay ayon sa Mga kababaihan at mga anak
iyong pagkakauri.

Maaari nang umupo ang lahat.

Ngayong 2017, mayroong resulta mula sa paunang


NDHS na isinagawa noong 2017 ay nagpapakita na
mula sa 11,558 na may-asawa na kababaihang
Pilipino na may edad na 15 hanggang 49 ang sinuri,
isa sa 4 o 26% ay nakaranas ng pisikal, sekswal, o
emosyonal na karahasan na ginawa ng kanilang
asawa o karelasyon. Ang mga resulta ng pagsisiyasat
ay higit na nagpapakilala sa pagkalat ng karahasan sa
bansa, dahil ang administratibong data sa bilang ng
mga kliyente na pinaglilingkuran ng mga
tagapagbigay ng serbisyo tulad ng mga pulis, mga
social worker, at mga manggagawang pangkalusugan
ay nakukuha lamang ang mga kaso na iniulat sa mga
tanggapan na ito.

Sa tingin ninyo mayroon bang mga batas na


prumuprotekta sa mga kababaihan at mga bata?

Magbigay nga ng alam nyong batas.

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

Maaari mo bang ipaliwanag ang batas na ito?

Mahusay. Ilan pa sa mga batas na nagtatanggol at


nagpoprotekta sa mga karapatan ng kababaihan ay
ang mga sumusunod.

 Batas Republika 7877 : Batas ng


1995 Laban sa Sexual Harrasment
 Batas Republika 8353 : Batas ng
1997 Laban sa Rape
 Batas Republika 10364 : Pinalawig
na Batas sa AntiTrafficking in
Persons
 Batas Republika 9710 Magna Carta
ng Kababaihan (2009)
 Batas Republika 9995: Anti-Photo
and Video Voyeurism Act
 Batas Republika 10627: Anti-
Bullying Act (2013)
 Batas Republika 9262 : Batas ng
2004 sa Anti- Violence Against
Women and Their Children

Bigyan tuon natin ang Republic Act No. 9262 (2004)


o Ang Anti-Violence Against Women and Their
Children Act ay isang
batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa mga
kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng
lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at
nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag dito.

Kanina naitala na natin ang mga uri at akto ng


karahasan na maaaring saklawin ng batas na ito

Sinu-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksyon ng


batas na ito?
Tama. Maaaring mga kababaihan na may “intimate
partners” (dati o kasalukuyang asawa, live-in partner
o boyfriend o girlfriend gayundin ang kanilang mga
anak lehitimo man o hindi.

Anong proteksyon ang maaari nilang

Ano ang parusa sa paglabag ng RA 9262?


Ang maysala ng mga aktong VAWC ay maaaring ng
parusahan ng

1.) pagkabilanggo (depende sa bigat ng krimeng


ginawa) 2.) pagbabayad ng damyos ng hindi
bababa sa P100,000 ngunit hindi tataas sa

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

P300,000 at 3.) pagpapasailalim sa


psychological counseling o psychiatric
treatment

Tandaan natin na ang Karahasan sa Tahanan at pang-


aabuso ng intimate partner ay HINDI lamang isang
pribadong usapin. Ito ay usaping pampamayanan
din sapagkat itinuturing ang mga ito bilang isyung
panlipunan at pangkalusugan. Nilalabag nito ang
karapatan ng tao na mabuhay, magkaroon ng
dignidad at kapanatagan

Mayroong mga kampanya upang mahinto ang


karahasan at pang-aabuso gaya na lamang ng 18-
Day Campaign to End VAW, na ngayon ay nasa
ikaapat na taon na at para sa taong ito ang kanilang -
tema ay VAW-free Community Starts with Me

Sa bisa ng Republic Act 10398 (2013) dineklara ang


Nobyembre Nobyembre 25 ng bawat taon bilang
Pambansang Araw ng Kamalayan para sa Pag-aalis
ng Karahasan Laban sa mga Babae at mga Bata
bilang pagsuporta rin sa Pandaigdigang Kampanya
upang Matapos ang VAWLayunin

Kung mapapansin niyo ang mga kulay na ginamit ko


ay dalandan o orange. Ito ay sa kadahilanang ito ay
upang makiisa sa kanilang Orange Your Icon for 18
days na nagsimula noong Nobyembre 25,2018.

At bilang pakikiisa sa kampanyang ito mayroon


tayong pangkatang gawain

PAGLALAPAT

PANGKATANG GAWAIN

Bumuo ng apat na grupo. Sila ay magbe”brainstorm”


sa loob ng 3 minuto. Upang makabuo ng isang
human stand. Ang bawat grupo ay magpapakita ng
human stand na nagpapakita ng pagtuligsa sa Pang-
aabuso o karahasan sa mga Kababaihan at bata.
Gamit ang mga kagamitan sa kahon, pumili ng isa na
gagamitin sa inyong human stand.

Matapos, ay magkakaroon ang bawat grupo ng 2


minuto upang ipaliwanag ang kanilang mensahe ng
kanilang human stand. Maaari ring maging masining
ang bawat presentasyon

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Manila

Pangwakas na Gawain

Gamit ang mga sticky notes, gumawa ng isang hashtag bilang pakikiisa laban sa pang-aabuso at ipost ito sa
whiteboard.

Rizza R. Cabrera
CTP 7-1

You might also like