You are on page 1of 5

GABAY

CATCH-UP FRIDAYS
SA PAGTUTURO
I. Pangkalahatang Nilalaman
Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7
Saklaw ng
Integrasyon Health Peace Education
Values Education
Education

▪ Good
Stewardship/
Global and National
Temang Importance of
Awareness/Sexual and Sub-Tema
Pangkwarter informed choices
Reproductive Health
and responsible
sexual behaviors
II. Mga Detalye ng Sesyon
Pamagat ng
Mga Napapanahong Isyu at Tamang Pananaw Ukol sa Sekswalidad
Aralin
Target na Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa
Kasanayang sekswalidad (EsP8IP-IVa-13.2)
Pampagkatuto
Layunin a. Nakikilala ang iba’t ibang isyu tungkol sa sekswalidad.
b. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa
sekswalidad.

Susing a. Hikayatin ang bawat isa na magkaroon ng positibong pagtingin sa


Konsepto sa sekswalidad na nagtataguyod at gumagalang sa pagkakaiba-iba upang
Integrasyon makapag-ambag sa transpormatibong lipunan
III. Pamamaraan sa Pagpapadaloy

Laang-
Bahagi Mga Gawain at Proseso
oras
Kritiko ka Ngayon!
Basahin ang teksto sa paraan kung paano ito lumalabas sa
mga telebisyon.

Pagganyak 5 mins ESP8-Q4-MOD46

Pamprosesong tanong:
1. Para kanino ang mga ganitong paalala?
2. Ano-anong mga uri ng palabas hindi maaring
panoorin kung may rated SPG?
3. Bakit mahalaga ang mga paalalang ito, lalo na sa
mga palabas na may hindi angkop na tema?
4. Bilang kabataan, paano makakatulong sa iyo ang
mga paalalang katulad nito na may kinalaman sa
mga napapanahong isyu sa lipunan?

Isinulat ni Krisha Anne M. Soriano, BLD-TLD Page 1 of 5


GABAY
CATCH-UP FRIDAYS
SA PAGTUTURO
Pagtuklas sa 20 mins Hulaan Mo!
Konsepto/
Paglinang ng Pasagutan ang gawain sa sagutang papel.
Kasanayan

Talakayin:

Ang sekswalidad ay may malawak na saklaw. Kaugnay nito


ang pagkakaroon ng pag-unawa sa damdamin at atraksiyon
ng tao sa kapwa. Ang pag-unawa sa sekswalidad ay
nakatutulong sa paghahanap ng asagutan tungo sa
pagtamo ng ganap na pagkatao. Ilan sa mga isyung
pansekswalidad ay ang sumusunod:
▪ Pornograpiya o malalaswang babasahin at palabas
▪ Pre-marital sex
▪ Teenage Pregnancy
▪ Aborsyon
▪ Sexually Transmitted Diseases (STDs)
▪ Oryentasyong Sekswal
▪ Gender Identity
▪ Body Shaming
▪ Pambubulas o bullying at cyberbullying
▪ SOGIE Bill (Sexual Orientation and Gender Identity
Expression Equality Bill)
Hello, Mr. DJ!

Pumili ng mga volunteers mula sa klase na magsisilbing


mga radio DJ. Bigyan sila ng ng mga love notes na may
kinalaman sa mga isyu ng seksuwalidad. Ang bawat isa ay
magbibigay ng payo sa harap ng klase batay sa mga love
notes na natanggap. Bigyang-diin na ang kahalagahan ng
pagbibigay ng tamang payo at pananaw sa mga isyu.

Mga Love Notes:

Isinulat ni Krisha Anne M. Soriano, BLD-TLD Page 2 of 5


GABAY
CATCH-UP FRIDAYS
SA PAGTUTURO
1. Anong masasabi mo sa mga magkasintahang sobrang
PDA na kahit ang dami daming tao sa paligid. Anong
say mo dito?
2. Inaasar po ako ng mga classmates ko na “ako na lang
ang natitirang walang jowa sa mundo”. Hindi na raw
uso to. Ayokong maleft-out. Anong dapat kong gawin?
3. My girlfriend and I are grade 8 students. Kahapon
nagpunta kami sa doctor at napag-alaman namin na
2 months pregnant na pala ang girlfriend ko. Anong
gagawin namin? Please help.
4. Simula ng sinagot ko si Ryan, bumaba lahat ng
grades ko. I can’t concentrate kasi eh- he is always in
my mind. Tell me what to do.
5. Ang problema ko ay galit nanaman kami ng girlfriend
ko because she wants me to visit her in their home.
Bakit ganoon eh, niligawan ko at pinasagot ko lang
naman siya sa phone tapos pinapapunta pa niya ako
sa bahay nila. Bad trip talaga!!!
6. I have a big crush on my classmate, Amanda.
Gustong gusto ko siyang ligawan pero kinakabahan
ako. Sa palagay mo, anu-ano ba ang qualities na
hinahanap ng babae sa isang lalaking tulad ko?
7. Ngayong Saturday, meron akong big date. Sa totoo
lang, ito ang first time kong makipagdate sa babaeng
gusto ko. Can you recommend me places kung saan
ko siya pwedeng dalhin?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naramdaman mo habang nagbibigay kayo ng
payo? mga tagapakinig?
2. Ang mga naging payo ba ng mga kamag-aral mo ay
naging katanggap-tanggap? Bakit oo? Bakit hindi?
3. Saan patungkol ang mga love notes o problema sa
ating gawain?
4. Bakit mahalaga ang tamang pananaw sa mga isyung
ito?

Pagpapahalaga 10 mins Suri-Teksto

Ipabasa at ipaunawang mabuti sa mga mag-aaral ang


teksto.

Ang Kuwento Ni Miguel

Sa isang mababang paaralan sa lungsod ng Maynila, may


isang mag-aaral na nagngangalang Miguel. Si Miguel ay
kinikilalang isang masigasig na lider sa kanilang paaralan.

Sa isang araw, habang naglalakad si Miguel sa papunta sa


canteen, napansin niya ang maingay na pag-uusap mula sa

Isinulat ni Krisha Anne M. Soriano, BLD-TLD Page 3 of 5


GABAY
CATCH-UP FRIDAYS
SA PAGTUTURO
isang silid. Narinig niyang pinaguusapan sa silid ang
maagang pagbubuntis ng kanilang kaklase. Nasaksihan
niya kung paano pagtawanan, husgahan, at
pinagpaplanuhang ikalat ang balita sa buong paaralan.

Hindi napigilan ni Miguel ang kanyang sarili na lumapit at


makipag-usap sa kanila. Dala ang kanyang kaalaman at
respeto sa paksa, sinabi niya sa kanila na ang pagtawag at
pangungutya sa kanilang kapwa ay hindi tamang gawain.
Binigyan niya sila ng tamang kaalaman at unawa hinggil sa
sitwasyon ng kanilang kaklase na nabuntis ng maaga.
Ipinakita niya ang kahalagahan ng pagiging maingat at
mapagkumbaba sa pag-uusap tungkol sa sekswalidad, at
ipinahayag niya ang suporta sa kanilang kapwa estudyante.

Ang pagtugon ni Miguel ay nagdulot ng positibong


pagbabago sa mga estudyante. Nabigyan niya ng pag-asa
ang kanilang kaklase na maagang nabuntis na patuloy na
magsikap at huwag mawalan ng pag-asa sa pag-aaral.
Nahikayat niya rin ang ibang mga estudyante na maging
mas responsable at maingat sa kanilang mga desisyon, lalo
na sa usapin ng sekswalidad. Dahil dito, nabago ang
kanilang pananaw mula sa pagiging mapanghusga tungkol
sa pre-marital sex patungo sa isang mas maayos at
makabuluhan na pag-unawa.

Dahil sa naging hakbang ni Miguel, nagsimula ang isang


mas malalim at bukas na pag-uusap tungkol sa mga isyu
ng pre-marital sex sa kanilang paaralan. Siya ay naging
ehemplo ng tamang pagtugon at nagbigay inspirasyon sa
iba na maging mas proactive at maingat sa pagtanggap ng
impormasyon. Ang kanyang pagiging lider ay nagdala ng
pagbabago sa komunidad ng paaralan, kung saan mas
pinahahalagahan at nirerespeto ang karapatan at dignidad
ng bawat isa.

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang kuwento?
2. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
3. Anong isyung pansekswalidad ang inilalarawan sa
teksto?
4. Ano ang aral o mensaheng nais ipaabot ng may-akda
sa mambabasa?
5. Paano nagsilbing ehemplo ng good stewardship at
responsableng pamumuno ang pangunahing tauhan
sa isyung inilarawan?
6. Paano naiugnay ng mga karakter sa kuwento ang
kanilang mga gawa at desisyon sa mas malawak na
konsepto ng pagiging good steward?

Isinulat ni Krisha Anne M. Soriano, BLD-TLD Page 4 of 5


GABAY
CATCH-UP FRIDAYS
SA PAGTUTURO
Exit Ticket

Bigyan ang bawat mag-aaral ng kopya ng exit ticket.


Ipasagot ang mga tanong sa ticket.

Replektibong
10 mins
Pagtatala

Gabay na tanong:
 Bakit mahalaga ang tamang pananaw sa
sekswalidad?

Inihanda Ni: Recommending Approval:

Krisha Anne M. Soriano CECILIA S. ESTILO


Senior Education Program Specialist MT II/ JHS Academic Head
Teaching and Learning Division
Bureau of Learning Delivery

Iniangkop Ni: Approved by:

ELLEN B. MACHOCA CHONALYN C. DOCTORA. Ed.D


Teacher III Principal II
A.O. Floirendo National High School

Isinulat ni Krisha Anne M. Soriano, BLD-TLD Page 5 of 5

You might also like