You are on page 1of 130

Handa na ba kayong sumama

sa akin sa mundo ng pag-


aaral? Patuloy na makiisa,
palawakin ang inyong
kaalaman,
palaguin ang inyong sarili at
magkasama nating gawing
mainstream ang pagsulong sa
edukasyon.
Halina’t magsimula tayo ng bagong
pakikipagsapalaran - sa kasiyahan
para sa karunugnan sa EsPinasaya,
EsPinalawak, EsPinabuti para
maabot ang EsPinapangarap!
Dito ‘yan sa Edukasyon sa
Pagpapakatao-EsP-dahil-
Espesyal kayo sa puso ko!
Natalakay natin sa ating
nakaraang aralin, ang tungkol sa
“sekswalidad ng Tao”, mula sa
inyong Learning Materials,
Modyul 13.
Naalala n’yo pa ba ang mga ito?
Bilang pagbabalik-tanaw,
naghanda ako ng inyong
sasagutan. Isulat lamang ang letra
ng tamang sagot sa iyong papel.
Bibigyan ko kayo ng
limang Segundo upang
sumagot.
Handa na ba kayo? Kung ganun,
ano pang hinihintay n’yo?
Simula na natin!
1. Ito ay behikulo ng pagiging
ganap na tao- babae o lalaki na
ninanais mong maging.
Itinuturing din itong biyaya ng
diyos dahil sa katangian nitong
tunay na pagmamahal at
nagbibigay-buhay sa konteksto
ng matrimonya ng kasal.
A. Celibacy
B. Pedophile
C. Sekswalidad
D. Pre-Marital Sex
Kung ang iyong isinagot ay

letrang C, ito ay tama.


2. Ito ay mahahalay na
paglalarawan (babasahin,
larawan o palabas) na layuning
pukawin ang sekswal na
pagnanasa ng nanonood
o nagbabasa na nagbibigay ng
masamang epekto sa kalusugan
ng isipan lalong-lalo na sa
kabataan.
A. Puppy Love
B. Pornography
C. Teenage Pregnancy
D. Sex Drive o Libido
Kung ang iyong isinagot ay

letrang B, ito ay tama.


3. Alin sa mga sumusunod ang

paraan na nagpapanatili sa

sekswal na integridad?
A. Panonood ng pornograpiya
B. Ang mga kilos at salita ay
hindi iniingatan
C. Bumuo ng pakikipagkaibigan
D. Pumili ng disenteng bagay na
maaaring gawin na may kasama
Ang tamang sagot ay letrang D.
4. Ayon sa babasahin na pro-life
Philippines, ano ang katangian ng
isang responsableng babae?
A. “Hindi ako magiging mapili para
B. “Ilalaan ko ang aking puri at
damdamin sa aking boyfriend.”
C. “Ang aking katawan ay
templo ng Diyos at hindi isang
D. “Ang pagkabirhen ay isang
hindi kanais-nais na katangian
ng isang teenager.”
Ang tamang sagot ay
letrang C.
5. Ano ang katangian ng isang
tunay na nagmamahal?
A. Ang pagmamahal ay
pagiging makasarili.
B. Ang pagmamahal ay hindi
naghihintay at hindi mapagpasensiya.
C. Ang pagmamahal ay nasusukat sa
pamamagitan ng damdamin o
emosyon.
D. Ang pagmamahal ay isang

birtud at isinasakilos upang

mapabuti ang minamahal.


Ang tamang sagot ay

letrang D.
Kumusta ang resulta ng ating
pagbabalik-aral? Inaasahan ko
na hindi nyo kalilimutan ang
ating aralin tungkol sa
seksuwalidad
at ang tunay nitong kahulugan.
Palaging tandaan na ang
pagmamahal ay patuloy na
bumubukal mula sa Diyos sa
tulong ng kanyang grasya.
Ngayon naman, Samahan mo
ako sa ating bagong talakayan
tungkol sa pambubulas o
bullying.
Sa ating aralin ay inaasahang:
Naipaliliwanag na:
a. ang pag-iwas sa anumang uri ng
karahasan sa paaralan (tulad ng
pagsali sa fraternity at gang
at pambubulas) at ang aktibong
pakikisangkot upang masupil ito
ay patunay ng pagmamahal sa
kapwa at sarili at paggalang sa
buhay.
Ang pagmamahal na ito sa kapwa ay
may kaakibat na katarungan- ang
pagbibigay sa kapwa ng nararapat
sa kanya (ang kanyang dignidad
bilang tao).
b. may tungkulin ang tao
kaugnay sa buhay – ang ingatan
ang kanyang sarili at umiwas sa
kamatayan
o sitwasyong maglalagay sa kanya
sa panganib. Kung minamahal niya
ang kanyang kapwa tulad ng sarili,
iingatan din niya ang buhay nito
(EsP8IPIVD-14.3)
Ano nga ba ang
pambubulas o
bullying?
Ang pambubulas o bullying ay
isang sinasadya at madalas na
malisyosong pagtatangka ng
isang tao o pangkat na saktan
ang katawan o isipan ng isa o
mahigit pang biktima sa
paaralan.
Ito ay nagaganap dahil sa
hindi pantay na
kapangyarihan o lakas sa
pagitan ng mga tao.
Ang mga batang nambubulas ay
ginagamit ang kaniyang kapangyarihan
na nakahihigit sa kaniyang binubulas –
pisikal na lakas, pagkakaroon ng
kaalaman sa mga nakahihiyang
impormasyon
tungkol sa binubulas o kaya
naman ay popularidad Upang
kontrolin o magdulot ng
panganib sa kapwa.
May apat na uri ng pambubulas
UNA
Pisikal na Pambubulas

Ang uri ng pambubulas na ito ay


ginagawa sa pamamagitan ng
pananakit sa katawan.
Ito na marahil ang
pinakamarahas na uri sapagkat
nakapaloob dito ang
panununtok at pambubugbog.
Kasama na rin ang paninira,

pagnanakaw ng mga gamit ng

biktima at pagpapakita ng hindi

magagandang senyas ng kamay.


IKALAWA
Pasalitang Pambubulas
Ang pasalitang paraan ng
pambubulas ay mailalarawan sa
pamamagitan ng paggamit ng
masasakit na pananalita.
Ilang halimbawa ay ang
panunukso, panunuya,
pambabansag, pagtsitsismis,
pagbabanta, pamimilit,
pangingikil at panlilibak ng lahi,
relihiyon at pagkatao. Sa nabanggit
na pag-aaral ng Plan Philippines,
ang pangungutya at panunukso ang
pinakapangunahin sa nararanasan
ng mga mag-aaral sa paaralan.
Kahit sa maagang yugto ng pag-
aaral ng mga bata sa paaralan
ay nararanasan na nila ang
kutyain at tuksuin bunga ng iba-
ibang kadahilanan.
50% sa mga mag-aaral na nasa una
hanggang ikatlong baitang, 67% sa
ikaapat hanggang ika-anim ba
baitang at 65% sa mga nasa high
school ang mayroong ganitong
Hindi ito marahas ngunit
nakaaalarma ang maaaring
maidulot nito sa mga batang
madalas nakararanas nito.
IKATLO
Sosyal, Relasyonal o
Panlipunang Pambubulas
Ito ay may layuning sirain ang
reputasyon at ang pakikipag-
ugnayan sa ibang tao.
Kasama rito ang hindi
pagtanggap sa isang tao o
sadyang pang-iiwan sa kanya sa
maraming pagkakataon,
panghihikayat sa ibang mag-
aaral na huwag makipagkaibigan
sa isang partikular na indibidwal
o pangkat, pagkakalat ng
tsismis,
pagbibintang sa harap ng
maraming tao at pagpapahiya sa
isang tao sa gitna ng nakararami
at iba pa.
IKAAPAT
Cyber o Electronic na
Pambubulas
Ito ay pambubulas sa
pamamagitan ng paggamit ng
mga makabagong teknolohiya
at media tulad ng internet,
media tulad ng internet, e-mail, text

messaging, video gaming, chat rooms

o websites ay nagagawang takutin,

saktan, ipahiya at siraan ang kapwa.


Laganap at sadyang
mapaminsala ang ganitong uri
ng bullying. Tulad nalang ng
ating nababalitaan, sa sobrang
kahihiyan
at pagdurusa dahil sa paninira
sa kanilang pagkatao ay
nagagawa ng ibang biktima ang
magpakamatay. Kaya dapat,
Think, Before You Click”.
Ang profile ng mga karakter sa

pambubulas.
May dalawang Karakter sa

Pambubulas Ito ay “ang

nambubulas at binubulas”.
Ano nga ba ang karater ng
nambubulas?
Ayon sa isinagawang pag-aaral
ni Karin E. Tusinski (2008),
ang dahilan ng pambubulas ng isang
tao ay maaring nakaugat sa
pamamaraan ng pagpapalaki ng
kaniyang mga magulang. Sabi niya sa
kaniyang pag-aaral, ang isang bata na
1. Mas malamang na napalaki ng

isang pamilyang napabayaan na

gawin ang lahat ng kaniyang

gustong gawin.
- hindi na nasusubaybayan ng
mga magulang ang mga ikinikilos
ng kanilang mga anak kaya’t
walang nagsasabi kung ang mga
gawain nila ay tama o mali.
Hindi napaaalalahanan lalo na

sa mga hindi tamang nagagawa.


2. Hindi naramdaman sa
kaniyang pamilya ang
pagmamahal
- dahil sa sobrang abala ng mga
magulang sa trabaho,
hindi na nakakasalo sa hapag-
kainan, kung kaya humahanap na
lamang ng atensiyon sa ibang
paraan tulad ng pambubulas
upang siya ay mapansin.
3. Hindi napalago ang
komunikasyon at ugnayan sa
loob ng pamilya
- ang bawat anak ay
na sabihin ang kanilang saloobin
dahil walang pagkakataong sila
ay magkaroon ng heart-to-heart
talk dahil palaging abala sa pang-
araw-araw na trabaho.
4. Ginamitan ng pananakit bilang
pagdisiplina
- may mga pagkakataon na ang
mga magulang ay dinidisiplina
ang anak
sa pamamagitan ng pamamalo,
paglapingot, at pananampal.
Ngunit sa pagkakataong ito ay
sumobra ay hindi na rin nagiging
kaaya-aya ang epekto nito sa anak.
Ang pagiging marahas ng magulang
ay magdudulot ng pagkakaroon ng
damdamin ng poot sa kapwa at
malaon ay makaramdam ng
kasiyahan sa pananakit sa iba.
Ano naman ang karakter ng

isang binubulas?
Narito ang ilan lamang sa mga
posibleng dahilan:
1. Kaibahang pisikal (physical
different). Ang mga halimbawa nito ay
ang maaaring pagkakaroon ng
masyadong mataba o payat,
mahina o astigin, masyadong
matangkad o bansot, at iba pa.
2. Kakaibang istilo ng pananamit

(dress up differently)
Halimbawa, kung ikaw ay babae,
maaaring magiging target ka nila kung
masyadong maiksi o bulgar ka sa
iyong pananamit, o di kaya ay
masyado naming mahaba o balot ang
katawan o konserbatibo ka kung
3. Oryentasyong sekswal (sexual
orientation). Lapitin ka ng mga
mambubulas kung nakikitaan ka nila
ng pagiging mahina bilang isang
lalaki o di kaya sa pagiging astigin
4. Madaling mapikon (short-
tempered). Matutuwa ang isang
nambubulas kung makikitang
kagyat ang galit na ipakikita kapag
tinutukso o kinukutya.
Alam nilang nakaaapekto ang
kanilang ginagawa kung kaya
matutuwa silang ito ay ulit-
uliting gawin.
5. Balisa at di panatag sa sarili
(anxious and insecure). Ang kawalan
ng seguridad sa sarili ay isang
palatandaan ng kahinaan. Madali
itong nakikita ng mga nambubulas.
6. Mababa ang tingin sa sarili (low

self-esteem). Maging ang kawalan

ng tiwala ay isang
na magiging madali para sa
isang mambubulas na maipakita
ang kaniyang nakahihigit na
kapangyarihan.
Mas tumataas ang tiwala nila sa
kanilang sarili kung nakikita
nilang walang kakayahan ang
kanilang binubulas na ipakita ang
kaniyang kakayahan at kalakasan.
7. Tahimik at lumalayo sa

nakararami (quiet and

withdrawn).
8. Wala kang Kakayahang

Ipagtanggol ang Sarili (Inability

to Defend Oneself) Laban sa


Ayon nga kay Michael Diamond,
Direktor ng Plan Philippines,
“nakababahala ang palaki nang
palaking bilang ng mga nabibiktima
ng pambubulas
dahil ang mga biktima nito ay
mayroong posibilidad na makalinang
ng pagiging mailap at ng takot na
makaaapekto sa pamamaraan ng
kanilang pakikipag-ugnayan sa
makahahadlang sa kanilang
pakikilahok sa paaralan at
makapagpapababa ng kanilang
marka sa pag-aaral”.
Mas higit pa rito, maaari itong
magdulot ng takot sa pagharap
ng mga bata sa lipunan.
Magdudulot ito ng madalas na
pagliban
sa klase na malaon ay
magbubunga ng paghinto sa
pag-aaral at pag-ayaw na muli
pang bumalik sa paaralan.
Narito naman ang mga Epekto

ng Pambubulas:
1. Ang biktima ng pambubulas
ay madalas na kakaunti ang
kaibigan o maaring walang
kaibigan.
Dahil sa kanilang labis na pagiging
balisa at sa kanilang mababang
pagtingin sa kanilang sarili,
masyadong mahirap para sa kanila
ang humanap at magkaroon ng
Maaari itong magdulot ng pag-iisa
at pagiging malayo sa nakararami
at magkakaroon sila ng paniniwala
na hindi sila karapat-dapat na
magkaroon ng kaibigan.
Bukod pa rito, ayaw ding
makipagkaibigan ng ibang mga mag-
aaral sa mga biktima ng pambubulas
dahil sa takot na maging sila ay
maging biktima rin at hindi rin sila
kapag nakitang sila ay
nakikihalubilo sa mga
binubulas.
2. Isa pa sa posibleng epekto sa
biktima ng pambubulas ay ang
posibilidad na sila mismo ay
maging marahas,
maaaring sa panahon ng
pambubulas o sa hinaharap.
Ang karahasan na ito ay maaari
nilang gawin sa taong
nambubulas sa kanila.
Maaaring makagawa sila ng mas
marahas na bagay lalo pa at laging
labis ang sakit na kanilang naranasan
mula sa mga nambubulas. Sila ay
napipilitang gumanti at makapanakit.
3. May mga pag-aaral na
makapagpapatunay na ang mga
biktima ng pambubulas ay may
posibilidad na magkaroon ng labis
na pagkabalisa,
kalungkutan, suliranin sa
pagtulog (sleep difficulties),
mababang tiwala sa sarili,
maging sakit ng ulo at tiyan at
pangkalahatang tensiyon
kumpara sa mga kabataan na
hindi nagiging biktima ng
pambubulas. Ang pambubulas
na ito ay magdudulot ng stress
sa biktima
na malaon ay magdudulot ng
mahinang pangangatawan laban
sa sakit at impeksyon kung kaya
mas marami sa nakararanas ng
ganito ay nagiging sakitin.
4. Ang pinakamalala ay ang

pagpapakamatay dulot ng

depresyon dahil sa pambubulas.


Kung inaakala ng marami na ang

pambubulas ay tanging sa

binubulas lamang nakaaapekto,


ito ay isang pagkakamali. Maging ang
pambubulas ay mayroon ding epekto
sa taong gumagawa nito. Mayroong
panandalian at pangmatagalang
epekto ang kanilang gawing
1. Sila ay mas malamang na
masangkot sa mga mapanganib
na gawain bilang bata at maging
sa kanilang pagtanda.
2. Sa kanilang kabataan, mas
mataas ang posibilidad na sila ay
masangkot sa pagnanakaw,
magsimulang makasama sa mga
pisikal na away,
masaktan sa pakikipag-away,
lumiban sa klase, magdala ng mga
armas upang magdulot ng takot sa
ibang mag-aaral, gumamit ng
alcohol at droga at marami pang iba.
3. Maaari silang magsimulang
magkaroon ng di-kanais-nais na
asal sa pakikipag-ugnayan sa
kapwa, di-katanggap-tanggap na
kakayahan sa pakikipagkapwa,
at maaaring masangkot pa sa mas
maraming gulo sa hinaharap.
Ano ang mangyayari kung hindi
matutulungan ang isang
mambubulas na tumigil sa
ganitong mga gawin?
Lalala ang di kanais-nais na
pakikipag-ugnayan sa kapwa at
maaaring humantong ito sa isang
trahedya sa kanilang buhay. Hindi ito
normal sa yugto ng
Hindi kailanman maaaring hayaan
ang patuloy na ganitong
pangyayari dahil lamang inaakala
ng marami na bahagi ito ng
kanilang pagbabago at paglago.
Kaya ngayon, ikaw na mag-aaral,
kaibigan, kapatid, kamag-anak, ano
ang maaari mong gawin upang
maiwasan o mahinto ang bullying?
Narito ang ilan sa mga dapat mong
1. Maging matapang at

magkaroon ng positibong

pananaw tungkol sa iyong sarili.


2. Sumama sa mga kaibigan o
grupo ng mga tao na
magbibigay sa’yo ng
pakiramdam na ikaw ay ligtas sa
bullying.
3. Huwag pansinin ang bully.

4. Huwag gumanti sa pamamagitan

din ng bullying.
5. Ipaalam sa matatanda ang pambu-
bully na iyong nararanasan.
6. Iwaksi sa isipan na ang bullying ay
normal na bahagi ng buhay na dapat
pagdaanan ng kabataang tulad mo.
7. Ang lahat ng pagsisikap na
malutas ang isyu ng bullying ay
nangangailangan ng
pagtutulungan ng paaralan,
pamilya at pamayanan.
Nilagdaan ni Pangulong Benigno
Aquino III ang isang batas na
nagbabawal sa bullying sa mga
paaralan sa buong bansa.
Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang batas na nagbabawal sa bullying sa mga paaralan sa buong

bansa. Sa ilalim ng nasabing batas, ang lahat ng paaralan sa elementarya at sekondarya ay kinakailangang gumawa

ng mga polisiya laban sa bullying sa kani-kanilang institusyon. Kabilang sa polisiya ay ang pagbabawal sa bullying sa

loob ng mga paaralan at kahit sa mga school-related activities. Ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa

bullying.

You might also like