You are on page 1of 1

Hindi ba kayo napapagod sa paulit-ulit na pangugutya?

Sino ba kayo upang saktan ang kapwa


estudyante?Pare-pareho lang tayong nagkakamali at hindi perpekto. Kahit ikaw ay may perpektong
mukha,katawan at pamilya hindi ka pa rinmatatawag na perpektong tao. Tayong lahat ay nagkakamali
kahit na tayo ay matalino, mayaman, o kaya naman ay maganda nakakagawa pa rin tayo ng mga
masasamang bagay at pagkakamali. Alam nating lahat ang ibig sabihn ng bullying ito ay isang uri ng pag
aabuso na maaring makasakit ng ibang tao.

Dapat tayong magkaroon ng kaalaman tungkol sa pambubully upang maiwasan ang masasamang
gawaing ito at para nadin malaman natin ang mga nararamdaman ng mga nabubully. Ang ibang
nakakaranas ng bullying ay kadalasang nagpapakamatay dahil sa hind na nila kaya sobra-sobrang
pananakiy.Ngunit hindi lang ang biktima ang nasasakan pati nadin ang mga tang nagmamahal sa kanya.
Alam natin masakit ang mawalan ng taong minamahal natin at paano na kaya ang mga magulang nila
hindi ba’t mas doble ang sakit para sa kanila?

Ang paaralan ang pangalawang tirahan ng mga mag-aaral. Isang katotohanan na nagaganap sa labas at
loob ng paaralan na ang mga mag-aaral ay nakakaranas ng pang-aabuso, pangungutya at panunukso.
Ayon sa isang pag-aaral tungkol sa pakiramdam ng mga biktima ng bullying sa mga grade 6 student 30%
ang galit, 18% ay malungkot, 17% ang gusting umiyak, 11% ang nahihiya, 10% masama ang damdamin at
8% ang wala lang. Maaaring ang isang tao ay nabubully dahil sa kasarian, uri, pinanggagalingan, at
relihiyon. Ayon sa batas, ang pambubully ay manghahalugan ng kahit anong paraan ng pangigipit na
ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa pisikal man, berbal o mental na nagreresulta sa kawalang
gana o takot ng pumasko o kaya naman ay titigil sa pag-aaral upang maiwasan ang sitwasyong
nakakasakit ng damdamin.

Kaya naman sa tulong ng DepEd Child Protection Policy nakasaad ang mga proteksyon n nararapat ibgay
sa mga mag-aaralna nakakaranas ng Violence, Exploitation, Discrimination at Bullying. Kaya naman ang
hakbang na nais naming maipatupad ay ang magkaroon ng kumpyansa sa sarili. Ang mga karaniwang
nabubully an gang may mahina at walang tiwala sa sarili. Silang mahihina ang sarili, mahiyain at mababa
ang tingin sa sarili ang kadalasang nagiging biktima ng pangbubulyas kaya namn bakit hindi mo subukang
palakasin ang kumpyansa sa sarili.

Maraming biktima ang bullying at panahon na para masolusyonanan ito. Gaya ng aking sinab palakasin
ang sarili. Tayo ay dapat na maging malakas upang ang bullying ay matigil na. may malaking posibilidad
na kung ikaw ay magiging malakas maiiwasan moa ng bullying o kaya naman ay hindi ka na maging
biktima ng pangbubulyas. Kung ikaw ay magagalit sa mga nangbubully mas lalo silang magkakaroon ng
gana dahil mayroon silang epekto sayo.

Kung ang pagpapalakas ng kumpansya sa sarili ay hindi epektibo para sayo pwede mong subukang
makipagusap sa ibang tao na may awtoridad tingkol sa iyong nararamdaman. Sabi nga nila mas
nakakagaan sa puso ang pagsabi ng iyong mga nararamdaman. Maari mong kausapin ang iyong mga
guro, magulang o guidance counselor.

You might also like