You are on page 1of 2

Date: December 13, 2016

Day: Tuesday

Araling Panlipunan IV
SECTION
RUBY
I.

Layunin

II.

III.

TIME
1:30-2:10

Natutukoy ang mg ahensiyang may kaugnayan sa kalusugan


Naiisa-isa ang mga programang pangkalusugan
Napahahalagahan ang mga programang pangkalusugan

Paksang Aralin
Paksa: Mga Programang Panglusugan
Kagamitan: Tsart, Larawan
Saggunian: LM pp. 273-278, TG pp. 125-126, CG AP4AB-IIIf-g-6
Pamamaraan
A. Panimula:
a. Pagganyak
Ang mga magulang nyo ba ay miyembro ng PhilHealth? Anoano ang mga benepisyong makukuha mula rito?
B. Paglinang
a. Paglalahad
Ang lakas-tao ay isang napakahalagang bahagi ng lipunan. Nakasalalay sa
tao ang pagbubuo ng desisyon para sa pang-araw-araw na kahihinatnan
ng kaniyang buhay at
maging ng lipunang kaniyang ginagalawan. Kaya naman mahalagang
malusog ang kaniyang pangangatawan upang malusog din ang kaniyang
pag-iisip. Ito ay isinasaalang-alang ng pamahalaan upang lubos na
mapakinabangan ang mamamayan at maging katuwang ito sa pagbubuo
ng tamang pasiya at pagsasagawa ng wastong pagkilos para sa maayos
na pamamalakad at kalagayan ng bansa.
Iba-iba ang mga programang pangkalusugan ng pamaha-laan. May
mga programa para sa mga bata, kabataan, kababaihan, at para sa lahat.
Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pambansang ahensiyang naatasan ng
pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan. Ilan sa
malalaking programa ng kagawaran ang National Health Insurance
Program (NHIP), Complete Treatment Pack, pagbabakuna, programa sa
mga ina at kababaihan, at programa laban sa mga sakit.

b. Pagtalakay
Ano ang kalusugan?
Sino-sino ang kadalasang nagsasagawa ng mga programang
pangkalusugan?
Paano sila nakatutulong sa suliraning pangkalusugan?

Date: December 13, 2016


Day: Tuesday

Ano ang maaaring mangyari kung wala ang mga taong


nagsasagawa nito?
Bilang mag-aaral, paano ka magiging kabalikat sa ganitong uri
ng gawain?
Paano mo magagamit sa iyong pang araw-araw na
pamumuhay ang kahalagahan ng kalusugan?
c. Pagpapalalim ng Kaalaman
Gabayan ang mga bata sa talakayan.
Ano ang ibig sabihin ng salitang kalusugan?
Sino-sino ang kadalasang nagsasagawa ng mga programang
pangkalususgan?

d. Paglalahat
Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pangunahing ahensiya ng
pamahalaan na namamahala sa mga serbisyong pangkalusugan
para sa mga mamamayan. Ilan sa mga serbisyong pangkalusugan
ng pamahalaan ang pagbabakuna, pagbibigay ng libreng gamot,
libreng pagpapaospital, at benepisyo ng Philhealth. Maaaring
pumunta sa mga sentrong pangkalusugan (health center) sa inyong
pamayanan para sa mga pangangailangang medikal.
IV.

Pagtataya
1. Ano ang kalusugan?
2. Paano mo pangangalagaan ang iyong kalusugan?
3. Ano ang mga paglilingkod na pangkalusugan ng pama-halaan?
Magbigay ng tatlo.
4. Ano-anong ahensiya o sentrong pangkalusugan ang maaaring puntahan
ng mamamayan upang magpatingin o magpagamot?
5. Ano ang benepisyong makukuha mula sa National Health Insurance
Program ng Kagawaran ng Kalusugan?

V.

Takdang Gawain
Magtanong sa magulang o kasamang nakatatanda kung sila
ay kaanib sa programang pangkalusugan. Isulat ito sa
kwaderno.

You might also like