You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
LABAS ELEMENTARY S C H O O L
Olympia Subd. Labas, Santa Rosa City

Lesson Plan in Araling Panlipunan 3

Name of Teacher: Analiza R. Pugal


Date & Time: March 6, 2019 / 11:35-12:15 A.M.
Subject: Araling Panlipunan
Grade & Section: III-Torricelli
Quarter: Fourth Quarter
I. LAYUNIN
Naibabahagi at naipapakita ang aktibong pakikilahok sa
A. Pamantayang Pangnilalaman paraan ng pagpili ng
mga namumuno sa ating lungsod
Natutukoy ang paraan ng pagpili ng mga namumuno sa
B. Pamantayan sa Pagganap
lungsod
Natatalakay ang mga paraan ng pagpipili ng pinuno sa
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
lungsod
( Isulat ang code sa bawat kasanayan)
AP3EA-IVF-12
II. NILALAMAN Paraan ng Pagpili ng Pinuno sa Lungsod
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo pp.221-224
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-Aaral Pp 441-448
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng
Larawan mula sa internet
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo tsart,plaskard,projector at laptop,activity sheets
IV. PAMAMARAAN
A. Balik –Aral sa nakaraang Aralin o pasimula sa
Pagbabalik tanaw sa nakaraang SPG Election sa paaralan
bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ang halalan ay paraan natin ng pagpili sa mga
naglilingkod sa ating pamayanan,lalawigan,lungsod bayan
o barangay. Ang Commission on Elections ang ahensiyang
nangangasiwa dito.Sa pinakamalapit na paaralan
ginaganap ang botohan kung saan nasasakop ang inyong
barangay.At mga guro ang naglilingkod sa araw ng botohan
at bilangan.
Pagpapakita ng mga larawan at pangalan na
namumuno sa ating lungsod.
Pag-aralan natin kung paano naihalal ang namumuno sa
ating lungsod.
C. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin -Paglalahad ng guro ng mga paraan ng pagpipili ng pinuno
sa ating lungsod.
- Ipapaliwanag sa mga bata ang mga karapat-dapat gawin
o mabuting kaugalian kung sakaling tatakbo bilang isang
politiko at bilang mamamayan sa panahon ng halalan.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng “Gupit at Dikit”
bagong kasanayan No. 2 Bubunot ang guro sa loob ng fishbowl ng 5 pangalan ng
mga bata na mayroong nakalaang bilang sa bawat
pangalan nila.Ibigay ang mga paraan sa pagpili ng pinuno.
Gupitin at pagkatapos idikit ito sa manila paper ng tamang
paraan ng pagkakasunod-sunod sa pagpili ng pinuno
E. Paglilinang sa Kabihasan Pangkatang Gawain-(Bigyan ng guro ng worksheets)
(Tungo sa Formative Assessment ) Pangkat 1 Magsagawa ng dula- dulaan tungkol sa isang
halalan dito sa ating silid-aralan. Ipakita ang mga hakbang
sa pagpili ng mamumuno sa lungsod.
Pangkat 2 Iguhit ang mga paraan sa pagpili ng pinuno sa
ating lungsod
Ipaliwanag sa klase ang mga ginuhit na larawan.
Pangkat 3 Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagpili
ng pinuno.Lagyan ng bilang 1-5 ang tamang
pagkakasunod-sunod nito.
___Magkakaroon ng eleksiyon kung saan lahat ng
nakarehistro ay puwedeng bumoto.
___ Ang isang kasapi ay nais maglingkod sa kanyang
kapwa sa pamayanan.
____ Ang nanalo sa bilangan ang siyang tatanghaling
panalo at maaari ng manungkulan.
____ Ang nais maglingkod ay maghahain ng kanyang
certificate of candidacy sa Commision on Elections.
___ Bibilangin ang balota upang malaman kung sino ang
pinili ng mga kasapi ng pamayanan.
Pangkat 4 Basahin ang mga paraan sa pagpili ng
pinuno.Ipakita ito sa pamamagitan ng rap,awit o tula
Pangkat 5 Ayon sa batas,hindi lahat ay maaaring
tumakbo upang mahalal bilang tagapaglingkod. Lagyan ng
tsek(√) ang kailangang makamit upang makatakbo sa
eleksyon
Opo Hindi po
1.Kailangan ay
isang Pilipino at
rehistradong
botante.
2.Nakatira nang
mahigit pa sa 6 na
buwan kung saan
nais niyang
mamuno.
3.Dapat ay 18
taong gulang
pababa.
4.Marunong
bumasa kahit hindi
marunong sumulat
5.Dapat ay 21 na
taong gulang
pataas
F. Paglalapat ng aralin sa pang araw araw na buhay Halos 10 taon kayong nanirahan sa bayan ng
Cuyo,Palawan at 5 buwan pa lang kayong nakatira dito sa
lungsod ng Puerto Princesa.Nais tumakbo at maglingkod sa
ating lungsod ng iyong kapatid bilang Alkalde o Mayor ng
Puerto Princesa ngayong darating na halalan Mayo,2019.
Maaari ba siyang tumakbong kandidato sa ating lungsod?
Ano ang sasabihin mo sa iyong kapatid?
G. ** Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang mga paraan ng pagpili ng mga namumuno sa
lungsod?
H. Pagtataya ng Aralin Ano-ano ang mga paraan sa pagpili ng pinuno?Lagyan
ng bilang 1-5 ang tamang pagkakasunod-sunod nito.
___Magkakaroon ng eleksiyon kung saan lahat ng
nakarehistro ay puwedeng bumoto.
___ Ang isang kasapi ay nais maglingkod sa kanyang
kapwa sa pamayanan.
____ Ang nanalo sa bilangan ang siya tatanghaling panalo
at maari ng manungkulan.
____ Ang nais maglingkod ay maghahain ng kanyang
certificate of candidacy sa Commision on Elections.
___ Bibilangin ang balota upang malaman kung sino ang
pinili ng mga kasapi ng pamayanan.
I. Karagdagang gawain para sa takdang aralin Magsulat ng isa o dalawang proyektong ipinapatupad ng
(Assignment) mga namumuno sa ating lungsod.

Inihanda ni:
ANALIZA R. PUGAL
Teacher I
Observed by:
RACQUEL G. CIMATU
T-III/OIC Labas Elementary School

You might also like