You are on page 1of 3

Grade Level 3

Learning Area Araling Panlipunan


Quarter Ikaapat

I. Objectives
Naipamamalas ang pang-unawa sa mga gawaing
Content Standard pangkabuhayan at bahaging ginagampanan ng pamahalaab
at abg nga kasapi nitom nga pinuno at uba pang
naglilingkod tungo sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng
mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing


Performance Standard panlalawigan tungo sa ikakaunlad ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.

1. Natatalakay ang paraan ng pagpili ng mga pinuno ng


lalawigan.
Learning 2. Nakapagmumungkahi ng mga pamantayan sa mga
Competencies/Layunin pagpili ng mga ninuno.

II. Content/Aralin Paraan ng Pagpili ng mga Pinuno ng Lalawigan.

III. Learning Resources


References Araling Panlipunan 3 Learner’s Module
Curriculum Guide

Kagamitan Laptop, Projector, Task Cards para sa bawa’t Partido at mga


balota

IV. Pamamaraan

I. Pagganyak at Pagbabalik-aral
Magkakaroon ng laro kung saan huhulaan ng mga mag-
aaral ang pinuno ng lalawigan na nasa larawan.
Bago Magsimula ang Aralin Itatanong ng guro kung ano ang posisyon nito sa
pamahalaan at ano ang kanyang mga tungkulin.

II. Paglalahad ng mga Layunin at Paksa


Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin ng aralin.

“Sa mga nakaraang aralin, nakilala natin ang mga


pinuno ng ating lalawigan at ang kanilang mga
tungkulin. Ngayon, pag-aaralan natin kung paano
pinipili ang mga pinuno.”

I. Initiation and Direction

Itatanong ng guro sa klase: “Paano pinipili ang mga


pinuno sa ating lalawigan?”

Hihikayatin ng guro na sumagot ang mga mag-aaral


dahil sa puntong uto, walang tama o maling sagot.
Ililista ng guro ang mga sagot sa pisara.

II. Describing the Scenario

Magpapanood ang guro ng isang video na nagpapakita


ng pangangampanya at halalan sa Pilipinas. Hihikayatin niya
ang mga mag-aaral na obserbahan ito.

Habang nasa Araling Ilalahad ng guro ang sitwasyon: “Malapit nang matapos
ang termino ng mga pinuno ng lalawigan. Panahon na
upang humanap ng mga bagong pinuno. Sa klase ngayon,
gagawin natin ang mismong proseso ng pamimili ng
pinuno.”

III. Assigning the Roles

1.) Bubuo ang guro ng tatlong grupo. Magkakaroon ng


bunutan para malaman ang mga gaganap.

2.) Bibigyan ng 5 minuto ang bawat grupo para


magusap-usap. Kailangan nilang magtakda ng isang
Gobernador, Bise Gobernador, at apat na bokal. Iisip
din sila ng mga programa na ipinatutupad nila bilang
pinuno at pamamaraan kung paano sila
mangangampanya sa klase.

3.) Paaalalahanan ang klase na kailangan nilang makinig


at magtanong sa mga kandidato dahil sa huli, sila
mismo ang pipili ng mga pinuno.

IV. Enactment
Magkakaroon ito ng dalawang bahagi:

1.) Kampanya- Ilalahad ng bawat Partido ang kanilang


programa at sasagot sa ilang tanong ng mga kaklase.

2.) Eleksyon- Magbibigay ang guro ng balota sa lahat ng


mga mag-aaral at iboboto nila ang pinakanararapat
na pinuno. Bibilangin ang mga boto pagkatapos at
idedeklarang panalo ang mga kandidatp na may
pinakamataas na boto.

V. Debriefing
Itatanong ng guro ang mga sumusunod sa klase:

1.) Ano ang masasabi ninyo sa ating Gawain? Ano-ano


ang iyong obserbasyon?

2.) Ano ang naramdam ninyo bilang mga kandidato?


Bilang mga manonood?

3.) Batay sa ating ginawa, paano pinipili ang mga


pinuno sa lalawigan? Ano ang tawag sa
pamamaraang ito?

4.) Ano kaya ang mga posibleng kalakasan at kahinaan


ng ganitong pamamaraan?

5.) Paano ninyo pinili ang inyong ibinoto?


I. Pagbubuod

Itatanong ng guro ang mga sumusunod:

1.) Paano pinipili ang mga pinuno sa lalawigan?

2.) Ano ang mga kalakasan at kahinaan ng ganitong


pamamaraan?
Pagkatapos ng Aralin
II. Kasunduan

Sa isang short bond paper, gumawa ng isang poster na


nagpapakita ng tatlong pamantayan na dapat isaalang-
alang ng mga tao sa pagpili ng mga pinuno ng lalawigan.
Kulayan ito at lagyan ng isang talatang paliwanag.

Pamantayan sa Paggrado:

Nilalaman- 10 Puntos
Pagkamalikhain at Kalinisan- 10 Puntos
KABUAAN: 20 Puntos

You might also like